Miyerkules, Disyembre 3, 2014

Mr. Renan B. Dalisay (NFA Administrator) Kalye Escalera Interview Dec. 4, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



Mr. Renan B. Dalisay (NFA Administrator) Kalye Escalera Interview Dec. 4, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Ano po ang kahandaan natin ngayon dito sa na sana di matuloy dito sa pagtama ng bagyong Ruby at naaalala ko kasi nun administrator kay Yolanda after niya yung isang warehouse ng NFA diyan sa Leyte ay mukhang ni-ransack. Anon a ho ba ang status nung warehouse ngayon?

RD: Yung warehouse po na yun ay in fact hindi na talaga mapapakinabangan pero gumawa na ng resolution ang NFA council. Magpapagawa ng bagong warehouse dun sa Leyte pero ang paghahandang ginawa natin ngayon dahil meron pa tayong isang warehouse sa Tacloban nagbigay na ako ng instructions sa mga regional directors dun sa tatamaan ng bagyo na e-insure yung stock na meron tayong 20 days. Pangalawa po beef up yung security para hindi na mangyari yung dati.

KE: Yun po ay for 20 days na buffer na hindi magbabago ang presyo at sa kasalukuyan po ay magkano ang ating retail price?

RD: Ang retail price natin ay dalawang klase yun P27 at P32 kahit may kalamidad pareho prin ang presyo nun hindi magbabago yun at magiging very available sa merkado.

KE: 20 days ito NFA Administrator at the rate of ano po ba yung volume ine-expect niyo daily na maa-out?

RD: Ang out po natin ang regular kasi nag-o-out tayo ng mga 500 to 1,000 sacks pero i-dou-double triple natin yun dahil meron tayong buffer stock sa mga warehouse dahil ina-assume natin pag may kalamidad mas mataas ang kunsumo.

KE: Ito po ay sa bahagi lang ng Tacloban dun sa warehouse niyo dun yun sa mga ibang lugar na kasi tinitignan ko dito sa mapa yung ruta nitong si Ruby. Kahit dun sa mga hindi hagip ng tuldok ay parang hagip nung malawak na kaulapan ibig sabihin tatamaan din ng pag-ulan?

RD: Tama po yun sa pagpupulong namin kahapon ang mga critical areas ay na-identify namin aside from region 8 kasama na rin ang region 7, 5 at yung Caraga. So naka-focus po tayo dun pero pati yung ibang mga lugar nakahanda rin ang ating mga NFA warehouse at mg employees.

KE: Kasi ang kailangan lang naman dito na masigurado ay yung supply at pag ganyan panahon ng kalamidad medyo mahirap hanapin ang pera. Yun bang katiyakan na talagang magagalaw yung presyo?

RD: Stable ang supply at ang presyo ng NFA rice kahit na sa extra ordinary situation tayo hindi magbabago ang presyo ng NFA rice.

KE: Administrator sana maayos lang yung pamamahagi ng NFA rice kasi sa mga nakakaraang araw nagkaroon din ng problema tungkol diyan. Pati na yung issue na merong inihahalo sa bigas kumusta na po ba yung update doon?

RD: Yun nga po ang isa sa pinaka-malaking problema ng NFA nung pagpasok ko dahil maganda na ang kalidad ng NFA rice ngayon masyadong tempting na ihalo siya o i-convert siya into commercial rice. So ang una kong ginawa nung ako ay itinalaga umikot ako sa mga merkado hindi lang sa Metro Manila kundi sa probinsiya. Wala akong kasamang media, NFA official hindi ko pinapa-abiso na darating ako para makita yung sitwasyon ng NFA rice sa mga merkado at nakita ko na totoo yung sinasabi niyo na problema yan kaya yan ang ina-address natin. In fact within the next two weeks hanggang January yung watch ng NFA yung bantay bigas movement.

KE: Kasi kung ganyan na kayo na rin ang nagsabi na maganda na talaga ang quality ngayon ng NFA rice parang puwede ng makipag-kumpetensiya sa commercial rice. Hindi kaya nangyayari na yung mas mahihinang klase ng commercial rice ay naswi-switch ang tatak at sila yung nagiging NFA rice kasi ang tingin kasi ang first impression  ng public pag NFA rice ay talagang hindi ganyan kaganda ang klase. Pag commercial rice ay mas mataas ang kalidad kumpara sa NFA rice?

RD: Posible po yun kaya lang may directive tayo dahil gusto nating i-maintain ang kalidad ng NFA rice. Meron tayong instructions sa mga NFA officials sa region na bantayan ang NFA rice at pag nakita nila na medyo pangit ang klase madi-distinguish natin kaagad na hindi NFA rice yun. Puwede nating ipa-revoke o suspend yung lisensiya ng mga retailers.

KE: Isa pang concern ko dito kay bagyong Ruby itong panahon kasing ganito parang may mga nakatakda ng mag-ani ng kanilang mga palay. Ano ba ang monitoring niyo kung sakaling mag-landfall talaga ito ay gaano kalaki yung maaring epekto dito sa ating local supply?

RD: Base sa pag-aaral namin mukhang patapos na ang harvest pero meron pang mga less than 20% pero nandito siya Mindoro area. Nakikipag-coordinate kami sa DA para ma-insure din yung tatamaan na mag-a-ani pa baka puwedeng makapag-ani ng mas maaga habang wala pa si bagyong Ruby.

KE: So parang medyo kahit papano sinusuwerte pa rin tayo kasi wala na tayong kasagsagan parng nag-subside na yung season ng harvest?

RD: Tama po yun.

KE: Meron pa tayong ilang sandal na nalalabi kaya kayo ay bibigyan namin ng pagkakataon para manawagan at magbigay ng pabatid sa ating mga kababayan tungkol sa inyong paghahanda?

RD: Salamat po! Alam niyo po ang NFA maraming problema pero sa pagpasok ko bilang bagong NFA administrator hindi ko rin tatanggapin ito kung sa tingin ko ay hindi tayo makakatulong sa paghanap ng mga sulosyon. Ang una siguro na puwede nating hiling na tulong sa ating mga kababayan is yung citizens participation meron tayong NFA officials sa ground pero mas maganda taong bayan mismo ang magsumbong sa NFA kung ano ang nangyayari sa ground at nagbuo tayo ng quick reaction team para makaresponde kaagad sa mga problema ng diversion ng NFA rice.

KE: Maraming salamat po at sa mga susunod na pagkakataon administrator kami ay muling makiki-pag-ugnayan sa inyo. Lalo na kung ang ating binabantayn na si Ruby ay mag-landfall pero sana naman hindi at siyempre yung mga susunod na inyong impormasyon ay kailangang malaman ng ating mga kababayan. Maraming salamat po at goodluck po sa inyo!

RD: Maraming salamat po!

Lunes, Setyembre 8, 2014

Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac (Chief PNP Public Information Office) Kalye Escalera Interview Sep. 9, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan





Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac (Chief PNP Public Information Office) Kalye Escalera Interview Sep. 9, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

RTS: Patuloy po ang paghahanap pagtutugis dun sa mga anim pang suspek dun sa sinabing hulidap at yung dalawa po ay under arrest ngayon at nasa kustodiya na ng PNP.

KE: Gen. meron lang ilang katanungan na namumuo sa aking isipan ng ito ay aking mabasa sa mga balita. Na-establish ho ba na itong grupong ito ay talagang matagal ng ganito ang lakad o iba ang linya o napilitan lang na pasukin itong ganitong uri operasyon dahil nag-positive na dala ng subject yung pera?

RTS: Unang-una yun ang isang pakay ng aming imbestigasyon at sinisikap naming malaman ang katotohanan at puno’t dulo nito. Pero sa indikasyon na nakuha yung pagsagawa nila ng operasyon ay parang nag-i-indicate o na may tendency na siguro na may ginagawa na silang ganito.

KE: Pero broad daylight yun sir hindi kaya posibleng baligtad din ang kanilang naging diskarte at kumbaga positive na yan trabahuhin na natin lakasan na lang ng loob ito.

RTS: Tigtignan natin malalaman din yan sa mga susunod na araw yung mga pag-usad ng imbestigasyon. Subalit ang nananitili is that they have to answer it first.

KE: At siguro ma-follow ko rin lang itong record ho ba ng dalawang pulis na nasa custody natin kung pagbabatayan ang data base ng PNP may mga previous record na sila na parang ganito ang linya?

RTS: Sa latest inaalam pa natin kung meron pang mga record sa admin. may malilit na infraction sa criminal hindi pa natin nasisiguro.

KE: Ano po yung maliliit na infraction General na yun?

RTS: Mostly sa attendance at sa pag-perform ng mga duties nila.

KE: Siguro ng baka nga nagsa-sideline at parang mahirap ding sabihin sa punto ngayon na yung sideline nila ay ganun na nga dahil hindi pa napapatunayan natin. Siguro hindi ko na rin babanggitin kung saan lugar kayo nagze-zero in ngayon pero talagang sila ba ay positive na walo na lamang o possible pa yun na madagdagan?

RTS: Walo nga po sila plus ex-police so siyam lahat at inaalam din kung may mga ibang involve sa kanilang kasamahan at ilalabas naman sa mga darating pang pag-i-imbestiga.

KE: At siguro huling tanong ko na lang sa pagkakataong ito General ay marami na kasi ang talaga na lalo na sa pangyayaring ito na kasama ho tayo sa nalulungkot sapagkat mga kabaro natin mga unipormadong tauhan ng pamahalaan ang nasasangkot na naman sa ganito. Dapat ho pa ba kaming magtiwala 100% sa ating mga pulis medyo masakit ho itong tanong na ito pero kailangan ko ring malaman ang kasagutan ng mga otoridad?

RTS: Unang-una hindi dapat mawalan ng tiwala ang ating mga kababayan sa kanilang kapulisan kasi number 1 ito ay maliit na bahagi ng puwersa ng pulis. Kami ay 148,000 sabihin natin na may isang porsiyento naliligaw ng landas ay hindi pa ito ang nagbubuo ng majority at all ng buong kapulisan. Alalahanin ng ating mga kababayan ay ang nanghuli sa kanila ay kapwa pulis din na nagsasakripisyo nag-dedicate ng kanilang buhay para sa ikakapayapa at ikaka-ayos ng ating bayan at mga bayan-bayanan. Siyempre yung importanteng makita sana ng mga mamamayan yung effort na yun na wala kaming sinu-sino kahat miyembro ng aming hanay basta sa pag-solve ng isang krimen in this case medyo limang araw lang inabot at nagkaroon ng kaliwanagan at kalutasan at makikita nila na pulis ang nagsagawa ng lahat na ito. Siyempre sa guidance ni Sec. Mar Roxas at sa direksiyon ni Police Dir.Gen. Allan Purisima ang ating Chief PNP.

KE: So ako po ay nagco-congratulate kasi after din po na ones na ma-publish itong litratong ito sa mga social networking sites at yan ay nag-trending ay parang kumbaga iniisip namin ay baka ano lang ito nag-post lang dito yung isang makulit na gustong maghakot ng maraming like sa facebook. Yun pala ay napakatahimik din mg PNP yun pala tina-trabaho niyo na rin pala.

RTS: Tama po kayo doon at in fact una-una namimg pinasasalamatan yung nag-upload nun o nag-post sa twitter yung viral photo na yun. Dahil ito ang naging mitsa para simulant namin ang imbestigasyon at magkaroon ng kaliwanagan at kalutasan dahil nga dun sa pinost. Eto na yung sinasabi naming sana na pakikiisang ating mga kababayan sa kanilang kapulisan tulong-tulong po sana tayo dahil wala pong krimen na naso-solve na walang malaking partisipasyon or involvement ang mga mamamayan. Kahit saang parte ng mundo yan kahit gaano ka-advance ang police force lahat ng krimen ay naso-solve dahil may nakipagtulungan na isang miyembro ng komunidad o mamamayan na naging concern sa kanyang general welfare at ito ay nagbunsod ng isang imbestigasyon police operation at yung solution ng isang krimen. Pati crime prevention hindi namin mae-effectively maipapatupad kung wala pong participation at kooperasyon ng ating community.

KE: General matanong ko lang bago kayo pansamantalang bitiwan ngayong umaga ilan na po ba ang followers ng official twitter account ng PNP?

RTS: Dalawa po ang twitter account natin yung isa PNP Hotline yan yung pro-active engagement yung mga suma-sagot-sagot eto yung nasa 25,000 followers na po at yung isa naman yung PNP-PIO pinamamahalaan ng aming opisina eto naman yung pina-follow ng media at of course yung publiko at nandito yung advisory more of one way communication ito. Ito yung mga pronouncement, advisory, crime prevention tip at mga hotlines as well yung mga current activities nasa 30,000 naman.

KE: Sa facebook po ilan ang ating likers?

RTS: Mas mataas ang PNP facebook alam ko nasa 30,000 na rin yun.

KE: So yan ho ay malaking tulong at siguro yung ating mga kababayan na may mga mobile internet rin sa kanilang mga bag at mga bulsa ay i-add niyo na lang yan i-like niyo na lang para at least updated kayo.

RTS: Opo at ipagpatuloy nila ang pagpo-post pag may nakita silang anomalya mga unusual incidents ng katulad ng ginawa nung concern citizen na yun.I-upload nila kaagad at maaring mabigyan ng kaukulang aksiyon ng pulis pag nabigyan ng pansin ng isang mamamayan.

KE: Maraming salamat po Gen. Sindac good morning at goodluck dun sa paghahanap niyo po dito sa mga ibang naliligaw ng landas.

RTS: Maraming salamat po!

Linggo, Agosto 17, 2014

Sen. Antonio Trillanes III Kalye Escalera Interview Aug .18, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan




Sen. Antonio Trillanes III Kalye Escalera Interview Aug .18, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sen. Trillanes magandang umaga po!

AT: Magandang umaga po sa inyo at sa inyong mga tagapakinig!

KE: Ano ho ba talagang komite ang hahawak dito sa inyong kahilingan sa senate body na maimbestigahan itong Makati City Parking Builiding?

AT: Ito pong Blue Ribbon Committee ang magco-conduct ng senate investigation at meron itong senate sub-committee na ang hahawak ay si Sen. Koko Pimentel.

KE: Ito ho ay sigurado na ang magiging chairman sa particular na imbestigasyon na  yan ay itong si Sen. Pimentel?

AT: Opo sigurado na po yan na-manifest na po yan senate so wala na pong pagbabago diyan.

KE: Ang petsa po ay kalian sir?

AT: Sa Aug. 20 ng umaga 10am ang hearing po natin.

KE: Kayo ba ay handang-handa na yung inyong mga hawak na dokumento mga ebidensiya at mga katibayan sa mga binabanggit kasi sa mga reports na dine-deny na ito ng pamunuan ng Makati City ay talagang masyadong mataas at malayo sa katotohanan itong naging presyo nitong naturang gusali?

AT: Sa akin naman ni-review natin yung mga daokumento at ipinakita natin yung mga testimonya ay talagang kailangan nating imbestigahan kasi alam niyo yung presyo aabot ng mahigit P2.5B at ang estimate na kinita dito ng mga Binay ay aabot sa P2B. So malaking pera ang involve dito na kailangan nating imbestigahan at makita rin ng taong bayan na itong si VP Binay ay malinis talaga.


KE: Para lang ho sa background n gating tagapakinig ito ho bang Makati City Parking Building na ating tinutukoy na paiimbestigahan ay kailan ito inumpisahang itayo sino amg mayor noon at kailan natapos at sino na ang mayor nung matapos ito?

AT: itong proyekto na ito ay sinimulan aroung 2007 to 2008 nung mayor palang si VP Binay tapos umabot yan ng anim na taon bago itayo ito. Alam niyo 11 storey lang po ito yun na nga ang presyo ay mahigit P2.5B, P2.7B na nga ang lumalabas ngayon. Ihambing natin ngayon sa ordinaryo alam na nga natin yung magagarang condominium na may 46 floors na di hamak na mas mataas.

KE: Magkano ang ginastos doon?

AT: Ang presyo ay P2B so mas mahal itong building at primera klase itong condominium talagang fully furnished.

KE: Kumbaga sa interior ay top of the line condominium na hi-end.

AT: First class talaga at P2B lang pero ito na mas maliit na 11 floor yung 5 floors dun parking space pa so ibig  sabihin walang laman ay P2.7B.

KE: Ang kinakatwiran nila na hindi naman parking building kundi gusali na pinapasukan ng mga empleyado building pa ri ang tawag diyan at ang gastos pa rin ay P2.5B.

AT: P2.7B na nga ho.

KE: Yung pinagbatayan niyo na building kailan ito naitayo Senator?

AT: Parehas lang po silang naitayo yan yung mga comparison labas yung mga buildings na naitayo ngayon para makumpara natin yung mga presyo.

KE: Kasi dito sa atin ang batayan ng halaga is kung mas later itinayo yung building mo na kamukha ng unang naitayong building dapat mas mahal yun dahil habang lumalaon ay nagmamahal ang materyales di ba?

AT: At sa atin dito kasi pagkakataon ito ni VP Binay kung kumpleto naman yung mga dokumento niya para mapaliwanagan niya yung ganito. Alam niyo malilinis siya dito at lalong lalakas ang kanyang kandidatura nagtataka naman ako bakit parang ayaw nilang mangyari ito pinapangunahan nila pakinggan muna natin tignan muna natin kung ano ang piniprisinta.

KE: Sa miyerkules po ba Sen. may mga dadalo doon na pupuwedeng magbigay ng kanilang mga testimonya na magpapatotoo dito sa inyong mga binabanggit na detalye?

AT: Meron may mga industry expert, research person para lang maliwanag kung talagang makatotohanan nga ba makikita naman ng mga kababayan natin kasi matatalino naman yung mga kababayan natin. Alam nila kung kung sino ang nambobola at nagsisinungaling at sino ang nagsasabi ng totoo.

KE: May nababalitaan din ako kung natatandaan niyo noon nung kayo ay hindi pa senador kayo ay nasa panig pa ng pakikibaka para labanan ang gobyernong Arroyo. Noong unang pagtatangka niyo na kumilos laban dito sa pamahalaang Arroyo sa Oakwood Hotel at nung mga time nay un ewan ko lang kung ano ang masasabi niyo dito sa mga impormasyon na nakukuha namin na kayo noon ay humingi ng suporta dito kay VP Binay para lumakas ang inyong pakikibaka pero hindi raw kayo tinulungan?

AT: Wala naman siya doon.

KE: Itong ginagawa ninyo ay hindi naman sour graping that time na sa gipit na kalagyan at puwede ka niyang tulungan ay hindi niya ginawa.

AT: Hindi naman ganun hindi naman tayo kunsintidor alam naman ng mag kababayan natin yan yung mga nang-api nung tayo ay kinulong mahigit pitong taon hindi naman binablikan yun walang koneksiyon daw simulat sapol tumatayo laban sa mga tiwali sa bayan isa lang ito sa mga adbokasiya.

KE: Dito sa hearing palang sa miyerkules mayroon ka ng impormasyon kung sino naman ang dadalo sa panig nitong inyong inaakusahan andun na si Sen. Nancy Binay maliban sa kanya may mga nababalitaan na ho ba kayo na pupuwedeng magpaliwanag in behalf of the VP?

AT: Merong inimbita ang Blue Ribbon Committee at we will be fair na maririnig ng mga kababayan natin yung panig nila ang magtitimbang na lang niyan ay ang ating mga kababayan makikita naman nila yan at hindi maagrabyado dito s I VP Binay.  In fact hindi naman muna nartin siya iimbitahan ngayong Wednesday para makita natin ang ebidensiya.


KE: Si Mayor Junjun Binay po ba ay imbitado sa miyerkules?

AT: I believe so kasama yata siya inimbitahan at maririnig po natin.

KE: Maiba naman tayo ng konti medyo dumako tayo sa larangan ng pulitika ano ho ba ang latest ngayon dito sa inyong grupong kinabibilangan dito sa Nacionalista Party dito sa loob ng mataas na kapulungan ng kongeso parang hindi ba huli para mag-fill ng Presidential candidate ang ibang grupo dahil halos dalawang taon na lang.

AT: Yung Nacionalista Party ay definitely meron tayong ilalaban sa 2016 mamimili po ang Nacionalista Party sa tamang panahon at mag-uusap kami nitong Diseyembre kung sino ang mapipili. Sa palagay ko may panahon pa naman sa ngayon ang preparation ay pinag-aaralan natin yun ibat-ibang problema ng bayan so yung mga solusyon ang ating hinahanap para pag dating na panahon kumpleto tayo maganda ang ating programa para masyulosyunan yung problema ng ating bayan.

KE: Sa personal niyo pong kabasehan ano ba ang talagang ang mas matimbang sa inyo Bise Presidente o Presidente?

AT: Ang sa akin kasi pinapaubaya ko sa liderato ng Nacionalista Party  kasi alam niyo ang kailangan yung preparation mo ay para sa parehas hindi mo sasabihn na ang preparasyon mo pang Vice President kasi assuming mahalal ka bilang VP kung ano ang mangyari sa Presidente kailangang handa ka para mag-assume bilang Presidente ganun yung preparation kaya yun po kung saan ako ilalagay ng Nacionalista Party.

KE: Nabanggit niyo kanina yung word na handa ibig ho bang sabihin nito yung ating mga kandidato sa pagka-Pangulo kasama na diyan si VP Binay dapat ilahad na talaga kung ano ang kanilang tunay na kalagayan ng kanilang kalusugan?

AT: Kasama po yun sa pag-uusisa ng mga botante sa mga kandidato sa akin yung kahandaan mentally, emotionally, psychologically, physically tignan nila kung ano yung mga programa paano lulusatin yung ibang problema ng ating bayan so yun siguro ang kailangang makita.Kasi ang mahirap ngayon   porke yung mga botante hindi hinahanap yung mga sulosyun ang ginagawa lang ng mga kandidato ay pinaplano kung paano manalo sa kampanya ang preperasyon kaya pagdating  at pag nanalo na at hindi naman pinag-aralan yun so kagaya ni Pres. Aquino itinulak pa wala namang plano yung tama at hindi handa. Thru the credit naman kay Pang. Aquino hindi naman siya kurakot nagkaka-problem tayo sa kuryente nagtataasan yung mga bilihin at maraming problema ang lipunan na kinakapa hanggang ngayon apat na taon sila sa puwesto.

KE: Dun po sa mga kakandidato lalo na sa pagka-Presidente kung talagang bukal sa kanilang kalooban eh di ikusa na nila na ilabas yung kanilang health certificate na ang nakalagay doon ay fit to be President.

AT: Sa akin nga baka sabihin nilang namemersonal tayo pero pag maghahanap lahat ng kandidato ay dapat ipresinta yun.


KE: Panghuling mensahe sa panayam na ito sa hearing sa Wednesday ano ang inyong mensahe sa publiko?

AT: Sa akin sa mangyayari a imbestigasyon sa miyerkules ay parte ng trabaho naming bilang senador dahil merong na-report na bilyun-bilyon na mula sa kaban ng bayan so kailangang tignan natin lalo nan a-involve yung VP ng ng Pipilinas at dapat interesado nating malaman kung ito bang magiging Presidente natin ay magnanakaw o hindi so kailangang bantayan natin.

KE: Maraming Salamat Senador Antonio Trillanes maganda umaga sa inyo at goodluck sa inyo!

AT: Magandang umaga po sa inyo!

Lunes, Agosto 4, 2014

Commander Arman Balilo (Spokesperson Phil Coast Guard) Kalye Escalera Interview Aug. 5, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan Part 2





Commander Arman Balilo (Spokesperson Phil Coast Guard) Kalye Escalera Interview  Aug. 5, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan Part 2



KE:   Kasi kahapon may mga nababasa rin ako na tungkol sa  nag-malfunction na M/V Super Shuttle Ferry bound to Cebu. Medyo ang nakita ko po  kasi ay yung Coast Guard ang nag-assist dito sa mga pasahero na na-trap po dun kumusta na po ba yun?

AB: Oo nagkaroon ng problema yung Super Shuttle Ferry na 3 galing ito ng Cagayan De Oro 8 o’clock the other day pagkatapos darating siya ng umaga sa Cebu pero nagkaroon nga ng problema. Ang report sa amin nagkaroon ng engine failure so namatay yung makina pag namatay yung makina pati kuryente mo generator mo nawala lahat ganun ang nangyari dun at yung 118 passengers niya talagang nag-alala lalo na 2 o’clock ng madaling araw na palutang-lutang sila sa boat tapos masama pa yung panahon. So ang problema dito medyo tumagilid yung barko so it cause alarm sa mga passengers at 6 o’clock na nai-report sa amin na may ganung problema and yung Coast Guard nagpadala ng dalawang barko para puntahan kaagad yun kasi iniisip namin na mai-evacuate na yung mga passengers. Pero yung crew at kapitan they were able to adjust yung listing at maging stable yung barko so ang sabi nila kaya ang ginawa namin nandun lang kami sa tabi nila. Bandang 10:30 na upright yung position ng barko at nag-start yung engine so naglayag sila at alam ko ay nakarating sila 3 or 4 sa Mandaue Cebu. Pero ang problema namin doon ay ipa-explain sa captain dun sa nangyari at yung fact na kung bakit it took them mga 4 hours at kami naman on our part gusto naming  malaman kaagad kasi kung may nangyari kami ang masisi. So kahapon pina-report hindi ko pa nakausap si Commodore Melad kung ano yung explanation nung captain na barko bat hindi nila ni-report kaagad yun ang advise namin. Ang kabutihan nito ngayon merong mga pasahero na kung hindi man mag-report sa Coast Guard may mga kaibigan din yan para ma-inform kami pero sana nga ang gusto namin yung kapitan talaga o yung shipping company kasi ang shipping industry ay primarily responsibility ng mga owners at nung kapitan so ganun ang nangyari dun at sana ay hindi na maulit

KE:  Ano ba ang sa tingin niyo ay iniiwasan itong mga ito at ayaw magsabi agad ng katotohanan sa  inyo?

AB: Hindi ko alam bibigyan kita ng sample nung sabado may lumubog na tugboat dito sa Batangas so kami ni-rescue naming nagkataon na yung mga technical divers namin yung head ng special operations group si Commander Rosario nag-aaral sila ng technical driving so remusponde sila. Ang problema pag reresponde ka tumatakas pa yung barko only to find out na nung binoard na nila yung barko na-rescue na yung tao na-expired pala yung mga dokumento may mga incident na ganun kaya minsan hindi inire-report kaagad ng mga barko dahil may itinatago. Katulad nun ni-recommend ng station commander ng Batangas for investigation yung Gothong Lines yung Gothong 5 na expired lahat yun kanyang mga worthiness documents. Yun yung nagiging dilemma pa dumarating ang Coat Guard tutulangan na nga namin nagtatago pa kasi may tinatago na mali sa kanyang mga documents.

KE:   So para palang yung isang colurum na bus na pinaki-iwas-iwasan nilang makaaksidente kasi pag na para na sila nagkakabuklatan na ng mga dokumento.

AB: Expired lisensiya pati ang prangkisa isang malungkot yan pero alam mo hindi naman nagpapabaya si MARINA administrator Max Mejia at dun nakita natin yung ibang improvement at maganda yung tulungan ng Coast Guard at MARINA and hopefully we could put into rest yung issue natin na hindi sea worthy yung mga barko natin.

KE:  Malihis ako ng bahagya Commander ako ay madalas  sumasakay ng barko ang probinsiya ko ay Romblon ordinary na lang sa amin ang sumakay ng RORO from Batangas to Romblon or kung may direct na barko galing sa Maynila to Romblon at madalas din akong magawi ng Mindoro isa pang RORO area yan. Napapansin ko lang na may mga barkong mabibilis, may mababagal eto mga passenger ship maliban dun sa mga Fast track na may standard speed na sinusunod eto bang mga RORO na ito na malalaking passenger ship na ito wala ba silang panuntunan na kailangang sunduin ang isang standard speed?

AB: Hindi ako masyadong pamilyar kung merong dapat na required speed pagdating sa mga ganyang RORO. Pero ang MARINA ang nag-a-approved nito so ang pinapalagay ko ay pag inaprubahan ng MARINA yan kung ganun ang speed nila ay pinayagan sila so okey yun as long as na sea worthy yung vessel. So ang primary consideration niyan ay hindi malalagay sa panganib yung mga pasahero na kahit medyo mabagal yung barko maritime economics siguro ang principle diyan ang maganda siguro magkaroon pa ng ibang competition dun sa area na mas mabibilis yung mga barko dapat may magpuhunan para sumigla ang shipping activities dun sa area at merong mas mabilis at may mga option yung mga tao na may ibang masasakyan.

KE:  Isang malinaw na halimbawa niyan ay bumabiyahe kasi talaga sa amin yung Montenegro Lines Batangas  to Romblon.

AB: Talaga bang napaka-bagal.

KE:   Dati kasi nung ako ay nag-aaral pa may nasasakyan akong mga umeekstra na barko nakukuha namin yan ng 9 hours Udyungan to Manila yan. Pag Udyungan to Batangas 9 hours din minsan 10 hours pa so ngayon medyo may ibang kumpanyang ka-kumpetensiya yung Montenegro sa amin hindi pa rin nla nagawan ng paraan na pablisin yung mga barko nilang ang ginagawa nila dahil sabay yung schedule aalis ng mas maaga itong Montenegro para mauna siyang makakarating dito sa Batangas o Udyungan pero ang nangyayari naabutan pa rin siya.  

