Miyerkules, Disyembre 21, 2011

Usec.Salvador Salacup (Dept. of Agriculture) Kalye Escalera Interview Dec. 22, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Usec.Salvador Salacup (Dept. of Agriculture) Kalye Escalera Interview Dec. 22, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Hello sir, good morning!

SS: Good morning at mabuhay! I’m broadcasting live at Dagohoy market dito po sa San Andres Bukid  together with Sec. Gregory Domingo of Departmen of Trade and Industry. Well kumpletuhin na nating yung report ang nakikita namin ni Sec. Domingo at Usec. Zeny Maglaya ay very stable ang ating prime at basic commodities. Lalo na yung mga agricultural products yung manok, baboy, isda napakaraming supply dito. Which is reflective of the vibrant need ng ating industriya ina-assure po natin ang publiko despite the calamities na dinaanan ng ating bansa very stable ang supply ng ating agricultural product. At the same time yung price level ay parehas po walang nagsasamantala at agad yung report natin kung meron kayong nararamdaman na merong nagsasamantala sa mga price level. But as of this morning base on the declaration na tayo ay under price freeze noong inanounce ng ating mahal na Pangulo ay stable po ang price level ng ating mga commodities.

KE: Ano ho ba ang mga imported na isda ang binebenta ngayo sa ating pamilihan. Dahil dito sa mga balita sinasabi ng BFAR mino-monitor nila yung pagbagsak ng mga imported na isda dito meron ba kayong information kung ano itong mga imported na isda na ito?

SS: Usually ang ini-import na isda ay para sa canneries natin yung mga pang sardinas, talakitok, galunggong ini-import po yan. Meron po tayong polisiya kapag ito ay inimport diretso dapat yan cannery at processing facility. Bawal yan iduretso sa wet market kaya napapansin niyo for 2 wks. may nira-raid na mga palengke ang ating gobyerno. Kasi nga bawal yan at hindi rin tayo sigurado na pag nilalabas nila ay ano ang dahilan nun. At pinalulusot nila kaya nga yung seguridad, food safety, hygiene ay isa sa tinututukan ng pamahalaan. Para ang ating consumers ay maging kampante na ang kanilang binibili ay mura, malinis at walang kargang sakit o peste.

KE: Di po ba parang sosyal sasabihin ko ang galunggong ko ay imported?

SS: Meron niyan, meron din yung local kasi ang galunggong ay isa sa mga highly demanded na isda sa ating bansa. So there are some importers who brings it in kaya nga lang ho ang warning dapat sa processing facility.

KE: Seryosong tanong kasi yung nangyari sa Mindanao ditio sa Cagayan De Oro particularly. Sa ngayon po siguro wala pa talagang impact yan sa ating mga produkto dahil of course harvest nung mga nakaraang panahon. What particular crops do we source from these areas affected by Sendong?

SS: Well it’s a very good question, yung mga nanggagaling sa Region 10 at 9 na sinalanta ni Sendong kasama na sa Negros Oriental. Ang nangagaling po diyan karamihan ay palay, mais, gulay at konting produktong manok yan ang binabantayan naming mabuti with regards to the supply level. Pero huwag hong mag-aalala ang taong bayan ang supply na nanggagaling diyan ay very minimal lang po. Ang palay at mais for instance yung dinaanan ni Sendong yan ay nasa seedlin, so hindi pa po yan makakapinsala ng malaki dahil bagong tanim at nagsisimula palang tumubo. Kaya madali pang makaka-recover yan at ang ating mahal na kalihim si Sec. Alcala ay nagbigay na ng directive na ma-identify na yung mga natamaang magsasaka ng palay at mais at gulay. Para sila ay masuportahan ang palit tanim program.

KE: Yan na ay pino-proseso na ngayon?

SS: Opo, papalitan yun para mabilis maka-recover yung mga nasalanta ng bagyong Sendong. Kaya nandito kami ni Sec. Domingo para i-assure public umiikot kami ngayon sa mga pamilihan bayan to ensure na ang availability, stability ng prices ng ating basic and prime commodities  is at a very stable level.  Yung assurance na ginagawa ng gobyerno ngayon wala ho tayong dapat ipangamba, tinitignan din namin ni Sec. Domingo yung rice station dito sa bentahan ng bigas at nakita natin na ang pinakamababang presyo ng commercial rice is P29.00 to P230.00 per kilo, the assurance is there.


KE: Kasama niyo po ngayon si DTI Sec. Domingo marami nagtataka Usec. sapagkat normally ang ginagawa ng DTI ay surprise visit for inspection, pero bakit po ngayon ay naka-broadcast ang pag-iinspeksiyon sa mga  pamilihan. Baka maagang narinig ng mga tindera at agad nilang binaba yung presyo?

SS: Hindi po in fact hindi namin inanounce ang bibisitahin namin and for the rest of the week, we will continue to monitor. Strategically located buying areas wet market hindi lang supermarket just to ensure. Alam niyo naman ngayong kapaskuhan may gustong tumaas ang tubo ay kailangang i-control sila at makisama sa kapanahunan ng kailangan ay lahat masaya from our farmer, fishermen, biyaheros and of course to the consuming public everybody should be happy ngayong kapaskuhan.

KE: Magkano na po ang presyo ng manok at pork?


SS: Dito po sa Dagohoy market very stable ang manok P125 to P130 presyo na yan as 4 months ago. Ang baboy naman ay P150 to P180, ang bigas ang pinakamura ay still P29 to P30 per kilo. Ang gulay po ay nagra-range ng P40 to P50 which is stable price for this period. So generally yan ang report stable na stable ang ating prime and basic commodities.

KE: Sa ngayon ina-asses pa yung pinsala sa mga pananim dulot ng bagyong Sendong pero dun initial crop damage magkano na ang inabot?

SS: Sa report yesterday nasa P15M for 4 Regions 10, 9, 4B at 7, but we’re expecting a little bit more additional damage. Pero ang sabi nga natin hindi ganung kalaki yan bec. yung sa palay at mais ay nasa vegetative and seedling stages lang po yun. So no worry that the supply levels for the consuming public will be affected by this tragedy that typhoon Sendong brought about.

KE: P15M nakikita po namin ay maliit ito at maaring mas malaki ang pinsala ng bagyong Sendong sa mga mismong tao?

SS: Tandaan po natin that the tragedy was in the city in the urban area in the form of floods, but with regards of heavy which damage our agriculture production areas walang masyadong report from that. Tuloy pa rin ang aming monitoring para agad masuportahan natin yung mga affected farmers para po madali silang maka-recover dito sa naganap na damage na binigay ni bagyong Sendong.

KE: Natitiyak ba ng mga consumers  na hindi maapektuhan yung supply ng bigas sa susunod na taon?

SS: Dito sa P15M very minimal 2,000 hectares pa po yan and as I said they are in the seedling and vegetative stages madali po yang mapapalitan ng mga binhi na available sa Dept. of Agriculture. As we are partnering with the local govt. units yan ang tinatawag ni Sec. Alcala na palit tanim program. So kailangang mag-enlist lang yung mga affected farmers palay, mais o gulay with their local govt. unit yung kanilang municipal agriculture office. At agad po pag na-validate na yan ay ipapamahagi na namin yung palit tanim na seedlings na pamalit doon san a-damage na pananiman.


KE: Final question na po ito Usec. Salacup what is your Christmas wish?

SS: Since I’m from the Dept. of Agriculture I would want a vibrant and healthy Philippine Agriculture to ensure full security to our countrymen. Kailangan ang magsasaka, mangingisda maging highly productive sila para available ang pagkain para sa ating bansa.

KE: Alright, panalo maraiming salamat po at Merry Christmas sa inyo Usec. Salacup!

SS: Thank you!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento