Sen. Teofisto ‘TG’ Guingona III (Chairman Senate
Blue Ribbon Committee) Kalye Escalera Interview Sept. 3, 2013/ 8 to 9am. DZRB
738 Khz/ Radyo ng Bayan
KE: Sen. Guingona good morning po!
TG: Good morning!
KE: Kahapon ay nagdaos kayo ng
inyong senators caucus sa kalagitnaan ng session ano po ba ang napag-usapan
niyo doon?
TG: Wala po doon sapagkat marami
akong coordinative meeting ngayon so hindi ako naka-attend diyan so ngayon ko
lang malalaman kung ano ang nangyari.
KE: Ang latest dito sa mga
ginagawang series of investigation sa ibat-ibang usapin ito mga ginagawang
imbestigasyon ng inyong committee na pinamumunuan. Unahin ko po sa PDAF
investigation how far have you gone?
TG: Naumpisahan pa lamang natin sa
scheme na ginawa ng mga tao kung papano di umanoy na nabubulsa daw ng mga
mambabatas sa pera ng bayan na magre-request for PDAF. Tapos yung PDAF ibibigay
sa DBM tapos ibibigay dun sa implementing agencies tulad ng DA at ibibigay
naman sa tinatawag na govt, corp. ng implementing agencies tulad ng sinasabi
nilang sa Zamaboanga rubber estate corp. Itong agency na ito ibibigay naman sa
isang NGO so far so good. Ang problema lang itong mga NGO’s na binigyan peke
kaya dun nawawala na yung pera hindi mo na masundan kung saan pumunta yung
pera.
KE: Dun kasi sa bagong devt.na yan
ewan ko kung sasang-ayon kayo dito na ang transaksiyon ng peke sa peke parang
namagitan na lamang dito between ZREC at NGO yung transaksiyon nila ay
lumalabas ngayon na medyo malinis?
TG: Oo sapagkat dokumentado yung
daloy ng pondo so, so far so good sa taas amg problema lang talaga pag pumunta
na sa NGO. Gusto ko lang sabihin na ang problema yung NGO na binigyan nila no.1
peke hindi ibig sabihin pag binigyan mo ang NGO mali na hindi po. Sapagkat
maraming lehitimong na NGO na
naglilingkod na tunay sa bayan natin. Ang problema itong mga NGO’s na ito
pekeng-peke at ang lalaki ng ponding ang binigay mabuti kung P1M hindi eh
hundreds of millions. Another point is kung nagkamali naisahan or something
bakit taon-taon binibigay mo to the same NGO na peke. Yan ang mga tinatawag
nating mga senyas na tagang kaduda-duda ngayon talagang may kalokohan tapusin
muna natin ang imbestigasyon. Batay sa mga sinabi ko sa inyo talagang sino
naman ay mapapaduda ng husto.
KE: Pero itong mga NGO naman na
binibigyan ng pondo ng ZREC at NABCOR ay
nagbigay nga sino naman ang nag-endorso nito o merong mga sources na galing sa
taas?
TG: May mga sulat ang mga mambabatas nagsasabi na
ibigay mo kay ganito may dalawang pangalan na NGO si PAMSI at si MAMSI
magkapatid siguro ito.
KE: Napasadahan ko nga rin yung COA
report ng bahagya meron pa ngang Dito na me foundation.
TG: Eto na me!
KE: Puntahan natin ang Fort Sto.
Domingo kasi kahapon dun sa hearing na budget ng DILG sinasabi ni Sen. Pres.para
daw maiwasan yung maaring pagbabanta na nararamdaman pa rin itong si Janet Lim
Napoles yung pork hearing pupuwede naman
dawn a dun idaos sa kanyang detention facility pero yan po ay sa usapin ng
korte. Sa senate po ay may sariling imbestigasyon kayom po ba ay nag-uusap na
kung ang mga member ba ng Senate Blue Ribbon Committee kung may plano na dun
din ba idaos ang inyong mga pagdinig for security reasons?
TG: Hindi pa namin nagpag-isipan
yun doon pero malamang sa sendao na lang bahal na ang PNP na gumawa ng security
arrangements. Pero sa trial pangmatagalan yan mas practical nga kung doon sa
Fort Sto. Domingo pero sa senate hearing siguro ones, twice or three times pero
hanggang dun lang. I don’t think kailangan pa dalhinn yung senado dun.
KE: Mga ilang beses daw papalutangin
si Mrs. Napoles na dalawa o tatlong
beses lang?
TG: Tinatantsa ko lang kasi usual
naman no. 1 papakuwentuhin mo siya after ng kuwento magtatanong yung mga
senador gaano kaya katagal yun yun ang tinatantsa ko. Sabihin mong nakatanong
na lahat gano katagal yun tantsahin mo ganun katagal yun.
KE: Kung yung magtatanong man yung
senador na nabanggit o hindi nabanggit dun sa kanyang mga NGO’s ay parehong
papatawan ng 2 mins.na haba ng pagtatanong o ilan angumiiral sa inyong komite?
TG: Sa ngayon hindi ko binibigyan
ng time limit para walang masabi yung senador pero nakita ko sa susunod na
panahon kailangan na talagang lagyan ng time limit.
KE: Sa susunod na pagdinig sa
huwebes sino yung mga nakalinya?
TG: Ginagawa pa yung listahan
ngayon pero ang confirm ngayon of course ang COA andun ulit peo wala si Chairma
Grace Pulido Tan si Dir. Garcia na lang ang nandiyan. Chairman Tan will be away
for 2 weeks and we have Mario Relampagos Usec.of DBM and then Sec. Proseso
Alacla ng DA.
KE: Pero parang sa huwebes po ata
may kasabay itong pagdinig niyo dahil budget hearing din ng DOJ na medyo mainit
ang pagbabantay na ginagawa dito kay Napoles?
TG: Ang importante kasi dito
binubuo muna nating yung kuwento ano ba ang nangyari kailangang dumaan tayo sa
proseso sa mga ahensiya kung saan dumaan yung pondo para ma-explain ng mga tao
na nandun sa ahensiya ngayon kung ano ba ang nangyari doon.
KE: Balik lang po tayo sa pork
barrel scam kasi ang DBM po ba posibleng yan ang pangunahing pananagutin sa
sinasabing scam taon-taon sinasabi niyo nga rin na naaaprubahan nila ito at
sila din talaga yung mga pangunahing asignatory pagdating sa mga budget?
TG: Kaya nga inimbita namin si
Usec. Relampagos para i-explain niya sa taong bayan kung may pananagutan ang
DBM o wala dito sa nangyayaring scam. Ang nangyayari ngayon turuan ng turuan at
least merong isang grupo na hindi puwedeng magturo yun yung pekeng NGO’s. Pero
yung ibang ahensiya nagtuturuan at kailangan nating malaman saan ang hangganan
ng responsibildad ng mga ahensiya.
KE: Pero gaano kaya katagal itong
magiging proseso nito?
TG: Mahirap magbigay ng time
limit kasi hindi mom alam kung talagang
matatapos lahat at kung meron pang susunod na bagong impormasyon. Wala ka
talagang control kung gaano katagal.
KE: Ano naman po yung masasabi niyo
na magkakaroon ata ng panukala ng magkakaroon ng special pork investigator na
puwedeng makatulong ang senate Blue Ribbon Committee kailangan po ba kaya ito?
TG: Ikaw na nakapanood ka nan g imbestigasyon
ng Blue Ribbon Committee sa pananaw niyo ba kainagan pa ng special investigator.
Kung kuntento na ba kayo sa takbo ng imbestigasyo makikita naman nila kung
kailangan pa o hindi.
KE: Meron pong nagsasabi na yung
mga NGO’s ay mahirap daw malaman kung peke dahil lumalabas na aprubado sila ng
SEC ano po yung masasabi niyo tungkol dun?
TG:
Merong papeles pero walang opisina pupuntahan namin yung opisina
barung-barong o isang residential unit pag nagtanong ka tungkol sa organization
nay an hindi alam ng mga taong nakatira doon. Yung NGO na yan hindi kilala dun
palang makikita mo na peke na. Dapta yan may mga tao may mga personnel lahat ng
requisite para sa totoong NGO dapat nandun.
KE: Sa kondisyon po ngayon ni Janet
Napoles ang dami niyang karamdaman kayo po ba ay maaawa po na padaluhin sa hearing
kung sakaling siya ay dumalo na?
TG: Alam mo yung sakit kung merong
karamdaman ang isang tao ang makakapagsabi ng kung puwedeng dumalo sa isang
hearing ang isang tao o hindi doctor hindi abugado. Siyempre kami susunod lang
kami sa rekomendasyon ng doctor naalala ko yung panahon yung PNP helicopters
scandal si Mike Arroyo ang nagbenta at inimbitahna namin at pina-check namin
Phil Heart Ctr.sa head ang rekomendasyon niya huwag niya nag padaluhin sa hearing
sapagkat he can go daw anytime sa examination so that rerespetuhin ko yung
findings niya.
KE: Mula ho nung lumabas yung mga
pangalan ng kasamahan niyo nakapagbigay nga ng mga pondo dun sa pekeng mga NGO’s.
May mga napansin na ba kayong pagbabago dun sa pakikitungo nila sa inyo or sa
mga gawi nila sa inyo pag kayo ay magkakasama sa senators lounge?
TG: Hindi natin masasabi na pareho
pa rin siyempre may kaibahan na may tension sa English theres a tension in the
air at ingat ang mga senador.
KE: Kumbaga yung mga nababanggit
naman ay hindi alog sa karamihan hindi ba naman nagsasabi sa inyo ng bakit ako
lang si ganun meron din naman?
TG: Wala naman infairness
nagbabatian din naman.
KE: Maraming salamat po Sen. TG
Guingona sa inyong pagkakataon dito sa 738 Kalye Escalera!
TG: Maraming salamat sa Radyo ng Bayan
maraming salamat din Marlo!