Linggo, Disyembre 16, 2012

Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview Dec. 17, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview Dec. 17, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Chairman Tolentino magandang umaga po!

FT: Magandang umaga po!

KE: Live po kayo dito sa DZRB sa Radyo ng Bayan 738 Kalye Escalera at ang makakausap niyo si Marlo Dalisay si Ms. Tea at si Jedah Legazpi. Ano na ho ang latest sa ating ipapatupad na segregation sa mga bus stop at sa mga unloading at loading bays diyan sa Edsa?

FT: Itong bus segregation ibig pong sabihin nito ang mangyayari sa bus stop kung ang tumitigil na bus ay 100 ay pati na lang ang titigil alternate yung mga bus stop natin. Theoretically lang po ito sa computation namin mababawasan ng 50%.

KE: Ang mangyayari dito Chairman yung 50% na mababawas saan matitigil?

FT: Alternate sila halimbawa Orense bus stop sa ngayon po 100 ang titigil doon bukas 50 na lang ang titigil dun. Yung susunod na 50 sa Guadalupe yung tumigil sa Orense susunod na tigil nun sa reliance na sa may Mandaluyong. Hindi gaya ngayon kahit saan puwede kang tumigil kung bus stop A ka sa bus stop A ka lang titigil.

KE: Ang implementation ba nito Chairman ay 24 hours?

FT: Opo!

KE: Kasi napapansin natin sa gabi pag-uwi ng mga naka-posteng tao dun balik din naman sa dating gawi itong mga bus driver?

FT: Hindi pa ho na-implement ito ngayon palang ang nakalagay sa windshield nila ay A at pintuan ay A dun ka lang titigil at nakalagay sa loob ng bus kung saan ang susunod na stop.

KE: Mix na rota po ito kumbaga nag-random kayo ng biyaheng Fairview or Monumento paano ho?

FT: Pinag-usapan po yan ng mga operator ibig sabhin nung A Alabang yung B Baclaran pinag-aralan ito kaya hindi kayo puwedeng tumigil kahit saan kasi halimbawa ako ay mananakay Bus stop A ang Guadalupe at Bus B ang titigil sa Guadalupe pag may tumigil na Bus A hindi ako sasakay baka saan ako dalhin nun.

KE: Parang nakikita na rin natin unti-unti ay pina-pattern niyo na dun sa mass system ng nga bus sa ibang bansa gaya ng Hong Kong.

FT: Halimbawa po elevator pag ako ay nasa ground floor ang punta ko ay 8th floor bakit naman ako titigil sa 5th floor diresto na lang ako sa 8th floor.

KE: Hindi kaya maligaw dito at magkalituhan?

FT: Sa unang linggo may kalituhan yan ngunit masasanay po tayo diyan may mga tao naman tayo bukas may mga placards po yun may mga signage para makatulong.

KE: Chairman sasamatalahin na rin namin yung pagkakatraong ito para idulog sa inyo yung ilang itinatawag dito sa Radyo ng Bayan. Kasi ang sabi ng ibang motorista tungkol naman dun sa isyu sa U-turn slot marami pa din nagkaka-problema lalo na dito sa may bahagi ng Quezon Ave. at yung mga dapat buksan mgakaroon ng U-turn slot ito ho ba ay pag-aaralan ng inyong ahensiya?

KE:  Continuous tayo diyan pero kung ang itinutukoy niyo ay sa Q.Ave. pinag-aralan din ang prinevent natin diyan ay yung mga sagian, banggaan. Ang U-turn slot meron point to point kung galing ka ng Q.Ave. mag-u-u-turn slot ka kakaliwa ka. Yun namang galing ng kaliwa kakanan ka so may conflict sa traffic management. Kung nagbanggaan yun mas malaking trapik ang idinudulot sa Q.Ave na-avoid yun kaya lang ang kapalit nun mahaba-haba yung iikutan nila. Ang remedyo namin dun inadjust namin yung U-turn slot ng Lung Center. Ang karamihan na nagrereklamo dito ay yung may personal na pakinabang yung convenient na mas malapit. Ang dapat nating maunawaan dito ay yung long run sa ating mas nakakarami  at yung mas nakikinabang ang naisip po natin dito bagamat may personal na tatamaan kung ang pangkalahatan ang ating isipin ay mas mapapakinabangan ay mas maganda po yan.  Simula nung sinara yung U-turn slot sa Q.Ave Edsa wala pa hong banggaan dati-rati pag may banggaan tayo it will take us more than 45mins. to clean up the area may imbestigasyon, magto-towing hindi naman malalakas yung banggaan diyan kaya lang nagdudulot ng trapiko dahil two lanes lang tayo diyan sa service road.

KE: Ibig pong sabihin Chairman itong 2013 ipagpapatuloy po bang ipatupad yan?

FT: So far wala namang trapik dun sa area kung some other can prove it otherwise nagkaroon lang talaga ng readjustment dun sa mga mindset ng ating mga driver nalalayuan po sila pero mas naiiwasan yung aksidente.


KE: Yung nga po ata ang naging reaksiyon diyan ng mga motoristang apektado.

FT: Ang nagrerekalamo diyan ay motoristang apektado ibig sabihin po nun parang pang-personal po yun.

KE: Maski ako po nung una talagang ang sabi ko bakit ang layo ng iikutan ko.

FT: Yung walang banggaan yun ang kapalit nun.

KE: Walang banggan and eventually maluwag na!

FT: Maluwag  po yung ilalim ngayon wala ng clogging doon  nagkakaroon lang ng clogging dun sa may Lung Center na inayos na natin yung mga jeep at hinuhuli ng LTO nung magsimula yun dahil na-o-out of line pero maayos na ngayon.

KE: Balikan ko lang itong bus segregation ano po  ba ang ating mga penalty dito sa mga driver magmamatigas ang ulo?

FT: P1,000 alam niyo mahihirapan din silang kung magmatigas sila ng ulo dahil sa nakapaskil po sa kanila A sa bus stop A. Ang pasahero alam na A baka mailto yung pasahero maraming hindi sasakay sa kanila. So wala pong reason na sumuway sila kay naglagay kami ng sticker sa White Planes na laging nagdudulot ng trapiko dahil sa tagal ng mga buses dun hinhingi muna namin yung prangkisa nila bago namin ibigay yung sticker.

KE: Dito naman sa panig ng  mga pasahero dun sa mga medyo hindi pa makukuha agad yung bagong scheme na ito meron bago kayong paalala din.

FT: Gamitin nila yung Bus C all stop yun mabagal nga lang yun.

KE: Meron palang Bus C.

FT: Lahat po ngayon ay Bus C lahat ng bus stop tinitigilan kaya matrapik yung nagco-commute nahihirapan dahil kumbaga sa elevator lahat ng floors titigilan. Eto ngayon alternate na lang so yung bus C yung mga nalilito dun nalang sila sumakay kaso nga lang 10% lang ito availability nito.

KE: At matatagalan talaga sila sa kanilang paroroonan.

FT: Kagaya nga ng elevator parang pinindut mo lahat ng floor bago makarating sa 8th marami ka pang titigilan pa.

KE: Bago namin kayo pakawalan makikibalita lang kami sa number coding ngayong Pasko hanggang bagong taon?

FT: Wala pa tayong announcement diyan pero usually po pag holiday yun po ang i-a-announce natin.

KE: Ang Metro Manila Film Festival ano po ang iyong mai-aanusiyo?

FT: 23 ang simula ng ating parade and then 25 yung simula ng mga palabas.

KE: Maraming salamat po!

FT: Maraming salamat at mabuhay po kayo!







Lunes, Disyembre 10, 2012

Sec. Proceso Alcala (Dept. of Agriculture) Kalye Escalera Interview Dec. 11, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Sec. Proceso Alcala (Dept. of Agriculture) Kalye Escalera Interview Dec. 11, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sec. Alcala magandang umaga po! Live po kayo sa 738 Kalye Escalera ang makakausap niyo si Kuya Marlo D., si Ms. Tea at Jedah Legazpi!

PA: Magandang umaga po sa ating buong tropa! Ano po ang assignment ko?

KE:  Ang assignment ko po sa inyo ngayon ay ano ho ba ang mga estado ng mga pagkain natin  ang matataas ang konsumo sa araw ng Pasko, bagong taon at iba pang oksayon kagaya ng fiesta ni Mama Mary?

PA: Makakaasa po kayo na may sapat na suplay kahit unahin natin yung pangunahing yun pong bigas may enough supply. Siguro napapansin ninyo na hindi nagkakaroon ng pagbabago ang pagtaas. Yun namang karneng baboy at manok kausap natin yung nga livestock grower natin nangako sila ng steady supply at hindi sila magbabago ng presyo. Ang may konti lang pagbabago siguro alam niyo po yung gulay pag di Christmas nagtataas ng konti. Pagsapit na ng kapaskuhan at yung mga bahay may mga karne medyo bumababa ang presyo niyan.

