Lunes, Disyembre 5, 2011

Ms. Maricar Bautisa (AVP-PAGCOR) Kalye Escalera Interview Dec. 06, 2011/ 8 am. to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Maricar Bautisa (AVP-PAGCOR) Kalye Escalera Interview Dec. 06, 2011/ 8 am. to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Maricar! Ano ang latest?

MB: Ang latest ngayon ay yung aming ginawang Pamaskong handog 25 days of Christmas, 25 years of PAGCOR. Ngayon makaka-eleven or twelve event na kami.  We started Nov. 25 and it will end Dec. 19 naging 25 days of Christmas ito dahil this will co-inside sa 25 years ng PAGCOR.

KE: Parang inamyendahan niyo yung 12 days of Christmas na kanta? Tama bang  dinig ko na-excite ako sa nadinig ko 25 gifts of PAGCOR, 25 gifts ang gifts sa atin ng PAGCOR. Anu-ano ang detalye nito, dito sa inyong gift-giving na ito?

MB: Basically meron tayong institution na napili kung saan pagkakalooban natin sila ng kanilang minimithing regalo. Meron tayong mga gift-pack para sa mga individuals beneficiaries meron din sa mga institution. Like kahapon nga lang nagpunta tayo sa PNP kung saan over 150 beneficiaries ang ating pinagkalooban ng mga gift-packs at bukod dun mismong hiningi na rin ni PNP chief Bartolome yung pgakakaroon nila ng imported na X-ray machine na kailangan ng ating mga kapulisan pag sila ay nagkakasakit. We donated yesterday about P4M para sa X-ray na iyan.

KE: Okey yun, so after ng turn over sila na ang bahalang magmantene nun at yung mga pulis nila na kailangang magpa x-ray hindi na siguro lalabas lalo na yung nasa General headquarters?

MB: OO, kasi kailangan nila yan ganun din ang gagawin natin sa Army naman eto ay magaganap next Monday. Kung saan ang pangunahin naman magbibigay ay mismong si Pangulong Aquino at doon naman ay magdo-donate tayo ng P4.5M. Para yan sa hospital equipment doon sa hospital doon sa Cotabato, Zamboanga at Fort Bonifacio para naman sa mga kasundaluhan yan.

KE: Army ba ang susunod niyong pupuntahan parang gusto kung sumama diyan?

MB: Pero hindi lang yan marami tayong indigenous  na kababayan mamaya pupunta tayo sa Manila boys town at dun naman ay si Mr. Boy Abunda ang mamimigay at ibibigay niya yung oras niya para makasama itong mga nandito.

KE: Itong mga pinamimigay niyo sa mga kapus palad nating mga kababayan hindi ito yung mga lugaw-lugaw na kape-kape lang ito talaga yung mga pakikinabangan nila ng maayos?

MB: OO gusto talaga natin yung long lasting nila na mapapakinanbangan  mayroon tayong pakakainin sila meron tayon party with them. Meron ding mga gift-packs na kinakailangan nila merong mga ilang can goods, mga toiletries kung ano pa. Apart from that yung long lasting kung saan sa foundation nila magbibigay tayo ng mga yung tinatawag na wish list mamaya doon sa boys town mayroon silang konting hiniling sa atin.

KE: Kunwari ako ay nasa boys town ako na lang ang hihiling Ipod 2 na 3G, isang cellphone na Iphone din at isang pantalon na worth P17,000 hiling yan? Maiba naman ng konti kumusta naman ang revenue ng PAGCOR sa 3rd quarter at kung meron  na kayong forecast sa huling quarter ng taon?

MB: Patuloy naman yung pagtaas by the end of the year ay mami-meet namin yung target namin. I don’t want to say the figures pero baka mamaya magkamali ako definitely mas mataas kumpara sa last year.

KE: Mas mataas mula pa nung first, second, third quarter na talagang ang inyong naiipon ay di hamak na mas malaki kumpara nung nakaraang taon?

MB: Yes, kasi dun sa mga nakalipas naming mga releases na magmula Mayo hanggang Sept. sunod-sunod yan for 5 months ang winning streak ng record breaking na figures na revenues ng PAGCOR. So inaasahan naming na patuloy itong tataas hanggang sa matapos itong taon na ito.

KE: Anong balita sa PAGCOR City?

MB: It’s underway at yung apat na proponents yung iba I think dalawa doon ay patuloy na ang kanilang constructions yung isa maggro-ground breaking by next year. So by 2014 hopefully ay meron na rin tayong makitang construction doon at maaring yung iba makaumpisa ng operation nila.

KE: At yun pong mga isinampa niyong kaso dito sa mga gumamit ng pondo ng PAGCOR sa nakaraang administrasyon sa hindi tamang pamamaraan?

MB: Yan ay nasa DOJ, nakapag-file na tayo ng kaso sa DOJ at yung isang kaso naman ay sa Ombudsman hinihintay na lang natin.

KE: Alright! maraming salamat Ma’am Maricar Bautista ang AVP ng PAGCOR!

MB: Maraming salamat!

KE: See you next time at Merry Christmas!

MB: Advance Merry Christmas!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento