Lunes, Hunyo 4, 2012

Usec. Tonisito Umali (Dept. of Education) Kalye Escalera Interview June 5, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Usec. Tonisito Umali  (Dept. of Education) Kalye Escalera Interview June 5, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Deped Usec. Umali, magandang umaga po! Live po kayo sa Kalye Escalera dito sa Radyo ng Bayan ang makakausap niyo po ay si Kuya Marlo, Ate Joee G. at si Jeddah, kumusta po ang umaga niyo?

TU: Magandang umaga po sa inyo at mabuti naman po at kumusta naman kayo?

KE: Good morning po! sa pangalawang araw ng pagbubukas sa public schools. Ano ang maiuulat ng DepEd sa bayan Usec. Umali?

TU: Ito po ay naging mapayapa at maayos si Bro. Kalihim Armin Luistro ay naglibot kasama tayo at may nilibot tayo na ilang paaralan.

KE: Dito po yan sa NCR?

TU: Sa NCR ang ating mga Director sa iba’t-ibang rehiyon ay naglibot din sila. Sa kaso ni Bro. Luistro nagkaroon po siya ng surprise visit sa Pinagbuhatan High School at Rizal High School. Binisita niya yung Grade-7 natin doon, sa Pasig City nakita po natin na may konting pagsisikip na nangyari ngunit kasalukuyang ginagawa ang ating mga silid-aralan doon. Dapat tayong magpasalamat kay Mayor Eusebio ng Pasig City at yang kakulangan sa silid-aralan ay napabilis na natugunan. Sa ating Oplan Balik-Eskuwela command center dito sa Pasig City sa DepEd central office ay tumanggap tayo ng mga katanungan at mga hinaing. Lumalabas na ang unang dalawang issue na tinutugunan ay ang pagbabayad ng school fees at yan naman ay hindi dapat ginagawa. Wala po tayong contribution meron tayo boluntaryong contribution at may klaro tayong patakaran diyan. Pangalawang issue ay yung paglipat ng mga mag-aaral mula pribadong paaralan patungo sa pampublikong paaralan dahil may mga issue na hindi pinapalabas ng mga pampribadong paaralan ang kanilang mga credentials.

KE: Eto pong pinag-uusapan ngayon ay tungkol sa K+12 program. Ano po ang inyong naging assessments at ano ang inyong mga reaksiyon na natanggap mula sa mga magulang, guro at mga estudyante kung saan doon sila napailalim ngayon?

TU: Pinag-uusapan pa lang naman natin ay yung pagpapatupad ng bagong curriculum para Grade 1 to Grade 7. Maayos naman po patuloy yung pagbibigay natin may ilan pong paaralan na hindi pa po nakarating doon sa nasa CD format po yun ipi-print na lamang yung instructions at materials ng ating mga guro. Maayos naman sa unang araw wala naman tayong nakuhang mga reklamo. Ang talagang pagsubok diyan ay pagpasok po ng karagdagang taon.

KE: Maganda naman ho pala hindi naman ito biglaan, kumbaga unti-unti ang iniisip kasi ng iba ay mukhang ang tingin nila ay basta na lamang  isasalapak sa kanilang mukha ang mga bagong curriculum at bagong sistema.

TU: Tama po  kayo unti-unti po yan ngunit tulad ni Kalihim Luistro kung meron tayong gustong gawing pagbabago. Talagang merong simula medyo nahihirapan tayo at yun ang pinagdadaanan natin ngayon.

KE: Meron akong tanong nung nag-aaral po kasi ako hindi naman po sa pagmamalaki na –accelerate po ako. Ibig po bang sabihin ngayon na pinahaba na ang pag-aaral ng mga bata ay bawal ng mag-accelerate?

TU: Meron kaming acceleration program na pinapahintulutan ngunit medyo nire-revise po namin yung patakaran. Dahil merong mga ulat na halimbawa yung bata napakahusay ina-accelerate siya pero sa pagdating sa isang grade level nung sinimulan na siyang turuan ng algebra ay doon naman siya nahirapan at di na nag-perform ng mahusay so pinag-iisipan pa pero ang sagot po namin ay meron kaming ganyan na mga patakaran.

KE: Ako naman kasi nung panahon ko na ako’y na-accelerate hindi naman ako nahirapan. Usec you’re doing a good job talaga namang kahapon ay abalang-abala kayo at napanood ko kayo sa ilang palatuntunan sa TV.

TU: Bumisita ako sa channel 4 iniisip ko nga sanang dumaan sa Radyo ng Bayan kaya lang ay wala ng oras.

KE: Medyo kinakapos na rin tayo sa oras Usec. pero sa susunod na pagkakataon ay puwede tayong mag-face to face dito?

TU: Puwede po i-arrange po natin magte-text dun sa staff ninyo.

KE: Maraming salamat Usec.!

TU: Mabuhay po kayo at salamat po sa inyong suporta sa Kagawaran ng Edukasyon.