AB: Well we have to take note of that and probably ask MARINA bagamat labas sa usapin ng Coast Guard pero concern kami sapagkat shipping activities yan.

KE:  Kanina napag-uusapan namin yung traffic dito kanina yung land transportation diyan ba sa mga pier natin dito tingin niyo minsan ay nae-encounter na yan yung mga pagsisikip ng mga pantalan walang available na rampa mga ganun?

AB: Hindi masyado except alam mo naman yung mga problema dito sa Manila pagdating dito sa Customs sa mga terminal sa pier 15, 13 yan talaga ang may mga problema sapagkat shipping hub yan at mga cargo terminals yan diyan nagsisikip lalo na sa mga problema sanga-sanga na yung problema sa trapiko sa Manila yung dami ng mga container vans na nakimbak diyan at yung mga barkong nate-tengga sa Manila Bay diyan nagkakaroon ng problema. Pero yung mga ordinary na ruta natin tingin ko wala namang silang problema hindi lang ako pamilyar sa ibang piers kung gaano siya kalalaki tingin ko kokonti pa it’s a matter of scheduling para hindi magkakasabay-sabay. Ngayon ang problema diyan parang nakikita ko nag-uunahan sa pasahero at sa magandang schedule yan ay it has something to do with the franchise at usapin ng MARINA siguro. Siguro next time papuntahin mo dito yung MARINA para ma-follow up natin yung usapin na yan maganda yan.

KE:   Pero balikan natin yung kasalukuyang sitwasyon ngayon ano ba ang advisory ng Coast Guard ano yung araw in particular para sa ating mandaragat?

AB: Yung malalaking barko po ay walang prohibition ng PCG na maglayag in fact ganun din yung maliliit pero hindi po dapat magpakampante pag lumabas na yung bagyo. Kasi 1 or 2 days ang gale warning ng Pagasa ay nakataas pa 4 to 5 meters lalo na ngayon sa northern seaboard ibig sabihin yung eastern sea board ng Luzon at western dapat magong observant muna yung mga mangingisda kasi hindi naman kalakihan yung mga bangka nito at ang malalayong inaabot nito ay baka abutin sila dun sa gitna. So extra vigilance kahit walang prohibition dapat may disiplina ang mga kababayan natin hindi isakripisyo yung kanilangb kaligtasan pag may masasamang panahon.

KE:   Alright bago ho naming kayo pakawalan commander baka meron pa kayong mga dagdag na mga panawagan?

AB: Yun lang po ang regulasyon ng maritime industry o ng Phil Coast Guard sa kasalukuyan kung signal no. 1 dahil panahon ng bagyo ngayon dapat hindi maglayag yung mga pasahero yung mga barko. You can always check with your shipping company kung may mga lakad kayo para maiwasan na yung stranded patuloy yung kampanya namin sa stranded passengers. Nung nakaraan imbes na 10,000 siguro umabot lang ng 6,000 and hopefully madisiplina natin yung ating mananakay yung convenience of safety pagdating sa ganiton panahon.

KE:  Coordination na rin siguro sa mga bus companies lalo na yung biyaheng Batangas pag medyo alam nila na makulimlim yung kanluran tumawag muna sila sa Coast Guard.

AB: Correct, alam mo ang naging problema lang natin nitong nakaraan marami na yung hindi nagbiyahe pero meron talagang mga pasaherong makukulit na dun na lang maghintay sa malapit.

KE:  Na-experience ko yan na parang matatakot ka rin kasi yung hanging humahampas din sa rampa kita mo yung turmoil naman kasi sa Batangas kita mo yung area hindi naman parang terminal ng airport yan na hindi mo kita yung eroplano kita mo talaga yung parating at paalis na barko. Pati yung dagat pati paghampas ng hangin kita mo nakakatakot yun mas magandang hindika muna umalis mahal pa pagkain.

AB: Tama yun buti sana kung meron pakain palagi ang problema kasi dun minsan siyempre hindi mo naman mao-obliga yung mga local govt unit na pakainin. Siguro tulong-tulong na lang at pag nag-coordinate lahat yan baka malulutas natin yan para hindi magkaroon ng stranded passengers.

KE:  Maraming salamat po at kami ay napaka-suwerte ngayong araw sapagkat matagal ko ng gustong talakayin itong topic na ito hindi kolang kayo matiyempuhan.

AB: Salamat po sa inyo!