Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Director Zenaida Monsada (DOE) Kalye Escalera Interview Feb. 23, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Director Zenaida Monsada (DOE) Kalye Escalera Interview Feb. 23, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Diretor Zenaida Monsada, good morning po!

ZM: Good morning po!

KE: Ito pong $106 per barrel na presyo ng krudo sa world market. Ano ang nais ipakahulugan sa mga Pilipino, hanggang saan at magkano ang itataas ng presyo ng ating produktong petrolyo dito sa Pilipinas?

ZM: Itong $106 per barrel na napapabalita ngayon ito ay yung benchmark ng America. Nasa mga nakaraang panahon ay mas mura kaysa sa Dubai na benchmark natin. Ang kahulugan po nito pag gumaganda yung ekonomiya ng America yung benchmark nila ay tumataas. Sa atin naman usually nagsasabay ang presyo ng langis sa international market. Ibig sabihin tumataas ang brent ang benchmark ng Europe at sa Dubai sa benchmark ng Asia. Ang impact ay actually hindi tayo nagre-react dito sa bansa natin base on 1 day. Itong araw na to tumuntong yung presyo nila ng $106.

KE: Ano ho ang latest ngayon itong $106 kagabi ko pa nabasa at na-monitor?

ZM: Base yan sa trading kahapon, yung trading today hindi pa natin alam.

KE: Halimbawa mag $103 mawawalan ng paggalaw dito sa atin?

ZM: Ang concern po natin ay hindi po itong krudo ng America kundi yung Dubai at mismong presyo ng petroleum products.

KE: Dapat hindi na natin binibigyan ng pansin itong nababanggit sa ulat na ito?

ZM: Opo! Kasi hindi yan ang benchmark natin ang isang indication niyan ay pareho din yung galaw.

KE: Dapat din pansinin ma’am?

ZM: Hindi yung level na yun ibig sabihin paakyat yung isa malamang maapektuhan yung iba.

KE: Ano ho bang benchmark ang dapat nating binabantayan yung talagang nagiging basehan ng mga oil companies dito sa Pilipinas para magtaas ng presyo. Kasi kung ganito na lahat na papansinin natin at hindi naman lahat ay nakaka-apekto sa atin baka malilito lang tayo?

ZM: Tama po yun! Ang ginagamit na presyuhan dito sa atin ay base sa produkto mismo. Kung gasolina kung ano yung presyo sa international market itong langis in general ito yung raw material. At madalas ang galaw ngayon ng gasolina at diesel sa international market at finish product hindi pareho. Kaya napansin niyo minsan mas malaki yung increase natin sa gasoline minsan ang diesel naman ang malaki depende yan sa actual na galaw ng produktong petrolyo sa international market. Ang basehan po natin dito ay ang nangayayari sa trading nung nakaraang linggo vs. noong isang nakaraang linggo yung difference yung ang nare-reflect dito sa atin ngayong linggo. Example yung adjustment kahapon ay base yun sa nangyari last week hindi isang araw lang kung hindi isang linggo .

KE: Ano pong mga bansa at market ang  ating dapat bantayan para masabi natin na maghahanda tayo tumaas na sa ganitong presyo merkado. Yan ay nakakaapekto sa presyo natin sa Pilipinas, nalilito sila dahil iba-iba pnagbabasehan?

ZM: Ang benchmark sa market natin ay Singapore.

KE: Singapore lang ang ating babantayan, ngayon ano ang galaw ang Singapore market?

ZM: Itong linggong ito which is 3 days palang ang reported na trading medyo tumaas kaysa nung nakaraang linggo. Hindi po natin alam kung ano talaga yung mangyayari may dalawang araw pa tayong babantayan. Araw-araw sinusundan namin yung presyo sa international market para magkaroon kami ng idea kung papano yung galaw sa atin.

KE: Iniisip ko ho dito baka Singapore ho ang binabantayan natin, Yung Singapore naman po ang binabantayan din nila yung ibang market para magtaas sila. Ang mangyayari niyan yung epekto parang domino na rin.

ZM: Actually yung Singapore market apektado yan sa global market. Halimbawa itong Singapore ito ay walang kahit isang drop oil production meaning yung langis na galing sa sarili nilang lupa yung crude oil.

KE: Mabuti nga siguro tayo kahit papano meron.

ZM: Mas maganda tayo in resources ang Singapore practically wala lahat imported kahit anong klaseng energy resource.

KE: Pero bakit parang napaka-ironic na wala silang ganung klaseng natural resources and yet sila ang nagiging batayan natin?

ZM: Kasi napakalaki ng kanilang refinery na nagse-serve sa Asian market siya yung hub ng oil sa Asia. Halimbawa lahat ng pangangailangan o hindi naman lahat karamihan kagaya ng Japan itong mga Asian countries dito sa Singapore bumibili. Kung anuman yung shortage sa local capacity ng mga refineries sa Singapore binibili. Ang Singapore lahat ng kanyang crude oil o raw materials ay imported karamihan ay galing sa middle east. Ang middle east ay may kaguluhan at source ng buong mundo for most of the supplies yung pinanggagalingan ni Singapore ay iisa. Kung anuman yung kaganapan sa middle east at nagkagulo ay apektado yung Singapore market apektado po tayo global po talaga. Dati yung hindi matanggap ng America na nag-bagyo ay tumataas ang presyo sa atin kasi hindi tayo bumibili sa America at nasa kabila ng parte ng mundo yun. Nung nag-hurricane sa America nakulangan sila ng kapasidad tinamaan yung facilities nila lumaki yung kinukuha nila sa middle east na pinagkukunan din ng source natin apektado pa rin tayo indirectly.

KE: Sa tingin po DOE magiging tensiyonado yung sitwasyon sapagkat nitong weekend tinigil na rin ng Iran ang pagbebenta ng langis sa Britain at France, bilang paghihiganti umano dun sa plano na European oil embargo.

ZM: Ang sinasabi ng mga ioil nternational analyst ang issue ay ang hindi ang supply but the bigger concern is lumalala yung tension ng mga countries na ito na baka aabot dun sa magkaroon ng mga bombahan na. Halimbawa pinutol yung supply sa European countries may mapagkukuhunan naman sila hindi problema yung ibang countries like Saudi magdadagdag siya ng produksiyon. Initially magre-react yung market biglang kukuha sa common market itong mga European countries this early. Magco-correct yan  lalakihan ng ibang countries yung production para masalo yung demand. Ang bigger concern ay lumalala at nag-i-implement sila ng ibat-ibang sanctions yun yung takot kung magkakaroon ng bombahan diyan very far reaching yung indication.

KE: Ang ibig sabihin po ba ng pangyayaring yan lumilinaw na ngayon sa possibility ng pagra-rasyon ng gasolina dito sa bansa natin?

ZM: Hindi pa naman po kasi sabi ko nga yung supply disruption hindi pa siya isyu natatakot lang yung mga tao na lalala yan  more of  the fear factor.

KE: Kasi nga ang nagpapalala  sa pagpapalutang ng mga nagtataasang figures dito sa merkado na hindi naman tayo ganap na apektado ay ito ring mga kumpanya ng langis para magkakagulo tayo rito.

ZM: Hindi po yung local oil companies natin kasi itong pinag-usapan natin ay market ng Singapore ay international prices ito. Nagre-react lang yung ating local dito kung ano yung presyo ng acquisition nila hindi sila nagtataas kasi tintignan namin hindi lang yung galaw nila ng weekly kundi yung year to date. Kasi pag nag-a-accounting yung mga yan pag nag-file ng kanilang taxes at financial statement sinusundan namin. Itong aming pag-monitor ay merong estimated na mga adjustments hindi talaga namin ma-impose ito yung dapat presyo kasi hindi naman regulated ang pricing.

KE: Ngayon po ba ilang beses ng nagtaas ng presyo ng gasolina dito sa atin at ilang beses na ring bumaba?

ZM: Ngayong taon po maliwang na kadalawang baba o tatlo at anim na beses nagtaas. Actually sa isang linggo pabago-bago within the day ang daming tradings average for the day talagang magalaw ang presyo. Ang tinitignan natin ay ang average for the week yung rollback natin dito at hindi puwedeng mag-rollback sa international market tapos increase tayo dito hindi po kami papayag niyan.

KE: Hindi rin naman nila siguro gagawin yun dahil alam naman nilang mahuhuli sila.

ZM: Alam nila kasi araw-araw naming tinitignan yung expected na galaw yung nga lang yung mga estimate namin hindi siya necessarily eksakto sa ini-implement nila. Pero sinusundan namin na hindi sila lalayo sa week to week at year to date.

KE: Sa loob ng mga natitirang araw ngayong buwan ng Pebrero meron ho ba kaming aasahan pa na pagbabago ng presyo ng diesel at gasolina?

ZM: Hindi po natin masabi at wala,pong makakapagsabi niyan antayin na lang po natin kung ano talaga yung lumalabas diyan sa presyuhan sa international market.

KE: Pero dapat ho mabantayan?

ZM: Depende we assure you that ang bantay namin ay araw-araw talagng sinusundan namin first thing in the morning tinitignan namin kung anong nangyari kagabi. Ano ba yung medyo mangyayari the following week ayaw namin kami ang magsabi dahil either pag pinangunahan namin wala silang balak gumalaw tapos sinabi ng DOE na pataas e tataas sila. Ayaw namin sa amin mag-umpisa magre-react kami in public dun sa actual na mangyayari,.

KE: Ano po ang inyong payo sa mga motorista ngayon from the Dept. of Energy?

ZM: Nung nag-deregulate tayo ang unang ni-require sa mga gasolinahan ay mag-post ng presyo nakikita natin ang lalaki ng mga prices diyan. So ang sinasabi namin ay exercise yung right to choice hindi pare-pareho ang presyo ng iba-ibang lugar hindi naman siguro ara-araw sila magpapakarga at bantayan nila kung ano ang mas mura na mga lugar.

KE: Sa Clark at Subic mura po!

ZM: Talagang mas mura dun at least dito sa Metro Manila haimbawa sa rota mo.

KE: Sentimos lang ho ang pinagkaiba.

ZM: Ganun po talaga kasi competition.

KE: Hindi nalagay sa deregulation law na hindi lang dapat diyes sentimos ang diperensiya?

ZM: Competition po kasi yan ang nagyayari halimbawa nung nakaraang linggo ang advice sa amin na increase ng diesel karamihan 85 centavos. Yung isang kumpanya ang na-implement niya ay 70 lahat ng nag 85 binaba nila sa 70 kasi hindi dapat malayo yung presyo mo dun sa presyo ng ibang at lalangawin ka. So yung competition siya yung naglalapit ng presyo. Pero dito sa Metro Manila makikita na may diperensiya sa pinakamura sa pinakamahal puwedeng umabot ng piso pero yun nga lang ibang trading area yun.

KE: Mero po akong isang pinagka-kargahan ang rota ko kasi araw-araw ay Commonwealth, Q.Ave, Espana, Buendia meron isang istasyon sa buendia na ang diperensiya sa presyo niya kumpara sa nadadaanan ko ay 85 centavos.

ZM: Yan ang ibig sabihin nun, kung dito ka sa Commonwealth sa dami ng istasyon diyan naglalaban-laban sila usually kung sino ang pinakamura. Tapos dun sa buendia hindi gaano kadami yung pumasok na players diyan sa Makati area mas mahal ang rental talagang mas mahal ang presyo diyan.

KE: Pero yun ho ang mas mura yung nasa buendia mas mahal po yung mga nadadaanan ko. Yun na po ang pinakamura sa ngayon dahil tayo po naman ay maraming pinupuntahang lugar dito sa Maynila.

ZM: Pero diyan sa bandang ano may mga pumasok din na mga new players mura yung sinabi mo sa Buendia.  At least nakikita niyo na may kaibahan yung presyo depende kung saang lugar. Ang isa pang payo namin ay maging wise at maging efficient sa paggamit ng produktong petrolyo kung iplano mo yung biyahe mo maayos yung maintenance mo nung sasakyan mas bababa yung konsumo at nakakatipid ka.

KE: Maraming salamat po Ma’am Zenaida!

ZM: Maraming salamat po at magandang umaga po!





Lunes, Pebrero 20, 2012

Mr. Francis Pasyon (Indie Film Director) Kalye Escalera Interview Feb. 21, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Mr. Francis Pasyon (Indie Film Director) Kalye Escalera Interview Feb. 21, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Ang Director po ng award winning indie film na Jay si Direk Francis Pasyon, Francis andiyan ka ba?

FP: Hello!

KE: Francis live ka dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan, ako ang nakakausap mo ay si Kuya Marlo, Joee G at siyempre ang aming bunso na si Jedah! Francis naalala ko sa Jay may eksenang may ginamit ka rin na character na pulitiko hindi ba?

FP: Mayor, oo!

KE: Mayor naman?

FP: Oo!

KE: Na talaga ang nilabas sa Jay si mayor wala siyang significance doon sa istorya pero pinipilit niyang isama yung mukha niya sa coverage. Francis kung ikaw ay hindi nagagawi diyan sa impeachment court trial ikuwento ko lang sa yo na merong dalawang laos na pulitiko na araw-araw dumadaan sa harap ng camera, parang si mayor yun. Yung panukala kasi nito si Cong. Gonzales hindi lang daw mga Cong. kundi iba pang pulitiko. Ano sa palagay mo tulad mo isa kang director dito sa ganitong klaseng panukala?

FP: Ang tingin ko personally mas marami pa ang problema ang bayan. I think hindi siya magpro-prosper kasi democratic country tayo and binibigyan natin ng halaga yung freedom of expression. And I think kaming gumagawa ng pelikula o nagdi-direct sa TV very careful din kami lalo na sa TV na i-portray sila na very black yung caricature lang. I think para sa akin bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit. Kung hindi sila guilty huwag silang masyadong magre-react kasi we are in a democracy na ginagarantiya yung freedom of expression. At kung ako yung kongresista gagawa na lang ako ng paraan para gumawa ng mabuti sa kapwa ko, para naman magkaroon din kami ng ibang means of expression para ma-portray din sila in that line. Pero para sa akin para i-pertain mo yung freedom ng isang artist o gumagawa ng pelikula o sa TV, I think that’s unfair parang bawal na naming i-portray yung iba in a bad line kung talagang ganun naman yung nangyayari.

KE: Ang natatandaan ko kasi na medyo ang unang nagkaroon ng puna diyan yung pino-portray niyo yung mga tao sa gobyerno yung mga sundalo. Ang unang nag-react diyan Francis sa pagkakatanda ko ay yung AFP hindi naman dahil sa inaayawan nila kundi dahil sa ang sinasabi nila mali yung mga ranggo na ginagamit at nakikita dito sa mga balikat ng mga military.

FP: Kulang yun sa produksiyon hindi yun dapat i-blame kumbaga inaccuracy lang yun at pagkakamali yun. Inaamin namin may mga ganun talaga pati rin sa Hollywood may mga pagkakamali. Pero kung ang pinupunto nila ay yung portrayal yung pagkaka-portray yung character, attitude I think kami rin ay very careful din kami na hindi sila ma-portray na caricature o yung very black character. So para sa akin huwag silang masyadong sensitive kasi sa Hollywood minsan pinapangalanan pa.

KE: Baka naman Francis gusto rin na ibang politician sa halip na maghanap pa ng artista na gaganap sa papel nila ay sila na.

FP: Gusto nila ng publicity!

KE: Lalo na pag medyo malapit na ang eleksiyon alam mo na, bakit niyo naman parang dito sa atin ang isang pelikula na walang pulitiko na nasa eksena para kulang. Talagang trend na ba ngayon sa pelikula sa Pilipinas na laging may eksena na may kasamang na mga politician?

FP: Wala naman, siguro kung kailangang lang talaga sa pelikula hindi naman siya given. Pero nasa artist kasi yun nasa creative yung freedom of expression nung artist kung paano niya ipo-portray yung isang character. As long sa sinusunod niya yung hindi libelous, slanderous at hindi pinangalanan yung pulitiko I think within siya sa freedom niya para i-portray yung ganung character.

KE: For a person coming from the entertainment industry would you really admit to the fact na ang politicians in general talagang napo-portray natin negatively?

FP: Kasi ilan lang ba yung mabuting politician sabi ko ibahin nila yung perception.

KE: Parang sinasabi niyo rin na gusto naming ipaabot sa tao na rampant na ang ganitong klase ng nilalang dito sa Pilipinas. Kaya sila ay may major role sa pelikula namin?

FP: Kung yun yung punto ng filmmaker or yung writer kung gusto nilang sabihin na may nangyayaring corruption ganun talaga yung portrayal nila sa politician.

KE: Quote of the day Feb. 21, 2012 Francis Pasyon ilan na lang ba ang matitinong pulitiko sa bansa natin. Parang kahit hindi natin banggitin dito ang mga pangalan nila ay may ilang pangalan na tumutugma yung naiisip ko sa naiisip mo?

FP: Naku!

KE: So with that Francis maraming salamat at kami ay nalinawan dito sa isyung aming tinatalakay sa pamamagitan ng tulong mo!

FP: Maraming salamat!



Miyerkules, Pebrero 15, 2012

Sec. Enrique Ona (DOH) Kalye Escalera Interview Feb. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec. Enrique Ona (DOH) Kalye Escalera Interview Feb. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sec. Ona, magandang umaga po! kayo po ay live sa 738 Kalye Escalera dito po sa Radyo ng Bayan. Ang inyo pong makakausap on air ay si Marlo Dalisay, Ms. Tea at si Ate Joee G., kumusta na ho kayo Sec.?

EO: Good morning okey naman!

KE: Ngayon po ba kung sakali sa pagkakataong ito kayo ay  nasa kalsada na o kahapon sa inyong paglalakbay. Kayo po ba ay marami pa ring nakitang nagmo-motor na hindi naka-helmet?

EO: Marami pa rin lalo na pag hindi sa main hi-way.

KE: Kasi po nakarating sa aming kaalaman na medyo nagulat kami dito ang DOH po ang nagbigay ng paalala sa ating mga motorista at drivers. Kung kayo ay naka four-wheel na sasakyan ay magsuot ng seatbelt at kung naka-motor naman may angkas o wala pareho kayong magsuot ng helmet. Nagulat lang kami dahil pag naririnig namin ito ay galing sa DOTC, LTO, MMDA bakit po ang DOH ang nagsabi nito ngayon?

EO: Actually tama lang yun dahil first of all ito ay kalusugan alam mo ang accident ngayon karamihan nga nito ay sa pagmo-motorsiklo dito sa malalaking siyudad. Dahil sa paglaganap ng motorsiklo napaka-importante na malaman ng ating mga kababayan na hindi ito lamang DPWH, MMDA kundi talaga kalusugan. No. 4 itong dahilan ng ating mga deaths o aksidente na hindi naman lahat namamatay kundi lahat o nakakaalis ng buhay sa ating mga kababayan. Kaya ito ay isa talaga sa dapat bigyan ng attention ng ating kagawaran ng kalusugan. This is a health issue kaya dapat talaga ang Dept. of Health ay importanteng magbigay ng paalala sa ating mga kababayan at sa local authorities. Gusto kung ulitin na ito ay no. 4 cause of deaths ng mga Filipino ang mga aksidente at ngayon nga ay dahil sa napaka-popular na ang motorsiklo sa ating mga kababayan ay dapat mabigyan sila ng paalala. Laging gumamit ng helmet pati proteksiyon sa tuhod at sa kanilang arms, buong katawan mas maganda nga kung meron din silang nilalagay na ilaw, reflector na ginagamit lalo ng pag-gabi.  Ito ay isang paalala lamang sa ating mga kababayan kaya ang kagawaran ay nagbigay ng paalala sa ating mga kababayan.

KE: Sec. ang LTO po ay gustong isama sa high school curriculum particular ang 3rd year at 4th year yung responsableng pagmamaneho ng motor. Ang sabi ng DepEd pag-aaralan yung mungkahi ng LTO kayo po ba ay pabor dito?

EO: Very supportive ako dahil nga hindi lamang ito sa motorsiklo dahil ang driving ngayon ay regular na lamang sa kaalaman ng isang tao. Lalo na ang ating kabataan hindi man sa sasakyan na meron silang trabaho na ang kanilang sinasakyan motorsiklo. Driving si already a regular activity sa ating kabuhayan sa ibang bansa ay kasama sa curriculum sa kanilang paaralan. Kaya yan ay siguro napag-usapan lamang sa DepEd dahil isa lamang ito sa bagay na ginagawa sa ibang bansa. Kaya dapat na itong isali I fully support kami sa Dept. of Health yung panukala na gagawin.

KE: Reaksiyon po ng ilang estudyante masyado raw maaga pag sa third at fourth year High school itinuro dapat daw sa college na?

EO: Tamang-tama lang dapat sa high school para nasisimulan na agad yung tinatawag nating good habit driving and information na dapat malaman ng lahat ng ating mga kababayan lalo na sa high school students.

KE: I’m sure marami ho yung nagmo-motorsiklong nakikinig sa atin ngayon, ano ho yung gusto niyong ipaabot at ipaalala sa kanila?

EO: Alam mo ang motorcycling ngayon is a mode of transport na napaka-popular na sa ating mga kababayan. Minsan ito ay either for sports or going to work kaya ang aking panawagan sa kanila ay talagang sundin nila yung ating mga batas ngayon regarding sa paggamit ng helmet at proteksiyon sa kanilang tuhod at sa buong katawan laging maglagay ng reflector sa kanilang jacket lalo na sa gabi. Ito ay isang bagay na siunusuportahan ng DOH ng dahil nga accident is the no. 4 leading cause of death among Filipinos.

KE: Meron po akong katanungan unang-una kakatapos lang po ng Valentine’s day, kumusta po ang Valentine’s day ng ating Sec. of Health naman?

OE: Okey naman I’d just had a dinner with my wife at home.

KE: Interesting!

EO: Alam ko na punong-puno ang mga restaurant sabi ko nga sa aking may bahay ay ngayong weekend na lang kami magdi-dinner sa labas. A little bit less crowded ang mga restaurant yun ang aking promise sa kanya kaya hindi na kami lumabas nung isang gabi.

KE: Ire-relate ko lang sa kampanya niyo tungkol sa pagsusuot ng helmet at sa katatapos na Valentine’s day. Ang health issue na aking tatanungin sa inyo kapag nagdadaan ang Valentine’s day ang iniiwasan kasi natin disgrasya, hindi po ba tumataas ang kaso ang unwanted pregnancies?

EO: Walang data pero puwedeng mangyari yun.

KE: Magkakasundo siguro tayo Sec. kung aabangan natin pagdating ng Nov. ay maraming pinanganak.

EO: Tignan natin as a matter of fact patitignan ko nga yung mga nakaraang taon kasi puwede naman nating malaman yan. But again maybe binibigyan nila ng significant itong Valentine’s day ay is semblance of your love to either your wife or to your girlfriend. I would propose may mga tao talaga diyan pag Valentine’s day lumalabas sila siguro naman ay puwede na nating sabihin na talagang nangyayari na mas maraming incidents ng pregnancy. Siguro nga sa nangyayari pag Valentine’s day but we have to prove that.

KE: Isa pa po marami po bang heart ailment na nagde-develop after Valentine’s day ako po kasi masamang-masama ang loob sa nagdaang Valentine’s day?

EO: Madali nating matugunan yan pag titignan natin ang statistics, I’m sure meron namang mga ibang bansa diyan na ipapa-research ko at itatawag ko sa inyo. Meron talagang proof na talagang nangyayari ang ganung bagay.

KE: Saan po ang punta niyo Sec. saan po ang lipad niyo?

EO: Lilipad ako sa Laoag ngayon dahil meron kaming bibisitahin na ospital at merong ospital din na i-inaugurate at the same time meron yung leagues of mayors ay magbibigay tayo ng paliwanag dahil may convention sila doon. Papaliwanag natin doon yung programa ng Aquino administration yung kalusugang pangkalahatan yung universal health care. Ito ay isang bagay na inilunsad natin more than one year na subalit ang tingin ko marami pa ring mga kababayan ang hindi nila masyadong nalalaman o nauunawaan kung ano ang ibig sabihin nito at benepisyo. Na makukuha nila sa ating programang pangkalusugang pangkalahatan ibig sabihin nito ang ating mga kababayan lalo yung mga mahihirap ay nabigyan na ng tulong ng National govt. para sila ay ma-enroll sa Philhealth at dapat malaman nila kung ano ang ibig sabihin at benepisyo ng membership.

KE: Sec. Ona have a safe flight, magandang umaga po at hanggang sa mga susunod na pagkakataon po!

EO: Magandang umaga din po sa inyong lahat at sa mga inyong mga tagapakinig !


Lunes, Pebrero 13, 2012

Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview Feb. 14, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview Feb. 14, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Chairman Tolentino magandang umaga po!

FT: Good morning at good morning po sa inyong mga tagapakinig!

KE: Ano ho ang inyong obserbasyon ngayon sa unang araw ng implementasyon ng motorcycle lane diyan sa Edsa? Kayo po ay live dito sa 738 Kalye Escalera, Marlo Dalisay at si Ms. Tea ang inyong makakausap.

FT: Una po gusto kung i-clarify na narinig ko po sa inyo hindi ho ito exclusive lane. Ang tawag po rito ay designated lane ibig sabihin ginagamit po ito ng motorsiklo, pero yung mga pribadong sasakyan ay puwede rin po roon.

KE: Papano po ito magkahalo pa rin sila doon?

FT: Magkahalo sila doon pero hindi gaya dati na parang kiti-kiti kahit saan sila mapunta. Kanina pong madaling araw may namatay sa Balintawak sa motorsiklo din. Ibig sabihin magagamit din ng mga four wheel vehicle at ang mga motor naman may assurance sila na ang linyang yun para sa kanila. Hindi namin puwedeng  i-designate sila dahil limang lanes lang Edsa medyo makitid  yun. Ang prinsipyo nito ay  kagaya sa Commonwealth at Macapagal designated lane. Ang ibig sabihin ay doon po sila dapat dumaan may kahalo silang private pero wala po silang kahalong pampubliko.

KE: Gusto lang ho namin linawin mula din sa inyo na itong lane na ito ay hindi ring puwedeng bumaybay dito ng dulo sa dulo yung mga pribadong sasakyan na apat ang gulong at anim na gulong. Basta puwede silang dumaan dito kung sila ay lilipat ng lane palabas o papasok sa inner lane?

FT: Puwedeng magbabad magkasama po doon ang pribado at motorsiklo ang bawal lang doon ay ang pampubliko. Ibig sabihin yung mga motorsiklo hindi puwedeng gamitin yung hindi designated lane para hindi po sila na parang kiti-kiti na puwedeng maging sanhi ng aksidente. Hindi sila puwedeng mag-swerve instead kung magra-right turn or left turn or 100 meters ahead.

KE: Hindi kaya parang agrabyado dito yung mga nagmo-motor kasi two wheel na nga lang sila tapos bababaran pa sila ng four wheel?

FT: Sa Jakarta po magkasama ang bus at motor then Indonesia, sa ibang bansa yung isang lane kalahati lang ang dinadaanan pero tayo ibinibigay natin full lane. Lahat ng ito ay pinag-aralan ng traffic engineering  ibig sabihin kung ikaw ay driver ng sasakyan na may apat ng gulong alam mo kung saan makikita ang motor. Hindi mo siya ine-expect na makikita sa 3rd lane, 2nd lane, 3rd lane, 5th lane.

KE:  Pag ganyan po Chairman dapat din sigurong mag 60km per hour ang limit natin sa Edsa dahil kung magkahalo sil sa iisang lane dapat awatin din yung paghataw ng mas malalaking sasakyan?

FT: Ang problema po sa Edsa ang average speed natin diyan ay 39 to 40 lang ho talagang matrapik talaga diyan.

KE: Talagang hindi makakahataw?

FT: Ang opisina namin ay nasa Edsa mismo nakikita ko yan. So yung designated motor lane hindi po exclusive liliwanagin ko po yun.

KE: For clarification lamang po kasi yung designated lane ano ho ba yung kaibahan dito sa motorcycle lane naman sa Commonwealth. Base po dun sa sinasabi niyo parang pareho lang din yung dapat na sundin?

FT: Ganito yung concept kaya lang sa Edsa 200 meters po yung bago kumanan puwede na silang mag u-turn sa Commonwealth 100 meters.

KE: Sa tawag po magkaiba sila bagamat pareho ng pinatutupad na tuntunin tungkol sa lane na yun?

FT: Hindi lang po yung motorcycle lane pinatutupad natin ngayon araw na ito bawal ang naka-tsinelas, defective headlight  yung hindi napapatupad dati pinagsama-sama na rin natin ngayon. Kaya kung may naririnig kayong ingay nagse-seminar na po kami rito sa ilalim ng may flyover sa Roxas blvd.

KE: Gaano na ho karami yung mga seni-seminar as of this time?

FT: Ang kaharap ko ngayon ay mga kinse yung mga nahuli yung mga naka-motor.

KE: Maiba naman ako ng konti dito yung pagpapasuweldo sa mga bus driver na bumabiyahe diyan sa Edsa nag-take effect na ito last week?

FT: Bukas po meron pong DOLE circular na diyan at LTFRB.

KE: Ano ho ang inaasahan niyong magiging improvement sa galaw ng bus dito Chairman?

FT: Siguro disiplinado na sila hindi kailangang magkarera di na kakilangang mag-unahan sa pasahero sana makatulong yun matagal na pong inaantay yun.

KE: Doon sa mga motoristang dadaan diyan sa bahagi ng Edsa, ano po yung inyong maipapayo at meron po bang mga penalty just in case na sila ay mahuli?

FT: Kung ang tinutukoy niyo po ay public utility vehicle bawal sila sa motorcycle lane huhulihin sila, kung ang tinutukoy niyo ay pribadong sasakyan puwede po sila pero igalang din po natin yung mga karapatan ng mga naka-motorsiklo.

KE: Tama po ba yung sa loob ng 1 week wala po ba munang multang mangyayari ?

FT: Ang magkaka-multa rito ay yung mga nahuli na dati sa Commonwealth, Macapagal na na-seminar na pag umulit sila ngayon ay huhulihin na ho sila.

KE: Pero yung first time na mahuli wala ho munang multa?

FT: Nagse-seminar po ngayon dito sa harapan ko ngayon.

KE: Maghapon, magdamag po ang implementasyon nito wala hong oras?

FT: Wala pong oras .

KE: Alright Chairman with that ay pakakawalan na muna namin kayo at i-enjoy niyo ang inyong Valentines Day!

FT: Maraming salamat!

KE: Magandang umaga!






Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Usec. Zeny Maglaya (Dept. Of Trade And Industry) Kalye Escalera Interview Feb. 2, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Usec. Zeny Maglaya (Dept. Of Trade And Industry) Kalye Escalera Interview Feb. 2, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Usec. Maglaya magandang umaga po! Kayo ay live sa 738 Kalye Escalera, si Kuya Marlo, Joee at si Ms. Tea ang inyong kausap.

ZM: Good morning po!

KE: Sabi ho ni Cong. Angelo Palmones ay  baka may salmonella yung imported na manok. Ano ang obserbasiyon ng DTI dito?

ZM: Alam niyo lahat ng inaangkat at lahat ng kinakatay na manok o baboy dapat ay dumadaan sa pagsusuri ng National Meat Inspection Service (NMIS). Mahalaga yan na dumadaan sa pagsusuri dahil delikado yan kung ibebenta at hindi na-inspeksiyon baka merong mga kontaminasiyon.

KE: Ganito na lang ma’am para ho sigurado ang mga mamimili na walang salmonella yung mga manok na binibili yung imported dahil sa mas mura sa local. Saan ba sila dapat mamimili at ano ang katangian ng palengke na dapat nilang puntahan?

ZM: Saan mang palengke man ito kailangan ay tinitignan nila yung NMIS certificate yan po ay araw-araw na binibigay. Nakapaskil sa bawat stall sa palengke kung hindi nakakasiguro yung nasa sidewalk hindi ko naman nilalahat. Mahirap ho pag nakalatag lang kung saan-saan at walang nag-i-inspeksiyon.

KE: Madagdag ko lang na ang sidewalk hindi tindahan ng karne ng manok.

ZM: Tama po yun! Minsan po kasi may talipapa tayo o palengke na lumalampas po at minsan ay nasa tabi ng palengke na hindi authorize.

KE: Kasi dun sa panawagan nitong si Cong. Palmones nilahad niya na iwasan itong mga imported na manok. Sinabi niyo naman na may inaaangkat na nagdadaan naman sa inspeksiyon tama ba na-i-generalize.  Baka naman totally hindi na bilhin ng mga mamamayan ang mga imported na manok kung talagang legal naman ang pagkakapasok nang iba diyan di ba?

ZM: Palagay ko ang concern ni Cong. Palmones ay sa dahilan na ito ay frozen kapag ito ay inaangkat hindi naman ito katulad ng ating nakikita sa palengke, na talagang bagong katay. Mainit-init pa at talagang nakakasiguro tayo na maayos pag mali kasi ang handling at naibenta at kahit na test na ito at nakalatag puwedeng makontaminahan ng bacteria. Palagay ko yun ang concern ni Cong. para sa kanya mas nakaksiguro tayo dito sa mga local na manok.

