Lunes, Oktubre 31, 2011

Dr. Eric Tayag (Usec.-DOH) Kalye Escalera Interview Nov. 01, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Dr. Eric Tayag (Usec.-DOH) Kalye Escalera Interview Nov. 01, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Usec.!

ET: Magandang umaga po sa inyo!

KE: Usec. patuloy po yung pagdasa ng mga tao sa sementeryo, ang tanong po na kanilang pinararating dito ay safe po ba ang mga binebentang mga pagakain ngayon sa sementeryo?

ET: Meron panaganib sa kalusugan lalo na kung hindi natin malalaman kung paano hinanda yung pagkain kaya sa mga kababayan natin ay mag-ingat po. Siguraduhin natin na mainit ang kinakain natin mababawasan yung panganib sa kausugan natin. Anumang pagkain ay dapat makain sa loob ng dalawang oras  kung hindi ito maiinit ng tama.

KE: Usec. sa mga kababayan nating pupunta sa sementeryo at magbabaon ano po ang inyong paalala para hind agad mapanis yung pagkain nilang dadalhin?

ET: Unang-una bigyan nila ng oras yung pagpunta sa sementeryo para kung hindi kailangan magbaon ng pagkain ay huwag ng gawin. Ibig sabihin niyan kung pupunta kayo ng bandang pananghalian ay puwedeng kumain muna kayo sa bahay pag pupunta kayo sa sementeryo. Pero marami kasi sa ating mga kababayan ang nagtatagal sa sementeryo kaya hindi maiwasang bumili ng pagkain ingat lang po kayo sa mga inumin baka kuntaminado. Magbaon kayo ng malinis na tubig kung gusto niyong makasiguro at kung kakain kayo ng mga pagkain siguraduhin niyo na yung mga binibili niyo ay mainit ang mga iyon.

KE: Pero hanggat maari ay busog na umalis sa bahay para hindi na kailangang magbaon pa.

ET: Lalo na sa mga bata sa food poisoning, mga bata ang nagiging biktima sila po ang tinatamaan agad ng sakit. Sa sementryo po ay mahirap ang tubig doon hindi makakapag-hugas ng kamay isa pa yang aalahanin. At maliban dito mag-iingat kayo kung mananatili yung mainit na panahon magdala kayo ng payong at yung matatanda na pupunta diyan baka ma-heatstroke mag-ingat po kayo.

KE: Let’s talk about heatstroke kasi medyo magandang concern yan, ano po ba yung sintomas na medyo delikado ka na sa heatstroke na yan, ano po yung puwedeng gawin?

ET: Yung heatstroke ang temperature talaga ay umaabot na sa 40 degrees bago mag-heatstroke may palatandaan na baka maging heatstroke yan. Una sobrang pawis, may dehydration may pagka-uhaw yan yung iba hinihimatay yung iba nag-cra-cramps eto po ay mga senyales na maaring maging heatstroke kalaunan. Importanteng importante na makaiwas po tayo piliin po natin yung oras natin sa pagpunta sa sementeryo. Magiging siksikan po ngayon dahil ngayon po yung kasagsagan diyan magdala ng payong makaiwas po sa init ng araw. Tapos manipis po yung kasuotan para di po mainit masyado at yung matatanda po kung hindi po kaya huwag munang dumalaw sa sementeryo. At tubig po na malinis sapagkat baka ma-dehydrate.

KE: Usec.ngayon po na code white alert pa rin yung mga ospital sa bansa natin until tomorrow po ba?

ET: Hanggang bukas po sapagkat tradisyon po sa atin na may humahabol pa pong dadalaw sa mga sementeryo hanggang kinabukasan.

KE: Meron po bang injuries o pagkaka-ospital po na related to Undas?

ET: Maaring magyari po diyan yung mga naiipit, natutusok sa mga hindi masyadong nalilinis na mga puntod, mga hinihimatay, yung mga sinusumpong ng alta presyon at yung may sakit na pumunta pa rin sa sementryo hindi pinagpaliban. Maaring pong dumulog sa mga first aid station sa malalaking sementeryo.

KE: Marami po ba yung naitatala yung mga ganyan ang DOH?

ET: Wala pa pong nire-report sa amin tuloy pa rin yung konsultasyon diyan, magbibigay kami ng ulat. Sa ngayon binabalaan din yung mga dadalaw sa sementeryo lalo na sa hindi naayos sapagkat marami pong lamok at baka makagat kayo. Bagamat bumababa na ang kaso ng dengue puwede pa rin po kayong magkasakit ng dengue.

KE: Usec. maiba ako ng tanong nito lang po pinanganak ang symbolic 7th billion baby dito sa Pilipinas yung ating pinili, paano po ba pinili ang batang ito?

ET: Unang-una ini-estimate yan kung kailan magkakaroon ng 7 billion na population sa mundo. Mahirap i-estimate minsan katunayan merong plus-minus 6 months yan. So maraming nagsasabi na 2012 pa tayo mag 7 billion subalit dahil sa estimate lang yan ang naging conclusion ng UN noong Oct. 31 nga po nagkaroon ng 7 billion. Sapagkat isa tayo sa unang bansa na nagkaroon ng hating gabi na Oct. 31 ibig sabihin niyan sa atin maisisilang ang sa palagay nila ang 7 billion n residente ng ating mundo. Hindi lamang sa Pilipinas meron pa silang piniling ibang bansa subalit ang ibig sabihin lang nun ay 7 billion na ang populasyon ng mundo. Pero hindi po eksakto kasi estimate lang po yan.

KE: Bongga yung kinabukasan ng batang yan kasi marami siyang benepisyong nakuha di ba?

ET: Warning din yun sa buong mundo sapagkat sa bawat bilang at pagdagdag ng populasyon sa mundo kaakibat nito ang katotohanan na kailangan yung hustong pagkain, sapat na malinis na tubig, edukasyon, pabahay ay kailangang matamo ng mga isisilang pa. At maramdaman nila yung ganda ng buhay na ating naranasan sapagkat sila ay dumatingn na sa mundong ito ay dapat magiging maganda rin ang magiging buhay nila at kalusugan.


KE: Usec. pagkatapos ng all saints day kadalasan ang mga Filipino looking forward na sa pasko, pag-usapan natin ng bahagya ang mga sakit pampasko. Ano po ba at nagkakaroon ng sakit related sa mga season na ito, ano po ba kadalasan ang dapat nating bantayan.

ET: Una tinatarget natin ngayon na iwasan yung non-communicable diseases ngayong kapaskuhan magkakaroon ng holiday ang ating mga kababayan. Sa dami ng party, sa dami ng mga lutuin ilalabas yung mga pagkaing masasarap ang timbang natin ay medyo tataas ulit. Maraming tataba magkakaroon ng obesity at ito ay mga panganib sa kalusugan ingat lang po hindi lamang sa mga matatanda maging mga bata po ay matuto na ring kumain ng wastong pagkain.

KE:Usec. maraming salamat po!

ET: Marming salamat sa inyo , maraming salamat sa pagababantay undas niyo, mabuhay kayo!

KE: Mabuhay din kayo Usec. Tayag!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento