Lunes, Setyembre 8, 2014

Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac (Chief PNP Public Information Office) Kalye Escalera Interview Sep. 9, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan





Senior Superintendent Reuben Theodore Sindac (Chief PNP Public Information Office) Kalye Escalera Interview Sep. 9, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

RTS: Patuloy po ang paghahanap pagtutugis dun sa mga anim pang suspek dun sa sinabing hulidap at yung dalawa po ay under arrest ngayon at nasa kustodiya na ng PNP.

KE: Gen. meron lang ilang katanungan na namumuo sa aking isipan ng ito ay aking mabasa sa mga balita. Na-establish ho ba na itong grupong ito ay talagang matagal ng ganito ang lakad o iba ang linya o napilitan lang na pasukin itong ganitong uri operasyon dahil nag-positive na dala ng subject yung pera?

RTS: Unang-una yun ang isang pakay ng aming imbestigasyon at sinisikap naming malaman ang katotohanan at puno’t dulo nito. Pero sa indikasyon na nakuha yung pagsagawa nila ng operasyon ay parang nag-i-indicate o na may tendency na siguro na may ginagawa na silang ganito.

KE: Pero broad daylight yun sir hindi kaya posibleng baligtad din ang kanilang naging diskarte at kumbaga positive na yan trabahuhin na natin lakasan na lang ng loob ito.

RTS: Tigtignan natin malalaman din yan sa mga susunod na araw yung mga pag-usad ng imbestigasyon. Subalit ang nananitili is that they have to answer it first.

KE: At siguro ma-follow ko rin lang itong record ho ba ng dalawang pulis na nasa custody natin kung pagbabatayan ang data base ng PNP may mga previous record na sila na parang ganito ang linya?

RTS: Sa latest inaalam pa natin kung meron pang mga record sa admin. may malilit na infraction sa criminal hindi pa natin nasisiguro.

KE: Ano po yung maliliit na infraction General na yun?

RTS: Mostly sa attendance at sa pag-perform ng mga duties nila.

KE: Siguro ng baka nga nagsa-sideline at parang mahirap ding sabihin sa punto ngayon na yung sideline nila ay ganun na nga dahil hindi pa napapatunayan natin. Siguro hindi ko na rin babanggitin kung saan lugar kayo nagze-zero in ngayon pero talagang sila ba ay positive na walo na lamang o possible pa yun na madagdagan?

RTS: Walo nga po sila plus ex-police so siyam lahat at inaalam din kung may mga ibang involve sa kanilang kasamahan at ilalabas naman sa mga darating pang pag-i-imbestiga.

KE: At siguro huling tanong ko na lang sa pagkakataong ito General ay marami na kasi ang talaga na lalo na sa pangyayaring ito na kasama ho tayo sa nalulungkot sapagkat mga kabaro natin mga unipormadong tauhan ng pamahalaan ang nasasangkot na naman sa ganito. Dapat ho pa ba kaming magtiwala 100% sa ating mga pulis medyo masakit ho itong tanong na ito pero kailangan ko ring malaman ang kasagutan ng mga otoridad?

RTS: Unang-una hindi dapat mawalan ng tiwala ang ating mga kababayan sa kanilang kapulisan kasi number 1 ito ay maliit na bahagi ng puwersa ng pulis. Kami ay 148,000 sabihin natin na may isang porsiyento naliligaw ng landas ay hindi pa ito ang nagbubuo ng majority at all ng buong kapulisan. Alalahanin ng ating mga kababayan ay ang nanghuli sa kanila ay kapwa pulis din na nagsasakripisyo nag-dedicate ng kanilang buhay para sa ikakapayapa at ikaka-ayos ng ating bayan at mga bayan-bayanan. Siyempre yung importanteng makita sana ng mga mamamayan yung effort na yun na wala kaming sinu-sino kahat miyembro ng aming hanay basta sa pag-solve ng isang krimen in this case medyo limang araw lang inabot at nagkaroon ng kaliwanagan at kalutasan at makikita nila na pulis ang nagsagawa ng lahat na ito. Siyempre sa guidance ni Sec. Mar Roxas at sa direksiyon ni Police Dir.Gen. Allan Purisima ang ating Chief PNP.

KE: So ako po ay nagco-congratulate kasi after din po na ones na ma-publish itong litratong ito sa mga social networking sites at yan ay nag-trending ay parang kumbaga iniisip namin ay baka ano lang ito nag-post lang dito yung isang makulit na gustong maghakot ng maraming like sa facebook. Yun pala ay napakatahimik din mg PNP yun pala tina-trabaho niyo na rin pala.

RTS: Tama po kayo doon at in fact una-una namimg pinasasalamatan yung nag-upload nun o nag-post sa twitter yung viral photo na yun. Dahil ito ang naging mitsa para simulant namin ang imbestigasyon at magkaroon ng kaliwanagan at kalutasan dahil nga dun sa pinost. Eto na yung sinasabi naming sana na pakikiisang ating mga kababayan sa kanilang kapulisan tulong-tulong po sana tayo dahil wala pong krimen na naso-solve na walang malaking partisipasyon or involvement ang mga mamamayan. Kahit saang parte ng mundo yan kahit gaano ka-advance ang police force lahat ng krimen ay naso-solve dahil may nakipagtulungan na isang miyembro ng komunidad o mamamayan na naging concern sa kanyang general welfare at ito ay nagbunsod ng isang imbestigasyon police operation at yung solution ng isang krimen. Pati crime prevention hindi namin mae-effectively maipapatupad kung wala pong participation at kooperasyon ng ating community.

KE: General matanong ko lang bago kayo pansamantalang bitiwan ngayong umaga ilan na po ba ang followers ng official twitter account ng PNP?

RTS: Dalawa po ang twitter account natin yung isa PNP Hotline yan yung pro-active engagement yung mga suma-sagot-sagot eto yung nasa 25,000 followers na po at yung isa naman yung PNP-PIO pinamamahalaan ng aming opisina eto naman yung pina-follow ng media at of course yung publiko at nandito yung advisory more of one way communication ito. Ito yung mga pronouncement, advisory, crime prevention tip at mga hotlines as well yung mga current activities nasa 30,000 naman.

KE: Sa facebook po ilan ang ating likers?

RTS: Mas mataas ang PNP facebook alam ko nasa 30,000 na rin yun.

KE: So yan ho ay malaking tulong at siguro yung ating mga kababayan na may mga mobile internet rin sa kanilang mga bag at mga bulsa ay i-add niyo na lang yan i-like niyo na lang para at least updated kayo.

RTS: Opo at ipagpatuloy nila ang pagpo-post pag may nakita silang anomalya mga unusual incidents ng katulad ng ginawa nung concern citizen na yun.I-upload nila kaagad at maaring mabigyan ng kaukulang aksiyon ng pulis pag nabigyan ng pansin ng isang mamamayan.

KE: Maraming salamat po Gen. Sindac good morning at goodluck dun sa paghahanap niyo po dito sa mga ibang naliligaw ng landas.

RTS: Maraming salamat po!