Miyerkules, Nobyembre 23, 2011

Ms. Noemi Recio (Director Traffic Engineering-MMDA) Kalye Escalera Interview Nov. 24, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Noemi Recio (Director Traffic Engineering-MMDA) Kalye Escalera Interview Nov. 24, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Ma’am!

NR: Good morning po!

KE: Ma’am Noemi ang tanong namin, we are all anticipating the heavy traffic laws associated the holidays  meron po kayong balak tell us about this, tell us about the Christmas lanes?

NR: Ang MMDA ay nagre-ready na for the Christmas season na aming tinatawag na Chrsitmas lane. Eto po yung mga alternate roads ng EDSA going from Makati area. Kung galing ka ng North papunta ka ng Makati ay hindi ka na dadaan ng EDSA  may mga inilalagay po kaming informative signs para yung mga driver ay hindi maligaw. Ituturo niya kung saan didiretso, kakanan o kakaliwa kung saan ka patungo on going yung installation namin ng mga signage sa ngayon.

KE: Yung Christmas lane po ba yan na bubuksan sa month of December na base sa inyong balak, ito po ba ay walang pagkakaiba sa itinalaga last year?

NR: Yes ma’am, actually yung ginawa namin nung isang taon ay may konti lang kaming dinagdag na original road last year. Yung mga signage namin nung isang taon parang temporary lang kumbaga hindi masyadong durable ang mga materyales. Kasi rush kami last year so ngayon nilalagyan na namin ng permanent sign. Kumabaga kahit hindi siya Christmas season imbes na ma-traffic sa EDSA o sa C5 magagamit ito ng ating mga kababayan.

KE: Napansin ko last year isa sa mga Christmas signage nila ay yung green kaso nag lang po parang napansin namin di ba may kaliitan siya, ngayon po ba may kaibahan o parang espesyal na ilalagay kayo para mas madaling mapansin ng mga motorista?

NR: Ngayon medyo madaling makita kasi reflector na yung sticker namin mababasa na ng motorista. Nung isang taon kasi pintura lang yung ginamit namin this time sticker ng 3M stickers.

KE: Klaklaruhin ko lang pag sinabi mong Christmas lane ang iniisip talaga natin lane. Ang intindi ko po sa inyong paliwanag ngayon hindi siya lalagyan ng espesyal na linya, kung hindi para siyang bagong ruta?

NR: Actually alternate road kumbaga ito yung mga secondary roads natin na hindi masyadong nagagamit ng mga kababayan natin. Kasi yung iba hindi nila alam na from North puwede kang pumunta sa Makati na doon ka dadaan sa mga secondary roads not EDSA. Nakipag-coordinate po tayo sa DPWH para gawin nila yung mga pavement na hindi maganda kasi kalimitan may mga lubak  and gagawin nila yung mga kalasada na identified as a Christmas lane ng MMDA .

KE: Ito po bang Christmas lane na ito pinapatupad po ba ito pag talagang pasko, pag tag-araw ang tawag mo dito summer lane?

NR: Hindi naman tinawag lang namin Christmas lane yan but actually kahit anong araw sa loob ng taon basta ma-traffic puwede itong gamitin ng ating mga kababayan.

KE: Ma’am pag yun lane niyo papunta ng Pasay at Pasig eh di Valentines lane yun, dapat po siguro magalagay kayo ng lane na for all season di ba?

NR: Christmas or Mabuhay lanes yan yung tinawag ni Chairman last year.

KE: Ma’am yun pong Christmas lane na yan para dun po sa mga bago sa mga lugar na yan saan-saan po ba matatagpuan ?

NR: Actually kung galing ka sa North nasa EDSA ka puwede kang kumanan sa may Mother Ignacia papuntang Panay diretso ka ng E.Rodriguez. May plano kami sa office nakalagay dun kung anong nakalagay na ruta kung saan papunta tapos lalagyan namin ng mga signs para susundan na lang yung nasa sign para makarating siya ng Makati and from Makati makakarating siya sa North.

KE: Yung pinag-uusapan po natin ngayon yung mga Christmas lanes pero yung mga reklamo ngayon  ng may mga sasakyan at pampublikong sasakyan. Yun pong mga hukay-hukay sa kalsada meron po ba kayong gagawin diyan?

NR: Yearly merong moratorium ang MMDA on all road works and road diggings. Probably by Dec. 15 mag-i-issue si Chairman ng moratorium order para lahat ng hukay ay ihinto muna hanggang sa makatapos ang kapaskuhan.

KE: Sa Dec. 15 pa po yun?

NR: Usually Dec. 15 yun pero tinignan namin sa kalendaryo namin maybe Dec. 12.

KE: Mas mauuna po yung Christmas lane?

NR: Wala pa kaming schedule pero as of now ay ongoing yung paglalagay namin ng mga signs and yung DPWH inaayos yung mga pavement. Pagkatapos nun yung mga illegal parking kailangan nating linisin yung mga alternate roads natin para ma-utilize ng maayos yung kalsada.

KE: Kung Dec. 15 yung pagpapalabas ng moratorium yung sa mga paghuhukay na yan nangunguhulugan na dapat habaan pa ng motorista yung patience nila?

NR: Actually kasi yung mga hukay na yan ay sa tubig yan ay sa Mania Water at Maynilad kaya hindi rin nating puwedeng pigilan na huwag silang maglagay ng pipe kasi service naman sa tubig yan. Kaya nga ang nangyayari parati kaming nagpapa-meeting sa Manila Water at Maynilad pinag-uusapan namin kung ano ba ang dapat gawin para hindi naman masyadong malaki ang epekto sa traffic.

KE: Halos araw-araw daw po may hinuhukay?

NR: Idagdag pa po natin mga reblocking na ginagawa ng DPWH  tuwing weekend  para naman tuwing weekdays walang nagre-reblock. Yung reblocking kasi kailangang palitan yung mga pavement kung mapapansin niyo may mga badly damage na pavement sa ating mga national roads.

KE: Ma’am on another note nakita ko po yung special title niyo na MMDA Director?

NR: Actually ako po ay Director ng Traffic and Engineering Center ng MMDA.

KE: Ma’am napapag-usapan po natin ang Christmas lanes medyo lumihis po muna tayo. Ako po kasi shoppingera kung saan mura may mga tiangge, ito po bang MMDA magkakaroon po ba ng clearing operation pagdating sa mga sidewalk vendor ngayong kapaskuhan?

NR: As far sa I know diretso kami sa pagcle-clear nung mga sidewalk namin pero hindi kasi under ng office ko yun. So an alam ko lang meron kaming sidewalk clearing operation group.Yung mga kalsada kasi natin limitado na ang capacity kumbaga parami na ng parami yung sasakyan natin yung road network natin din naman nadadagdagan at hindi naman tayo nakakapaglatag ng kalsada kasi restricted na yung mga areas so talagang nagkakaroon tayo ng problema.

KE: Ma’am bago namin kayo pakawalan nasa inyo po yung pagkakataon ngayon para manawagan at umapela doon sa mga motoristang medyo naha-high blood at umiinit ang ulo dahil dun sa mga hukay at iba pang programang inilulunsad ngayon.

NR: Nanawagan ako sa ating mga kababayan na konting pasensiya lang yung mga ginagawa namang mga kalsda ay para sa atin din. Kasi kung hindi natin ima-maintain ang ating mga kalsada ay parang roller coaster tayo  parang baku-bako yung kalsada natin at talagang kailangang i-maintain. So kapag ginawa yan natural maaabala tayo sa traffic same dun sa mga pipe ng Maynilad at Manila Water hindi naman natin sila papayagan para magbaon ng mga tubo, ayusin yung mga leak mamomroblema naman tayo sa supply ng tubig. So pasensiya lang sa ating mga kababayan para sa atin di naman yung ginagawa.

KE: Traffic Management ang hawak niyo Ma’am?

NR: Traffic Engineering po!

KE: Thank you Ma’am!

NR: Okey!






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento