Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

Ms. Fe Dela Cruz (Dir. Corporate Affairs Office-BSP) Kalye Escalera Interview Dec. 01, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Fe Dela Cruz (Dir. Corporate Affairs Office-BSP) Kalye Escalera Interview Dec. 01, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Ma’am Fe!

FDC: Magandang umaga sa inyo at sa inyong mga tagapakinig!

KE: Kasama niyo po si Marlo Dalisay, Jedah Legazpi at si Ate Joee G! Kayo po ay bisita ngayon sa 739 Kalye Escalera dito sa Radyo ng Bayan.


FDC: Magandang umaga sa Kalye Escalera!

KE: Since po ang text ngayon ay hindi na piso, 80centavos na  lang magmi-mint po ba kayo ng 80centavo coins?

FDC: Alam mo ang maganda sa bagong technology meron na tayong tinatawag na electronic money, puwede yung mga suklian puwedeng sa cellphone na lang o sa credit card.

KE: Parang hindi naman ako papayag niyan Ms. Fe na hindi ko hawak yung pera ko?

FDC: Dun naman sa gusto na talagang hawak naman nila yung kanilang pera kaya ang Bangko Sentral ay tuloy-tuloy po ang paggawa. Habang nire-retire natin yung mga luma gumagawa po tayo ng bago at ang barya ay hindi po dapat magkaroon ng shortage. We have 19 billion pcs. lahat –lahat na yan ng denominations.

KE: Ni-release ng Bangko Sentral?

FDC: Yun ang nagci-circulate na barya ngayon sa buong Pilipinas ang halaga niyan ay mahigit P17 billion.

KE: Bakit 19 billion dahil ho may maliliit na denominations?

FDC: May mga malalaki, maliliit ang talagang hirap sa circulation yung mga maliliit itong mga bente-singko.

KE: Bakit po?

FDC: Kasi yung ating mga kababayan ang tingin nila dahil maliit ang halaga isasantabi, itatago kakalimutan. Kung laging nangyayari yun sa bawat Pilipino talagang nauubusan ng supply doon sa labas. Kaya ngakaroon nga ng programa itong mga empleyado ng Bangko Sentral yung mga estudyante at mga Kabayanihan Foundation sa pamumuno ni Alex Lacson na magkaroon ng attempt na magkaroon ng pinakamahabang linya ng barya. To create awareness na ang barya ay mahalaga lalo na kapag pinagsama-sama.

KE: Ang latest record po ba na pinakamahabang pila ng mga barya all the way sa alkansiya ay gaano po kahaba ilang kilometro?

FDC: 64.8km ito ay ginawa sa Kansas sa America yun po ang record.

KE: 25 cents din po ba yung gamit nila dun?

FDC: Ang alam ko pennies yung mga 1 cents ang ginawa naman natin 25 centavos. Masasabi naman natin itong proyekto na ganito ay lahat ay panalo kasi binigyan natin ng rason para ang mga kababayan natin ay ilabas at i-donate yung kanilang 25 centavos. Nakakataba ng puso na makita yung libu-libong mga estudyante, pulis, taga AFP yung mga may pamilya kasama ang mga bata, empleyado ng Bangko Sentral. At nag-umpisa kasi nito officers club ng Bangko Sentral sa pamumuno ni Dr. Greg Suarez ng aming medical clinic. Hindi po initiative ng Bangko Sentral as BSP kundi initiative ng mga empleyado namin. Bilang pagtulong sa pag-create sa awareness ng mga kababayan natin na dapat ginagamit natin tuloy-tuloy ang mga barya. Dahil sabi nga po natin na karapatan ng bawat mamimili na makatanggap ng eksaktong panukli yun po yung ginagawa natin. Ang ganda po nito pag natapos na  i-validate para sa Guinness book of records itong ating ginagawa ngayon. Yung mga baryang yun papalitan ng mga retail outlets dahil kailngan po nila yun sa kanilng panukli at yung papalitan naman po na pera gagamitin natin para magpatayo ng mga classrooms para sa mga public schools. Panalo pong lahat dito at nkita po natin at coincidental sa mga Pilipino ang patutulungan bayanihan spirit. Kahapon po kaya maganda holiday bilang pag-commemorate sa hero nating sa Andres Bonifacio. Nakakalungkot kasi karamihan ng mga tao yun lang ang alam kay Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ang sabi nga po ng isa sa kanyang mga descendants siya po ay middle class na Pilipino na nag-aral, matalino na nagbibigay ng kanyang paglilingkod sa bayan. Sabi nga nila kung makikita mo yung mga monumento para siyang mukhang farmer na may itak. Pero ang sabi nga kahapon nagkaroon ng launching doon sa The Fort sa Bonifacio City na pinupunit naman yung cedula. Hindi naman sa itinatatwa yun hindi lamang yun ang kabuuan ni Andres Bonifacio marami po siyang kasulatan, marami po siyang tula na nagawa. ito rin po ang nag-inspire sa iba nating kababayan na sumama sa Katipunan para sa isang revolution. Lahat ng mga bayani ay may kanya-kanyang kontribusyon sa nation building at yun po yung para kay Andres Bonifacio.

KE: At kay Andres Bonifacio takot sa kanya yung mga taga LRTA? Kasi hanggat siya ay nasa monumento walang LRT papuntang Valenzuela hinaharang niya.

FDC: Ang sabi nga ay siya yung simbolo ng tuloy na pakikibaka para sa pag-aayos ng kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino. Isa siyang modelo kumbaga siya ang laging nagpapaalala sa atin na hindi pa tapos ang laban pero sana sama-sama tayo.

KE: May tanong din ako kay Gat Andres Bonifacio totoo bang ang favorite color niya ay pula?

FDC: Siguro nga kasi ang pula ay associated with courage, bravery at  kaya napakahalaga ng kulay na pula sa ating bandila. Yung red for bravery and courage sabi nga dun sa atin National Anthem ang mamatay ng dahil sa iyo.

KE: Balikan natin itong the power of small change, nagsimula siya sa ganap na alas-nuwebe ng umaga noong Nov. 30 hanggang kailan ito?

FDC: Nakakatuwa kasi hanggang alas-dose ng  gabi, ngayong umaga mga alas-siyete palang ng umaga nandun na sa grandstand ang presidente ang BSP officers club si Dr. Greg Suarez. Binabantayn nila yung mga coins at nagdidikit na ulit kaya yung iba nating kababayan na gustong magdagdag ng bente-singko para convincing ang ating world record. Puwede niyong dalhin na diresto doon sa grandstand nandun po sila sa Quirino Grandstand.

KE: Saan po ba puwedeng magpapalit ng apat na bente-singko kasi ang hawak ko dito tig-pipiso. Bakit Ma’am  naubos naman ang tigbe-bente singko saan naman ako magpapalit ng tigpi-piso?

FDC: Yan ang ating puwedeng tulong nating gawin kasi kailangan sa Guinness records isang set lang of coins hindi puwedeng magkakaiba para madaling sukatin imu-multiply na lang. Ang gagawin ngayong araw na to ng Guinness book ay susukatin isa-isa bawat linya na nakadikit na mga barya. So para talagang pag nagawa nila yun tsaka lang sila mag-i-issue ng official certification na na-beat natin ang record. Pero dagdagan pa po natin yung barya natin para mas convincing at mas marami po tayong eskuwelahan na mapapatayo.

KE: Punta tayo mamaya dun masarap mag-ipon ng bente singko.

FDC: Ang sarap ng pakiramdam na magdidikit ng bente-singko pagkatapos ilalatag mo and maging bahagi po kayo ng ating world record. Napakaganda po ng interview ng isang volunteer sabi niya hindi po ba kayo napapagod kanina pa kayong umaga alam mo ang sabi niya, okey lang po basta no.1 po ang ating bansa. So yun po ang isipin natin na makakatulong ito sa mga retail outlets na mgabigay ng eksaktong sukli sa ating mga mamimili hindi po nagkakainitan ng ulo, hindi po sila magbibigay ng kendi eksaktong panukli . Makikita po niyo dun nakalatag ang napakaraming milyong-milyong piraso ng bente-singko na pinagpaguran ng halos mahigit apat na libong estudyante ang tumulong kahapon at mahigit isang libong empleyado ng Bangko Sentral kasama ang mga pamilya yun pong presidente ng BSP employee association na si Raul Montero. Napakaganda po nga bayanihan yung mga pulis si Mayor Lim ang AFP at pamilyang namamasyal kahapon sila po yungb everyday folks na tinatawag. Bayanihan po ang nangyari kahapon at magpapatuloy po ngayong araw makapagbigay po ng certicate  na na-beat natin ang record ng Guinness. Magpasalamat po tayo sa mga suporta na tulad po ninyona nagbibigay ng pansin sa ating barya na mahalaga lalo na pag pinagsama-sama.

KE: Maraming salamat po Ma’am Fe at bago po kayo magtapos mayroon na po bang Christmas lighting sa  Bangko Sentral ?

FDC: Ipagmamalaki po natin yan punta po kayo sa harapan ng Bangko Sentral ngayon pong araw na ito ang official switch-on. Napakaganda po taun-taon po yan kasama po yan sa tradisyon na sa Bangko Sentral si Gov. Amando Tetangco ang mamumuno po ng pag switch-on. Ang ating tema po ngayon ay Pistang pinoy.

KE: Aba maganda yan!

FDC: Napakasaya po, dalawa pong building ang merong ilaw yun po yung tinatawag naming multi-storey bldg. na napakataas nandun po yung ating wish na magkaroon ng kasaganaan.

KE: Maraming salamat po!

FDC: Salamat at magandang umaga po sa inyo at sa ating mga tagapakinig!






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento