Miyerkules, Disyembre 2, 2015

Sen. Koko Pimentel Interview Dec. 3, 2015 / 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


-Sen. Koko Pimentel Interview Dec. 3, 2015 / 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Siguro po ay narinig niyo kanina yung dulo ng aking tanong ksai hinuhulaan namin dito Sen. Pimentel kung ano raw yung auto na ginagamit niyo. Pero ako personally alam ko at hindi ito yung kabilang sa inire-reklamong Montero Senator?

KP: Opo wala po ako niyan pero ang pagkakaalam ko may kapatid ako na may Montero kaya ako ay concern din sa kanila n asana hindi mangyari yung sudden unintended acceleration yan yung tawag nila sa hindi mo pina-plano hindi sinasadya tapos biglang bibilis.


KE: Ano po ang maginging pinaka-pondasyon ng ating pagsisiyasat dito Sen.?

KP: Una sa lahat tatanungin natin  ang govt. agency diyan ang DTI kayo ba ang in charge dito kung may mga reklamo sa mga sasakyan na may namamatay na may nasusugatan may mga damage to property na at hindi mo alam anytime kasi nga unintended so anytime bigla na lang bibilis hindi ba dangerous yan. Ang tanong sa DTI kayo ba ang ahensiya na tatakbuhan kung merong ganitong problema ang pagkaka-alam ko 97 na yung puwede nating ma-dokumento na mga reklamo ang dami na niyan ilan na ang namamatay meron akong personal knowledge na dun sa libing ni former Cong. Nalupta yung mga sasakyan ng mga supporters pamilya kamag-anak ay nandito sa likod na naglalakad ay nasundan yung mga taong naglalakad sa likod ng sasakyan na Montero. Wala namang reason bigla na lang umarangkada meron pang namatay na additional alam ko yan kasi close ako sa pamilyang Nalupta. Ang isa na-injured  lamang meron talagang namatay itong na-injured ay anak ng board member ng Ilocos Norte anak ni Cong. Farinas alam ko yan and then meron akong staff na muntik din namatay.

KE: Staff niyo sa Senate Senator?

KP: Staff ko sa Senate sa abugado siya ang aking chief of staff sa Comm. On Appointments nagkuwentuhan na kami nung nakalabas na siya ng hospital nagkita na kami so seconds lang daw galing sa naka-parking siya sa isang fastfood chain and after 2 seconds nabangga na niya ang wall sa kabila ng daan halos hindi siya maka-react sabog ang ulo na-survive naman niya yung insidente. Hindi lang ito ang nababasa ko na report dahil may nagrereklamo mga stranger ito ay mga reklamo na ng mga taong kilala ko.

KE: personal knowledge yan kumbaga firsthand information talaga hindi kuwento lang.

KP: Oo I mean hindi ako yung pasahero pero yung mga taong involve sa insidente na mga taong kilala ko so alam ko kung nililoko ako nito o hindi. Itong staff ko sa Comm. on Appointments ay nasa hospital talaga at ang injury niya concentrated sa ulo head injury.

KE: Matindi ito pero dito kasi sa batas na ating sinasandalan para sa mga reklamong ito kayo ho ba ay kuntento dito sa nilalaman na tinatawag natin na lemon law?

KP: Yun na nga ang titignan natin ngayon kasi meron pala sa lemon law na mga provision na number of times tapos ano ang obligasyon kung papalitan niya ay paano papalitan kung kakaba-kaba ka na. Sabi nga sa akin ng chief of staff ko Comm. On Appointments si Atty. Flores ay sabi niya forty plus na siyang nagdra-drive never siyang na-involve sa aksidente ngayon lang parang ayaw na niyang mag-drive ulit ng ganung klaseng sasakyan. Lahat yan ay titigna natin yung substance ng lemon law substance ng consumer act at kung ano ang ahensiya ng gobyerno ang dapat kumilos sa ganitong klaseng isyu. Hihintayin mo pa sa isang daan ang magrereklamo bago ka kikilos dapat ba nung may sampu ka ng narinig kumilos ka na.

KE: Yun nga po kasi ang DTI nitong mga nakaraang araw ay naglabas ng statement na ipagpaliban muna ho yung pagbili ng mga Mitsubishi Montero hanggat hindi lumalabas yung findings nila na tungkol sa ginagawang pag-aaral tungkol dito. Kaya lang inunuhan din sila ng pagdadaos ng Presscon ng mismong Misubishi na kung ilang ulit din nilang iginigiit na yung kanilang binebentang sasakyan ay walang problema?

KP: Yun na nga at least DTI ay parang inaako na ang responsibility na sila dapat ang magsalita govt. agency na mag-imbestiga, mag-ruling at maglabas ng policy tungkol sa issue na ito. Bilis-bilisan na nila kasi 97 na yung nagrereklamo pag-hearing natin sa senado tatanungin natin yan bakit inaabot niyo pa sa 97 dapat kung meron ng lima o walo ang nagrereklamo ay kumikilos na tayo tapos ilan na ang namatay diyan sa reklamo ilan ang nasugatan ano ang damage to property at yung daner ang sabi ng aking Chief of Staff suwerte yung daan na tinawid ng kanyang sasakyan in 2 seconds maraming mga taong naglalakad dun may mga sasakyan na umaandar. Suwerte lang daw niya wala siyang natamaang tao at sasakyan ang tinmaan niya ay yung pader na nasa kabilang side ng daan suwerte na rin yun na wala siyang napatay so yung danger andun sa 97 na insidente na iyon ilan sana yung potential sana na mamatay sa 97 na iyo so imagine tatanungin natin lahat yan kung anoang excuse sa atin ng DTI or any govt. agency ay hindi klaro ang responsibility.


KE: Dito po sa imbestigasyon na ito kailangang of course yung presence o tulong ng mga technical experts yung mga magsusuri kung bakit nangyayari yung unintended acceleration na tinatawag. Pero dun sa panig ng gagastos sa tingin niyo ba dapat DTI o pamahalaan o yung kumpanya po?

KP: Yun na nga ang isang tanong natin dapat irereklamo ng DTI wala ka namang technical capability para diyan. So ang resulta rin ng isang imbestigasyon na ito ay puwedeng ma-enhance ang budget ng DTI so they will have the capability sa ganitong mga klaseng mga isyu. So siyempre dapat ang gobyerno ay merong kapasidad na mag-imbestiga hindi puwedeng hindi namin kaya yan sige nga Mitsubishi ikaw nga ang magpaliwanag sa amin. Yung entity ng taong inimbestigahn mo siya ang gusto mong sumagot sa technical na tanong hindi puwede yun.

KE: Dapat talagang may sariling eksperto.

KP: Kunwari sabihin ng DTI na inimbestigahan na namin yan ito ang aming technical findings tatanungin natin ang DTI paano niyo nagawa yung technical findings sarili ba ninyong sasakyan o tao, technician yan, sariling opisina ba ninyo yan or hinire niyo ang tao sa car manufacturer na same brand, model ganun ba iyon. Alamin natin kung sakaling may technical findings sila puwede rin sabihin nila na wala kaming technical capability so pag-usapan na natin kung bibigyan sila ng more budget kaya ba ninyo ng division dun sa opisina ninyo na merong ganitong kapasidad. Naghahanap pa tayo ng sulosyon hindi lang tao maghahanap kung sino ang babatukusin o punishment, liabilities naghahanap din tayo ng solusyon si Sen. Bam po ang head ng Committee.

KE: Maghihintay po kami Sen. thank you very much po magandang umaga po!

Lunes, Nobyembre 23, 2015

Atty. Romulo Macalintal (Election Lawyer) Kalye Escalera Interview Nov. 24, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Atty. Romulo Macalintal (Election Lawyer) Kalye Escalera Interview Nov. 24, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE:  Atty. Magandang umaga po!

RM: Magandang umaga sa inyong lahat diyan at sa ating mga taga-pakinig!


KE: Ang inyo pong makakausap ay si Marlo Dalisay, Jedah Legaspi at Ms. Tea dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan. Ano una po naming itatanong sa inyo hong tingin at batay sa inyong kaalaman sa mga batas sa eleksiyon puwede ho bang maging substitute candidate sa pagka-Pangulo ni Martin Dino itong si Davao City Mayor Rodrigo Duterte?

RM: Ito ay base lamang sa aking opinion hindi ko pinapangunahan ang iba ginagalang ko rin ang kanilang opinion. Kung ang pagbabasehan natin ay yung mga reports na nabasa na natin at yun ang katotohanan maaring hindi na puwedeng mag-substitute si Duterte kay Dino kasi yung COC ni Dino ay depektibo dahil ayon sa COC ni Dino ang inilagay niya ay he was running for the position of Mayor ng Pasay City pag nagkaroon ng substitution si Duterte ang tatakbuhan niya ay tumakbong Mayor ng Pasay City. Hindi naman siya siguro tatakbong Mayor ng Pasay City ang tatakbuhan niya ay bilang Pangulo ng Pilipinas ay ang kanyang papalitan sa pagka-Pangulo na yung nag-withdraw na si Dino ay tatakbong Mayor ng Pasay City ito ang problema natin dun.

KE: Eto po ay naklaro na talagang ang tinatakbuhan ni Brgy. Captain Dino ay yung nasa COC niya ay talagang for Mayoralty race sa Pasay City ano?

RM: Yes yun naman ay nasa internet na nabasa ko na yan pero pag titignan naman ninyo yung sinasabi naman ni Duterte na tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban hindi naman niyang sinasabing tatakbo na bilang replacement ni Dino. Malay natin meron siyang inihirit na isang Presidential candidate na na-nominate ng political party na baka yun ang magwi-withdraw na kanyang papalitan  hindi niya sinasabing si Dino hindi niya sinasabing sa PDP-Laban siya tatakbo. Kaya kung merong biglang may mag-withdraw na isang Presidential candidate who is nominated by a political party yun ang papasukan ni Mayor Duterte.

KE: Pero ganito po di ba yung filing ng COC ay natapos nung Oktubre at ewan ko lang kung tama ang aming paniniwala na pupuwede ka lang mag-substitute kung yung papalitan mo ay kauri mo o iisa ang inyong partido o kaya naman ay kamag-anak mo o asawa mo?

RM: Hindi puwede yung kamag-anak kung ikaw ay miyembro ng isang sinasabing partido puwede mong palitan yung nag-withdraw sa political party. Kung si Duterte ay kukunin ng ibang partido kung miyembro lang naman si Duterte sa nasabing party ay yun pupuwede na kaya bago siya ma-nominate gagawin siyang miyembro ng nasabing political party. Abangan siguro natin baka may iba naman silang political strategy baka may kinausap sila na isang Presidential candidate na magwi-withdraw at bilang magiging miyembro ng nasabing partido si Duterte yun lamang ang paraan para si Duterte ay makatakbo. Pero kung aasahan natin ay yung COC ni Dino ay mukhang mahirap yun.

KE: Pero eto naman atin-atin lang naman sa tingin niyo ba may nakikita kayong magwi-withdraw dito sa mga Presidentiables na nag-file ng COC?

RM: May mga bali-balita na may magwi-withdraw hinatyin na lamang natin yan sa tamang panahon.

KE: Pero talagang yung pagiging miyembro naman po ay wala itong sinasabing kumbaga guest station period kumbaga pag sa itlog ng manok ay nagbibilang tayo ng ilang araw bago maging sisiw. Sa pagiging miyembro po ba ng isang partido sa pag-a-apply as a member ay wala hong ganun?

RM: Wala naman depende yan sa rules and regulations ng sinasabing partido basta siya ay sumunod at mag-comply sa mga requirements ng mga nasabing partido yun lamang ang kailangang gawin.

KE: Medyo malawak pala itong kanilang ginagawang diskarte sa kanilang plano.

RM: Medyo mahirap pumasok nasa pagkakamali kasi yung COC.

KE: With that Atty. Macalintal at maraming salamat pasensiya na po sa abala at magandang umaga sa inyong napaka-busy na schedule.

RM: Thank you!

KE: Maraming salamat po!

Miyerkules, Nobyembre 11, 2015

Commodore Joel Garcia (Phil. Coast Guard) Kalye Escalera Interview Nov. 12, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Commodore Joel Garcia (Phil. Coast Guard) Kalye Escalera Interview Nov. 12, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Kami po ay makikibalita lang sapagkat ang concentration ng media ngayon ay yung magiging problema sa traffic sa mga sasakyan sa lupa at sa himpapawid. Gusto rin namin sanang malaman kung ano ang inyong pabatid na ibibgiay sa publiko kaugnay naman dun sa mga bibiyahe particular na dito sa Manila Bay sa  mga naturang petsa?

JG: Kami po ay malugod na nakikiusap sa ating mga tagapakinig na kung maari po ay makipagugnay tayo sa naturang petsa between Nov.16-20 na dito sa Manila Bay meron po tayong tinatawag na no sail zone in fact on that matter umikot na tayo ang kawani ng Phil. Coast Guard sa mga coastal barangay para kausapin yung mga kapatid na mga coastal fisher folks tungkol dito na kung maari sa petsa na ito ay talagang huwag na sanang sadyain yung naturang lugar dito sa malapit sa shoreline ng Roxas Blvd.

KE: Ano po yung mga particular areas na meron kayong direktiba para sa no sail zone?


JG: Pag sinabing no sail zone dito po sa may bandang galing sa Pasig River papunta sa Paranaque at magbilang tayo ng 2 nautical miles magmula sa shore line yan an gang tinatawag na exclusive zone. Ang ibig sabihin nito ay walag gagalaw na mga sasakyang pangdagat otherwise hihingi sila sa atin ng pahintulot at magbibigay po tayo ng escort kung sila ay dadaong sa ating pier.

KE: Ang mangyayari pala nito dahil yung boundary dito sa bandang baba yung Pasig River at yung marker naman sa bandang taas sa Paranaque yan ay parang nadadaan din minsan ng mga international ships na dumadaong dito sa South Harbor. So yun ang gagawin natin lahat ng dadaong at aalis may marshal na kasama?


JG: Meron po tayong escort at sa marshal bino-board po natin na tinatawag na CIQS o Customs Immigration Quarantine Security. Mga Phil. Coast Guard po ang mga ito na may mga K-9 at mga ibang gadget para ma-detect natin yung mga explosives kung meron man.

KE: Lilinawin lang natin Commodore na hindi apektado ng restrictions na ito yung mga passenger vessels na dumadaong ng North Harbor  normal ba ang magiging biyahe nila?


JG: Normal ang magiging biyahe  nila ngunit yung mga tao na nanggagaling sa probinsiya meron tayong tinatawag na notice para sa tinatawag na profiling. Although ginagawa na natin ito ng ilang taon na pinaigting natin yung pag-conduct ng profiling sa mga suspicious looking persons from Visayas and Mindanao na papuntang Maynila. Kaya pagdating ng barko na pampasahero dito sa North Harbor hindi po kasama sa exclusive zone ay talagang hinigpitan din namin an gating pagmamatyag sa ating segurida.

KE: So ano ang advice niyo magdala ng proper identification ano?


JG: Yun po at katulad sa ating mga naririnig, nababasa, napapanood sa TV patungkol sa mga pangyayari anting-anting sa NAIA ako po ay nanawagan na huwag po tayong magdala ng anting-anting sa barko pag kayo ay papuntang Maynila hinuhuli din natin yan.

KE: Hindi naman yata kailangan yun Commodore Garcia pag walang bagyo na bumiyahe yung barko hindi kailangan ng anting-anting?


JG: Hindi po!

KE: Ang iniisip ko lang dito papano namna yung mga nanghuhuli ng banak diyan sa binabanggit niyo na no exclusion ay pag ako ay nadadaan ay marami malilit na bangka na kumbaga nalalambat ng mga banak kasi marami diyan sa Manila Bay?


JG: Yung mga naghuhuli ng mga banakna sinasabi niyo hindi ito nakasama sa tinatawag na exclusion zone kasi ang exclusion po natin ay name-measure lang natin 2 nautical miles lang from the shoreline. Galing sa shoreline ng Roxas Blvd. mag-measure po kayo ng 2 nautical miles hindi po maabutan na walang nanghuhuli ng banak sa exclusion zone.

KE: Talagang ang mahigpit lang na tagubilin ay yung loob  ng 2 miles kung sa kilometro ilan yan mahigit na apat na kiliometro ano?


JG: More or less mga apat na kilometro.

KE: Ayun paglabas dun so dun muna sila Cavite muna sa hindi sakop nitong exclusion at tsaka sila mamingwit o manlambat pagkatapos dun din sila dumaong sa no exclusion shore dun sa labas nun?


JG: Opo katunayan nga po nagsimula po tayo na pinaigting yung seguridad sa Manila Bay simula nung bumisita yung Santo Papa at yung mga subsequent na APEC  meetings malaki ang naitulong sa atin ng mga kapatid natin sa coastal area naintindihan po nila na yung kanilang kooperasiyon ay talagang nakakabuti para sa ikakaunlad ng ekonomiya ng bansa.

KE: Yun pong cruise yung may libreng pagkain ay magbabayad ka yata ng P350 per person yung nanggaling diyan sa CCP at iikot dun sa harap nung isang malaking mall diyan at babalik. Ano ho yun kanselado yun sa mga dates na yan?


JG: Kanselado po yan bet. 17 to 20 Nov. katulad sa airport walang flight sila din po wala rin po sila kasi talagang hinigpitan natin ng husto at ito ay naipaliwanag na sa kanila yung may ari ng mga cruise wala pong tour sa mga ganitong petsa.

KE: Sayang marami kasing nagsasabi na holiday pa naman sarap mamasyal sa hapon pero yung lugar talaga ay wala tayong magagawa dahil yun ipinagbabawal pansamantala ang pagpunta ng publiko. So sa pangkalahatn ano po ang inyong advice dito sa ating mga kababayan lalo na ho dito at hindi lang sa mga apektado ng paghihigpit dito sa APEC o yung sasamantalahin itong mahabang bakasyon next week?


JG: Ako po ay nanawagan na kung maari na talagang binigyan tayo ng ating gobyerno ng pagkakataon na mag-holiday kung ako po ay tatanungin hinihikayat ko lahat na kung pupuwede mamasyal na lang sa karatig na probinsiya. Ito po ang panukala Dept. of Tourism pangalawa po ako ay nanawagan na sana kung puwede maunawaan po natin lahat yung ating pinapatupad na maritime security sa exclusion zone at sa no saill zone dito sa malapit sa South Harbor hanggang Paranaque kasi pa rin ito sa seguridad ng ating mga foreign delegates at mga APEC leaders sa ikakaunlad ng  bansa.

KE: Pati daw po yung mga yate na nandiyan sa may headquarters ng Phil. Navy itong mga yate na miyembro ng Manila Yacht Club ano po yan bawal din ba silang gumalaw sa inclusive dates na yan?


JG: That matter nga po nakausap natin yung mga yacht owners ng Manila Yacht Club sa katunayan tumutulong pa nga sila mag-contribute ng kanilang mga yate upang madagdagan ang ating floating asset sa mga security area natin. Malaking tulong sa atin yung mag nagma-may-ari ng yate.

KE: Ang gaganda ng mga yate diyan Commodore.


JG: Oho na talagang tumutupad sila sa ating panukala patungkol sa ating paglalaganap ng seguridad sa Manila Bay.

KE: So yung ating BRP Pampanga ay talagang magigin visible diyan sa area na yan sa mga petsang yan?


JG: Opo mga floating asset po ng Phil. Coast Guard ang nakalaan po dito combination ng Coast Guard ng PNP maritime group at ng Phil Navy ang ilalatag natin dito para makasiguro tayo na mapaigting ang maritime security sa naturang area.

KE: Alright with that maraming salamat Commodore Garcia at good luck sa inyong magiging pagbabantay dito sa mga delegado ng APEC.


JG: Maraming salamat din po at mabuhay po kayo at sa mlyun-milyon na tagapakinig ng Radyo ng Bayan.

Miyerkules, Oktubre 28, 2015

Sen. Sonny Angara Kalye Escalera Interview Oct. 29, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Sen. Sonny Angara Kalye Escalera Interview Oct. 29, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Sen. Sonny Angara magandang umaga po!

SA: Magandang umaga Marlo sa lahat ng nakikinig sa Radyo ng Bayan pagbati ng magandang umaga din sa kanila!

KE: Kayo din po ba Sen. Sonny ay nandiyan pa sa Aurora ngayon o nakapabalik na kayo dito sa kapatagan?

SA: Nakabalik na ho kami sa Maynila na kami.

KE: Pagkakaunawa yata natin Sen. ay mukhang next week sa Martes ay balik na rin sa regular na session ang mataas na kapulungan ng kongreso. Pero puwede ho bang paki-kunweto sa amin kung ano na ang estado ng inyong lalawigan sa Aurora lalo na yung Baler at Casiguran na dinadayo ho ng mga turista mula dito sa Maynila kadalasan kapag tayo ay naka-experience ng mahabang bakasyon dito sa mga trabaho dito sa Maynila kagaya ng paparating na APEC at yung ito pong Bonifacio day?

SA: Medyo malala yung tama ng bagyong Lando sa amin at state of calamity ang aming lalawigan sa bayan ng Casiguran marami ang nawalan ng bahay siguro mga 15K minimum ang totally at partially damage na mga kabahayan sa amin. Natutuwa naman kami nagpunta dun si Pang. Noynoy Aquino nung nakaraang linggo siguro limang miyembro ng taga gabinete nandun si local govt. Sec. Sarmiento, DSWD Sec. Soliman, Public Work Sec. Singson, Sec. Garin, DA Sec. Alcala, DepEd Sec. Luistro para sa provincial disaster meeting para pakinggan nila kaagad kung ano ang agarang mga solusyon na maihahandog ng ating pamahalaan. Tapos andun yung governor at mayor at least kaagad mabibigyan ng solusyon yung mga problema andun ang ating sec. of energy Monsada.

KE: Medyo iniisp lang namin ngayon ay kasi yung mga travel agency ay wala ding katigil-tigil sa pag-o-offer ng kanilang mga package diyan sa inyong probinsiya kaya minarapat namin na kayo ay tawagan ng personal upang kayo na ho mismo ang mag-rekomenda kung okey na ba uli na mag-surfing diyan magpunta diyan by land o sasabihin niyo ba sa kanila na sa ibang lugar na  muna magpunta?

SA: Puwede naman hong bumalik ang mga turista although nung mismong may bagyo may surfing din sa amin at medyo na-postpone yung ganun kasi siyempre delikado ng mag-surf. Pero ngayon palagay ko okey naman nakikita ko marami na ring nagpo-post ng pictures tapos ng paalis ako ng Baler may mga parating ng mga turista yung iba i-check na lang siguro nila kung may kuryente yung pupuntahan nila kasi yung iba meron na yung iba wala.

KE: So yan ang unang advice niyo ang pag-check ng supply ng kuryente at parang hindi naman base sa pagku-kuwento Sen.parang hindi naman ho yata tinamaan ng matindi itong mga puntahan ng mga turista ang talagang naapektuhan ng todo ay itong magsasaka natin at yung may mga may-ari ng mga bahay-bahay na talagang hindi naman napaghandaan itong ganitong klase ng uri ng panahon?

SA: Tama yun dahil din sa agarang pagkilos ng ating mga local govt. mga barangay officials at ng ating pamhalaan sa pamunuan ng NDRRMC na-evacuate o nagkaroon ng paglikas kaya sa buong lalawigan dalaw o tatlo ang namatay pag nakita mo yung nangyari sa kanilang mga kabahayan akalain mo na muubos sila lalo na sa tabing dagat  salamat sa pamahalaan sa mabilis na pagkilos at naiwasan yung talagang Yolanda type na talagng wipe out yung mga barangay.

KE:Pero itong si Lando ay ang dala nito ay ulan pero si Yolanda noon may ulan at tubig lumaki rin ba ang alon diyan?

SA: May paglaki din po pero handa ang ating mamamayan ay nailikas na especially yung sa coastal area at tulad ng Yolanda napakalakas din ho ng hangin although hindi naman umabot ho ng 350km per hour dito halos 180 ang to 200km per hour ata ang pinakamalakas na recorded na parang sabi nga nila hindi naman umalis at talagang tumira siya dito sa Aurora kumbaga parang tumambay pa ang bagyo dito sa aming lalawigan.

KE: Talagang diyan yata siya nauwi na may  lakas sa inyong probinsiya?

SA: May lakas ng konti pero yun nga matagal parang pag-diskuwento ng mga residente wala naman ako nung pag landfall ni Lando dumating lang kami nung Lunes-Martes ay yun ang parang pinaka-matagal na naransan ng mga residente ng Baler at Casiguran sapagkat parang hindi sila mapakali dahil ang lakas talaga ng hangin at napakatagal.

KE: Ang lessons learned dito dahil ito ay unang pagkakataon na nakaranas ng mas mahaba na pananatili ng bagyo sa inyong lugar siguro ang lessons learned dito para sa ating lahat lalo na sa inyong mga kababayan kung ano ang iniuutos ng local na pamahalaan sa mga mamamayan sa pagdating sa ganitong panahon siguro sundin agad ano po!

SA: Opo dahil makita ho natin dun sa ibang lugar huwag na tayong magbanggit sa may pinakamalaking pinsala at marami ang namatay ay yun yung medyo nagmatigas ng konti dun sa paglikas. Sa amin may karanasan na rin kami sa mga bagyo sumusunod talaga ang mga tao dahil sa initial ayaw talaga ng mga tao baka pasukin yung mga kanilang bahay talagang kailangang talagang paghandaan dahil importante yung oras ng pinag-uusapan dito. Sa loob ng isang oras dalawang oras ay talagang lumalakas yung bagyo.

KE: May naalala di ba may napabalita diyan na parang ilang hospital ang talagang nakalbo nawalan ng bubong. Yun ho bang pagamutan na yun ay balik na sa normal ngayon at ano na ho ang nangyari sa mga pasyente na inilikas mula dun sa mga hospital?

SA: Yung iba kailangang talagang dalhin  sa Maynila o sa Cabanatuan pero yung talagang hospital ng Casiguran talagang nakalbo po ito na parang nilipad yung yero niya. Ang malungkot diyan kaka-repair lang nun mula nung bagyo nung 2013 kung masasabi nating back to normal hindi po dahil tarapal yung nakalagay sa hospital at yung pagre-refrigirate ng ibang gamot ay kailangang ilagay sa refrigerator yun hindi nila nagagawa ngayon yun sa provincial hospital sa Casugiran so yun siguro ang maging prayoridad. Subalit yung mga doctor ready naman sila tayo ay napupuri natin yung mga tao dun in fact hindi sila umalis dun at yung mga nakatirang residente sa maliliit na bahay ay dun nagpunta sa hospital.

KE: Sa ating mga magsasaka na medyo na hindi nila maiisip kung papano babangon dahil yung kanilang mga puhunan ay kasamang inanod ng baha. Ano po ang nakikitang paraan dito ng gobyerno ano ang sinabi sa inyo tungkol sa mga bagay na ito?

SA: May mga samut-sari namang solusyon may insurance na ire-release naman an gating pamahalaan yung sa iba namang hindi mai-recover yung iba naman andun naman si Sec. Alcala kasama si Pangulo mamimigay po siya ng mga binhi ng ibang kagamitan dito sa ating mga nasalanta na magsasaka.

KE: With that nagpapasalamat kami sa panahon ninyo na ipinagkaloob dito sa 738 Kalye Escalera Sen. Sonny Angara at good luck po at hanggang sa muling pagkakataon!

SA: Maraming salamat Marlo at muling nagpapasalamat sa ating Pangulo at sa lahat ng kanyang Sec. na nagpunta sa aming lalawigan at umaasa kami at mamamayan ng Aurora sa tulong na pinangako po maraming salamat  sa inyong programa!

Lunes, Oktubre 26, 2015

Vocal Michael Fermin (1st District of Bulacan) Kalye Escalera Interview Oct. 27, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Vocal Michael Fermin (1st District of Bulacan)  Kalye Escalera Interview Oct. 27, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Vocal Fermin magandang umaga po!


MF: Magandang umaga po sa inyo at sa mga ating mga taga-pakinig!


KE: Siguro ang una naming ikukumusta sa inyo Vocal Fermin ano na ho ang latest ngayon diyan sa nangyayaring pagsasalba ng ating mga kababayang magsasaka dito sa mga nabiktima ng mga Lando sapagkat sa aming pagkakaalam po mukhang ang inyong distrito ay kabilang sa mga medyo napuruhan ng din ng tubig na dala nitong si Lando?        


MF: Tama po kayo kasamang Marlo sa taya ng PDRRMC itong nakaraang pagtama ng bagyong Lando sa Bulacan ay particular na tinamaan dito ay ang bayan ng Calumpit, Hagonoy part ng bayan ng Paombong at yung mga sakahan dito sa bayan ng Pulilan. Sa kaitaasan yun pong San Miguel at San Ildefonso ay tinamaan din po.


KE: At yan po lahat ay kabilang sa mga distrito na inyong nasasakupan?


MF: Opo maliban sa San Miguel at San Ildefonso nasa ikatlong distrito po yun.


KE: Ano na ho ang kasi ang kadalasan naman yung ilang kapatid natin sa hanapbuhay ang kadalasan ini-interview sa mga ganitong pangyayari. Kung hindi yung mga gobernador, Mayor ay yung kanilang Congressman kaya parang nakakalimutan rin ng ating mga taga-pakinig na may nagtatrabaho din naman na mga miyembri ng Sangguniang Panlalawigan at sa inyong bahagi po papano naman tayo nagpapa-abot ng mga tulong sa ating mga kababayan na nasalanta?


MF: Una inasess natin yung pangangailangan sa pagdedeklara ng state of calamity yung ating mga lower Sanggunian etong mga Sangguniang Pambayan nakapag-deklara nitong state of calamity para magamit nila yung pagtulong sa mga evacuation centers. Pati na rin doon sa mga kabahayan na submerge ng tubig sa dala ng bagayong Lando sa kasalukuyan ay halos mangilan-ngilan na lamang na naiiwan sa mga evacuation centers pinagpapasalamat namin sa Diyos na dapat magtutuloy-tuloy na marami na ring kalsada ang passable at accessible nawala na yung tubig sa kalsada at unti-unti ng nakakabalik, nakakapaglinis na ang ating mga barangay, eskuwelahan para maihanda ulit sa mga bata dahil ginamit ulit na evacuation centers. Ngayon po after backlogging na ito ay we would like to also focus sa cause effect na kailangan gaya po ng mga pagtingin sa mga sitwasiyong pangkalusugan naman ng mga tao assessment po sa mga losses kagaya ng palaisdaan at sakahan na nakalulungkot dahil yung iba po ay halos aanihin na ay natangay po lahat ng ating kabuhayan  ng mga kawawang magsasaka at manginngisda. Sa pinaka-huling report na sinumite sa ating tanggapan aabot po sa halos P1B ang inaasahang nga losses.


KE: Grabe diyan lang sa inyong area of responsibility?


MF: Tama po kayo.


KE: Ang tindi so ano ho ang pinaplano ng Sangunniang Panlalawigan borad para itong mga binabanggit niyo na tinamaan at medyo minalas na kababayan ay nakabaon magpapasko pa naman ho?


MF: Susubukan po natin umupo kasama ang DA at BFAR para sa rehabilitation program para maayudahan naman natin itong ating magsasaka at mangingisda. Ganun din ho na panahon na dapat mgakaroon ng mas malalim na pag-aaral hindi lamang po tayo ganitong reactive dapat ang paniwala po natin na ang gobyerno ay Pro-active hindi poi sang beses taon-taon itong dinadanas ng kababayan namin bakit walang maliwanag na plano na inilalatag. Nung panahon nila Ka Blas Ople at Cong. Natividad nakakuha po ang mga ka-distrito natin tinutuunan nila ng pansin kagaya nitong Labangan Channel talaga naman na dapat mapadaloy itong mabilis ang pagbaba ng tubig pababa ng Manila Bay. Etong pagdami ng mga subdidvidon na ito at pagharang sa mga water ways at itong mga fish cages na nakaharang din along the channel ay nakakapagpabagal sa pagbaba ng tubig at dapat pag-ralan din po na kasama sa masterplan na hindi lang sa dala-dalawang kilong bigas ang pinaghahandaan natin na parang nasisyahan pa ang iba kapag ganitong panahon dahil nagpapamigay ng relief. Kailangan natin pati yung inpraskturang ilalatag dapat ay may maliwanag na plano kung papano nating poprotektahan paniwala ko hindi lang kailangan ito sa pagtataas ng mga kalsada kung hindi dapat magkaroon talaga ng proteksiyon dike. Ang tubig na inaabot namin ay hindi tubig ulan ang tubig po kung mapapansin ninyo kadalasang lumulubog ng walo hanggang sampung talampakan lubog po ang mga tao dito sa pinaka-malalim na lugar dito sa Calumpit at Hagonoy. Dahil back clogging  ibig sabihin pag wala na ho ang mga baha sa mga kalapit nating lalawigan gaya ng Nueva Ecija ang tubig ay aasahan nating dito bababa kaya yan ang dahilan kung bakit mataas na po ang sikat ng araw lubog pa rin sa tubig ang mga ka-distrito natin


KE: Ang naiisip ko naman diyan di ba ang distrito uno ay meron ding kinatawan sa lehislatura sa pambansang libel meron ho ba kayong nakukuhang impormasiyon na may ginagawa na silang pag-aaral o mungkahi patungkol dito?


MF: Sa ngayon po wala po kaming nalalamang ginagawa kaya yna po ang aming sinasabi na dapat gawin huwag lang pagtuunan ng pansin itong puro pagrarasiyon at mga bagay na alam naman natin nakatuon lamang sa pulitika. Dapat po dito pag nasa gawain tayong national dapat maglalatag ng maliwanag na plano kung paano maiiwasan at mapoprotektahan itong mga mamamayan na nasasakop ng iyong distrito lalo sa na ito hindi lang isang beses ito mauulit pa ito. Paano kung may tumama na namang bagyo ano ang gagawin natin hihintayin na lamang natin  ang mga tao na lumikas kung hindi kaya ay wala ng halos kabuhayan ay tatangayin ng baha na para tanggapin natin natural na it’s the new natural the new standard of natural kami ho ay naniniwala na dapat isulong na magkaroon ng maliwanag na plano dito hindi lamang ito pagrasyon-rasyon. Kahit sa pagpapasa at pag-identify ng mga projects taun-taon kung hindi naman kaya by bases ang Pangulo natin nagbibigay ng tulong nung nakaraan nagbigay po ng for flood mitigating kung meron lamang pong ilang daang milyon ang pinagkaloob sa Bulacan inuwi po lahat sa pagtataas ng mga kalsada . Tiganan niyo naman ang nangyari halos lubog din po lahat ng kalsadang itinaas  kung yun ay ginamit lamang para magkaroon ng protection dike yung tubig na galing sa river na umaapaw sa mga kabayanan  sa lupa maaring hindi po sigurong naging ganun at nagkaroon ng protection yung ating mga kababayan.


KE: Yun nga po naisip ko tuloy na itanong sa inyo kung ano ang sitwasiyon sa larangan ng pulitika diyan lalo na ho dito sa usapin sa paghalal o mga kumakandidatong sa kinatawan ng unang distrito ng Bulacan sa mababang kapulungan ng kongreso?


MF: Sa kasalukuyan ay matatapos ang termino ang ating kasalukuyang Cong. sa Bulacan at after sa isinagawang filing sa COMELEC dalawa lamang kami na naghain ng COC.


KE: Sino ho yung isa pa?


MF: Tayo po at itong anak naman po ng kasalukuyang kongresista at gobernador ng Bulacan.


KE: Siguro sa ngayon kung pagbabatayan po ang inyong isiniwalat dito sa amin ay parang sa ngayon palang ay may maayos naman kayo na plano diyan sa inyong distrito?


MF: Hopefully po dahil ang ating lakas ay isang consultative leadership paiiralin natin panahon ang maging gawaian ng ating mga kongresista ay sa tinig ng kailangan ng ating mga mamamayan. Dapat ay kunsultahin natin sila hindi lamang yung gusto nilang gawin yan ang inilalapit natin.


KE: Baka meron pa kayong pahabol na panawagan o mga mensahe diyan sa mga kababayan niyo diyan meron pa ho tayong ilang minuto na maari kong ipagkaloob sa inyo?


MF: Nagpapasalamat po ako sa ating istasiyon sa Radyo ng Bayan nagpapasalamat kami sa lahat ng nagpahatid ng tulong kung sa kasalukuyan po ay meron pa ring dumarating talaga pinagpapasalamat namin at damang-dama namin ang pakikisama ninyo at pag-alalay sa panahon ng kagipitang ito. Sa Phil National Red Cross sa Phil Army sa lahat ng none govt. organization na nagpadala ng truck, tubig, gamot, pagkain maraming salamat po. Nais ko na ring samantalahin ang pagkakataon po na ipanawagan sa ating tanggapan ng Meralco para mai-assess yung mga lugar na wala pa ring kuryente na nagpapahirap po naiintindihan din po namin they need to shutdown dahil kailangan po nilang balikan at inspeksiyunin para walang maka-disgrasya mgayon namang mababa ang tubig hirap po lalo yung may mga bata na nabaha na po wala pa rin silang kuryente hanggang sa kasalukuyan amin pong ipinanawagan at nag-coordinate na rin kami sa tanggapan ng Meralco na tiyaking maging maayos po. Sana po sa mga kababayan natin na ngayon po ay naka –tune in alam po lalo po kayo ang nagiging kasama nila sa magdamag may mga transistor po yung iba nasa bubong lakasan lang po natin ang ating loob ingatatn natin ang ating sarili ang mga anak gaya lagi naming advice kung hindi naman kailangan ay huwag ng lumusong sa baha hindi lamang sa sobrang lakas ng agos in fact may mga casualties kami nung nakaraan may mga namatay na nalunod alam din natin ang panganib ng leptosphyrosis yung dumui  ng mga daga na kasama diyan sa baha konting ingat po sa ating mga kababayan maraming salamat sa lahat.


KE: Maraming salamat din ho!


MF: Mabuhay kayo!




Linggo, Oktubre 25, 2015

NFA Administrator Renan B. Dalisay- Kalye Escalera Interview Oct. 26, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


NFA Administrator Renan B. Dalisay- Kalye Escalera Interview Oct. 26, 2015/ 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Administrator Dalisay good morning po!

RD: Magandang umaga sa iyo Marlo at sa lahat ng sumusubaybay sa inyong programa!

KE: Siguro ang una naming ikukumusta sa inyo ay kung magkano ba kung meron na ba kayong eksakto o pinaka-malapit sa katotohanan na estimate dun sa mga dapat na aanihin na palay na hindi na mapapakanibangan dahil nga nalunod sila sa baha?

RD: Base sa findings ng NFA sa field officer namin nasa mga 400K metric tons ng palay ito this is equivalent to 250K metric tons ng bigas ang cost po nito nasa mga P6B  ang pinakahalaga po nitong nasira nitong typhoon Lando.

KE: P6B at how much per kilo ang umiiral na bentahan ngayon sa retail dito sa ating bigasan?

RD: Ang regular rice ay nasa P32 and well milled rice po ay na P36 to P38.

KE: At itong binabanggit niyo na bigas na nasayang dahil kay Lando kung ating ikukumpara ito sa pangangailangan ng mga mamamayang Pilipino gaano ho sana katagal na supply ang ititulong nito?

RD: Itong mga nasirang ito ay makakadagdag sana ng walong araw sa atin.

KE: Yung walong araw na yun kumbaga nawalan tayo ng limang araw dahil sa buffer stock sa pangyayaring ito papano yung mai-au-augment?

RD: Ang kagandahan dito sa aming preperasyon dahil climate change kay ang issue ng climate change pinaghahandaan namin sa preposition at ng buffer stock ibig sabihin pingahahandaan namin yung El Nino pinaghandaan din namin kung may tumamang malakas na bagyo. Alam naman natin pag last quarter of the year dun tumatama yung malalakas na bagyo kaya ang ang nangyayari ngayon kahit malaki ang tinamaan maganda naman ang ani sa mga ibang lugar sa Palawan sa Mindoro at dahil nakapag-angkat na tayo dati na 250K metric tons ngayong Nov. at Dec. sapat pa rin an gating supply.

KE: Pag hindi pala nagkaroon ng matinding tag-ulan nitong si Lando ay parang medyo magkakaroon pa tayo ng problema sa over stock?

RD: Hindi naman po kasi nung nag-usap kami ng DOST-PAGASA dahil ang pinaghahandaan natin EL Nino talagang kung tuyonng-tuyo tayo kailangan talaga natin ng dagdag na preposition. Ngayon po ang nangyayari dahil may tubig tayo ngayon itong pingahandaan namin  para sa EL Nino nagamit natin ngayon sa typhoon Lando at dahil may tubig ngayon amin itong sasamantalahin. Nagre-request nga po kami sa Malacanang na payagan kaming i-procure itong mga storm damage palay para magkaroon ng konting pera ang mga magasasaka natin makabili ng mga inputs para ngayon makapagtanim sila habang marami pang tubig.

KE: Puwede pala yun may mga pakikinabangan pa roon?

RD: Amin pang i-evaluate yan meron  pang mapapakinabangan may mga driers tayo merong totally damage na palugi na nating ibebenta yun. Pero yung mga partially damage puwede pa nating patuyuin yun kaya importante na mai-evaluate natin pero tulong na lang ito ng gobyerno sa ating magsasaka dahil sila ang pinakatinamaan.

KE: Klaruhin din natin na ang NFA ay walang sariling taniman ng palay bumibili lang talaga tayo?

RD: Tama po yun bumbili lang tayo.

KE: So walang dapat ipag-alala at yung nawala pala doon ay may naka-reserba na sa iba sanang kalahintulad na pangyayari. Ang susunod siguro nating paghandaan ay kung sakaling magkabitak-bitak itong mga lupaing sakahan pag tama ng El Nino ano ho ba ang plano ng NFA diyan?

RD: Makikipagpulong kami sa Dept. of Agriculture dahil sa usaping produksiyon talaga sila ang pinaka-lead agency. Ang importante dito dahila nababalitaan ko na merong mga lupaing na hindi na matataniman dahil sa tama nitong si Lando merong natabunan ng putik ang ibig sabihn niyan liliit yung mga lugar na mga ektarya na pwede nating taniman at may epekto ito sa ating supply sa ating hinahangad na maging sufficient. Amin pong pag-aaralan ito kasama ng DA kung ilan ang tinamaang lupa ng El Nino at magkakaroon ng epekto sa ating produksiyon.

KE: Medyo pangmatagalan itong programa pero ang iniisip lang kasi namin yung Aquino admin. ay ilang buwan na lamang mananatili sa poder at ang sinasabi ng mga eksperto natin sa PAGASA ay lagpas ng June itong mararanasang tag-tuyo papano niyo kaya paghahandaan itong ganitong sitwasiyon. Kayo po ba ay automatic na pagkatapos ng term ni PNoy ay kasama din kayong bababa?

RD: Tama po yun coterminous po tayo hanggang maximum  tayo hanggang dun sa termino ni Pang. Aquino pero. Ang pinaka-marching order ng ating Pangulo sa produksiyon sa NFA ay panatilihin sa stable ang presyo ng bigas sa ating merkado  kaya ang tinututukan namin ay ang supply na manggagaling sa ating magsasaka medyo wala tayong choice kundi mag-angkat. Binabantayn natin itong supply na ito dahil ngayong Dec. hanggang next year na sana ay hindi gumalaw ang presyo ng bigas sa merkado.

KE: Pag Dec. ho ba ay komukunsumo rin ng bigas alam ko marami ang kinakain ng tao diyan dahil malapit na ang Pasko?

RD: Tama yun na pag Dec. tumataas ang konsumo kaya nga last Dec. na-appoint ako Nov. eto kaagad yung pinaghandaan natin . Hindi tayo magkaroon ng shortage dahil lumakas ang kunsumo ng bigas pero habang nama-manage natin ng maayos ang supply nama-maintain nating stable ang presyo ng bigas.  

KE: Akala ho ng karamihan ang impression pag Dec. dahil maraming handaan bumababa ang konsumo sa kanin?

RD: Ang pag-aaral namin dahil maraming kainan, handaan dagdag na rin na magkakaroon tayo ng eleksiyon maraming namimigay ng mga bigas aasahan an rin  namin ito magkakaroon tayo ng pagtataas ng presyo matagal ang magiging reaksiyon namin kung mahuhuli po ang aming aksiyon kaya ito po naming binabalanse para hindi magtaas ang presyo ng bigas sa merkado.

KE: Puwede ko na palang i-conclude ang nasa isip ko na pag maraming niluluto  siguradong may dagdag na sinaing din yan?

RD: Tama po yan siguro mas malakas ang konsumo ng ating mga kababayang mahihirap dahil minsan kahit walang ulam basta may kanin  ayos na sa kanila .

KE: Bago manalasa yung bagyo may naka-posisyon na rice imports para sa buffer stocks yung inaasahang volume na papasok. Pero sa pananalasa ni Lando mga ilan yung mai-add sa inaasahan  nating papasok sa bansa para sa importation ng bigas?

RD: Meron po tayong kontrata na 750k na metric tons ang 250K ay darating sa Nov. at Dec po ngayon ay naririnig ko sa balita pero hindi pa kami nagkakausap dahil Oct. 29 pa po ang aming pagpupulong ng NFA council. Merong statement si Sec. Balisacan at ng Dept. of Finance na kanilang ina-advise na kailangang mag-angkat na pero ang palagay ko dito pag kami ay nag-usap ito ay panigurado natin sa susunod na taon sa first quarter para hindi naman tayo magkarron ng shortage ng supply. Pero this year sa palagay ko sapat pa rin ang ating supply po.

KE: Sa pinamamahagi ng NFA gaano na ho karami sa mga nasalanta ng bagyong Lando?

RD: Almost 30k  ang napapamhagi namin sa pamamagitan ng DSWD, LGU ar even private organization such as Red Cross at World Food program. Ako mismo ay nakapag-ikot sa Nueva Ecija  at sa Aurora isa nga ako sa mga unang nakapasok dun dahil wala kaming kontak sa amin dun kaya minabuti ko pong puntahan na. Ang tumambad sa amin pati ang warehouse namin dun natangay yung kalahati buti nga ho 200 bags ang nabasa ang ginawa ko kaagad ay dahil nanggaling ako ng Baler naghanap kami ng bigas para hindi naman sila kulangin sa bigas.

KE: Bukod sa Casiguran may iba pang warehouse na naapektuhan ng bagyo?

RD: Wala naman poi to lang talaga Casiguran patuloy naming binabantayan itong Pampanga at Bulacan yung after effect ng bagyo itong tubig na nanggagaling sa bundok ng Nueva Ecija ito an gaming binabantayan ngayon.

KE: Maraming salamat Admin. Dalisay hanggang sa mga susunod na pagkakataon at siyempre goodluck sa inyong pagtatrabaho diyan sa NFA!

RD: Marami pong salamat sa inyong lahat at magandang umaga po!

Miyerkules, Agosto 19, 2015

Sen. Sonny Angara Kalye Escalera Interview Aug. 20, 2015 / 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Sen. Sonny Angara Kalye Escalera Interview Aug. 20, 2015 / 8 to 9 am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Kabilang sa napag-usapan sa nakaraang linggo nung ako ay nakikinig sa inyong talakayan sa plenaryo yung income tax na kumbaga parang kumuha ito ng aking atensiyon. Sapagkat ang dami ngang panukala na pagtataas sa suweldo pero parang nakakalimutan sa katataas ng suweldo pribado man o  empleyado ng gobyerno nahihila rin paataas siyempre yung bayarin sa income tax. Ano ho ba yung binabanggit niyo na panukala dito tungkol parang ibaba yung income tax or hindi na siya tataas ano po ba?

SA: Ang gusto ho natin medyo ma-update na yung batas natin sa income tax ito po ay ipinanukala noong 1997 at ang problema diyan tumaas na ang presyo ng bilihin. Yung porsiyento ng income tax natin at yung bilang po ng ating income o kaya kinikita na nilalagyan ng buwis ay hindi rin naman tumataas yung income bracket kumbaga. Kung 32% po tayo noon sa P500K yun pa rin po ang halagang P500K nung araw ay malaki na yun ngayon parang middle class na yung kumikita ng ganun so dun pa rin siya sa pinaka-mataas  na bracket tapos halimbawa diyan yung mga teacher natin yung dati ay nasa mababang income tax ang pinag-uusapan natin dito yung mga bagong teacher, pulis , workforce, call center agents ay ang laki na ho 25% na ang binabayad nila sa income tax.

KE: 20% to 25% ng kanilang gross income?

SA: Taxable income meron naman silang nababawasan dun na P50K tax exemption kung may asawa may bawas din po tapos kada anak may P25K deduction bago kakaltasan po yung kinikita.

KE: Medyo parikular natin sa private sector yung minimum wage earner parang nasa limang daan yata ang arawang suweldo ng minimum wage earners dito ho sa panukala niyo magiging magkano na lang ang kakaltasin na income tax on a day to day basis?

SA: Yung minimum wage earner hindi nagbabayad ng buwis yan dahil meron tayong pinasang batas ilang taon na ang nakalipas na exempted ang minimum wage earner. Talaga lang yung mga nasa gitna ang pumapasan kumbaga yung mg mayayaman puwede naman may korporasyon i- deduct yun at karamihan ng malalaking negosyante nakakuha ng fiscal incentives. So ang puntos natin ang mga nasa gitna sila yung nabubogbog sila yung nagdadala magbabayad ng income tax sa ating mamamayan ang Pilipinas po ay nasa populasiyon na ng 103M ang nagbabayad lang ng income tax ay halos 3M o 4M at sila ay bugbog na bugbog na po.

KE: Yun ang pumapasan dun sa karamihan dapat pala ay parang kawawa yung nasa gitna kasi naabutan sila nung nasa baba kumbaga eto mataas ang item ko pagdating ko sa plantilya sa opisina pero pagdating ng takehome pay namin halos pareho na kami dahil yung minimum walang binabayaran income tax ako na medyo mataas yung increase ko para lang napupunta sa income tax?

SA: Meron nga ayaw magpa-increase sa suweldo dahil exempted sila pag minimum wage earner pagdating ng suweldo ay yung mga nasa gitna ay kakaltasan yun ang kamalian ng income tax system na sana maibago natin. Mero tayong panukala ang hindi alam ng nakakarami pagdating sa usapin sa buwis sa ilalim ng ating saligang batas ay kailangan ay magmula yan sa House of Representative kaya hindi tulad ng pangkaraniwang panukala na puwedeng isabay ng Kamara at Senado pagdating sa budget bill ay kailangang magmula yan sa Kamara.

KE: Ito bang panukala niyo meronna kayong namo-monitor na counterpart sa House?

SA: Meron po ang Chairman po ng Waste and Means Comm. sa buwis ay si Chairman Quimbo inaantay po nila na pag napasa po yun sa Kamara.

KE: Parang madali lang naman dahil diyan naman sa senado ay pag ganitong mga para sa benepisyo ng mga nakakarami ang pinag-uusapan ay hindi na kayo nagtatalo-talo ng matagal diyan unlike dito sa House na konti o marami ang benepisiyaryo ay parang mabagal umusad?

SA: Tama ho yun at tayo ay nagkaroon na ng ilang pagdinig dito sa bill natin problema na ho nga lang yun requirement ng ating saligang batas na kailangang talagang magmula sa Kamara de Representante kaya hinahanda na natin yung ating version at once na naipatupad na ng House ay baka puwede na nating ipasa sa komite at para madebatehan na sa plenaryo.

KE: May nagtanong lang dito papano naman yung mawawala kabilang sa target collection ng BIR?

SA: Ang pinagyayabang kasi ng gobyerno ay may P580B pero sa calculation ng Dept. of Finance meron po tayong P30B huwag nating kakalimutan meron tayong panukalang batas yung sin tax bill na nagtaas po ng buwis sa alak at sigarilyo at ang kinikita natin diyan ay P50 to P80B so talagang sa tingin ko kung may mawawala man sa gobyerno konting-konti na lang kaya mas marami mg  kinikita ang gobyerno dahil na rin sa magandang pamamalakad po ng Pangulo at ng kanyang mga departamento ang sa akin ngayon napapababa na ng ating Pangulo ay sana ay maramdaman na ng mga tao ang daang matuwid.

KE: Ito ay parang ano rin kung ating pagsasamahin itong inyong ideya panukala na sinusulong at yung isa pang bill diyan sa Senate sa pagtaas ng suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan. May chance ba na magsabay ito na maaprubahan bago matapos itong kasalukuyang kongreso?

SA: Mahirap sabihin sapagkat hindi natin kontrolado yung mga nangyayari sa mga kasamahan natin sa mababang kapulungan dahil hindi naman tayo kongresista although galing tayo dun. Alam naman natin na marami rin silang trabaho bukod sa pino-problema nila yung bawat nilang distrito ay nadiyan pa yung BBL, budget  hindi natin masabi pero umaasa pa rin tayo at nakikiusap pa rin ho tayo sa mga kasamahan natin na gawing prority itong panukalang batas natin mai-reporma yung batas ng buwis.

KE: Pero kayo diyan sa Senado parang napaka smooth sailing kayo ngayon ano ba ang sikreto ng senado na dapat ituro sa House?

SA: Wala namang sikreto diyan may araw din na talagang maraming naipapasa ang senado kahit walang masyadong nag-i-sponsor. Ngayon lang kasi siguro nakikita ng mga senador na iilang araw na lang ng session ang natitira para magpanukala ng batas kay priority yung mga dapat ipasa.

KE: Ngayon ay inaasahan natin  na nangyayari diyan pero mas magandang manood na lamang muna tayo?

SA: Ganun pa  man ay umaasa tayo na may pag-asa para sa ating mga trabahador na konti lang ang inuuwi.

KE: Ano po yung inyong komento sa ginagawa na mga hakbang ngayon ng BOC nay un pong mga balikbayan boxes ay binubusisi na nasa paga asang makakita ng items na maaring i-tax. Like yung ref na may mga lamang iba pang items na nakuha po nila kamakailan yun nga yung ginagawa nila?

SA: Maraming nilalagay na mga gamit sa balikbayan box at yung door to door box na dun naglalagay ng high value items na dapat binubuwisan. Okey lang naman yun dapat naman lahat tayo ay magbayad ng buwis whether OFW, Senador o pangkaraniwang tao tama lang naman yung ginagawa na yun. Padagdag lang huwag lang sanang perwisyuhin masyado huwag patagalin sa Customs ng ating mga kababayan sana bilisan nila yung pag-check.

KE: With that nagpapasalamt po kami sa inyo at nagsasabi rin na hanggang sa susunod ha!

SA: Maraming Salamat po!