Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Ms. Aileen Lucero (Spokesperson-EcoWaste Coalition) Kalye Escalera Interview Dec. 29, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Aileen Lucero (Spokesperson-EcoWaste Coalition) Kalye Escalera Interview Dec. 29, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Hi Aileen, good morning!

AL: Good morning sa inyo at sa inyong mga tagapakinig ng Radyo ng bayan!

KE: Welcome sa aming programa! Ms. Aileen ang EcoWaste Coalition ay pukpukan na sa inyong ginagawang kampanya dahil dun sa pagsalubong sa bagong taon.

AL: Maraming tao ang sumama sa aming kampanya.

KE: Sa tingin niyo maraming nakinig sa inyong panawagan?

AL: Sa tingin naman namin dumadami naman kasi sabi ng mga nagbebenta ng mga paputok ay bumababa yung kanilang benta. Hindi lang namin makuha dun sa bilang ng nasasakatan talaga kasing ang dami pa rin.

KE: Binalita mo na tingin niyo dumadami naman ang nakikinig sa inyo dahil bumababa ang sales ng nagatitinda ng paputok. Pero siguro pag nag-i-interview kayo ng mga nagtitinda ng paputok siguro isipin mo na lang kung ano ang nasa utak nila habang nagtatanong kayo sabi nila ito na yung mga kontrabida sa buhay namin, marami bang nagagalilt sa inyo?

AL: Yun din ang isa na kino-consider ang talagang panawagan ng ecowaste ay total banning ng firecrackers at fireworks. Dahil ito ay nakakaapekto land, air at water pollution pero dahil meron pa rin consideration for the manufacturer ng firecracker at industriya ng paputok. Hindi nago-go yung banning kino-consider pa rin sila.

KE: Balita ko pag pinagpatuloy pa rin yung pagpu-push dito sa total ban ng paputok magiging ban na rin kayo sa lalawigan ng Bulacan, bawal na kayong tumapak dun?

AL: Huwag naman sana kasi para sa kaligtasan at kapakanan ng higit na mas nakakarami  yug sinusulong ng EcoWaste Coalition.

KE: Give us some guidelines balikan natin ang inyong mga panawagan, Ano ba ang dapat just in case na wala pa tayong total ban sa firecrackers at this point so meron pa rin diyang makukulit na bibili ng paputok. Okey kung bibili ka ano ang pamantayan, patuntunan sa pagbili ng tamang paputok?

AL: Gaya ng DTI dapat meron yang lisensiya, may proper labeling para alam mo kung sino ang hahanapin mo. Ang no. 1 talaga huwag hayaan ng mga magulang yung mga bata na bumili ng mga paputok lalo na yung piccolo kasi puro bata yung nagiging biktima nito. Eto yung mga 6 yrs. old pababa tapos gumamit tayo ng mga alternative news makers kasi noong araw ang pampaingay kinakabit lang natin sa bisikleta sa mga vehicles natin yun ang ginagamit nating pampaingay. Meron pa tayong torotot yung pet bottles puwede rin nating gamitin.

KE: May mga nagsasabi na mapanganib sa pandinig naman yung torotot meron ba kayong mga tips na maibibigay kung sino man ang gagamit niyan?

AL: Ang allowable na decibels ay 60 kung meron gagamit ng torotot na masyadong malakas ingatan na tumapat ito sa mismong tenga ng mga tao.  Mas maganda na ihipan siya papalabas dun sa ating bahay at sa ating kapaligiran huwag po talagang itatapat sa tenga.

KE: Yung iba bata makulit itatapat talaga sa tenga ng kanila kapwa bata.

AL: Yung mga paputok natin ngayon ay mas doble po yung ingay na nalilikha niya mas mataas sa 60 decibels na sine-set natin.

KE: Paano ba nasusukat itong no. of decibels?

AL: Yun pong kayang i-tolerate ng ating tenga ay hindi pa pumapalo sa 60 decibels hindi siya nakaka-cause ng pagkakabingi.

KE: Nasa pitch siguro yun at ingay kasi meron ngang mababa pero parang nakakadagundong ng puso mo. Pero itong mga torotot hindi rin ba ito delikado sa tenga sa pandinig. Balita ko delikado daw ito sa lalamunan?

AL: Yes po, isa po yan sa lumabas na health advisory FDA na ito ay puwedeng maging choking hazard. May mga ilang torotot natatanggal po yung mismong pampito niya na nakabalot lang sa foil. Natatanggal siya pag yung bata umiihip pa ng hangin nakakabit pa ring yung torotot pag natanggal yun puwede nilang makuha.

KE: Bigyan ko lang ng karagdagan tulong ko na sa Ecowaste Coalition yang paggamit ng torotot ay mag-ingat kayo lalo na sa mga kabataan na magtuturo ng ilang mga habits na di maganda paglaki nila. Kasi naman tandaan niyo hindi po isinusubo ang mga bagay na hindi naman pagkain. Marami kasi ang nagsusubo ng kung ano-ano ayan nacho-choke tuloy kayo.

AL: Mahalaga talaga yung guidance ng magulang.

KE: Ano naman a ng masasabi ninyo sa kampanya mg DOH naglabas sila ng bagong CD na ang laman ay mismong tunog ng mga paputok?

AL: Natutuwa kami sa ginawa ng DOH at kami ay nakikiisa sa kanilang programa, maganda po yun ang bottom line kasi makapag-produce lang ng ingay ng paputok. Yun na hindi na kailangang magpaputok na actual kundi patutugtugin mo lang siya kaya maganda yung ginawa nila.

KE: Kaya lang some of my friends nakablita nito ang sabi ang corny naman para namang niloloko ko sarili ko nanonood ako tapos palakpak ako ng palakpak eh puwede ko namang i-replay.

AL: Puwede naman kasing yung kasabay ng kanilang panawagan na community fireworks display. Habang nanonood ka ng fireworks display at nasa bahay ka puwede mong patugtugin yung kanilang CD player at least hindi ka na gagastos at actual na magpapaputok.

KE: At mayroon pa dung isang kanta ng 6 cycle mind na puwede raw gamitin pag merong street party.

AL: Sana yung mga mahilig magpaputok yan yung puwede nilang gawin na magbabarkada yung mag-street party.

KE: So pabor ang EcoWaste Coalition sa hakbang ng DOH na yan?

AL: Opo! mas maganda kasi yung pera na gagamitin natin imbes na bumili ng paputok ng ilang minute na lang na mag-iisparkle pambili na lang natin ng pang media noche natin. Kung masyado namang sobra yung pera i-donate na lang natin for the Sendong victims kasi mas malaki ang mararating ng ating pera kesa yung 15 mins. na pailaw. Kawawa yung mga bata at matatanda na makakalanghap ng usok na puwedeng magkaroon ng asthma.

KE: Makakaasa ka na ako personally I’m committing pledge ko to na ako rin ay I’m joining sa kampanya na huwag ng magpaputok this New Years eve. Ang kampanya ko nga gagamit na lang ng torotot at ang panawagan ko pag magtotorotot kayo ay blow gently, blow softly.

AL: Maraming salamat!

KE: Maraming salamat din sa iyo!



           




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento