Lunes, Hulyo 22, 2013

Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview July 23, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview July 23, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Chairman Tolentino magandang umaga po!

FT: Magandang umaga po at sa inyong mga taga subaybay!

KE: Live kayo dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan si Marlo Dalisay at si Tess Ramirez ang inyong makakausap. Sa pagbubukas po nitong integrated bus terminal sa may bahagi ng coastal  area ito ba ay nanguguuhulugan na yung mga bus na galing Batangas , Cavite na dumadaan sa Aguinaldo Hi-way na may ruta ng Lawton ay hanggang doon na po sila?

FT: Tama po kayo!

KE:  At yung iniisip po namin na magiging epekto nito papano po yung magiging kalagayan ng mga pasahero na galing ng Batangas na diretso hanggang Lawton at hanggang doon na lang sila sa Coastal bus terminal?

FT: Pagbaba po nila nandun na yung  bus na sasakyan nila.

KE: Susunduin sila ng mga mas maliliit na city buses?

FT: Ang city buses ay andun na inaugurate ko na yan 2 weeks ago yun yung sinabi ng pangulo na pinabuksan na kasi dalawang bahagi yung city buses terminal at provincial buses terminal magkatabi lang yun.

KE: So lilipat lang sila.

FT: Pagbaba lang nila andun  na.

KE: Naiisip ko chairman hindi rin natin gaanong nasulosyunan.

FT: Hindi po kung hindi natin pinagbawalan yung provincial sabay sabay din po sila pupunta dun.

KE: Ito rin yung dadaaan sa ruta na dating dinadaanan nila.

FT: Yung city buses talagang yun ang prangkisa nila halimbawa Baclaran-Cubao talagang yun ang ruta nasa city na tayo . Kung galing ka ng Calatagan ang prangkisa mo Catalagan-Cubao ang provincial buses 8, 200 ang lahat ng provincial buses amg dumadaan ng Edsa kung pinagbawal mo yan malaking luwag yan.

KE: Ang iniisip po namin dito yung bang mga bus na galing probinsiya ito po ba ay may mga bayarin pang obligasyon?

FT: Libre po yun! pero balang araw may mga charge na yan mga kuryente,  mga tubig, CR nagbabayad po sila. Ang isa pa nakakaligtaan siguro itong administrative order pinirmahan ng pangulo July 16 binabalangkas ito 1950 pa ho.

KE: Talagang matagal na!

FT: Ngayon lang maipapatupad ito para matapos yung North at yung South ang gumawa ng Southwest MMDA ang gumawa ng South DPWH sa north DOTC. So kailangan sabay-sabay yung tatlo para maramdaman natin yung 100% na effect.

KE: Pagkatapos nitong mga bus naumpisahan na nga sa coastal area so susunod na yung nasa Trinoma yung sa south area ano po yung susunod nating gagawin sa loob mismo ng Metro Manila?

FT: Mas madali na itong makita yung mga city buses na didisiplinahin katulong natin ang  LTFRB. Siguro yung DOTC madagdagan na na coaches yung MRT at yung DPWH ay dapat ng magawa yung mga gagawin pa.

KE: Itong mga problema natin sa mga jeepney?

FT: Ang kikilos po diyan ay ang LTFRB  katulong lang kami sa reinforcement.

KE: Ang nakikita namin dito chairman sa mga jeep hindi naman yung mga dami.

FT: Kaya nga dapat hindi bigyan ng LTO ng tamang lisensiya yung hindi nakapagsanay na driver.

KE: Oo nga po kasi yung iba sa gitna tumitigil.

FT: Ana ano ko dati cancel ang lahat ng drivers license .

KE: Ano pong reaksyon sa plano niyo na yun.

FT: Last year yun pero drastic yun ulitin ko lang po yung mga ganung mandato ibang ahensiya yun.

KE: Lumalabas kasi chairman ang MMDA talaga ang nasa frontline ng responsibilidad na ito.

FT: Ibig sabihin binabalangkas namin yung tamang coordination pero kung bibigyan tayo ng mandato gaya ng administrative order ay madali naman nating magagawa.

KE: Ano ho ang nagiging problema at medyo natatagalan ang Trinoma at yung sa Alabang?

FT: Ang magandang makausap diyan yung sec.ng DOTC at DPWH I’m sure may ginagawa din sila.

KE: Yung layunin ng pagtatag ng integrated bus terminal sa bahagi ng coastal road para mabawasan yung sobrang trapik partikular sa Edsa baka naman magreklamo yung mga sasakay at baba ng coastal road bakan mas lalong lalala yung daloy ng trapiko dun sa bahaging yun?

FT: Kahit po ngayon hindi pa natin ini-implement yun dun din nagmumula yung mga city buses,

KE: Kasi may nakakausap kaming mga taga Cavite may pagkakataon na nata-trapik sa coastal road?

FT: Ganyan naman talaga may magrereklamo pero kung lalawakin natin yung kaisipan gagawin din ng DPWH yung NAIA elevated expressway so ito yung mangagaling ng NAIA makakatulong din ito sa coastal road. Ang trapik po talaga ay sa Molino Bacoor so binawasan natin ng mahigit isang libong bus na pupunta sa Baclaran pinatigil na lang natin sa coastal.

KE: Sa inyong pag aaral chairman ilang minute ang matitipid ?

FT: Hindi pa rin natin masabi yan hanggat mabuo natin yung tatlong bus terminal.

KE: Kumusta nap o yung plano niyo sa U-turn slot sa ka-Maynilaan ?

FT: Alam niyo po ang U-turn slot integrated yan ganito ang reklamo ng mga tao may maabala sa isang U-turn slot ay aangal na.

KE: Siguro lahat tayo dito ay nag-iisip ng positibo.

FT: Ganun din diguro sa baha ang ispin natin lagi ay ang for thr greater good yan ang mensahe ng Pangulo kahapon.

KE: With that kami ay nagpapasalamat !

FT: Maraming salamat sa pagkakataon !