KE: Bakit po imported lang ang lokal ay hindi puwedeng magka-salmonella dapat sabihin din na yung lokal ay tignan natin baka may salamonella din?

ZM: Kasama po yan sa sinusuri pero ang palagay ko lang ang sinasabi niya kung sa contamination ay yung mga talagang frozen. Nawawala yung pagka-frozen niya pag nakalatag na kaya requirement po ng DA na magkaroon ng freezer ang mga nagbebenta nito.

KE: Kapag produktong manok po ang pinag-uusapan kapag may problema ho diyan puwede ho bang ibigay ang problema sa DTI, sino ho ang may jurisdiction sa bagay na yan?

ZM: Yun atin naman pong hotline ay laging bukas ang lahat ng reklamo ay puwede po nilang ipadala sa amin yung kanilang problema. Pero para mas diretso ang jurisdiction po nito ay Dept. of Agriculture particularly the NMIS.

KE: Bastat manok na sobrang bigat yun pala puro tubig ang laman puwedeng ireklamo sa DA?

ZM: Manok, baboy, baka basta in a raw form at hindi pa ho na-process ay sa DA po yan.

KE:Maiba ako ng konti kasi yung buwan ng Pebrero gusto ko talagang magregalo ngayon ng bulaklak sa aking maybahay at sa aking kapatid na babae. Hindi ho ba ako kakapusin sa budget kung ako ay magpunta sa Dangwa ngayon?

ZM: Ang tsokolate at bulaklak ay unfortunately hindi kasama sa mga basic goods. Hindi po natin ito mino-monitor kaya wala ho tayong basehan pagdating sa presyo ngayon at pagdating ng Valentines Day. Kaya may karapatan ang mamimili na mag reklamo kung sa kanyang palagay ay sobra naman ang tinaas. For example alam naman natin 1 dozen P150  at biglang naging P500 at baka sa ibang tindahan ay P300 lamang maaring pong magreklamo.

KE: Yun pong kandila baka merong may balak mag-regalo ng kandila at tsaka festival ng kandila sa Iloilo Usec.

ZM: Tama po yun Candelaria, well again yung mino-monitor natin sa kandila ay yung ordinary at of course sa dami na klase ng candles ngayon. Sa dami ng disenyo at may scent pa yung iba tlagang decorative na ang kandila at all year round na ang kandila it may become a present or a gift.

KE: Ang kulang na nga lang ho ay gumawa sila ng kandila na puwedeng iulam.

ZM: Minsan ho may amoy kendi.

KE: Natatakot ako medyo concern lang ako eto na naman tumataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo. Natatakot ako sa mga presyo ng bilihin I’m sure pag narinig yan ng mga nagtitinda ay rason na naman yan para magtaas sila ng presyo?

ZM: Kamakailan lang naglabas tayo ng SRP ito yung mga presyo ng ating mga pangunahing bilihin. Sa process goods po walang tayong bagong SRP except sa sardinas tatlong brand ang nagkakaroon ng adjustment nitong Enero. Dahil hanggang ngayon meron pa rin tayong fishing ban medyo mahal ang isdang na ban sa Zamboanga. Sa others ay wala tayong dahilan para magtaas ng presyo kung mas gumagamit ng dahilan tumataas ang presyo dahil sa gasolina ay napakaliit lang na porsiyento para mgakaroon ng epekto. Kapag may singkuwenta sentimos na increase hindi naman siguro dapat i-increase ng sigkuwenta sentimos ang per kilo ng gulay, baboy.

KE: Piso lamang yung itinaas ng lata ng sardinas o lumagpas pa dun?

ZM: Maximum na yung piso pero from the last semester of 2011 dahil sa tatlong beses silang humihingi ng increase hindi natin ito napagbigyan dahil meron tayong inaayos na datus galing sa kanila. Kaya itong Enero na lang natin sila nabigyan ng approval para mag-adjust kaya medyo umakyat sa piso ang increase.

KE: So yung ganung adjustment accepted na yun at wala na hong susunod pa?

ZM: Siguro naman wala ng dahilan after this month of Feb. dapat ay wala na yung fishing ban at ating babantayan ang presyo ng isda at kung bababa ang presyo ng isda ay dapat din silang magbaba ng presyo.

KE: Sa lahat ng paggalaw sa presyo ay saan naman po kayo magva-valentine’s day?

ZM: Dito lang may pasok naman po yun at hindi niyo naitatanong b-day ko after valentine’s day.

KE: Advance happy b-day!

ZM: Thank you very much! kaya sa 15 po ay mura na ang bulaklak.

KE: Puwede na nating padalhan ng bulaklak si Usec.

ZM: Sa lahat po ng magce-celebrate ay lets’ make it simple ang imporatante lang naman po ay maramdaman ang pagmamahal sa bawat isa.

KE: Magandang umaga at advance happy valentine’s day at advance happy b-day Usec. Maglaya!

ZM: Maraming salamat po at good morning!