Lunes, Oktubre 15, 2012

Dir. James Jimenez (Education and Information Dept.-Commission on Elections) Kalye Escalera Interview Oct. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Dir. James Jimenez (Education and Information Dept.-Commission on Elections) Kalye Escalera Interview Oct. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Director James Jimenez, Good morning po!

JJ: Good morning po!

KE: Ang una kung tanong yung kahapon ba na dalawa itong 1-Care ba yun at tsaka yung isa pa na hindi na puwedeng tumakbo sa susunod na eleksiyon may kasunod pa o wala na?

JJ: Una yung na-disqualified kahapon ay yung Apec at 1-Care  hindi pa ito yung huli. Marami pa tayong isusunod na ipatatanggal at katulad nga ng sinasabi natin maglalabas tayo ng dina-disqualify natin hanggang sa wala na tayong ma-disqualify tsaka natin ilalabas yung natitira na accredited.

KE: Kailan ang huling araw na ilalabas niyo yung huling madi-disqualify?

JJ: Hindi ko masasabi depende po yan kasi parang ang isang kaso ay dine-deliberate hindi naman itong simpleng check off lang. Pinag-uusapan at pinagdede-batehan at lumalabas yung desisyon pagkatapos ng debate so hindi natin mao-orasan yun.

KE: At ito pong gingawa niyong pag-disqualify ay kung gusto ng mga affected parties na magpunta sa Korte Suprema para humingi dun ng ayuda ay pinapayagan niyo pa rin?

JJ: Malayang-malaya po silang pumunta sa Korte Suprema wala na rin naman sila maa-appeal sa Comelec.

KE: So pag nag-decide po ang Korte Suprema, ano ang magiging epekto nito sa unang desisyon ng Comelec? Halimbawa pomabor dun sa  nag-a-appeal yung desisyon ng Korte Suprema, ano ang magiging epekto dun sa nauna niyong kapasyahan na huwag silang isali?

JJ: Eh di mare-reverse po kami makakasali sila.

KE: Ok, hindi ulit kayo a-appeal sa Korte Suprema para igiit ang inyong dahilan para sila ma-disqualify?

JJ: Well sa tingin ko masyadong premature pag-usapan yan ngayon hindi po ba? Hintayin kaya muna natin na umabot dun and the we will decide when we get there. At this point hindi namin sasabihin kung eto ang gagawin namin ngayon pag ganito ang nangyari. Dahil sa dami ng posibleng mangyari parang premature pag-usapan yung ganun.

KE: Naalala ko ito yung spokesman ng Comelec, ito ang tanong ko naaliw ako sa sinabi mo kanina na talagang titignan niyo hanggang sa maubos yung mga party-list group na yan, hanggang wala na kayong ma-disqualify. Na-aliw ako talagang gusto niyo silang ubusin ano?

JJ: Napakahalaga po kasi na ibalik sa dati yung party-list system medyo lumawak masyado yung interpretasyon ng batas. Kaya nakita niya yung deliberation ng mga party-list organization so we really need to go through isa-isa hanggang sa hindi sumusunod sa essential ng batas talagang hanggang sa maubos po.

KE:  Pagkatapos alam ko in very general term gusto ko lang po itanong ulit baka sabihin ng iba pinag-iinitan lang kami. Ano yung inyong tinitignan yung mga walang katuturan yung talagang sinisipa na tama ba?

JJ: Ang sinisipa natin ay yung mga hindi kumakatawan sa tunay marginalized sectors. Ibig sabihin kapag yung nire-representa nila ayon sa batas at Korte Suprema may guidance kasi yun. So kapag ayon sa guidance na yun hindi sila pasok sa definition ng marginalized sector ay tatanggalin natin. Kapag yung grupo naman kinakatawan nga yung marginalized sector per yung kanilang pagre-representa naman ay kapos. Ibig sabihin wala naman silang naipa-pakitang ginawa para sa sector na yun wala silang ginagawang tulong ay baka matanggal din po sila. At pangatlo siyempre yung mga nominasyon at some point titignan din natin yan kung sila ba ay tunay na galing sa marginalized sector katulad ng inuutos ng batas.

KE: Ito po ang aking katanungan nagbabalak po kasi akong magtayo ng sarili kong party-list group. Paki-advice naman ako kung karapat-dapat na marginalized sector yung gusto kong katawanin. Ang gusto ko pong itayo ang pangalan ng grupo namin ay Kagwapuhang Bawal Rumampa o KABARU. Kasi po maraming kalalakihang nagtatago po sa closet marginalized po ba kami?

JJ: Very interesting po although yung KABARU na pangalan marami siguro ang tataas ang kilay diyan. Pero ganito po kung natatandaan niyo po yung grupong Ladlad ay dinala po kami sa Korte Suprema nung dineny namin yung kanilang petition for accreditation pero napagbigyan sila ng Supreme Court. Sabi ng Supreme Court marginalized sila kung ang ipre-presenta niyong marginalized sector ay kumakatawan sa mga karapatan at interest kasama po yata dun ang mga kagwapuhan nasa closet sa tingin ko po maari kayong mapagbigyan ng accreditation dahil ayon sa Korte Suprema yung LGBT ay isang marginalized sector.

KE: Sa ginagawang disqualification ng Comelec marami yung nagtatangka ng impeachment para kay Chairman Sixto Brillantes, ano po yung inyong masasabi tungkol dun?

JJ: Let them come, solid po yung grounds namin for doing what we’re doing and so far naging maingat kami na sundin lahat ng due process requirements. Kami ay confident na busisiin nila yung proseso wala silang makikitang ginawa namin na mali. Ang Chairman namin ay desididong isaayos ang party-list system at kami po ay sumusuporta sa kanya.

KE: Maraming salamat po Director James Jimenez ng Comelec!

JJ: Salamat po!