Miyerkules, Disyembre 14, 2011

Sec.Butch Abad (DBM) Kalye Escalera Interview Dec. 15, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec.Butch Abad (DBM) Kalye Escalera Interview Dec. 15, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sec. Butch Abad good morning!

BA: Magandang umaga!

KE: Kasama niyo po si Kuya Marlo Dalisay, si Joee G. at si Ms. Tea. Sec. all set to go na talaga na pipirmahan na ni Presidente ngayong araw itong ating national budget para sa susunod na taon?

BA: Mamayang  alas-diyes nakatakda na yung pirmahan at dadalo dun ang Senate President, ang Speaker, ang Chairman ng Committee on Finance at Chairman ng Committee on Appropriation tsaka yung mga kasapi ng Committee on Appropriation at mga kawani ng gobyerno.

KE: Dito po sa halagang P1.8T ay ito talaga yung ipinanukala niyo o ito ay nabago ng Kongreso?

BA: Hindi na nabago buong-buo naipasa sa House at buong-buo na naipasa sa Senado, so walang dagdag, walang bawas.

KE: Congrats sir! patunay iyon na talagang malakas ang suporta ng ating Kongreso ngayon sa ating administrasyon.

BA: Natutuwa po kami at nagpapasalamat kami kay Sen. Enrile tsaka kay Speaker Belmonte. Dahil hindi lamang napasa ng buong-buo kundi nasunod talaga yung schedule. Nag-umpisa kami nung July 27 nung aming isinumite yung budget dun palang nagkasundo na kami sa akinse ng Disyembre malalagdaan ito ng Presidente. Kaya nasunod yung usapan eto yung kauna-unahang pagkakataon na pinakamaagang malalagdaan ng Pangulo ang budget sa kasaysayan ng pagba-budget.

KE: in terms of allocation ano po yung top five budget getters kumbaga?

BA: Ang pinakamalaki napunta sa social services katulad ng Conditional Cash Transfer, basic education, proper health at sa affordable housing yung mga tulong sa mga mahihirap. Pangalawa yung economic services halimbawa yung paggawa ng kalye, irigasyon. Kung sa mga expenditure items pinakamalaki yung sahod ng mga nasa gobyerno na umaabot ng limang daang bilyong piso at susunod dito ay serbisyo para sa mga tao.

KE: Previously there was also emphasis of military Armed Forces malaki rin po ba ang alokasyon ang sektor na ito?

BA: Malaki ang alokasyon ng Armed Forces at kapulisan mahigit isang daang libo bawat isa. Of course ang pinakamarami DepEd meron silang 560,000 teachers palang.

KE: Pero ito po ay budget natin sa susunod na taon 2012, balikan ko po  itong kasalukuyang budget Sec. meron pa ba tayong natitira o may savings tayo ngayon?

BA: Siguro na-release namin at this point mga 95% .

KE: Ano ho ang gagawin sa 5% na matitira kung ito po ay hindi natin mako-consume hanggang sa matapos ang Dec. 31?

BA: Dalawang bagay ang puwedeng mangyari dun magawa na siyang savings hindi na siya gagstusin para makatipid ang gobyerno. Pero kung infrastructure yang maca-carry over next year para maipagpatuloy ang pagsasagawa nito sa susunod na taon.

KE: Pero ano ho yung malaki ngayon savings o infrastructure?

BA: Mas malaki yung infrastructure yung savings hanggat maaari ay nagtitipid maliban lamang kung halimbawa yung savings natin sa interest payment P37B savings na yun.

KE: Wala na ho bang nakalimutang ibigay ang DBM na benepisyo  ngayong taon dito sa mga empleyado ng gobyerno. Including yung huling 10,000 na pesos na inanunsiyo ni P-Noy?

BA: Yan ang pinakamabilis na naibigay pa gang pinag-uusapan ay benepisyo mabilis pa yan sa metro ng taxi.

KE: Sec. kasi may nagtataka bakit daw po hindi pa raw nila nakukuha yung additional bonus samantalang sa ibang govt. agency ay mas nauna na, ano po yung paliwanag doon?

BA: Yan ang hindi ko alam kasi kung walang detalya mahirap sagutin, peroa alam mo nung January palang etong mga bonus ni-release na namin sa mga tanggapan. Ang hinahawakan lamang nila ito pag nakatanggap sila ng order na puwede ng i-release. Nire-release na  so Enero palang wala na sa atin yung mga cash gift at mga 13th month pay. Yung additional P10,000 ni-release namin yan umpisa Dec. 8.

KE: Kasi marami hong nagtatanong , bakit sa amin wala pa.

BA: Halimbawa ang local govt.  at GOCC hindi galing sa gobyerno yung kanilang bonus galing dun sa kani-kanilang opisina. Halimbawa kung lungsod ka hindi mangagaling sa national govt. kundi sa kanilang NGO o kaya GOCC hindi mangagaling sa national govt. kundi sa mismong tanggapan ninyo.

KE: Nitong mga nakalipas po na araw naging kontrobersiyal at ginawa ng mraming estudyante ay nagprotesta sa sinasabing budget cut. Ang sinasabi niyo po ay buong naaprubahan na at yan ba ay maibibigay na at yan po ba ay kumpirmasyon na wala talagang budget cut?

BA: Liwanaginn natin kasi minsan hindi naman totoo yung mga sinasabi, ngayon mismo hahamunin ko kayo ngayon palang pumunta kayo at tignan niyo yung budget. At kung walang increase yung SUC puputulin ko yun daliri ko.

KE: Huwag naman po Sec.

BA: Alam niyo kasi minsan mga estudyante nadadala sa mga propaganda siyempre maraming nagtatawag ng pansin. Dapat sabihin nila yung katotohanan hindi nila nililinlang ang mga estudyante.

KE: So wala pala silang dapat ipangamba?

BA: Wala naman.

KE: Sec. huling tanong na po kasi yung mga public school teachers ang nagsasabi na sila ay wala pa rin daw o hindi pa nare-receive ang P10,000. At tinitira ang pamahalaan ngayon may mga nagsasalita na ayan nagpapabida daw ang administrasyon, ano ang masasabi niyo dun?

BA: Ang tanong ko sa kanila sabihin nila kung sino sila at anong eskuwelahan ang wala. Kasi madaling magsalita in general ang hamon ko sa kanila sabihin nila kung sino yung mga nawalan at matitiyak ko sa inyo na may dahilan kung bakit. Naibigay na namin sa DepEd wala na sa gobyerno yung kanilang bonus. Ang puwede nilang singilin diyan kung meron mang delay ay ang DepEd.

KE: With that Sec. pakakawalan na po namin kayo Sec. maraming salamat po!

BA: Maraming Salamat!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento