Miyerkules, Hunyo 25, 2014

Sen. Antonio Trillanes IV /Kalye Escalera Interview June 26, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan






Sen. Antonio Trillanes IV /Kalye Escalera Interview June 26, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Ang una naming ipapakuwento sa inyo Sen. Trillanes ay ano ngayon ang inyong masasabi na dalawa na doon sa inyong tatlong kasamahan ang nakakulong na nasa Sandigan Bayan na. Ano ang inyong masasabi at papano niyo ikukumpara yung sitwasyon niyo noon kayo ay nakaranas ng ganito sa buhay niyo?

AT: Sa totoo siguro iba yung konteksto ng pagkakakulong natin kasi itong inaasakusa kasi nung sa akin noon kaaway ko yung administrasyon. Pero alam niyo naman kasi sundalo naman tayo tanggap natin yung mga ganyan kagaya nitong dalawang kasama natin ay iba ang kanilang kinalakihan at nakasanayan.

KE: Pero kayo ba ho noon Sen.Trillanes ay nakaranas ng pisikal na pananakit?

AT: Nung pagpasok namin sa Crame sinuntok tayo nakatanggap tayo ng suntok sa isang pulis at kinaladkad tayo senador na ako noon.

KE: Aware ba kayo kung sino ang sumuntok sa inyo noon?

AT: Hindi na wala naman sa akin yun at tsaka sanay naman tayo sa PMA.

KE: San kayo tinamaan noon sikmura o mukha?

AT: Sa dibdib.

KE: Ano yun sinuntok kayo walang sabi-sabi?

AT: Oo pero hindi natin gine-geralize yan sa buong kapulisan kasi in fact yung nag ano sa akin at nag-aresto sa akin mabait sila at nagsabing hindi ako sasaktan pinatay na yung ilaw yung isang portion sa lobby sa Manila Penn. Itong isa senior officer nila sinalubong ako ng suntok pero siyempre wala ng magagawa yung mga miyembro ng SAF na kasama ko kasi senior officer so okey lang yun.

KE: Nasa serbisyo pa rin yung taong yun?

AT: Nasa serbisyo pa rin at may isa pa ring sumalubong din at talagang minanhandled niya ako kinakaldkad yung ibang kasamahan ko nakagulong sa floor.

KE: Sa verbal abuse senator ano ang encounter niyo diyan habang kayo ay nasa kulungan?

AT:  Siguro yung tingin sa akin tinyente pa rin yung mga nasa loob professional naman sila yung mg pulis yung mga custodian magalang naman sila same naman ang treatment sa lahat. Katunayan naman dun sa bisita pinaghuhubad medyo mabigat yun bawat bibisita yun ang na-experience natin. Kung may bisita na maraming dalang mga pagkain pingasasaluhan namin yan kapwa detainee mga kasama ko.

KE: Pero kahapon itong si Sen.Pres Franklin Drilon siya ay parang nagbiro pa nga na nakahanda raw siyang magpatayo ng monumento para sa Sandigan Bayan kung matatapos itong trial sa loob ng dalawang taon pang natitira dito sa administrasyon ni Pang. Aquino. Ito ho ba ay nangangahulugang na yung inyong mga kasamahan sila Sen. Revilla at Sen. Estrada at kung sakali si Sen. Enrile ay maghanda pa ng mas mahabang pagtitiis at pagtiyatiyaga dito sa kanilang mga kaso?

AT: Ina-assume natin yan kasi talagang wala namang ganung kabilis na trial dito sa Pilipinas ang palagay ko ang inaasahan natin sa mga akusado would be yung makakuha sila ng piyansa.Pero siyempre kokontrahin naman yan ng gobyerno.

KE: Pero ngayon ang matunog lamang na pangalan sa pagka-Pangulo nag-iisa itong pangalan itong si VP Binay sa tingin niyo naman eh itong dalawa kaalyado niya. Sa tingin mo ba kung pag upo niya kung siya ang mananalong Presidente sa 2016 uunahin niya ito. Hindi kaya siya mabatikos ng mga tao sapagkat binabantayan ng mga tao ang pangyayaring ito.

AT:  Alam niyo kung ang mga dahilan ng batikos at alam niyo kung paano lalaruin papalusutin lng yan tapos ang tutukan ibang balita ganun na yun. Sasabihin lang nila sa kaso nagkamali yung ganito. Sasabihin lang naman ni Binay kumbaga nasa korte yan hindi ko naman kasalanan yan.

KE: Nabanggit na natin si VP Binay medyo magtatanong ako ng bahagya bakit si VP Binay lamang an gating naririnig na lamang na ngayon kakandidatong Presidente sa 2016. Kayo naman ay nababalitaan an rin namin na kayo ay open pero parang ang mas lutang na tatakbuhan niyo ay itong pangalawang pangulo sapagkat hinihintay niyo ang desisyon ng inyong partido ang Nacionalista Party.

AT: Ang natanong mo kasi kanina yung pinag-usapan natin kasi ang tanong dito sino ba ang kakandidato pero sa akin maliwanag yun na medyo may pinagsamahan sila magkakampi talaga sila so wala ng kaduda-duda. Ngayon yung ibang kandidato palagay ko kung kandidato ng Liberal Party o Nacionalista Party hindi mangyayari yan.

KE: Balik tayo sa Senado ano ang magiging sitwasyon sa inyong paningin kumbaga nabungi ng ngipin sa session hall?

AT: Sa tingin ko pag nagbukas ang ating session this coming July magfo-focus kami sa trabaho kasi wala ng distraction.

KE: Kumbaga kung itong gagamitin kung term kung kayo ay napuwing nung mga nakaraang mga session.

AT: Talagang nagkaka-ilangan tapos hindi talaga komportable sa trabaho at sa palagay ko kailangan na naming magsumikap.

KE: Personally Sen. Trillanes naniniwala ba kayo na yung paratang sa kanila ay sa pagkamal ng komisyon sa pork barrel na natangay ni Napoles talagang sila sa tingin niyo ay may alam dito?

AT: Sa akin nakita nating lahat yung mga sinabi ni Benhur Luy yung mga dokumento lahat at base sa mga nakita ko ay naniniwala ako na meron silang kinalaman doon.

KE: Sen. ang sabi kasi ng ilang ating kababayan dapat lang tigilal nila Sen.Revilla at Estrada yung pagre-request ngb kung ano-ano sapagkat yung mga isinusulong ng mga mambabatas nan kagaya niyo ay yung tigilan na yung special treatment.

AT: Agree tayo diyan pero tanggapin na lang yung nandiyan in fact dapat greatful sila hindi sila binaboy nirespeto sila ng mga otoridad tapos yung kanilang facilities bago tanggapin na lamang yan at mag-adjust sila.

KE: Maraming salamat Sen. Antonio Trillanes at  hanggang sa mga susunod na pagkakataon ng interview namin sa inyo ay yung mga panukala ninyo dito sa mga sundalo at ilang mga bagay-bagay!

AT: Maraming salamat po sa inyo!