Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Ms. Aileen Lucero (Spokesperson-EcoWaste Coalition) Kalye Escalera Interview Dec. 29, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Aileen Lucero (Spokesperson-EcoWaste Coalition) Kalye Escalera Interview Dec. 29, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Hi Aileen, good morning!

AL: Good morning sa inyo at sa inyong mga tagapakinig ng Radyo ng bayan!

KE: Welcome sa aming programa! Ms. Aileen ang EcoWaste Coalition ay pukpukan na sa inyong ginagawang kampanya dahil dun sa pagsalubong sa bagong taon.

AL: Maraming tao ang sumama sa aming kampanya.

KE: Sa tingin niyo maraming nakinig sa inyong panawagan?

AL: Sa tingin naman namin dumadami naman kasi sabi ng mga nagbebenta ng mga paputok ay bumababa yung kanilang benta. Hindi lang namin makuha dun sa bilang ng nasasakatan talaga kasing ang dami pa rin.

KE: Binalita mo na tingin niyo dumadami naman ang nakikinig sa inyo dahil bumababa ang sales ng nagatitinda ng paputok. Pero siguro pag nag-i-interview kayo ng mga nagtitinda ng paputok siguro isipin mo na lang kung ano ang nasa utak nila habang nagtatanong kayo sabi nila ito na yung mga kontrabida sa buhay namin, marami bang nagagalilt sa inyo?

AL: Yun din ang isa na kino-consider ang talagang panawagan ng ecowaste ay total banning ng firecrackers at fireworks. Dahil ito ay nakakaapekto land, air at water pollution pero dahil meron pa rin consideration for the manufacturer ng firecracker at industriya ng paputok. Hindi nago-go yung banning kino-consider pa rin sila.

KE: Balita ko pag pinagpatuloy pa rin yung pagpu-push dito sa total ban ng paputok magiging ban na rin kayo sa lalawigan ng Bulacan, bawal na kayong tumapak dun?

AL: Huwag naman sana kasi para sa kaligtasan at kapakanan ng higit na mas nakakarami  yug sinusulong ng EcoWaste Coalition.

KE: Give us some guidelines balikan natin ang inyong mga panawagan, Ano ba ang dapat just in case na wala pa tayong total ban sa firecrackers at this point so meron pa rin diyang makukulit na bibili ng paputok. Okey kung bibili ka ano ang pamantayan, patuntunan sa pagbili ng tamang paputok?

AL: Gaya ng DTI dapat meron yang lisensiya, may proper labeling para alam mo kung sino ang hahanapin mo. Ang no. 1 talaga huwag hayaan ng mga magulang yung mga bata na bumili ng mga paputok lalo na yung piccolo kasi puro bata yung nagiging biktima nito. Eto yung mga 6 yrs. old pababa tapos gumamit tayo ng mga alternative news makers kasi noong araw ang pampaingay kinakabit lang natin sa bisikleta sa mga vehicles natin yun ang ginagamit nating pampaingay. Meron pa tayong torotot yung pet bottles puwede rin nating gamitin.

KE: May mga nagsasabi na mapanganib sa pandinig naman yung torotot meron ba kayong mga tips na maibibigay kung sino man ang gagamit niyan?

AL: Ang allowable na decibels ay 60 kung meron gagamit ng torotot na masyadong malakas ingatan na tumapat ito sa mismong tenga ng mga tao.  Mas maganda na ihipan siya papalabas dun sa ating bahay at sa ating kapaligiran huwag po talagang itatapat sa tenga.

KE: Yung iba bata makulit itatapat talaga sa tenga ng kanila kapwa bata.

AL: Yung mga paputok natin ngayon ay mas doble po yung ingay na nalilikha niya mas mataas sa 60 decibels na sine-set natin.

KE: Paano ba nasusukat itong no. of decibels?

AL: Yun pong kayang i-tolerate ng ating tenga ay hindi pa pumapalo sa 60 decibels hindi siya nakaka-cause ng pagkakabingi.

KE: Nasa pitch siguro yun at ingay kasi meron ngang mababa pero parang nakakadagundong ng puso mo. Pero itong mga torotot hindi rin ba ito delikado sa tenga sa pandinig. Balita ko delikado daw ito sa lalamunan?

AL: Yes po, isa po yan sa lumabas na health advisory FDA na ito ay puwedeng maging choking hazard. May mga ilang torotot natatanggal po yung mismong pampito niya na nakabalot lang sa foil. Natatanggal siya pag yung bata umiihip pa ng hangin nakakabit pa ring yung torotot pag natanggal yun puwede nilang makuha.

KE: Bigyan ko lang ng karagdagan tulong ko na sa Ecowaste Coalition yang paggamit ng torotot ay mag-ingat kayo lalo na sa mga kabataan na magtuturo ng ilang mga habits na di maganda paglaki nila. Kasi naman tandaan niyo hindi po isinusubo ang mga bagay na hindi naman pagkain. Marami kasi ang nagsusubo ng kung ano-ano ayan nacho-choke tuloy kayo.

AL: Mahalaga talaga yung guidance ng magulang.

KE: Ano naman a ng masasabi ninyo sa kampanya mg DOH naglabas sila ng bagong CD na ang laman ay mismong tunog ng mga paputok?

AL: Natutuwa kami sa ginawa ng DOH at kami ay nakikiisa sa kanilang programa, maganda po yun ang bottom line kasi makapag-produce lang ng ingay ng paputok. Yun na hindi na kailangang magpaputok na actual kundi patutugtugin mo lang siya kaya maganda yung ginawa nila.

KE: Kaya lang some of my friends nakablita nito ang sabi ang corny naman para namang niloloko ko sarili ko nanonood ako tapos palakpak ako ng palakpak eh puwede ko namang i-replay.

AL: Puwede naman kasing yung kasabay ng kanilang panawagan na community fireworks display. Habang nanonood ka ng fireworks display at nasa bahay ka puwede mong patugtugin yung kanilang CD player at least hindi ka na gagastos at actual na magpapaputok.

KE: At mayroon pa dung isang kanta ng 6 cycle mind na puwede raw gamitin pag merong street party.

AL: Sana yung mga mahilig magpaputok yan yung puwede nilang gawin na magbabarkada yung mag-street party.

KE: So pabor ang EcoWaste Coalition sa hakbang ng DOH na yan?

AL: Opo! mas maganda kasi yung pera na gagamitin natin imbes na bumili ng paputok ng ilang minute na lang na mag-iisparkle pambili na lang natin ng pang media noche natin. Kung masyado namang sobra yung pera i-donate na lang natin for the Sendong victims kasi mas malaki ang mararating ng ating pera kesa yung 15 mins. na pailaw. Kawawa yung mga bata at matatanda na makakalanghap ng usok na puwedeng magkaroon ng asthma.

KE: Makakaasa ka na ako personally I’m committing pledge ko to na ako rin ay I’m joining sa kampanya na huwag ng magpaputok this New Years eve. Ang kampanya ko nga gagamit na lang ng torotot at ang panawagan ko pag magtotorotot kayo ay blow gently, blow softly.

AL: Maraming salamat!

KE: Maraming salamat din sa iyo!



           




Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Usec.Salvador Salacup (Dept. of Agriculture) Kalye Escalera Interview Dec. 22, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Usec.Salvador Salacup (Dept. of Agriculture) Kalye Escalera Interview Dec. 22, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Hello sir, good morning!

SS: Good morning at mabuhay! I’m broadcasting live at Dagohoy market dito po sa San Andres Bukid  together with Sec. Gregory Domingo of Departmen of Trade and Industry. Well kumpletuhin na nating yung report ang nakikita namin ni Sec. Domingo at Usec. Zeny Maglaya ay very stable ang ating prime at basic commodities. Lalo na yung mga agricultural products yung manok, baboy, isda napakaraming supply dito. Which is reflective of the vibrant need ng ating industriya ina-assure po natin ang publiko despite the calamities na dinaanan ng ating bansa very stable ang supply ng ating agricultural product. At the same time yung price level ay parehas po walang nagsasamantala at agad yung report natin kung meron kayong nararamdaman na merong nagsasamantala sa mga price level. But as of this morning base on the declaration na tayo ay under price freeze noong inanounce ng ating mahal na Pangulo ay stable po ang price level ng ating mga commodities.

KE: Ano ho ba ang mga imported na isda ang binebenta ngayo sa ating pamilihan. Dahil dito sa mga balita sinasabi ng BFAR mino-monitor nila yung pagbagsak ng mga imported na isda dito meron ba kayong information kung ano itong mga imported na isda na ito?

SS: Usually ang ini-import na isda ay para sa canneries natin yung mga pang sardinas, talakitok, galunggong ini-import po yan. Meron po tayong polisiya kapag ito ay inimport diretso dapat yan cannery at processing facility. Bawal yan iduretso sa wet market kaya napapansin niyo for 2 wks. may nira-raid na mga palengke ang ating gobyerno. Kasi nga bawal yan at hindi rin tayo sigurado na pag nilalabas nila ay ano ang dahilan nun. At pinalulusot nila kaya nga yung seguridad, food safety, hygiene ay isa sa tinututukan ng pamahalaan. Para ang ating consumers ay maging kampante na ang kanilang binibili ay mura, malinis at walang kargang sakit o peste.

KE: Di po ba parang sosyal sasabihin ko ang galunggong ko ay imported?

SS: Meron niyan, meron din yung local kasi ang galunggong ay isa sa mga highly demanded na isda sa ating bansa. So there are some importers who brings it in kaya nga lang ho ang warning dapat sa processing facility.

KE: Seryosong tanong kasi yung nangyari sa Mindanao ditio sa Cagayan De Oro particularly. Sa ngayon po siguro wala pa talagang impact yan sa ating mga produkto dahil of course harvest nung mga nakaraang panahon. What particular crops do we source from these areas affected by Sendong?

SS: Well it’s a very good question, yung mga nanggagaling sa Region 10 at 9 na sinalanta ni Sendong kasama na sa Negros Oriental. Ang nangagaling po diyan karamihan ay palay, mais, gulay at konting produktong manok yan ang binabantayan naming mabuti with regards to the supply level. Pero huwag hong mag-aalala ang taong bayan ang supply na nanggagaling diyan ay very minimal lang po. Ang palay at mais for instance yung dinaanan ni Sendong yan ay nasa seedlin, so hindi pa po yan makakapinsala ng malaki dahil bagong tanim at nagsisimula palang tumubo. Kaya madali pang makaka-recover yan at ang ating mahal na kalihim si Sec. Alcala ay nagbigay na ng directive na ma-identify na yung mga natamaang magsasaka ng palay at mais at gulay. Para sila ay masuportahan ang palit tanim program.

KE: Yan na ay pino-proseso na ngayon?

SS: Opo, papalitan yun para mabilis maka-recover yung mga nasalanta ng bagyong Sendong. Kaya nandito kami ni Sec. Domingo para i-assure public umiikot kami ngayon sa mga pamilihan bayan to ensure na ang availability, stability ng prices ng ating basic and prime commodities  is at a very stable level.  Yung assurance na ginagawa ng gobyerno ngayon wala ho tayong dapat ipangamba, tinitignan din namin ni Sec. Domingo yung rice station dito sa bentahan ng bigas at nakita natin na ang pinakamababang presyo ng commercial rice is P29.00 to P230.00 per kilo, the assurance is there.


KE: Kasama niyo po ngayon si DTI Sec. Domingo marami nagtataka Usec. sapagkat normally ang ginagawa ng DTI ay surprise visit for inspection, pero bakit po ngayon ay naka-broadcast ang pag-iinspeksiyon sa mga  pamilihan. Baka maagang narinig ng mga tindera at agad nilang binaba yung presyo?

SS: Hindi po in fact hindi namin inanounce ang bibisitahin namin and for the rest of the week, we will continue to monitor. Strategically located buying areas wet market hindi lang supermarket just to ensure. Alam niyo naman ngayong kapaskuhan may gustong tumaas ang tubo ay kailangang i-control sila at makisama sa kapanahunan ng kailangan ay lahat masaya from our farmer, fishermen, biyaheros and of course to the consuming public everybody should be happy ngayong kapaskuhan.

KE: Magkano na po ang presyo ng manok at pork?


SS: Dito po sa Dagohoy market very stable ang manok P125 to P130 presyo na yan as 4 months ago. Ang baboy naman ay P150 to P180, ang bigas ang pinakamura ay still P29 to P30 per kilo. Ang gulay po ay nagra-range ng P40 to P50 which is stable price for this period. So generally yan ang report stable na stable ang ating prime and basic commodities.

KE: Sa ngayon ina-asses pa yung pinsala sa mga pananim dulot ng bagyong Sendong pero dun initial crop damage magkano na ang inabot?

SS: Sa report yesterday nasa P15M for 4 Regions 10, 9, 4B at 7, but we’re expecting a little bit more additional damage. Pero ang sabi nga natin hindi ganung kalaki yan bec. yung sa palay at mais ay nasa vegetative and seedling stages lang po yun. So no worry that the supply levels for the consuming public will be affected by this tragedy that typhoon Sendong brought about.

KE: P15M nakikita po namin ay maliit ito at maaring mas malaki ang pinsala ng bagyong Sendong sa mga mismong tao?

SS: Tandaan po natin that the tragedy was in the city in the urban area in the form of floods, but with regards of heavy which damage our agriculture production areas walang masyadong report from that. Tuloy pa rin ang aming monitoring para agad masuportahan natin yung mga affected farmers para po madali silang maka-recover dito sa naganap na damage na binigay ni bagyong Sendong.

KE: Natitiyak ba ng mga consumers  na hindi maapektuhan yung supply ng bigas sa susunod na taon?

SS: Dito sa P15M very minimal 2,000 hectares pa po yan and as I said they are in the seedling and vegetative stages madali po yang mapapalitan ng mga binhi na available sa Dept. of Agriculture. As we are partnering with the local govt. units yan ang tinatawag ni Sec. Alcala na palit tanim program. So kailangang mag-enlist lang yung mga affected farmers palay, mais o gulay with their local govt. unit yung kanilang municipal agriculture office. At agad po pag na-validate na yan ay ipapamahagi na namin yung palit tanim na seedlings na pamalit doon san a-damage na pananiman.


KE: Final question na po ito Usec. Salacup what is your Christmas wish?

SS: Since I’m from the Dept. of Agriculture I would want a vibrant and healthy Philippine Agriculture to ensure full security to our countrymen. Kailangan ang magsasaka, mangingisda maging highly productive sila para available ang pagkain para sa ating bansa.

KE: Alright, panalo maraiming salamat po at Merry Christmas sa inyo Usec. Salacup!

SS: Thank you!




Miyerkules, Disyembre 14, 2011

Sec.Butch Abad (DBM) Kalye Escalera Interview Dec. 15, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec.Butch Abad (DBM) Kalye Escalera Interview Dec. 15, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sec. Butch Abad good morning!

BA: Magandang umaga!

KE: Kasama niyo po si Kuya Marlo Dalisay, si Joee G. at si Ms. Tea. Sec. all set to go na talaga na pipirmahan na ni Presidente ngayong araw itong ating national budget para sa susunod na taon?

BA: Mamayang  alas-diyes nakatakda na yung pirmahan at dadalo dun ang Senate President, ang Speaker, ang Chairman ng Committee on Finance at Chairman ng Committee on Appropriation tsaka yung mga kasapi ng Committee on Appropriation at mga kawani ng gobyerno.

KE: Dito po sa halagang P1.8T ay ito talaga yung ipinanukala niyo o ito ay nabago ng Kongreso?

BA: Hindi na nabago buong-buo naipasa sa House at buong-buo na naipasa sa Senado, so walang dagdag, walang bawas.

KE: Congrats sir! patunay iyon na talagang malakas ang suporta ng ating Kongreso ngayon sa ating administrasyon.

BA: Natutuwa po kami at nagpapasalamat kami kay Sen. Enrile tsaka kay Speaker Belmonte. Dahil hindi lamang napasa ng buong-buo kundi nasunod talaga yung schedule. Nag-umpisa kami nung July 27 nung aming isinumite yung budget dun palang nagkasundo na kami sa akinse ng Disyembre malalagdaan ito ng Presidente. Kaya nasunod yung usapan eto yung kauna-unahang pagkakataon na pinakamaagang malalagdaan ng Pangulo ang budget sa kasaysayan ng pagba-budget.

KE: in terms of allocation ano po yung top five budget getters kumbaga?

BA: Ang pinakamalaki napunta sa social services katulad ng Conditional Cash Transfer, basic education, proper health at sa affordable housing yung mga tulong sa mga mahihirap. Pangalawa yung economic services halimbawa yung paggawa ng kalye, irigasyon. Kung sa mga expenditure items pinakamalaki yung sahod ng mga nasa gobyerno na umaabot ng limang daang bilyong piso at susunod dito ay serbisyo para sa mga tao.

KE: Previously there was also emphasis of military Armed Forces malaki rin po ba ang alokasyon ang sektor na ito?

BA: Malaki ang alokasyon ng Armed Forces at kapulisan mahigit isang daang libo bawat isa. Of course ang pinakamarami DepEd meron silang 560,000 teachers palang.

KE: Pero ito po ay budget natin sa susunod na taon 2012, balikan ko po  itong kasalukuyang budget Sec. meron pa ba tayong natitira o may savings tayo ngayon?

BA: Siguro na-release namin at this point mga 95% .

KE: Ano ho ang gagawin sa 5% na matitira kung ito po ay hindi natin mako-consume hanggang sa matapos ang Dec. 31?

BA: Dalawang bagay ang puwedeng mangyari dun magawa na siyang savings hindi na siya gagstusin para makatipid ang gobyerno. Pero kung infrastructure yang maca-carry over next year para maipagpatuloy ang pagsasagawa nito sa susunod na taon.

KE: Pero ano ho yung malaki ngayon savings o infrastructure?

BA: Mas malaki yung infrastructure yung savings hanggat maaari ay nagtitipid maliban lamang kung halimbawa yung savings natin sa interest payment P37B savings na yun.

KE: Wala na ho bang nakalimutang ibigay ang DBM na benepisyo  ngayong taon dito sa mga empleyado ng gobyerno. Including yung huling 10,000 na pesos na inanunsiyo ni P-Noy?

BA: Yan ang pinakamabilis na naibigay pa gang pinag-uusapan ay benepisyo mabilis pa yan sa metro ng taxi.

KE: Sec. kasi may nagtataka bakit daw po hindi pa raw nila nakukuha yung additional bonus samantalang sa ibang govt. agency ay mas nauna na, ano po yung paliwanag doon?

BA: Yan ang hindi ko alam kasi kung walang detalya mahirap sagutin, peroa alam mo nung January palang etong mga bonus ni-release na namin sa mga tanggapan. Ang hinahawakan lamang nila ito pag nakatanggap sila ng order na puwede ng i-release. Nire-release na  so Enero palang wala na sa atin yung mga cash gift at mga 13th month pay. Yung additional P10,000 ni-release namin yan umpisa Dec. 8.

KE: Kasi marami hong nagtatanong , bakit sa amin wala pa.

BA: Halimbawa ang local govt.  at GOCC hindi galing sa gobyerno yung kanilang bonus galing dun sa kani-kanilang opisina. Halimbawa kung lungsod ka hindi mangagaling sa national govt. kundi sa kanilang NGO o kaya GOCC hindi mangagaling sa national govt. kundi sa mismong tanggapan ninyo.

KE: Nitong mga nakalipas po na araw naging kontrobersiyal at ginawa ng mraming estudyante ay nagprotesta sa sinasabing budget cut. Ang sinasabi niyo po ay buong naaprubahan na at yan ba ay maibibigay na at yan po ba ay kumpirmasyon na wala talagang budget cut?

BA: Liwanaginn natin kasi minsan hindi naman totoo yung mga sinasabi, ngayon mismo hahamunin ko kayo ngayon palang pumunta kayo at tignan niyo yung budget. At kung walang increase yung SUC puputulin ko yun daliri ko.

KE: Huwag naman po Sec.

BA: Alam niyo kasi minsan mga estudyante nadadala sa mga propaganda siyempre maraming nagtatawag ng pansin. Dapat sabihin nila yung katotohanan hindi nila nililinlang ang mga estudyante.

KE: So wala pala silang dapat ipangamba?

BA: Wala naman.

KE: Sec. huling tanong na po kasi yung mga public school teachers ang nagsasabi na sila ay wala pa rin daw o hindi pa nare-receive ang P10,000. At tinitira ang pamahalaan ngayon may mga nagsasalita na ayan nagpapabida daw ang administrasyon, ano ang masasabi niyo dun?

BA: Ang tanong ko sa kanila sabihin nila kung sino sila at anong eskuwelahan ang wala. Kasi madaling magsalita in general ang hamon ko sa kanila sabihin nila kung sino yung mga nawalan at matitiyak ko sa inyo na may dahilan kung bakit. Naibigay na namin sa DepEd wala na sa gobyerno yung kanilang bonus. Ang puwede nilang singilin diyan kung meron mang delay ay ang DepEd.

KE: With that Sec. pakakawalan na po namin kayo Sec. maraming salamat po!

BA: Maraming Salamat!




Lunes, Disyembre 12, 2011

Sec.Sonny Coloma (PCOO) Kalye Escalera Interview Dec. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec.Sonny Coloma (PCOO) Kalye Escalera Interview Dec. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sec. Coloma, Merry Christmas po!

SC: Merry Christmas at magandang umaga sa inyong lahat!

KE: Ang makakausap niyo po ay sina Marlo, sin Ate Joee G. at si Ms.Tea dito sa Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan!

SC: Good morning!

KE: Ang itatanong ko lang Sec. I’m so impress ang aga-aga gising ka na working ka na?

SC: Meron po tayong hearing ngayon doon sa Senado na tinawag ng Senate Committee yung public information. Para talakayin yung panukalang batas na nag-a-amyenda sa charter ng Peoples Telvision kaya maaga po tayo ngayon dito sa Senado.

KE: Sec. kagaya ho ba ng mga Senador kayo ay pinasorpresa din sa pinakamalaking kaganapan kahapon diyan sa mababang kapulungan sa Kongreso?

SC: Bahagya lang po hindi naman total na nasorpresa sapagkat nung mga nakaraang araw meron na rin pong usap-usapan na ganyan. Pero dahil ang prosesong ito ay initiative ng mga Kongresista na mga kinatawan natin sa Kamara mga Representante. Hindi naman po kami nanghi-himasok sa kanilang mga proseso kaya kami lang ay naghihintay lamang, nagmamanman kung ano ang posibleng maganap diyan.

KE: Ano po ang saloobin ngayon niyo diyan sa paligid ng Palasyo ng Malacanang ngayon pong nangyari na nga ito. At naimpeach na nga si Supreme Court Justice Renato diyan sa Kamara?

SC: Sa akin pong palagay meron tayong pagkakataon ngayon na ilahad sa taong bayan kung ano ang batayan sa pagsasabing na ang ating Chief Justice ay lumabag sa kanyang sinumpaang tungkilin. Ito nga ay nakalatag doon sa limamput pahina na articles of impeachment for resolution na nilagdaan ng 188 or 2/3 ng Kamara. Siguro po ito ay magandang pagkakataon para magkaroon ng liwanag yung mga isyu na inilalahad natin. At kung pagbabatayan natin yung mga nakaraang impeachment ni Pang. Erap magiging laganap yung coverage nito. Talagang masusubaybayan ng mga mamamayan at mauunawaan po nila ang mga isyung inihaharap. Magkakaroon ng sapat nga pagkakataon si Chief Justice na sagutin at harapin yung kanyang paratang sa kanya. Sapagkat dapat po nating linawin tila yung iba natin kababayan ang pagkaunawa nila ay yung impeachment ay parang may parusa na hindi naman po ganun. Yung impeachment ay paghaharap lamang bill of particular hinggil sa mga paratang at meron pa namang trial na magaganap. Katulad din po ng general principle po sa ating batas meron naman pong pagkakataon diyan may due process po na igagawad sa Chief Justice.

KE: Nabanggit ho niyo kanina na malawakan ang coverage at under sa inyong pangangasiwa ito PIA, itong ating himpilan ang Radyo ng Bayan, ang PTV-4. Na binabanggit din niyo kanina didinggin yung mga pagbabago diyan sa Senado ngayon. Kung mag-umpisa na ang trial sa Senate live coverage ho ba yun na dito sa ating state-owned media networks?

SC: Paglilinaw lang po yung aking ikinuwento kanina ay yung naganap noong nakaraan. Yun pong magiging partikular na patakaran dito ay bigyan natin ng pagkakataon ang ating Senado na maglatag kung anong patakaran ng ipapasunod nila. Ang akin pong pakiwari ay hihilingin ng mga nertwork pati mga private network hihiling na magkaroon ng coverage. Siguro naman batay sa nakaraang karanasan ay ibibigay naman ito subject to certain regulation para maging maayos yung proceeding. Pero paubaya na natin yun sa Senado kung anong desisyon tungkol patakaran nila.

KE: Ito naman ang tanong ko kayo po nga aking crush na itong si P-Noy ay nagkaumpugang landas na simula ng nangyari ito kagabi. Ano kaya ang reaksiyon niya soild na solid ang suporta sa kanya ng mababang kapulungan 188 eh siyang nanawagan. Itong si Corona ay matanggalan ng Corona ito na nga ngayon, ano kaya ang reaksiyon niya tungkol dito?

SC: Wala pa kaming napag-usapan sapagkat ang huli kong pagkakataon makasama siya ay doon sa turnover ng AFP chief of staff kahapon pa ng umaga. Simula noon ay hindi ko pa nakakausap ang ating Pangulo siguro hintayin na lang po natin yung kanyang opisyal na pahayag. Kung ibabatay po natin sa naging pahayag ni Speaker Belmonte ang nabasa ko po sa sinabi niya ay aware ang Pangulo hinggil dito. Sa kanyang pagkakaalam suportado ito  ng Pangulo pero sila na nga lang po ang dumiskarte dito sapagkat ito naman ay initiative ng mga kinatawan natin at  hindi naman kami nanghimasok sa proseso nila.

KE: Sec. sa pag-uusap po natin kahapon nilinaw niyo na tungkol po dun sa sinasabing hidwaan sa pagitan  ng Malacanang at Korte Suprema. Ngayon poi sang araw lang ang lumipas ay nakapasa na sa Kamara agad yung impeachment complaint. Ang iniisip ng iba iti ay sadyang minadali, ano po yung inyong masasabi tungkol po diyan?

SC: Mainam at naitanong mo yan, dalawa ang paraan na paghaharap ng impeachment. Yung una kapag ang isang kasapi ng Kamara o isang ordinaryong mamamayan na inendorso ng isang kasapi ng House of Representative ay nag-file ng impeachment complain isasalang po ito sa House on Committee on Justice. At ibeberika  po at pagkatapos iberika dadaan dun sa Committee process yun po ang unag paraan. Pangalawang paraan maaring magharap ng isang resolution na may lagda ng at least 1/3 ng komposisyon ng House of Representative. Kung hindi po ako nagkakamali 95 yung 1/3. At kung meron pong 1/3 at may nakahanda ng articles of impeachment na napakaloob sa isang resolution. Ito ay maaari ng iharap sa plenaryo at isumite sa Senado ito po ang nangayari nung 2000 nung na-impeach si Pres. Erap. Kung naalala niyo ang speaker nun ay si Manny Villar tuloy-tuloy at hindi na dumaan sa Committee tuloy-tuloy na sa Upper House. Dineklara ng speaker noon na meron ng 1/3, 73 ang 1/3 noon meron daw po silang 77 lagda at tuloy-tuloy na naisumite sa Senado. Kagabi naman po nalaman  po nila na meron ng 188 na  sobra-sobra doon sa 1/3. Ilinaw lang po natin hindi po tama para sinuman na magsabi na ito ay minadali ito po ay naayon sa tamang proseso.


KE: Kaya kinukumpara namin yung nangayarin nung time ni Speaker Villar at yung kahapon na nangyari under Speaker Belmonte parang mas smooth sailing yung kahapon.

SC: Naalala nga po natin ang pagkakaiba lang ay ngayon po ay malinaw na overwhelming yung pagsuporta. Sapagkat hindi lamang ang 1/3, 2/3 po kinompute ko yung 188 over 264, 2/3 po ang nakuhang boto. Naayon po ito sa patakaran ng House of Representatives wala pong shortcut at wala ring reloading. Naayon po ito sa proseso hindi ho tamang sabihin na minadali.

KE: Si Chief Justice Corona may sinabi po na maaring magkaroon ng constitutional crisis kung siya ay ma-impeach, ano naman po ang iyong komento doon?

SC: Yun po ang opinion niya kami naman po parati po naming sinasabi na hindi po kami lumilikha ng crisis at ayaw po namin lumikha ng ligalig. Sa akin pong opinion mas mainam na nailagay na ganyang forum para maging maayos ang usapin kaysa sa pinagtatalunan lamang sa media. At pinag-uusapan sa informal forum kung ang isyu ay inilahad na sa isang impeachment court. Meron po tayong sapat na pagkakataon para pag-aralan ng lahat na ito at tignan kung may sapat na batayan.

KE: Meron na ho bang direktiba si Pangulong Noy sa pagkakatalaga ng bagong AFP chief?

SC: Malinaw naman po ang kanyang direktiba kahapon sa kanyang talumpati sa chain of command sa AFP. Ang prayoridad ay patatagin ang pangangalaga sa ating tanggulang pambansa sapagkat maraming hamon lalo na sa West Phil. Sea. Malinaw naman pong maunawaan ang ating bagong Chief of Staff si Gen. Dellosa . Kung ano po yung prayoridad ng ating Pangulo at nilahad po niya yan sa kanyang talumpati  unang-una yung strengthening ng territorial defense ng ating bansa sapagkat maraming hamon sa kasalukuyan . No. 2 yung internal peace and security na ang pangunahing programa ay yung bayanihan. Ang pangatlo ay disaster preparedness at pang-apat ay yung integridad ng organisasyon sapagkat kung maaalala natin ilang buwan lang ang nakaraan. Noong mag-takeover si Gen. Oban kalungkot-lungkot po yung lumabas na nagsasabing ang AFP daw ay ang most corrupt agency. Kaya patuloy po yung  mga repormang isinasagawa para patatagin ang integridad ng AFP at wakasan na yung corruption na dating umiral dito.

