Lunes, Nobyembre 28, 2011

Chairman Margie Juico (PCSO) Kalye Escalera Interview Nov. 29, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Chairman Margie Juico (PCSO) Kalye Escalera Interview Nov. 29, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning po Ma’am!

MJ: Good morning!

KE: Tama po ba Chairman na may no. 27 dun sa tumama kagabi?

MJ: Alam mo wala pa yung report  sa akin.

KE: Kumpirmado na po yan na dalawa talaga ang tumama?

MJ: Ahead pa kayo sa akin.

KE: Kagabi po nagbantay na ako dahil akala ko ako ang tatama eh hindi ang layo.

MJ: Anyway kung sino man ang mga nanalo nun, I hope na gagamitin nila sa tama. At magiging masaya yung kanilang pamasko itong darating ng pasko. At sana ay ibahagi nila sa akala nilang talagang nangangailangan na mapartehan itong gracia na ibinigay sa kanila ng Panginoon.

KE: Tama yan Ma’am, itatanong ko rin obviously hindi pa nga natin alam kung dalawa ang kumpirmadong tumama, obviously hindi pa nila kinkubra ang kanilng winnings?

MJ: Meron silang isang taon para makubra yung mga winnings nila kung halimbawa last night yung draw. So 1 year from yesterday yun ang puwede nilang palugit sa kanila para i-claim yung kanilang premyo. Pero sana sa lalong madaling panahon kubrahin na nila kaagad, nag-iisip pa kami na sana umakyat hanggang P300M man lang o P200M pero talaga siya yung pinagpala ng Panginoon para mapasa kanya ang premyong ito. Kasi malaking amount na rin yan kumpara sa isang tao at mabuti na lang at merong isang kahati dito.

KE: Chairman ito ho bang nanalo na ito na malalaking jackpot yung tatlong milyong pataas yan ho ba ay mino-monitor din ng PCSO after maibigay yung premyo sa kanila. Ang kung mino-monitor po kung ano ang inyong naging findings sa karamihan ng mga nanalo?

MJ: OO, kasi ang obligasyon ng PCSO ibigay lang yung premyo dun sa mananalo  hindi na namin obligasyon kung paano gagamitin yun. At kung ano ang mangyayari sa buhay nila pagkatapos nilang makuha ang kanilang premyo. So ang aming obligasyon lang yung ipre-present  yung winning ticket at dapat bayaran namin oramismo na i-present yung ticket at tsaka after vinalidate yung ticket dapat ginagawa na yung tseke para sa kanila. Maganda sana kung merong halimbawa ang media group iche-check kung ano ang nangyari sa kanila, yung identities nila di rin pinapaalam. Depende rin yun meron iba halimbawa tinanong gusto pa-interview yung iba ayaw nila.

KE: Ang isa lang po nanalo ng lotto na natatandaan ko na naglakas ng loob na lumutang ay yung dating newspaperman na ngayon ay kolumnista na rin si Ruther Batuigas. Talagang pag tinatanong siya kung talagang tumama siya, tumama talaga siya.

MJ: Mabuti at sweepstakes naman yun, Mayor Lim nanalo din.

KE: Ma’am Margie ngayong nakuha na po yung jackpot na P134M sa grand lotto babalik po sa magkanong amount na ngayon?

MJ: Babalik na naman siya sa P30M yung 6/55 hanggang sa umabot na sa sales na para kikita ang PCSO it will stay at P30M. Ngayon pag umabot ng kung ano man yung sales na hinahabol aakyat na yun sa dami ng tumataya, aakyat na yun hanggang sa kagaya kagabi umakyat ng P134M.
KE: Ma’am itatanong ko lang natatandaan ko na meron kayong planong massive restructuring reorganization, how is that coming along Ma’am?

MJ: Yung kasama nung restructuring yung streamlining kahapon nag-meeting ulit yung board para sa final touches nung rationalization plan. Tapos yung end of May last year nag-submit na kami ng mga nag-request ng mga early retirement siguro numbering to 200 kaso nasa DBM pa. Siguro inaaral nila yun ng mabuti kung aaprubahan o hindi pero iniisip of the 200 na nag-aaply ng early retirement yung less than 2 years mare-recover na ng PCSO yung babayaran sa early retirement sa mga nag-apply. So when we got those out of the way mababawasan yung aming mga no. of employees aayusin namin yun. After the early retirement papasok na man yung rationalization  yung bawat position at bawat qualification ng tao ay sususriing mabuti para yung karapat-dapat dun sa position na yun ang mailalagay doon sa position na yun. Sa maraming nakakalam itong PCSO kagaya rin siguro ng Pagcor ay nagiging parang puntahan ng mga political accommodation. Sa ngayon na dumating kami nakita naming ang daming mga casual, contractual masyadong maraming low level na employees na ang kulang na kulang yung nasa itaas yung mga talagang qualified yung leadership position. So ngayon isinasaayos namin lahat ng mga puwesto kung what is required for each position, anong qualification yung dapat kaalaman sa position na yun para makakuha ng efficient, effective. At siyempre yung benefit sa PCSO ay maayos kagaya ngayon ang daming nasusuwelduhan na parang over compensated at overstaffed.

KE: Pero Ma’am mukhang diyan pa rin sila magpapasko since wala pang maibigay na aksiyon?

MJ: Wala pa kaming approval pero ang sinabi namin siguro up to the end of the year yung mga casual at contractual. Na sinabi ng nga boss nila na hindi naman sila masyadong kailangan or meron pang ibang taong makakagawa ng trabaho nila.

KE: Salamat po Chairman, magandang umaga po sa inyo!

MJ: Sige, good morning po!






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento