Lunes, Abril 8, 2013

Former Senator Jamby Madrigal Kalye Escalera Interview April 9, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Former Senator Jamby Madrigal Kalye Escalera Interview April 9, 2013/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Senadora Jamby Madrigal good morning po!

JM: Magandang umaga Marlo at magandang umaga sa inyong lahat!

KE: Opo! kaya medyo naiisip namin na istorbohin ang inyong umaga ayon sa ating ginugunita ngayon na Araw ng Kagitingan. Sa amin pong pagsasaliksik ang inyo pong lolo na si Jose Abad Santos ay talagang nagkaroon ng matinding partisipasyon dito sa bahagi ng ating kasysayan. Maari po bang ikuwento niyo kung ano ang naging kontribusyon ng inyong lolo na si Jose Abad Santos dito sa kalayaan na tinatamasa ngayon?

JM: Kung titignan niyo yung ating  isang libo na pera nandun siya bilang isang hero at martyr ng second world war. Itong araw ng kagitingan ay ipnagdiriwang ang mga kagitingan na namatay nung pangalawang digmaan second world war. Si Jose Abad Santos siya yung chief justice nung second world war at iniwan sa kanya ni Presidente Quezon yung pamamahala ng ating gobyerno. Hinuli siya ng mga hapon dahil siya yung pinakamataas na opisyal nung panahon na yun at imbes na makipag-collaborate sa mga hapon at puwede siyang maging puppet president ng mga hapon pinili niyang mamatay. Kaya nung nahuli siya umiiyak yung tito ko na kasama niya kasi alam niya na pinili ng lolo ko na mamatay para sa bayan. At sabi niya anak huwag kang umiyak napakalaking pagkakataon ‘do not cry my son it is a rare opportunity’ na mabigyan ng chance to die for our country yan ang exact words niya ng mabigyan ng pagkakataon napakalaking karangalan nitong mabigyan ng pagkakataon na mamatay para sa bansa.

KE: Kung kayo po ay meron pang mga karagdagang impormasyon ano po ba yung kanyang binabanggit pa na oportunidad na yung nabanggit niya bago tuluyan siyang bawian na ng buhay?

JM: Ayaw niya kasing manumpa sa mga hapon alam mo pati yung mga hapon nung nabaril na siya hindi nakita yung katawan niya sa Lanao del Sur. Sabi mismo nung heneral pagkatapos binaril ang aking lolo na hindi siya tumanggap ng blindfold at hinarap niya yung pagkabaril sa kanya at hindi siya tumakbo. At sabi niya sa tito ko your father died a glorious death kaya pati sila parang kahit kailangan nila siyang patayin sila din ay humanga sa kanya. Kasi talagang kalmado hindi nag-alanganin ang lolo ko na harapin yung firing squad at ibigay ang kanyang buhay para sa bayan.

KE: Dito po naman sa ating kasaysayan medyo curious lang ako bakit parang dito ho sa mga nakatala ngayon sa mga records ay mas marami pa itong mga pangyayaring noong panahon ng kastila ang naitala. At itong tipo ng mga bayani nitong World War 2 gaya ng inyong lolo kung sino na lang ang makaalala buti nga minsan may nakakaalala pa at nasa kalendaryo pa rin itong araw ng kagitingan. Ano ho kaya ang dahilan at parang mas prominente ang panahon ng kastila kumpara sa mga Pilipino na naghirap nung panahon ng hapon?

JM: Alam niyo po ito sa historical facts ang mga amerikano kasi nung dumating sila dito talagang nilabanan nila yung kastila prinomote nila talaga yung ating mga bayani na lumaban sa kastila. Pero sa Pampanga yung b-day ng lolo ko nung Feb. 19 at May 3 or May 4 yung kanyang pagkamatay sine-celebrate kasi siya ay isang kampampangan galing kasi ang pamilya niya  sa San Fernando. Si Presidente Erap alam ko gumawa ng executive order na May 4 yung kanyang pagkamatay na isang holiday. Siguro depende yan sa kada administrasyon na kung ipagdiriwang sa akin yan ang sinabi sa akin ng mga historian dahil ang mga amerikano ay masyadong nilagay nila yung o na highlight itong pagsupil nila sa kastila at hindi na na-highlight. Kung titignan mo ang daming namatay sa Bataan kagaya nung lolo ko binigay yung buhay niya at siya ang pinakamataas na opisyal nung umalis si President Quezon. Dapat na ipagdiriwang dahil kasi yung taong pinapatay na hindi niya alam at na naging hero at martyr at sa akin yung pagkabayani ng lolo ko siya ay pumiling mamatay  kagaya ni Jose Rizal. Yun yung parang mas mahalaga na makikita mo na nanindigan yung tao na piliin mong mamatay imbes na ikumpormiso yung  bayan mo. Para sa akin sana nga itong mga World War 2 hero ay talagang mabigyan din ng kanilang sapat na pagkilala. Kasi alam ko nung maliit pa ako pumupunta kami sa Malacanang at binibigyan ng pugay ng mga Presidente si Jose Abad Santos diyan. Lahat ng mga bayani meron silang yung kalahating estatwa diyan sa hero’s hall binibigyan pugay nila taon-taon. Pagkatapos dumating yun panahon ni Marcos at martial law hindi na po naituloy yung pagpupugay.

KE: Pero naisip ko lang din kayo ho ba ay naniniwala dito sa mga makabagong panahon kung saan tayo ay kabilang mayroon pa kayang mga susunod na Jose Abad Santos na magbu-buwis ng buhay para lamang ipaglaban o hindi ibenta sa ibang mga naghaharing uri itong mga kapakanan ng mga Pilipino?

JM: Kung makikita niyo yung pinaka-recent si Ninoy Aquino umuwi alam niyo na nanganib yung buhay niya at nabaril nga siya nung panahon ni Marcos. Alam ko merong mga estudyante na siguro nawawala yung force disappearance ang mga bayani kasi ang ginagawa kung ang mga panahon ay nanganganib. Ngayon meron tayong relative peace dahil sa magandang pamamalakad pero nung panahon ni Presidente Macapagal meron din siguro yung mga tumututol sa kanila yung pamahalaan na ayaw bumigay na nannganganib ang buhay.

KE: Kumbaga yung ayaw makisama sa hindi tamang patakaran ay nakakatanggap din ng pagbabanta. Ang inyo pong lolo na si G. Jose Abad Santos ay kilala sa larangan ng pulitika ay kayo din po ay gumagawa ng pangalan bilang former senator. At ngayon ay tumatakbo pa sa same position ano po ang katangian ng inyong lolo na namana at nais pong tularan sa kanya sa mundo ng politics?

JM: Ang lolo ko kasi never siyang tumakbo para sa pulitika in the sense na appointed siya ng Sec. of Justice o Chief Justice ni President Quezon. Siguro ang nakuha ko sa kanya bagamat ako ay running for public office yung paninindigan hindi natin ikokompromiso ang  taong bayan para lang sa sarili yan ay natutunan ko sa nanay ko never kung na-meet yung Jose Abad Santos namatay siya 1942 matagal pa akong ipinanganak bago siya mamatay. Pero sa tinuro ng aking nanay yung kanyang mga anak na manindigan para sa prinsipyo at huwag ipagbili ang taong bayan para lang sa kabutihan ng sarili. Yan siguro ang sinasabi nila na you ay misunderstood maski hindi maintindihan ng taong bayan yan kagaya nung panahon ni GMA nilabanan ko siya maski ako ay binabatikos hindi ako bumigay ni isang beses hindi ko ipinagpalit ang kabutihan ng taong bayan para lang mapasarap ang buhay. Siguro yan ang po ang natutunan ko sa lolo ko yung paninindigan at yung katapangan at siya ay matapang na tao na lumaban maski mag-isang tao malaking tao ang kalaban mo hindi ka bibigay.

KE:  Istrikto ho ba ang inyong lolo na si G. Jose Abad Santos paano siya nagdidisiplina sa inyo?

JM: Hindi ko na siya nakilala dahil siya nga po ay pinatay ng hapon pero bilang chief justice at sec. of justice nung panahon nun. Marami daw noon sa eskuwelahan na nagpapatulong talagang pinagbawalan niyang makipag-usap maski kanino.

KE: Kumbaga tumutulay gamit ang nanay at tsaka mga tiyuhin at tiyahin niyo?

JM: Talagang pinagbawalang makipag-usap sa mga taong asking for favor hinding-hindi yun maalis. Istrikto daw siya kasi yung pagkain nila kasi kapampangan sila simpleng pagkain lang ayaw niya yung maraming ulam sa mesa at ayaw rin niya yung usong-uso yung mag-manicure ng pulang kuko nagalit daw talaga siya sa tita ko pinagbawalan yun.

KE: Konserbatibo si G. Jose Abad Santos baka meron pa ho kayong mga gustong ipahabol na mga mensahe senadora meron pa ho tayong pagkakataon?

JM: Salamat sa pagkakataon na ito kasi yung kagitingan yung mga bayani ng ating bayan ay talaga dapat nagsisilbi at role model sa kabataan. Magandang oportunidad yung ibinigay niyo sa akin na ma-explain yung buhay niya kasi nung araw hanggang sa mga 1960’s talagang kilalang-kilala si Jose Abad Santos. Pero nung panahon nga ni Marcos medyo nawala na yung pagpupugay sa ating mga national hero sana muli alam ko nag-discuss din kami ni Armin Luistro na mabigyan muli ng pagkakataon ang mga mag-aaral na malaman talaga yung mga buhay ng ating mga national hero. At dapat ito ay magsilbing bilang role model kasi ito ay nagbibigay ng character nagpapalakas ng paninindigan at nagbibigay din ng mga istorya na karapat-dapat na malaman nila.

KE: Alright! maraming salamat po at magandang umaga at mabuhay kayo senadora Jamby Madrigal.