KE: Maraming salamat po Sec. Sonny Coloma sa oras na ibinahagi niyo ngayong umaga!

SC: Maraming salamat sa pagkakataon at magandang umaga po sa kanilang lahat!


Lunes, Disyembre 5, 2011

Ms. Maricar Bautisa (AVP-PAGCOR) Kalye Escalera Interview Dec. 06, 2011/ 8 am. to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Maricar Bautisa (AVP-PAGCOR) Kalye Escalera Interview Dec. 06, 2011/ 8 am. to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Maricar! Ano ang latest?

MB: Ang latest ngayon ay yung aming ginawang Pamaskong handog 25 days of Christmas, 25 years of PAGCOR. Ngayon makaka-eleven or twelve event na kami.  We started Nov. 25 and it will end Dec. 19 naging 25 days of Christmas ito dahil this will co-inside sa 25 years ng PAGCOR.

KE: Parang inamyendahan niyo yung 12 days of Christmas na kanta? Tama bang  dinig ko na-excite ako sa nadinig ko 25 gifts of PAGCOR, 25 gifts ang gifts sa atin ng PAGCOR. Anu-ano ang detalye nito, dito sa inyong gift-giving na ito?

MB: Basically meron tayong institution na napili kung saan pagkakalooban natin sila ng kanilang minimithing regalo. Meron tayong mga gift-pack para sa mga individuals beneficiaries meron din sa mga institution. Like kahapon nga lang nagpunta tayo sa PNP kung saan over 150 beneficiaries ang ating pinagkalooban ng mga gift-packs at bukod dun mismong hiningi na rin ni PNP chief Bartolome yung pgakakaroon nila ng imported na X-ray machine na kailangan ng ating mga kapulisan pag sila ay nagkakasakit. We donated yesterday about P4M para sa X-ray na iyan.

KE: Okey yun, so after ng turn over sila na ang bahalang magmantene nun at yung mga pulis nila na kailangang magpa x-ray hindi na siguro lalabas lalo na yung nasa General headquarters?

MB: OO, kasi kailangan nila yan ganun din ang gagawin natin sa Army naman eto ay magaganap next Monday. Kung saan ang pangunahin naman magbibigay ay mismong si Pangulong Aquino at doon naman ay magdo-donate tayo ng P4.5M. Para yan sa hospital equipment doon sa hospital doon sa Cotabato, Zamboanga at Fort Bonifacio para naman sa mga kasundaluhan yan.

KE: Army ba ang susunod niyong pupuntahan parang gusto kung sumama diyan?

MB: Pero hindi lang yan marami tayong indigenous  na kababayan mamaya pupunta tayo sa Manila boys town at dun naman ay si Mr. Boy Abunda ang mamimigay at ibibigay niya yung oras niya para makasama itong mga nandito.

KE: Itong mga pinamimigay niyo sa mga kapus palad nating mga kababayan hindi ito yung mga lugaw-lugaw na kape-kape lang ito talaga yung mga pakikinabangan nila ng maayos?

MB: OO gusto talaga natin yung long lasting nila na mapapakinanbangan  mayroon tayong pakakainin sila meron tayon party with them. Meron ding mga gift-packs na kinakailangan nila merong mga ilang can goods, mga toiletries kung ano pa. Apart from that yung long lasting kung saan sa foundation nila magbibigay tayo ng mga yung tinatawag na wish list mamaya doon sa boys town mayroon silang konting hiniling sa atin.

KE: Kunwari ako ay nasa boys town ako na lang ang hihiling Ipod 2 na 3G, isang cellphone na Iphone din at isang pantalon na worth P17,000 hiling yan? Maiba naman ng konti kumusta naman ang revenue ng PAGCOR sa 3rd quarter at kung meron  na kayong forecast sa huling quarter ng taon?

MB: Patuloy naman yung pagtaas by the end of the year ay mami-meet namin yung target namin. I don’t want to say the figures pero baka mamaya magkamali ako definitely mas mataas kumpara sa last year.

KE: Mas mataas mula pa nung first, second, third quarter na talagang ang inyong naiipon ay di hamak na mas malaki kumpara nung nakaraang taon?

MB: Yes, kasi dun sa mga nakalipas naming mga releases na magmula Mayo hanggang Sept. sunod-sunod yan for 5 months ang winning streak ng record breaking na figures na revenues ng PAGCOR. So inaasahan naming na patuloy itong tataas hanggang sa matapos itong taon na ito.

KE: Anong balita sa PAGCOR City?

MB: It’s underway at yung apat na proponents yung iba I think dalawa doon ay patuloy na ang kanilang constructions yung isa maggro-ground breaking by next year. So by 2014 hopefully ay meron na rin tayong makitang construction doon at maaring yung iba makaumpisa ng operation nila.

KE: At yun pong mga isinampa niyong kaso dito sa mga gumamit ng pondo ng PAGCOR sa nakaraang administrasyon sa hindi tamang pamamaraan?

MB: Yan ay nasa DOJ, nakapag-file na tayo ng kaso sa DOJ at yung isang kaso naman ay sa Ombudsman hinihintay na lang natin.

KE: Alright! maraming salamat Ma’am Maricar Bautista ang AVP ng PAGCOR!

MB: Maraming salamat!

KE: See you next time at Merry Christmas!

MB: Advance Merry Christmas!

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

Ms. Fe Dela Cruz (Dir. Corporate Affairs Office-BSP) Kalye Escalera Interview Dec. 01, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Fe Dela Cruz (Dir. Corporate Affairs Office-BSP) Kalye Escalera Interview Dec. 01, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Ma’am Fe!

FDC: Magandang umaga sa inyo at sa inyong mga tagapakinig!

KE: Kasama niyo po si Marlo Dalisay, Jedah Legazpi at si Ate Joee G! Kayo po ay bisita ngayon sa 739 Kalye Escalera dito sa Radyo ng Bayan.


FDC: Magandang umaga sa Kalye Escalera!

KE: Since po ang text ngayon ay hindi na piso, 80centavos na  lang magmi-mint po ba kayo ng 80centavo coins?

FDC: Alam mo ang maganda sa bagong technology meron na tayong tinatawag na electronic money, puwede yung mga suklian puwedeng sa cellphone na lang o sa credit card.

KE: Parang hindi naman ako papayag niyan Ms. Fe na hindi ko hawak yung pera ko?

FDC: Dun naman sa gusto na talagang hawak naman nila yung kanilang pera kaya ang Bangko Sentral ay tuloy-tuloy po ang paggawa. Habang nire-retire natin yung mga luma gumagawa po tayo ng bago at ang barya ay hindi po dapat magkaroon ng shortage. We have 19 billion pcs. lahat –lahat na yan ng denominations.

KE: Ni-release ng Bangko Sentral?

FDC: Yun ang nagci-circulate na barya ngayon sa buong Pilipinas ang halaga niyan ay mahigit P17 billion.

KE: Bakit 19 billion dahil ho may maliliit na denominations?

FDC: May mga malalaki, maliliit ang talagang hirap sa circulation yung mga maliliit itong mga bente-singko.

KE: Bakit po?

FDC: Kasi yung ating mga kababayan ang tingin nila dahil maliit ang halaga isasantabi, itatago kakalimutan. Kung laging nangyayari yun sa bawat Pilipino talagang nauubusan ng supply doon sa labas. Kaya ngakaroon nga ng programa itong mga empleyado ng Bangko Sentral yung mga estudyante at mga Kabayanihan Foundation sa pamumuno ni Alex Lacson na magkaroon ng attempt na magkaroon ng pinakamahabang linya ng barya. To create awareness na ang barya ay mahalaga lalo na kapag pinagsama-sama.

KE: Ang latest record po ba na pinakamahabang pila ng mga barya all the way sa alkansiya ay gaano po kahaba ilang kilometro?

FDC: 64.8km ito ay ginawa sa Kansas sa America yun po ang record.

KE: 25 cents din po ba yung gamit nila dun?

FDC: Ang alam ko pennies yung mga 1 cents ang ginawa naman natin 25 centavos. Masasabi naman natin itong proyekto na ganito ay lahat ay panalo kasi binigyan natin ng rason para ang mga kababayan natin ay ilabas at i-donate yung kanilang 25 centavos. Nakakataba ng puso na makita yung libu-libong mga estudyante, pulis, taga AFP yung mga may pamilya kasama ang mga bata, empleyado ng Bangko Sentral. At nag-umpisa kasi nito officers club ng Bangko Sentral sa pamumuno ni Dr. Greg Suarez ng aming medical clinic. Hindi po initiative ng Bangko Sentral as BSP kundi initiative ng mga empleyado namin. Bilang pagtulong sa pag-create sa awareness ng mga kababayan natin na dapat ginagamit natin tuloy-tuloy ang mga barya. Dahil sabi nga po natin na karapatan ng bawat mamimili na makatanggap ng eksaktong panukli yun po yung ginagawa natin. Ang ganda po nito pag natapos na  i-validate para sa Guinness book of records itong ating ginagawa ngayon. Yung mga baryang yun papalitan ng mga retail outlets dahil kailngan po nila yun sa kanilng panukli at yung papalitan naman po na pera gagamitin natin para magpatayo ng mga classrooms para sa mga public schools. Panalo pong lahat dito at nkita po natin at coincidental sa mga Pilipino ang patutulungan bayanihan spirit. Kahapon po kaya maganda holiday bilang pag-commemorate sa hero nating sa Andres Bonifacio. Nakakalungkot kasi karamihan ng mga tao yun lang ang alam kay Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ang sabi nga po ng isa sa kanyang mga descendants siya po ay middle class na Pilipino na nag-aral, matalino na nagbibigay ng kanyang paglilingkod sa bayan. Sabi nga nila kung makikita mo yung mga monumento para siyang mukhang farmer na may itak. Pero ang sabi nga kahapon nagkaroon ng launching doon sa The Fort sa Bonifacio City na pinupunit naman yung cedula. Hindi naman sa itinatatwa yun hindi lamang yun ang kabuuan ni Andres Bonifacio marami po siyang kasulatan, marami po siyang tula na nagawa. ito rin po ang nag-inspire sa iba nating kababayan na sumama sa Katipunan para sa isang revolution. Lahat ng mga bayani ay may kanya-kanyang kontribusyon sa nation building at yun po yung para kay Andres Bonifacio.

KE: At kay Andres Bonifacio takot sa kanya yung mga taga LRTA? Kasi hanggat siya ay nasa monumento walang LRT papuntang Valenzuela hinaharang niya.

FDC: Ang sabi nga ay siya yung simbolo ng tuloy na pakikibaka para sa pag-aayos ng kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino. Isa siyang modelo kumbaga siya ang laging nagpapaalala sa atin na hindi pa tapos ang laban pero sana sama-sama tayo.

KE: May tanong din ako kay Gat Andres Bonifacio totoo bang ang favorite color niya ay pula?

FDC: Siguro nga kasi ang pula ay associated with courage, bravery at  kaya napakahalaga ng kulay na pula sa ating bandila. Yung red for bravery and courage sabi nga dun sa atin National Anthem ang mamatay ng dahil sa iyo.

KE: Balikan natin itong the power of small change, nagsimula siya sa ganap na alas-nuwebe ng umaga noong Nov. 30 hanggang kailan ito?

FDC: Nakakatuwa kasi hanggang alas-dose ng  gabi, ngayong umaga mga alas-siyete palang ng umaga nandun na sa grandstand ang presidente ang BSP officers club si Dr. Greg Suarez. Binabantayn nila yung mga coins at nagdidikit na ulit kaya yung iba nating kababayan na gustong magdagdag ng bente-singko para convincing ang ating world record. Puwede niyong dalhin na diresto doon sa grandstand nandun po sila sa Quirino Grandstand.

KE: Saan po ba puwedeng magpapalit ng apat na bente-singko kasi ang hawak ko dito tig-pipiso. Bakit Ma’am  naubos naman ang tigbe-bente singko saan naman ako magpapalit ng tigpi-piso?

FDC: Yan ang ating puwedeng tulong nating gawin kasi kailangan sa Guinness records isang set lang of coins hindi puwedeng magkakaiba para madaling sukatin imu-multiply na lang. Ang gagawin ngayong araw na to ng Guinness book ay susukatin isa-isa bawat linya na nakadikit na mga barya. So para talagang pag nagawa nila yun tsaka lang sila mag-i-issue ng official certification na na-beat natin ang record. Pero dagdagan pa po natin yung barya natin para mas convincing at mas marami po tayong eskuwelahan na mapapatayo.

KE: Punta tayo mamaya dun masarap mag-ipon ng bente singko.

FDC: Ang sarap ng pakiramdam na magdidikit ng bente-singko pagkatapos ilalatag mo and maging bahagi po kayo ng ating world record. Napakaganda po ng interview ng isang volunteer sabi niya hindi po ba kayo napapagod kanina pa kayong umaga alam mo ang sabi niya, okey lang po basta no.1 po ang ating bansa. So yun po ang isipin natin na makakatulong ito sa mga retail outlets na mgabigay ng eksaktong sukli sa ating mga mamimili hindi po nagkakainitan ng ulo, hindi po sila magbibigay ng kendi eksaktong panukli . Makikita po niyo dun nakalatag ang napakaraming milyong-milyong piraso ng bente-singko na pinagpaguran ng halos mahigit apat na libong estudyante ang tumulong kahapon at mahigit isang libong empleyado ng Bangko Sentral kasama ang mga pamilya yun pong presidente ng BSP employee association na si Raul Montero. Napakaganda po nga bayanihan yung mga pulis si Mayor Lim ang AFP at pamilyang namamasyal kahapon sila po yungb everyday folks na tinatawag. Bayanihan po ang nangyari kahapon at magpapatuloy po ngayong araw makapagbigay po ng certicate  na na-beat natin ang record ng Guinness. Magpasalamat po tayo sa mga suporta na tulad po ninyona nagbibigay ng pansin sa ating barya na mahalaga lalo na pag pinagsama-sama.

KE: Maraming salamat po Ma’am Fe at bago po kayo magtapos mayroon na po bang Christmas lighting sa  Bangko Sentral ?

FDC: Ipagmamalaki po natin yan punta po kayo sa harapan ng Bangko Sentral ngayon pong araw na ito ang official switch-on. Napakaganda po taun-taon po yan kasama po yan sa tradisyon na sa Bangko Sentral si Gov. Amando Tetangco ang mamumuno po ng pag switch-on. Ang ating tema po ngayon ay Pistang pinoy.

KE: Aba maganda yan!

FDC: Napakasaya po, dalawa pong building ang merong ilaw yun po yung tinatawag naming multi-storey bldg. na napakataas nandun po yung ating wish na magkaroon ng kasaganaan.

KE: Maraming salamat po!

FDC: Salamat at magandang umaga po sa inyo at sa ating mga tagapakinig!






Lunes, Nobyembre 28, 2011

Chairman Margie Juico (PCSO) Kalye Escalera Interview Nov. 29, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Chairman Margie Juico (PCSO) Kalye Escalera Interview Nov. 29, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning po Ma’am!

MJ: Good morning!

KE: Tama po ba Chairman na may no. 27 dun sa tumama kagabi?

MJ: Alam mo wala pa yung report  sa akin.

KE: Kumpirmado na po yan na dalawa talaga ang tumama?

MJ: Ahead pa kayo sa akin.

KE: Kagabi po nagbantay na ako dahil akala ko ako ang tatama eh hindi ang layo.

MJ: Anyway kung sino man ang mga nanalo nun, I hope na gagamitin nila sa tama. At magiging masaya yung kanilang pamasko itong darating ng pasko. At sana ay ibahagi nila sa akala nilang talagang nangangailangan na mapartehan itong gracia na ibinigay sa kanila ng Panginoon.

KE: Tama yan Ma’am, itatanong ko rin obviously hindi pa nga natin alam kung dalawa ang kumpirmadong tumama, obviously hindi pa nila kinkubra ang kanilng winnings?

MJ: Meron silang isang taon para makubra yung mga winnings nila kung halimbawa last night yung draw. So 1 year from yesterday yun ang puwede nilang palugit sa kanila para i-claim yung kanilang premyo. Pero sana sa lalong madaling panahon kubrahin na nila kaagad, nag-iisip pa kami na sana umakyat hanggang P300M man lang o P200M pero talaga siya yung pinagpala ng Panginoon para mapasa kanya ang premyong ito. Kasi malaking amount na rin yan kumpara sa isang tao at mabuti na lang at merong isang kahati dito.

KE: Chairman ito ho bang nanalo na ito na malalaking jackpot yung tatlong milyong pataas yan ho ba ay mino-monitor din ng PCSO after maibigay yung premyo sa kanila. Ang kung mino-monitor po kung ano ang inyong naging findings sa karamihan ng mga nanalo?

MJ: OO, kasi ang obligasyon ng PCSO ibigay lang yung premyo dun sa mananalo  hindi na namin obligasyon kung paano gagamitin yun. At kung ano ang mangyayari sa buhay nila pagkatapos nilang makuha ang kanilang premyo. So ang aming obligasyon lang yung ipre-present  yung winning ticket at dapat bayaran namin oramismo na i-present yung ticket at tsaka after vinalidate yung ticket dapat ginagawa na yung tseke para sa kanila. Maganda sana kung merong halimbawa ang media group iche-check kung ano ang nangyari sa kanila, yung identities nila di rin pinapaalam. Depende rin yun meron iba halimbawa tinanong gusto pa-interview yung iba ayaw nila.

KE: Ang isa lang po nanalo ng lotto na natatandaan ko na naglakas ng loob na lumutang ay yung dating newspaperman na ngayon ay kolumnista na rin si Ruther Batuigas. Talagang pag tinatanong siya kung talagang tumama siya, tumama talaga siya.

MJ: Mabuti at sweepstakes naman yun, Mayor Lim nanalo din.

KE: Ma’am Margie ngayong nakuha na po yung jackpot na P134M sa grand lotto babalik po sa magkanong amount na ngayon?

MJ: Babalik na naman siya sa P30M yung 6/55 hanggang sa umabot na sa sales na para kikita ang PCSO it will stay at P30M. Ngayon pag umabot ng kung ano man yung sales na hinahabol aakyat na yun sa dami ng tumataya, aakyat na yun hanggang sa kagaya kagabi umakyat ng P134M.
KE: Ma’am itatanong ko lang natatandaan ko na meron kayong planong massive restructuring reorganization, how is that coming along Ma’am?

MJ: Yung kasama nung restructuring yung streamlining kahapon nag-meeting ulit yung board para sa final touches nung rationalization plan. Tapos yung end of May last year nag-submit na kami ng mga nag-request ng mga early retirement siguro numbering to 200 kaso nasa DBM pa. Siguro inaaral nila yun ng mabuti kung aaprubahan o hindi pero iniisip of the 200 na nag-aaply ng early retirement yung less than 2 years mare-recover na ng PCSO yung babayaran sa early retirement sa mga nag-apply. So when we got those out of the way mababawasan yung aming mga no. of employees aayusin namin yun. After the early retirement papasok na man yung rationalization  yung bawat position at bawat qualification ng tao ay sususriing mabuti para yung karapat-dapat dun sa position na yun ang mailalagay doon sa position na yun. Sa maraming nakakalam itong PCSO kagaya rin siguro ng Pagcor ay nagiging parang puntahan ng mga political accommodation. Sa ngayon na dumating kami nakita naming ang daming mga casual, contractual masyadong maraming low level na employees na ang kulang na kulang yung nasa itaas yung mga talagang qualified yung leadership position. So ngayon isinasaayos namin lahat ng mga puwesto kung what is required for each position, anong qualification yung dapat kaalaman sa position na yun para makakuha ng efficient, effective. At siyempre yung benefit sa PCSO ay maayos kagaya ngayon ang daming nasusuwelduhan na parang over compensated at overstaffed.

KE: Pero Ma’am mukhang diyan pa rin sila magpapasko since wala pang maibigay na aksiyon?

MJ: Wala pa kaming approval pero ang sinabi namin siguro up to the end of the year yung mga casual at contractual. Na sinabi ng nga boss nila na hindi naman sila masyadong kailangan or meron pang ibang taong makakagawa ng trabaho nila.

KE: Salamat po Chairman, magandang umaga po sa inyo!

MJ: Sige, good morning po!






Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

Ms. Noemi Recio (Director Traffic Engineering-MMDA) Kalye Escalera Interview Nov. 24, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Noemi Recio (Director Traffic Engineering-MMDA) Kalye Escalera Interview Nov. 24, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Ma’am!

NR: Good morning po!

KE: Ma’am Noemi ang tanong namin, we are all anticipating the heavy traffic laws associated the holidays  meron po kayong balak tell us about this, tell us about the Christmas lanes?

NR: Ang MMDA ay nagre-ready na for the Christmas season na aming tinatawag na Chrsitmas lane. Eto po yung mga alternate roads ng EDSA going from Makati area. Kung galing ka ng North papunta ka ng Makati ay hindi ka na dadaan ng EDSA  may mga inilalagay po kaming informative signs para yung mga driver ay hindi maligaw. Ituturo niya kung saan didiretso, kakanan o kakaliwa kung saan ka patungo on going yung installation namin ng mga signage sa ngayon.

KE: Yung Christmas lane po ba yan na bubuksan sa month of December na base sa inyong balak, ito po ba ay walang pagkakaiba sa itinalaga last year?

NR: Yes ma’am, actually yung ginawa namin nung isang taon ay may konti lang kaming dinagdag na original road last year. Yung mga signage namin nung isang taon parang temporary lang kumbaga hindi masyadong durable ang mga materyales. Kasi rush kami last year so ngayon nilalagyan na namin ng permanent sign. Kumabaga kahit hindi siya Christmas season imbes na ma-traffic sa EDSA o sa C5 magagamit ito ng ating mga kababayan.

KE: Napansin ko last year isa sa mga Christmas signage nila ay yung green kaso nag lang po parang napansin namin di ba may kaliitan siya, ngayon po ba may kaibahan o parang espesyal na ilalagay kayo para mas madaling mapansin ng mga motorista?

NR: Ngayon medyo madaling makita kasi reflector na yung sticker namin mababasa na ng motorista. Nung isang taon kasi pintura lang yung ginamit namin this time sticker ng 3M stickers.

KE: Klaklaruhin ko lang pag sinabi mong Christmas lane ang iniisip talaga natin lane. Ang intindi ko po sa inyong paliwanag ngayon hindi siya lalagyan ng espesyal na linya, kung hindi para siyang bagong ruta?

NR: Actually alternate road kumbaga ito yung mga secondary roads natin na hindi masyadong nagagamit ng mga kababayan natin. Kasi yung iba hindi nila alam na from North puwede kang pumunta sa Makati na doon ka dadaan sa mga secondary roads not EDSA. Nakipag-coordinate po tayo sa DPWH para gawin nila yung mga pavement na hindi maganda kasi kalimitan may mga lubak  and gagawin nila yung mga kalasada na identified as a Christmas lane ng MMDA .

KE: Ito po bang Christmas lane na ito pinapatupad po ba ito pag talagang pasko, pag tag-araw ang tawag mo dito summer lane?

NR: Hindi naman tinawag lang namin Christmas lane yan but actually kahit anong araw sa loob ng taon basta ma-traffic puwede itong gamitin ng ating mga kababayan.

KE: Ma’am pag yun lane niyo papunta ng Pasay at Pasig eh di Valentines lane yun, dapat po siguro magalagay kayo ng lane na for all season di ba?

NR: Christmas or Mabuhay lanes yan yung tinawag ni Chairman last year.

KE: Ma’am yun pong Christmas lane na yan para dun po sa mga bago sa mga lugar na yan saan-saan po ba matatagpuan ?

NR: Actually kung galing ka sa North nasa EDSA ka puwede kang kumanan sa may Mother Ignacia papuntang Panay diretso ka ng E.Rodriguez. May plano kami sa office nakalagay dun kung anong nakalagay na ruta kung saan papunta tapos lalagyan namin ng mga signs para susundan na lang yung nasa sign para makarating siya ng Makati and from Makati makakarating siya sa North.

KE: Yung pinag-uusapan po natin ngayon yung mga Christmas lanes pero yung mga reklamo ngayon  ng may mga sasakyan at pampublikong sasakyan. Yun pong mga hukay-hukay sa kalsada meron po ba kayong gagawin diyan?

NR: Yearly merong moratorium ang MMDA on all road works and road diggings. Probably by Dec. 15 mag-i-issue si Chairman ng moratorium order para lahat ng hukay ay ihinto muna hanggang sa makatapos ang kapaskuhan.

KE: Sa Dec. 15 pa po yun?

NR: Usually Dec. 15 yun pero tinignan namin sa kalendaryo namin maybe Dec. 12.

KE: Mas mauuna po yung Christmas lane?

NR: Wala pa kaming schedule pero as of now ay ongoing yung paglalagay namin ng mga signs and yung DPWH inaayos yung mga pavement. Pagkatapos nun yung mga illegal parking kailangan nating linisin yung mga alternate roads natin para ma-utilize ng maayos yung kalsada.

KE: Kung Dec. 15 yung pagpapalabas ng moratorium yung sa mga paghuhukay na yan nangunguhulugan na dapat habaan pa ng motorista yung patience nila?

NR: Actually kasi yung mga hukay na yan ay sa tubig yan ay sa Mania Water at Maynilad kaya hindi rin nating puwedeng pigilan na huwag silang maglagay ng pipe kasi service naman sa tubig yan. Kaya nga ang nangyayari parati kaming nagpapa-meeting sa Manila Water at Maynilad pinag-uusapan namin kung ano ba ang dapat gawin para hindi naman masyadong malaki ang epekto sa traffic.

KE: Halos araw-araw daw po may hinuhukay?

NR: Idagdag pa po natin mga reblocking na ginagawa ng DPWH  tuwing weekend  para naman tuwing weekdays walang nagre-reblock. Yung reblocking kasi kailangang palitan yung mga pavement kung mapapansin niyo may mga badly damage na pavement sa ating mga national roads.

KE: Ma’am on another note nakita ko po yung special title niyo na MMDA Director?

NR: Actually ako po ay Director ng Traffic and Engineering Center ng MMDA.

KE: Ma’am napapag-usapan po natin ang Christmas lanes medyo lumihis po muna tayo. Ako po kasi shoppingera kung saan mura may mga tiangge, ito po bang MMDA magkakaroon po ba ng clearing operation pagdating sa mga sidewalk vendor ngayong kapaskuhan?

NR: As far sa I know diretso kami sa pagcle-clear nung mga sidewalk namin pero hindi kasi under ng office ko yun. So an alam ko lang meron kaming sidewalk clearing operation group.Yung mga kalsada kasi natin limitado na ang capacity kumbaga parami na ng parami yung sasakyan natin yung road network natin din naman nadadagdagan at hindi naman tayo nakakapaglatag ng kalsada kasi restricted na yung mga areas so talagang nagkakaroon tayo ng problema.

KE: Ma’am bago namin kayo pakawalan nasa inyo po yung pagkakataon ngayon para manawagan at umapela doon sa mga motoristang medyo naha-high blood at umiinit ang ulo dahil dun sa mga hukay at iba pang programang inilulunsad ngayon.

NR: Nanawagan ako sa ating mga kababayan na konting pasensiya lang yung mga ginagawa namang mga kalsda ay para sa atin din. Kasi kung hindi natin ima-maintain ang ating mga kalsada ay parang roller coaster tayo  parang baku-bako yung kalsada natin at talagang kailangang i-maintain. So kapag ginawa yan natural maaabala tayo sa traffic same dun sa mga pipe ng Maynilad at Manila Water hindi naman natin sila papayagan para magbaon ng mga tubo, ayusin yung mga leak mamomroblema naman tayo sa supply ng tubig. So pasensiya lang sa ating mga kababayan para sa atin di naman yung ginagawa.

KE: Traffic Management ang hawak niyo Ma’am?

NR: Traffic Engineering po!

KE: Thank you Ma’am!

NR: Okey!






Lunes, Nobyembre 7, 2011

Spokesperson Raul Hernandez (DFA) Kalye Escalera Interview Nov. 9, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Spokesperson Raul Hernandez (DFA) Kalye Escalera Interview Nov. 9, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Spokesman Raul Hernadez good morning po! Kayo po ay nandito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan. Ang inyo pong makakausap ay si Marlo Dalisay at tsaka si Ms.Tea.

RH: Good morning Marlo and Ms.Tea!

KE: Ano ho ang latest dito sa balitang hindi gaanong kagandahan dito sa mga nangyari sa mga Pinoy dito sa Saudi?

RH: Last Nov. 6 nag-report sa atin ang Konsulado sa Jeddah at ang sabi nila the day before ay yung bus carrying 65 Filipinos na pilgrims. Doon sa Mecca met an accident yung driver ata attempted to overtake yung car in front of them pero nawalan ng espasyo kaya naaksidente kay ng turn turtle yung bus. Karamihan sa kanila ay nasugatan pero slight injuries lang, there were 5 na critical yung injuries ang 3 of them are send to the ICU and has an operation a surgery.

KE: Eto hong oras na nangyari yung aksidente yung mga Pinoy pilgrims ay papunta pa lamang dun sa kanilang ritual o sila ay nanggaling na dun sa kanilang ritual?

RH: Ang understanding po ay papunta palang sa Mount Arafat from Mina this is in that area dun nangyari yung aksidente. Actually yung Mount Arafat is one of the site na kailangan bisitahin ng mga pilgrims during this time of the year.

KE: May mga names na ho ba tayo nung mga victims or pupuwede po nating sabahin dahil ito nga ay mga pilgrims, ito po ay majority ay galing po sa Mindanao?

RH: These are Filipino Muslim wala pa ho tayong mga pangalan na binigay ang atin consular doon. Ang nangyari onsite yung ating  Phil. Hadj team ay kaagad nag-responde at pumunta sila doon. Kasama na rin yung Phil. Consulate Gen. ng Jeddah sumuporta rin sila their medical team and they brought the Filipinos to a nearby hospital.

KE: Sir Raul tama po ba yung unang napaulat na out of 65 lima po yung nasa kritikal na kondisyon ngayon?

RH: Ang report sa amin  ng Phil. Consulate is may critical injuries yung lima at tatlo doon ay dinala sa ICU at isa ay nagkaroon ng surgery.

KE: Ito pong aksidente na ito ay naganap bago isagawa o bago sila tumungo doon sa exact location, Doon po sa panahon ng pagtitipon meron po bang naitalang mga injuries din?

RH: Wala tayong report na ganun, so far yung injuries o insidente na nangyari ay limited to this accident.

KE: Kasi ang nakakatawag ng pansin ay taon-taon na lang ata ay meron hong nasasaktan diyan sa kaganapan na yan hindi po ba?

RH: Thank God wala pang nangyayaring ganun at sana walang mangyaring ganun at manatiling successful yung pilgrimage ng ating mga kababayan doon.

KE: So far ano na po yung assistance na napro-provide ng DFA?

RH: Ang assistance is through our Phil. Consulate sa Jeddah they are monitoring the Filipinos who were injured. Yung iba naman ay slight injuries lang at titignan po nila kung ana ang dapat gawin. Kung halimbawang i-repatriate yung mga critically wounded now or after yung magamot sila.

KE: At ang DFA po ba ang sasagot ng lahat ng expenses?

RH: Titignan natin kasi meron tayong Hadj committee I think this is being supervised by the Muslim Affairs which is under the office of the President. So titignan natin kuna ano ang magagawa ng gobyerno para sa kanila.

KE: Alright Sir Raul marami pong salamat sa oras patuloy po kaming makikipag-ugnayan sa inyo Sir?

RH: Thank you very much po at mabuhay po kayo!

KE: Mabuhay rin po kayo at magandang umaga!



Huwebes, Nobyembre 3, 2011

Asec. Salvador Salacup (Dept. of Agriculture) Kalye Escalera Interview Nov. 03, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Asec. Salvador Salacup (Dept. of Agriculture) Kalye Escalera Interview Nov. 03, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magandang umaga po Asec. Salacup!

SS: Magandang umaga at napapakinggan ko ang inyong talakayan!

KE: Si Ate Joee, si Kuya Marlo at Ms. Tea!

SS: Magandang umaga at tama po ba naririnig ko yung bawal tayong magtrabaho?

KE: Sa 41 nations na binabanggit ho ng ating director na si Jedah Legaspi. Pero bago ho tayo magpunta roon ay tanungin ko ho muna sa inyo kasi nung isang araw ko pang gustong tanungin ito. Nung bago ho bang mag-undas ay tumaas ang bentahan ng kalabasa?

SS: Ang gulay ho after Quiel at Pedring ay talaga hong sumipa ang presyo ng gulay kasama na po yung kalabasa. Not necessarily because of the Halloween.

KE: So wala talagang tradition dito sa atin na gumagamit ng kalabasa kasi sa America pumpkin ang tawag diyan, na talagang nakikita natin na ginagamit nila?

SS: Ang nabalitaan ko sa DTI medyo ang marami ang nabili ay yung candy yung pangbigay sa mga bata sa trick or treat. Pero yun pong kalabasa hindi namin nabalitaan yun but generally tumaas ho yun. Good news ho this week ay nagno-normalized na po ang ating supply ng kagulayan. Mache-check niyo ho yan sa kapalengkehan.

KE: Mula sa patatas hanggang sa kangkong.

SS: Tama po yan dati ay nasa P100 pataas ang per kilo right after the two typhoons ngayon nagra-range na lang ng P60-P70 per kilo. This is basically 2nd semester prices ng ating vegetables o that is the good news.

KE: Asec. Salacup nagbigay po ng panawagan ang DTI si Usec. Zeny Maglaya na yan na nga simulan na ang pamimili sa Noche Buena. Ano po ba ang magiging trend talagang po bang tataas ang presyo ng manok at baboy?

SS: Sa martes po, holiday na naman sa lunes, sa martes nagpatawag po ng pulong si Sec. Alcala sa ating magma-manok at magba-baboy. Isasama na ang market administrator at mga biyahero and other stakeholders nitong ating agricultural commodities. In preparation for the Christmas holiday alam naman po natin ang paboritong hinahain ng ating mamamayan lalo na sa kapaskuhan ay una itong karneng baboy. 2nd ay karneng manok kaya nga po sila ang mga priority sa martes para i-assure ang ating publiko na meron tayong sapat na supply. Traditionally talagang nagkakaroon ng increase in demand dito po sa dalawang commodities na ito. Private sectors anticipate also kaya ia-assure ng mga stakeholders natin on Tuesday kung anong supply levels this particular week up to the buildup dito po sa Christmas period natin.

KE: Asec. kung meron tayong sapat na supply pero patuloy pa rin sila sa pagtataas sa presyo nito. Halimbawa yung halaga ng manok mapapanagot po kaya sila?

SS: Ganito po yan kasama po sa pagpupulong ay pag-uusapan kung kinakailangan magkaroon ng suggested reference price hindi ho kami sa agricultural commodities, hindi ho kami nagfi-fixed ng prices. Kasi nga po very variable ang agricultural commodity iba-iba ang inputs ang ginagamit diyan, hindi kagaya ng manufactured goods. Like for example sardinas computed kaagad yung presyo ng delata yung presyo ng pang-sahog sa loob nun nako-compute nila yan. Pero sa agricultural commodity pag fresh product po yan price bond ang pinag-uusapan namin diyan. And historically naman po we only did this during the period nung bagyong Ondoy tandaan po natin na sinalanta din ng bagyong Ondoy ang mga broiler and piggeries dito sa Region 3, 2, 1, 4-A. Kaya nga po during the Christmas period of 2009 nagkaroon kami ng reference price bond. Pag-uusapan po namin yan if there is a need na kailangang i-monitor naming mabuti at displinahin ang mga stakeholders kaya nga po aalamin namin ang current supply levels during the first two weeks of Nov. until the build up for the Christmas period starting Dec. 1 to the 2nd week of January 2012. Yun po ang major topics na pag-uusapan namin dito sa pagpupulong sa Nov. 8.

KE: Bukod po dun sa mga meat products meron pa kayong particular na produkto na binabantayan ngayon Asec.?

SS: Actually after the two typhoons ang tinignan naming mabuti ay yung gulay sa reported area this morning na slowly nagno-normalize supply levels. Ang fish naman po right after the Christmas holidays ang tendency ng Filipino consumer ay mag-shift sa isda after all those fatty foods nagshi-shift naman po sa fish. So right after Christmas ang binabantayan naman namin ay ang fish sa supply natin. But fortunately there were very minimal damages to our fishpond and fishpen in Pangasinan, Tarlac, Pampanga at agad-agad naman po ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay nagbigay ng suporta sa ating mga fisher folks para agad na maka-recover sila sa kanilang production. Particularly doon sa fishpond lalo na ang tilapia, bangus as reflected in our market monitoring this morning very stable naman ang supply at price levels na-maintain naman po ang price level ng tilapia, bangus doon po sa normal price levels natin.

KE: Pero marami hong mga nagrereklamo ngayon Asec. yung mga gumagawa ng feeds kung bakit hirap na hirap silang maghanap ng supply ng mais. Gayun ang ani naman nitong huling anihan ay mas mataas ng kung hindi ako nagkakamali 37% kumpara sa ani nung nakaraang taon sa kaparehong panahon?

SS: Okey tama po yan nire-review nga ho ng ating corn program ang ating performance for the last quarter of this year. Tama po yung statement ninyo na for the first 3 quarters of 2011 we out performed  the production levels of palay and corn. At unfortunately ito pong nangyaring Quiel at Pedring ina-asses po naming mabuti kung ano pa  yung mare-recover doon sa medyo na-damage ng dalawang bagyong ito. And yes we received informal communication from the Phil. Assn. of Feed Millers whose President is Dr. Norman Ramos. Yan nga po our corn program Dir.  si Asst. Secretary De Luna is already reviewing the capacity ng ating production area particularly dito po sa Mindanao. Kasi nga po ang isa naming inoobserbahan mabuti tama ho yun medyo may kataasan po yung mais.

KE: Ang nirereklamo po Asec. ay yung mga negosyante ng mais diyan sa Cagayan province?

SS: Kaya nga po ganito ang sitwasyon there are also corn supplier from Mindanao so we are encouraging and I Know Asec. De Luna is communicating with all those traders ang biyaheros to bring in the supply to the Batangas port. Yun ho yung mga kailangang i-asses nating mabuti kasi nga po ayaw di naman naming payagan na dumating itong mais na ito na hinihingi ng mga feed millers in fact it’s not only the feed millers who questioned this also the hog producers. And I understand some chicken producers na magpasok sila on a certain zero tariff level pero ang gusto naming ipahiwatig dito sa mga nagre-request pag-usapan natin kailan ang arrival. Pag pinayagan namin yan at dumating po yung shipment na yan during the harvest perios ay kawawa naman po ang ating mga magsasaka ayaw nating mapunta sa ganung sitwasyon. Kaya ina-asses ng mabuti ni Ed De Luna kung saan pa ang possible sources and the forth coming harvest n gating mga corn farmers. Kasama po yan sa decision making and hopefully 1st or 2nd week of Nov. meron na ho kaming final decision whether to accommodate that or to encourage purchasing from our local supplier.

KE: Wala bang hoarding na nangyayari?

SS: I don’t know with Asec. De Luna kasama ho yan sa investigation na ginagawa nila. Kasi nga ho we have to flush out in the market alam ho natin may magsasamantala ho diyan. Kasi nga po normal buying day nasa P12.50 mataas na  po ang P13.00 per kilo but the past 2 weeks  P15.50 nga daw po lumalabas ang bentahn ng mais.

KE: Kung may nagho-hoard ho siguro ay sampolan na ho natin kasuhan na agad sapagkat naituturing yan na pagsabotahe sa ekonomiya.

SS: Economic sabotage po yan, magandang suggestion po yan. I will report this to Asec. De Luna I’m sure it’s part of his strategic planning na talagang mailabas ang karapat-dapat na supply ng ating mais. And proper review and evaluation of forthcoming harvest it’s very very important. We don’t want a situation na bumagsak ang prices to the sacrifice of our corn producers.

KE: Tungkol naman sa bigas dun ako natatakot, alam niyo naman very Pinoy kailangan may sinaing?

SS: Alam po natin yan in a report of Adminsitrator Lito Banayo NFA Administrator to Sec. Alcala up to this week level we have around 72 days buffer stocks. And of that 72 ang sa NFA po diyan ay nasa 37 days. So available po ang ating bigas bagamat may konting damage po sa Region 2 and 3 stiil we are very safe to have that basic stable of ours available to the end of the year. At sa commercial level naman balanse ng 37 days ay available naman yan sa ating mga commercial millers. Our review of the prices for the past 2 weeks tama naman po yung stability ng supply natin na nandiyan po ang price levels from P28 to P31 eto po yung pinakamurang commercial rice variety. And it’s been that price level since the past year kaya nga po very confident ang ating NFA administrator na available po ang ating basic stable na bigas. Ngayon I’m sure Joee na itatanong mo paano po next year ganito po yan ina-asses po namin together with our Usec. for Operation yung planted rice production area natin. Kasi po Mindanao is already ready be harvesting the middle of Nov. and parts of Dec. and of course sa nangyaring damage sa Region 2 and 3 meron na po tayong support mechanism  for the provision for feeds and other inputs such as fertilizer, for our farmers to recover immediately doon sa mga nasalanta ng bagyong Quiel at Pedring. Ngayon po ina-asses po namin standing crops and projected harvesting to give us a picture of how much we will be sorting from abroad for the coming 2012. It is the fact that we will be importing the amount or the volume ay ia-asses po ngayong Nov.

KE: Importation is inevitable?

SS: It is part of our plan the very-very reduce level as compared to the previous years. In fact ang vision here is by the end of 2013 we should not be importing rice for the following year which is 2014. Maraming self sufficiency target is for rice particularly is by the end of 2013. So 2012 talaga naman pong nakaplano meron pa rin po tayong aangkatin. But is what to exact volume malalaman ho siguro natin by the first week of Dec.

KE: Magandang assurance yan na kahit papano stable pa naman ang supply bigas although may importation tayong konti for 2012?

SS: Hindi ho naman namin inalis na talagang kailangang mag-import for this year we imported 860,000 metric ton a big difference from the previous years umabot pa nga po ng  2 million metric ton. So this year 860,000 metric ton and of course as we fully assess the damage of Quiel and Pedring then we will announce the volumes for 2012 importation.

KE: Asec. ano naman ang gusto niyong pang Noche Buena?

SS: Traditionalist po ako, I would like native foods. I would like to encourage our listeners and our citizens tangkilikin po natin ang produktong Pilipino yung native suman, puto at lalo na yung pag new year kailangang may bilog sa hapag kainan. We are encouraging local and native fruit huwag po yung imported mas gusto ho natin ang ihanda natin ay produktong itinanim at inani ng magsasakang Pilipino. Lalo na sa kapaskuhan and as we celebrate the welcoming of the new year kailangang tangkilikin natin ang produktong Pilipino.

KE: Asec. thank you po!

SS: Anytime at it was a privilege, nagpapasalamat po kami na naco-communicate namin ang mga programa at mga latest updates dito po sa Dept. of Agriculture thru your program, magandang umaga po sa inyong lahat!

KE: Thank you so much!

Lunes, Oktubre 31, 2011

Dr. Eric Tayag (Usec.-DOH) Kalye Escalera Interview Nov. 01, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Dr. Eric Tayag (Usec.-DOH) Kalye Escalera Interview Nov. 01, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Usec.!

ET: Magandang umaga po sa inyo!

KE: Usec. patuloy po yung pagdasa ng mga tao sa sementeryo, ang tanong po na kanilang pinararating dito ay safe po ba ang mga binebentang mga pagakain ngayon sa sementeryo?

ET: Meron panaganib sa kalusugan lalo na kung hindi natin malalaman kung paano hinanda yung pagkain kaya sa mga kababayan natin ay mag-ingat po. Siguraduhin natin na mainit ang kinakain natin mababawasan yung panganib sa kausugan natin. Anumang pagkain ay dapat makain sa loob ng dalawang oras  kung hindi ito maiinit ng tama.

KE: Usec. sa mga kababayan nating pupunta sa sementeryo at magbabaon ano po ang inyong paalala para hind agad mapanis yung pagkain nilang dadalhin?

ET: Unang-una bigyan nila ng oras yung pagpunta sa sementeryo para kung hindi kailangan magbaon ng pagkain ay huwag ng gawin. Ibig sabihin niyan kung pupunta kayo ng bandang pananghalian ay puwedeng kumain muna kayo sa bahay pag pupunta kayo sa sementeryo. Pero marami kasi sa ating mga kababayan ang nagtatagal sa sementeryo kaya hindi maiwasang bumili ng pagkain ingat lang po kayo sa mga inumin baka kuntaminado. Magbaon kayo ng malinis na tubig kung gusto niyong makasiguro at kung kakain kayo ng mga pagkain siguraduhin niyo na yung mga binibili niyo ay mainit ang mga iyon.

KE: Pero hanggat maari ay busog na umalis sa bahay para hindi na kailangang magbaon pa.

ET: Lalo na sa mga bata sa food poisoning, mga bata ang nagiging biktima sila po ang tinatamaan agad ng sakit. Sa sementryo po ay mahirap ang tubig doon hindi makakapag-hugas ng kamay isa pa yang aalahanin. At maliban dito mag-iingat kayo kung mananatili yung mainit na panahon magdala kayo ng payong at yung matatanda na pupunta diyan baka ma-heatstroke mag-ingat po kayo.

KE: Let’s talk about heatstroke kasi medyo magandang concern yan, ano po ba yung sintomas na medyo delikado ka na sa heatstroke na yan, ano po yung puwedeng gawin?

ET: Yung heatstroke ang temperature talaga ay umaabot na sa 40 degrees bago mag-heatstroke may palatandaan na baka maging heatstroke yan. Una sobrang pawis, may dehydration may pagka-uhaw yan yung iba hinihimatay yung iba nag-cra-cramps eto po ay mga senyales na maaring maging heatstroke kalaunan. Importanteng importante na makaiwas po tayo piliin po natin yung oras natin sa pagpunta sa sementeryo. Magiging siksikan po ngayon dahil ngayon po yung kasagsagan diyan magdala ng payong makaiwas po sa init ng araw. Tapos manipis po yung kasuotan para di po mainit masyado at yung matatanda po kung hindi po kaya huwag munang dumalaw sa sementeryo. At tubig po na malinis sapagkat baka ma-dehydrate.

KE: Usec.ngayon po na code white alert pa rin yung mga ospital sa bansa natin until tomorrow po ba?

ET: Hanggang bukas po sapagkat tradisyon po sa atin na may humahabol pa pong dadalaw sa mga sementeryo hanggang kinabukasan.

KE: Meron po bang injuries o pagkaka-ospital po na related to Undas?

ET: Maaring magyari po diyan yung mga naiipit, natutusok sa mga hindi masyadong nalilinis na mga puntod, mga hinihimatay, yung mga sinusumpong ng alta presyon at yung may sakit na pumunta pa rin sa sementryo hindi pinagpaliban. Maaring pong dumulog sa mga first aid station sa malalaking sementeryo.

KE: Marami po ba yung naitatala yung mga ganyan ang DOH?

ET: Wala pa pong nire-report sa amin tuloy pa rin yung konsultasyon diyan, magbibigay kami ng ulat. Sa ngayon binabalaan din yung mga dadalaw sa sementeryo lalo na sa hindi naayos sapagkat marami pong lamok at baka makagat kayo. Bagamat bumababa na ang kaso ng dengue puwede pa rin po kayong magkasakit ng dengue.

KE: Usec. maiba ako ng tanong nito lang po pinanganak ang symbolic 7th billion baby dito sa Pilipinas yung ating pinili, paano po ba pinili ang batang ito?

ET: Unang-una ini-estimate yan kung kailan magkakaroon ng 7 billion na population sa mundo. Mahirap i-estimate minsan katunayan merong plus-minus 6 months yan. So maraming nagsasabi na 2012 pa tayo mag 7 billion subalit dahil sa estimate lang yan ang naging conclusion ng UN noong Oct. 31 nga po nagkaroon ng 7 billion. Sapagkat isa tayo sa unang bansa na nagkaroon ng hating gabi na Oct. 31 ibig sabihin niyan sa atin maisisilang ang sa palagay nila ang 7 billion n residente ng ating mundo. Hindi lamang sa Pilipinas meron pa silang piniling ibang bansa subalit ang ibig sabihin lang nun ay 7 billion na ang populasyon ng mundo. Pero hindi po eksakto kasi estimate lang po yan.

KE: Bongga yung kinabukasan ng batang yan kasi marami siyang benepisyong nakuha di ba?

ET: Warning din yun sa buong mundo sapagkat sa bawat bilang at pagdagdag ng populasyon sa mundo kaakibat nito ang katotohanan na kailangan yung hustong pagkain, sapat na malinis na tubig, edukasyon, pabahay ay kailangang matamo ng mga isisilang pa. At maramdaman nila yung ganda ng buhay na ating naranasan sapagkat sila ay dumatingn na sa mundong ito ay dapat magiging maganda rin ang magiging buhay nila at kalusugan.


KE: Usec. pagkatapos ng all saints day kadalasan ang mga Filipino looking forward na sa pasko, pag-usapan natin ng bahagya ang mga sakit pampasko. Ano po ba at nagkakaroon ng sakit related sa mga season na ito, ano po ba kadalasan ang dapat nating bantayan.

ET: Una tinatarget natin ngayon na iwasan yung non-communicable diseases ngayong kapaskuhan magkakaroon ng holiday ang ating mga kababayan. Sa dami ng party, sa dami ng mga lutuin ilalabas yung mga pagkaing masasarap ang timbang natin ay medyo tataas ulit. Maraming tataba magkakaroon ng obesity at ito ay mga panganib sa kalusugan ingat lang po hindi lamang sa mga matatanda maging mga bata po ay matuto na ring kumain ng wastong pagkain.

KE:Usec. maraming salamat po!

ET: Marming salamat sa inyo , maraming salamat sa pagababantay undas niyo, mabuhay kayo!

KE: Mabuhay din kayo Usec. Tayag!