Lunes, Disyembre 12, 2011

Sec.Sonny Coloma (PCOO) Kalye Escalera Interview Dec. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec.Sonny Coloma (PCOO) Kalye Escalera Interview Dec. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sec. Coloma, Merry Christmas po!

SC: Merry Christmas at magandang umaga sa inyong lahat!

KE: Ang makakausap niyo po ay sina Marlo, sin Ate Joee G. at si Ms.Tea dito sa Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan!

SC: Good morning!

KE: Ang itatanong ko lang Sec. I’m so impress ang aga-aga gising ka na working ka na?

SC: Meron po tayong hearing ngayon doon sa Senado na tinawag ng Senate Committee yung public information. Para talakayin yung panukalang batas na nag-a-amyenda sa charter ng Peoples Telvision kaya maaga po tayo ngayon dito sa Senado.

KE: Sec. kagaya ho ba ng mga Senador kayo ay pinasorpresa din sa pinakamalaking kaganapan kahapon diyan sa mababang kapulungan sa Kongreso?

SC: Bahagya lang po hindi naman total na nasorpresa sapagkat nung mga nakaraang araw meron na rin pong usap-usapan na ganyan. Pero dahil ang prosesong ito ay initiative ng mga Kongresista na mga kinatawan natin sa Kamara mga Representante. Hindi naman po kami nanghi-himasok sa kanilang mga proseso kaya kami lang ay naghihintay lamang, nagmamanman kung ano ang posibleng maganap diyan.

KE: Ano po ang saloobin ngayon niyo diyan sa paligid ng Palasyo ng Malacanang ngayon pong nangyari na nga ito. At naimpeach na nga si Supreme Court Justice Renato diyan sa Kamara?

SC: Sa akin pong palagay meron tayong pagkakataon ngayon na ilahad sa taong bayan kung ano ang batayan sa pagsasabing na ang ating Chief Justice ay lumabag sa kanyang sinumpaang tungkilin. Ito nga ay nakalatag doon sa limamput pahina na articles of impeachment for resolution na nilagdaan ng 188 or 2/3 ng Kamara. Siguro po ito ay magandang pagkakataon para magkaroon ng liwanag yung mga isyu na inilalahad natin. At kung pagbabatayan natin yung mga nakaraang impeachment ni Pang. Erap magiging laganap yung coverage nito. Talagang masusubaybayan ng mga mamamayan at mauunawaan po nila ang mga isyung inihaharap. Magkakaroon ng sapat nga pagkakataon si Chief Justice na sagutin at harapin yung kanyang paratang sa kanya. Sapagkat dapat po nating linawin tila yung iba natin kababayan ang pagkaunawa nila ay yung impeachment ay parang may parusa na hindi naman po ganun. Yung impeachment ay paghaharap lamang bill of particular hinggil sa mga paratang at meron pa namang trial na magaganap. Katulad din po ng general principle po sa ating batas meron naman pong pagkakataon diyan may due process po na igagawad sa Chief Justice.

KE: Nabanggit ho niyo kanina na malawakan ang coverage at under sa inyong pangangasiwa ito PIA, itong ating himpilan ang Radyo ng Bayan, ang PTV-4. Na binabanggit din niyo kanina didinggin yung mga pagbabago diyan sa Senado ngayon. Kung mag-umpisa na ang trial sa Senate live coverage ho ba yun na dito sa ating state-owned media networks?

SC: Paglilinaw lang po yung aking ikinuwento kanina ay yung naganap noong nakaraan. Yun pong magiging partikular na patakaran dito ay bigyan natin ng pagkakataon ang ating Senado na maglatag kung anong patakaran ng ipapasunod nila. Ang akin pong pakiwari ay hihilingin ng mga nertwork pati mga private network hihiling na magkaroon ng coverage. Siguro naman batay sa nakaraang karanasan ay ibibigay naman ito subject to certain regulation para maging maayos yung proceeding. Pero paubaya na natin yun sa Senado kung anong desisyon tungkol patakaran nila.

KE: Ito naman ang tanong ko kayo po nga aking crush na itong si P-Noy ay nagkaumpugang landas na simula ng nangyari ito kagabi. Ano kaya ang reaksiyon niya soild na solid ang suporta sa kanya ng mababang kapulungan 188 eh siyang nanawagan. Itong si Corona ay matanggalan ng Corona ito na nga ngayon, ano kaya ang reaksiyon niya tungkol dito?

SC: Wala pa kaming napag-usapan sapagkat ang huli kong pagkakataon makasama siya ay doon sa turnover ng AFP chief of staff kahapon pa ng umaga. Simula noon ay hindi ko pa nakakausap ang ating Pangulo siguro hintayin na lang po natin yung kanyang opisyal na pahayag. Kung ibabatay po natin sa naging pahayag ni Speaker Belmonte ang nabasa ko po sa sinabi niya ay aware ang Pangulo hinggil dito. Sa kanyang pagkakaalam suportado ito  ng Pangulo pero sila na nga lang po ang dumiskarte dito sapagkat ito naman ay initiative ng mga kinatawan natin at  hindi naman kami nanghimasok sa proseso nila.

KE: Sec. sa pag-uusap po natin kahapon nilinaw niyo na tungkol po dun sa sinasabing hidwaan sa pagitan  ng Malacanang at Korte Suprema. Ngayon poi sang araw lang ang lumipas ay nakapasa na sa Kamara agad yung impeachment complaint. Ang iniisip ng iba iti ay sadyang minadali, ano po yung inyong masasabi tungkol po diyan?

SC: Mainam at naitanong mo yan, dalawa ang paraan na paghaharap ng impeachment. Yung una kapag ang isang kasapi ng Kamara o isang ordinaryong mamamayan na inendorso ng isang kasapi ng House of Representative ay nag-file ng impeachment complain isasalang po ito sa House on Committee on Justice. At ibeberika  po at pagkatapos iberika dadaan dun sa Committee process yun po ang unag paraan. Pangalawang paraan maaring magharap ng isang resolution na may lagda ng at least 1/3 ng komposisyon ng House of Representative. Kung hindi po ako nagkakamali 95 yung 1/3. At kung meron pong 1/3 at may nakahanda ng articles of impeachment na napakaloob sa isang resolution. Ito ay maaari ng iharap sa plenaryo at isumite sa Senado ito po ang nangayari nung 2000 nung na-impeach si Pres. Erap. Kung naalala niyo ang speaker nun ay si Manny Villar tuloy-tuloy at hindi na dumaan sa Committee tuloy-tuloy na sa Upper House. Dineklara ng speaker noon na meron ng 1/3, 73 ang 1/3 noon meron daw po silang 77 lagda at tuloy-tuloy na naisumite sa Senado. Kagabi naman po nalaman  po nila na meron ng 188 na  sobra-sobra doon sa 1/3. Ilinaw lang po natin hindi po tama para sinuman na magsabi na ito ay minadali ito po ay naayon sa tamang proseso.


KE: Kaya kinukumpara namin yung nangayarin nung time ni Speaker Villar at yung kahapon na nangyari under Speaker Belmonte parang mas smooth sailing yung kahapon.

SC: Naalala nga po natin ang pagkakaiba lang ay ngayon po ay malinaw na overwhelming yung pagsuporta. Sapagkat hindi lamang ang 1/3, 2/3 po kinompute ko yung 188 over 264, 2/3 po ang nakuhang boto. Naayon po ito sa patakaran ng House of Representatives wala pong shortcut at wala ring reloading. Naayon po ito sa proseso hindi ho tamang sabihin na minadali.

KE: Si Chief Justice Corona may sinabi po na maaring magkaroon ng constitutional crisis kung siya ay ma-impeach, ano naman po ang iyong komento doon?

SC: Yun po ang opinion niya kami naman po parati po naming sinasabi na hindi po kami lumilikha ng crisis at ayaw po namin lumikha ng ligalig. Sa akin pong opinion mas mainam na nailagay na ganyang forum para maging maayos ang usapin kaysa sa pinagtatalunan lamang sa media. At pinag-uusapan sa informal forum kung ang isyu ay inilahad na sa isang impeachment court. Meron po tayong sapat na pagkakataon para pag-aralan ng lahat na ito at tignan kung may sapat na batayan.

KE: Meron na ho bang direktiba si Pangulong Noy sa pagkakatalaga ng bagong AFP chief?

SC: Malinaw naman po ang kanyang direktiba kahapon sa kanyang talumpati sa chain of command sa AFP. Ang prayoridad ay patatagin ang pangangalaga sa ating tanggulang pambansa sapagkat maraming hamon lalo na sa West Phil. Sea. Malinaw naman pong maunawaan ang ating bagong Chief of Staff si Gen. Dellosa . Kung ano po yung prayoridad ng ating Pangulo at nilahad po niya yan sa kanyang talumpati  unang-una yung strengthening ng territorial defense ng ating bansa sapagkat maraming hamon sa kasalukuyan . No. 2 yung internal peace and security na ang pangunahing programa ay yung bayanihan. Ang pangatlo ay disaster preparedness at pang-apat ay yung integridad ng organisasyon sapagkat kung maaalala natin ilang buwan lang ang nakaraan. Noong mag-takeover si Gen. Oban kalungkot-lungkot po yung lumabas na nagsasabing ang AFP daw ay ang most corrupt agency. Kaya patuloy po yung  mga repormang isinasagawa para patatagin ang integridad ng AFP at wakasan na yung corruption na dating umiral dito.

KE: Maraming salamat po Sec. Sonny Coloma sa oras na ibinahagi niyo ngayong umaga!

SC: Maraming salamat sa pagkakataon at magandang umaga po sa kanilang lahat!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento