Lunes, Mayo 28, 2012

Sec. Proceso Alcala (Dept.of Agriculture) Kalye Escalera Interview May 29, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Sec. Proceso Alcala (Dept.of Agriculture) Kalye Escalera Interview May 29, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Secretary Alcala magandang umaga po! Kayo po ay nasa Kalye Escalera dito sa Radyo ng Bayan. Ang inyong makakausap si Ate Joee G., Marlo D. at si Ms.Tea!

PA: Magandang umaga po sa inyong lahat at mabuhay po kayo!

KE: Kumusta na ho ang Dept. of Agriculture ngayon Sec.?

PA: Maayos naman although maraming trabaho at problemang hinaharap ay haharapin po natin.

KE: Unahin natin yung problema sa Batangas mapipilitan ho yata talaga itong mga nag-aalaga ng tilapia sa mga palaisdaan diyan na anihin na yung kanilang mga alaga. Ang tanong ko ho ay saan naman ito ibabagsak ay hindi ito kakasya sa Farmers, Balintawak, Divisoria kung sabay-sabay itong aanihin Sec.?

PA: Tama naman kayo, alam niyo sa Batangas walang problema yung ating mga tilapia diyan. Even 2 months before tuloy-tuloy yung monitoring at negosasyon with the fisherfolks diyan. Sila po ay nagbawas na ng mga stocks hindi po kagaya nung isang taon at hindi tinamaan ng fishkill ang Batangas.

KE: So hindi kakapusin ng supply ng oxygen yung tubig sa Taal at yung mga tilapia ay malayang makakahinga?

PA: Nag-lessen po sila ng stock.


KE: Dito naman po sa lawa ng Laguna ito po yata ang may problema ngayon?

PA: Diyan nagkaproblema kasi di naman ganun kaganda sinasabihan po sila ng BFAR kasabay din ng pagpapaalala ay may konting katigasan yung ulo ng ating ibang mangingisda. Yan po ang nangyari sana po ay makinig sila sa teknikal na tulong ng pamahalaan.

KE: Pag ganitong meron tayong inaasahan na over production gawa nga ng sa pilitang na pagha-harvest. Ano ho ang ginagawa dito normally ng ating mga producer ito ba ay pini-freezer o antayin mabawasan yung supply sa palengke o itinatapon ito sa labas ng bansa?

PA: Wala naman tayong ginagawang pagtatapon lalo na yung mga nanggagaling doon sa maayos na lugar. Maganda nito na buhay pa yung trade ng ating tilapia na binibili ng buhay sa palengke at kita po nila na buhay ito at hindi delikadong kaiinin. Yung sasabihing sabay-sabay ha-harvesin hindi natin ito nirerekomenda, una pag hinarvest natin ng sabay-sabay wala tayong ganung kalaking processing plant. Pangalawa po pag yan ay ifrinozen natin by the time na siya ay puwede ng i-release kung hindi siya process iiwan yan sa merkado kaysa fresh nilang mabibili. Talaga ang dapat ay slow release dapat matuto na yung ilang mangingisda na sumunod sa advice. Tignan niyo yung sa Taal inayos natin maganda ang koordinasyon yung Zamboanga noong ipasarado Dec., Jan., Feb., this time huma-harvest sila na doble ang puhuhan ng mga nanghuhuli ng tambal na ginagawang sardinas. Nakita po nila pag nakipag-coordinate sa pamahalaan tama po yung direksiyon.

KE: Akala ko ho kasi dahil meron tayong ine-expect na sa pagha-harvest dito sa mga lamang dagat ay baka magaya sa ating mga saging. Tayo ang nag-e-export pero ibinalik nga ng China pero yung iba unti-unting na namang tinatanggap. Sec. Alacala kumusta na po ang ating mga saging?

PA: Yung saging na ating-ine-export sa China ang magnda po nito ay positive na hindi naman totally bina-ban yung ating saging. Ang tinanggihan na lang po nila ay magkakaroon pa ng short inspection kasi it’s their right aminado po tayo dun. Ang ginawa po natin kasama sa instruction ng ating Pangulong Noynoy na yung maliliit na packaging sa Davao sa Mindanao tutulungan po sila ng pamahalaan. Ayon sa report na pinadala natin sa China ang may trace na may contamination ay yung mga exports na nangagaling sa small scale exporters. It means na nalulusutan tayo ng export going to the other country na hindi ganun kalinis ang shipments. Ang ating instructions ay hindi natin sila pababayaan ide-develop natin na maayos yung kanilang packaging houses at i-double check ng ating quarantine  na zero tolerance tayo pag may nakita po na isang kahon reject na agad.

KE: Bukod doon sa packaging ang kalidad ng ating mga saging, bakit kaya tinatanggihan ang ating mga saging naiiklihan po ba sila o napapayatan sa ating mga saging?

PA:  Talaga pong may nakitang ilang peste at di naman nating puwedeng itanggi yun na talagang nakitaan. Sabi ko pag yun ay nakitaan talaga huwag nating i-deny na there’s something wrong in our process na kailangang iayos.

KE: So tingin niyo hindi naman ito retaliation alam naman natin na may konting iringan ngayon ang ating mga bansa?

PA: Ang atin po kung ito ay isang paraan na sinisilip na para tayo ya mapaghigpitan kung tama po yung ating proseso wala po silang magagawa kundi tanggapin. Talagang may konting pagkukulang din sa ating side.

KE: May assistance po bang i-ex-extend ang inyong tanggapan sa mga mangngisda po na nagsasabi na sila ay nalulugi dahil sa fishkill issue?

PA: Amin po  itong pinapaga-aralan ito kasi hindi naman po lahat ng dudulog sa pamahalan ay ikakaangal po natin kasi na there’s something wrong sa grupo di nila. Kung sana ay nakinig sila at nangyari pa rin ito siguro ay kargo di konsensiya ito ng pamahalaan pero ako po ay alam ko na pinuntahan sila, kinakausap sila ay may katigasan po talaga ng ulo. Nagiging malaki yung pagnanasa nilang kumita ng malaki lalo pong nawawala.

KE: Yung tilapia po natin meron bagsak presyo meron din namang taas presyo doon sa mga area na walang insidente ng fishkill?

PA: Tama po that means ito ay pagpapatunay na yung mga lugar na sumusunod ay getting the gains na kanilang nakukuha dahil sa nakikipagtulungan sila. At itong tinatamaan ay yung mga kababayan natin na talaga po namang pagsasamantala yung gusto nila lagi nilang sosobrahan. Ito yung time na delikado ang nangyayari dito dapat sisihin pa sila ng mangingisda dahil nakaka-drag sila ng pababa dun sa consumption ng isda sa ating mga kababayan.

KE: Sec. kunin namin yung huling mensahe niyo sa mga pasaway na kababayan po natin?

PA: Sa atin pong mga kababayan huwag po kayong mag-alala dahil ang pamahalaan ay laging nandiyan at yan ay kabilin-bilinan ng Pangulong Aquino na huwag kayong pabayaan. Sana lang po matuto po tayong sumunod sapagkat hindi po kaya ng lahat na everytime na mayroong mangyayaring mali sa ating buhay taong pribado man siya ay sisihin natin ang pamahalaan, dapat ay may kumpletong pagtutulungan na sa susunod po ay hindi na mangyari at ipagdasal po natin at salamat po!

KE: Maraming salamat po Sec.!