Lunes, Setyembre 10, 2012

Asec. Tonisito Umali (DepEd) Kalye Escalera Interview Sept. 11, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Asec. Tonisito Umali (DepEd) Kalye Escalera Interview Sept. 11, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Asec. Umali, good morning po!

TU: Good morning po!

KE: Asec. marami po yung nagsuspinde ng kanilang klase at dun sa mga nakikinig sa atin na mga magulang, ano-ano ho bang mga schools ang walang klase ngayong araw dahil sa pag-ulan?

TU: Yung monitoring po natin ngayon sa Metro Manila particular sa Maynila ang nagsuspinde lamang po ng klase ay yung UST at ibang paaralan sa University Belt. Ang concern po natin sa kagawaran ng edukasyon ay yung hanggang high-school po lamang. Ang lungsod ng Maynila nakikipag-ugnayan po ang ating school division Supt. kay Mayor Lim ay wala naman pong ginawang pahayag ang sabi po nila ay mag-antay na lamang po ng anunsiyo kung meron man bago mag-alas onse. Ngunit ang sabi nila ay mukhang maganda naman at kaaya-aya ang panahon ay malamang wala hong suspensiyon na maaring gawin ngunit hintayin na rin natin kung meron.

KE: Kumusta po yung schedule ng make-up class sa panig ng Dept. of Education?

TU: Yung make-up classes natin ginagawa yan para matugunan yung sinasabi ni Bro. Armin Luistro yung 180 contact days with our students. Meron po tayong 200 calendar school days pag bumaba yan sa 180 dahil yung 20 ay naubos na sa pagsususpinde ng klase kailangan po nilang mag-make-up classes na. Ngunit yung iba maski hindi pa nauubos yung 20 days nagsimula na silang mag-make-up classes sa pamamagitan ng pagdadagdag ng isa o dalawang oras araw-araw o kaya sabado sila ay pumapasok.

KE: Yun po naman monitoring ng DepEd dun sa mga napinsalang school buildings bunga ng nararanasan nating malalakas na buhos ng ulan at gayon din sa lindol sa ibang panig ng bansa. Asec. kumusta na po ilan na po yung naapektuhan na school buildings ng Deped?

TU: Continuous po ang monitoring po natin diyan mahigpit may mahigpit na kautusan si Kalihim Bro. Armin Luistro na tignan yung mga lokasyon ng ibang paaralan na nasa geohazard na areas. Meaning maaring ngayon walang pag-ulan ngunit pag umulan ay magiging mapanganib sa mga mag-aaral. Ang instruction ni kalihim ay magpatayo ng additional classroom sa lokasyon na yan at sa halip ay maghanap ng ibang lokasyon na magiging mas ligtas para sa ating mag-aaral.

KE: Yun pong target ng ating pagtatayo ng mga bagong silid aralan ay mamimithi po ng inyong kagawaran sa inyong tingin Asec.?

TU: Opo at inaasahan natin sa pagpasok ng taong 2014 lahat ng kakulangan sa silid-aralan at matutugunan na.

KE: Mabuti naman ho kung ganun at napaka-good news niyan, Asec. di ko na kukunin yung marami sa inyong oras baka may gusto kayong iklaro sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon sa mga estudyante at sa panig ng kanilang mga magulang?

TU: Nais iphatid ni Kalihim Bro. Armin Luistro ang taos pusong pasasalamat dun sa ating mga magulang, mga pinuno ng pamahalaang lokal na patuloy na sumusuporta sa kagawaran. Kami po ay nanawagan sa lahat ng ating mga kababayan na sinusuportahan ang ating kagawaran lalo na sa K to 12 na ating isinusulong at tayo ay nananalig sa suporta ng lahat na tayo po ay magtatagumpay, marami pong salamat at mabuhay po kayo!

KE: Maraming salamat din po Asec. mabuhay din po kayo at good morning!