KE: Kasama po ba sa tumataas pag pasko yung sa gulay yung kangkong?

PA: Hindi naman yung mga broccoli, patatas kasi ginagamit sa sa salad yung mga high value po yan before Christmas. During Christmas hanggang between ng bagong taon medyo bumababa ng presyo ng gulay kasi majority kasi sa mga bahay-bahay may karneng baboy, manok, baka.

KE: Ito pong suplay na ito ang ating binabanggit dito ay yung locally produced hindi pa kasama yung mga dumadaan sa gate ni BOC commissioner Biazon ?

PA: Tama po kayo?  ito po ay local products ay galing sa mga magsasaka at mangingisda.

KE: Eh di lalo lang mas dadami kung atin pang titignan yung mga pagdaong ng mga dambuhalang barko diyan sa pier?

PA: Alam niyo malaki na ang ipinagbago ng sistema buhat ng nagkakaroon po tayo ng access nasisilip ng inward, forward manifest ng mga agricultural products.

KE: May kopya na kayo ng papel na pinapasa ng mga importers sa customs at copy furnish na ng DA?

PA: Puwede pong tignan ng mga tao namin dun sa pier at kinokpoya manually yun yung napagkasunduan kasi they cannot provide that with a copy dahil violation po yun.

KE: Dati ho ba Sec. talagang wala hindi niyo nakikita?

PA: Totally walang-wala ang ginagawa namin pag alam naming agricultural products ina-alert namin nakikita namin kung dadalhan po talaga hindi dumaan sa regulasyon at hindi ibinayad sa tamang buwis ay marami tayong nahuhuli ngayon.

KE: Dito sa agricultural products na inangkat pangunahin dito yung mga karne kagaya ng Peking duck.


PA: Alam niyo po yung peking duck bawal yan sa atin dahil mostly nanggagaling sa areas na hindi bird flu free yun po ang ating ikinakatakot malaki masyado ang ating taya diyan  kaya hinihigpitan yan.

KE: Parang ina-advice niyo na maging cautious yung ating mga kababayan kung sila ay nagbabalak na maglatag o maghanda ng peking duck sa Noche Buena?


PA: Yun naman ay depende sa kanilang pagluluto alam niyo yung point of entry natin talaga ating hinhigpitan. Kaya naman nating mag-produce dito ng peking duck.


KE: Yung peking duck ba ay ang bersiyon niyan sa tagalog ay mga itik sa Taguig at Pateros?

PA: Hindi po  iba klase ito, ito yung lumalaki at ito ay 60 days ay malaki na sa mga Chinese restaurant.

KE: Mapunta naman tayo Sec. sa kalagayan ng ating mga kababayan na nasalanta ni Pablo sa latest na pagtaya ninyo sa sector ng agrikultura magkano na ang halaga ng na-damage nitong si Pablo?

PA: Malaki na po actually ang total damage as of yesterday 12 noon nasa P11,231,609,000.00.


KE: Ito na ba yung pinakamalaki dito sa nakalipas na nagdaang malalakas na bagyo?


PA: Halos magkaabot sila nung si Sendong medyo may kalakihan din yun almost P14B.


KE: Sana ngayon po huwag umabot .

PA: Ang pinakamalaking sira nito ay sa banana industry.

KE: Papano yan tayo ay nagluluwas ng mga saging sa ibang bansa papano yung sec. kung hindi natin ma-meet yung ating requirements o quota para sa kanila?

PA: Yung nga ang ikinakatakot ko hindi tayo maka-deliver ay makausap nila ang Ecuador dun na sila titigil sa pag-order. Ang ating ginagawa ngayo n ay ine-integrate natin yung mga hindi tinaman kagaya ng region 10, 12 at ARMM at sa ganun ay tulungan natin yung may mga kontrata sasapat man kahit 50% to 75% meron tayong madeliver.

KE: Papano naman yung local demand   baka may magsamantala sa papalapit na pasko ang panahon ngayon at alam niyo pag ganitong okasyon ang saging hindi nawawala sa hapag kainan.

PA: Tama po kayo usually itong cavendish ay ang requirement nito ay sa abroad.

KE: Hindi naman masarap yan malalaki lang tignan yan takaw tikim lang.

PA: Tama po kayo pero ang gusto natin at tayo ay nandito gusto po natin ng lakatan o kaya ay saba pero may nasira din diyan asahan natin na may pagababago ng presyo sa local.

KE:  Yun pong export natin ng saging talagang apektado ano po yung hakbang ng Dept. of Agriculture para kahit papano naman ay tayo ay makahabol?

PA: Yun pag-integrate natin dun sa ibang hindi tinamaan para makapag-deliver tayo kahit papano whatever the volume sana maunawaan naman  na ginawan ng paraan. Dito sa talagang nasa industriya ng saging ay may order na po ako nung pagpunta namin ni Presidente dun sa mga tao ine-integrate po naman kung ilan yung puwdeng bilhin ng pamahalaan dun sa mga tissue culture para mai-replant. Yung araw na ito yung panel ng experts may meeting para may isang sitema pa rin yung mga nasalanta kung ito ay pababayaang mag-shoot kung saka-sakali ito ay dapat naka-align na. Ano yung advantage at disadvantage ano po yung intervention ng pamahalaan para matulungan sila within the day po maiintindihan po natin.

KE:  Ano po yung halaga ng napinsala o ikanalugi natin sa banana industry dahil kay Pablo?

PA: Sa banana industry ay P7,362,000,000.00 napakalaki po pati yung po yung coconut ay ang sira ay P766,000,000.00 yung Davao Oriental ay sila ang nagpro-produce ng coconut. Yung ibang coconut diyan ay will take 2 years yun iba naman ay 1 year to recover. Yung Phil. Coconut Authority po ay nag-aayos kami ng program kung saan puwede kaming magsulong ng fertilization at pag-i-interpret under the coconut para habang hinihintay nating mamunga muli ay mgakaroon po ng hanapbuhay.

KE: Finally Sec. ano po yung tulong naihatid ng DA dun sa mga nasalanta ngb bagyong Pablo?

PA: Tungkol sa rice at corn meron po kaming idine-deploy na ngayon at yun din mga naputol na niyog ang Phil. Coconut Authority ay using yung mga confiscated power saw ay gagawin ng coconut lumber yung mga punong bumagsak para mapakinabanagn ng mga nasalanta sa bagyo.

KE: Maraming-maraming salamat po sa inyo Sec.!

PA: Maraming salamat po sa inyong lahat!

Linggo, Disyembre 9, 2012

Executive Director Benito Ramos (National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)


Executive Director Benito Ramos (National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Kalye Escalera Interview Dec. 10, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Director Ramos good morning po!

BR: Magandang umaga po sa ating mga kababayan!

KE: Kami po ay live dito sa Radyo ng Bayan sa 738 Kalye Escalera si Marlo Dalisay si Ms. Tea at si Jedah Legazpi ang inyong makakausap. Sir ano ang latest dito sa body count ng mga nabiktima ng Pablo yun pong mga namatay.

BR: Dumadami naka-recover tayo kahapon ng bodies yung Armed Forces tumaas ito 647 ang count. Ito naman missing medyo nabawasan na 780 ang still missing.

KE: Itong mga data na ito saang probinsiya ang sakop nito?

BR: Ang pinakamarami dito ang Compostela province at yung Davao Oriental lalo ng yung tatlong munisipyo ng Boston Capiil at Baganga. Dito naman sa Compostela province dun sa New Bataan yan ang hardest hit.

KE: Sinabi niyo hong hardest hit ano na po ang ginagawa ng ating ahensiya ngayon in terms of yung pagtulong naman sa mga biktima.

BR: Ngayon ay tuloy-tuloy pa rin yung relief operations ng Armed Forces umabot na doon sa tatlong isolated na tatlong munisipyo yung barko ng Navy at yung Coast Guard. Itong Air Force naman depende ito sa climate kasi kung maulap ay hindi natin magamit itong helicopter hindi makita ng piloto yung bundok ito yung Mt. Diwata at Mt.Diwalwal yung army ay naglalakad papunta sa isolated area.

KE: Nabanggit niyo po Director Mt. Diwalwal alam natin na maraming mga mining operation diyan. Ito ho bang mga biktima natin ay kinabibilangan ng mga workers ng mga mining site?

BR: Yung iba diyan na landslide at na washout kasama na po sila.

KE: Pero wala namang naiwan sa tunnel na hanggang ngayon ay hindi pa nakakalabas?

BR: Bago nag landfall ay na-inform naman sila halos araw-araw Nov. 20 palang nga-warning na tayo. Nasa Marshall Island palang ang bagyo nag-warning na tayo umabot diyan sa Caroline Island pagkatapos yung Palau yan ang boundary natin. Ang importante yung gaano pa ka-prepare ang ating local na pamahalaan at mismo yung taon bayan. Kagaya nito si Pacquiao nag-training ito lucky punch ito dahil sa lakas ni Pablo overwhelm tiwarik yung evacuation center kagaya ng gymnasium yung eskuwelahan pati munisipyo let us accept it itong nangyaring ito let us not blame each other.

KE: Mga kailan magtatagal Director ang inyong search and rescue?

BR: Wala tayong definite time nai-hold na ito ang mag call off nito ay man on the ground Lieutenant General Jorge Segovia Eastern Mindanao Commander he has the operational control of overall Armed Forces, Navy, Airforce, Army lahat ng ito kasama na rin ang Coast Guard at PNP for the purposes of rescue, relief, retrieval operation.

KE: Ano pang complain ang inerereklamo sa inyo ng mga biktima na nakakausap niyo na survivor?

BR: Mabagal ang relief operation sana maitindihan ng ating mga kababayan na hindi ganun kadali kasi nawasak ang mga kalsada nuasad din yung tulay. Itong helicopter anim makalipad lang ito pag-clear ang weather pag maulap ipagpaumanhin po dahil risky ang piloto natin.

KE: Kumusta po yung paghahanda ng Pilipinas sa pagpapakawala ng missile ng NoKor?

BR: Naka red alert tayo ngayon yung window time nila mula ngayon hanggang 22 nakatanggap kami ng information kahapon na i-postpone muna for unknown reason. Definitely yung 10 hindi matutuloy sa ngayon.

KE: Yung 11 hindi rin matutuloy?

BR: Hindi natin alam kung itutuloy nila bukas dahil indefinite ito we have (DAFA) Defense Armed Forces Attache South Korea ito sila ang nagmo-monitor sa North Korea kasama yung DAFA natin sa Japan at itong Department of Foreign Affairs natin.

KE: In-effect na ba director itong rerouting sa mga flights?

BR: Hindi pa ngayon dahil wala pang definite time bibigyan naman tayo abiso nito hindi naman sila puwedeng magpalipad diyan kung walang information lalo na dito sa Pilipinas dahil dito ang bagsakan ng mga debris.

KE: Ibig sabihin lifted muna yung red alert status?

BR: Hindi naka red alert kami dahil kay Pablo.

KE: Pero hindi dun sa rocket launch ng North Korea?

BR: Yes kasama ko rin yung technical working group kay Pablo the same people na katabi ko sa operation center.

KE: With that Director Ramos ang hihingiin na lamang namin sa inyo ay kung meron kayong gustong ipaabot na impormasyon dito sa mga tinutulungan natin sa mga nabiktima ni Pablo?

BR: Oo lalo na sa ating mga kababayan diyan sa Mindanao kaya yung office of Civil Defense ng region 9, 10, 12 at Autonomous Region for Muslim Mindanao ay meron na silang puwersa na pumupunta diyan at tutulong sa Office of Civil Defense region 11 dahil duyan ang hardest hit. So sa ating mga kababayan naman volunteer groups ay yung mga may ginintuang puso idiretso na lang natin yung tulong natin sa DSWD dahil yan ang patakaran ngayon one stop shop all local, national and international assistance i-enforce natin sa DSWD para sila ang accountable at responsible.

KE: Usec. before we let you go dahil maraming namatay diyan sa bagyong Pablo meron po bang mababago sa kahandaan sa kalamidad ng NDRRMC?

BR: Yung preparasyon natin ipagpapatuloy natin para maibsan yung paghihirap ng mga kababayan ngayon diyan sa evacuation center.

KE: Alright maraming salamat po at magandang umaga at good luck sa mga efforts niyo diyan sa NDRRMC!

BR: Maraming salamat po!











Lunes, Nobyembre 19, 2012

Congressman Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara (Lone District of Aurora) Kalye Escalera Interview Nov. 20, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Congressman Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara (Lone District of Aurora)
Kalye Escalera Interview Nov. 20, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Congressman Angara magandang umaga po!  Live po kayo dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan, Marlo Dailsay po at Jedah Legazpi ang inyong makakausap.

SA: Magandang umaga!

KE: Ano ang pinal na napag-kasunduan ng mga mambabatas kahapon dito sa panukalang ito Cong. Sonny at kung ano ang magiging epekto nito sa ating mga estudyante lalo na sa mga nag-aaral sa public schools?

SA: Ang epekto niyan ay hahaba yung school cycle natin dati ay 10 years ngayon ay gagawin ng 12 years at posible ding umiksi ang kolehiyo. Dahil ayon sa datos mas maraming porsiyento ang hindi na nakakatuloy sa kolehiyo. So gusto natin silang bigyan ng dekalidad na edukasyon habang sila ay bata pa I think yung datos is 1 in 5 lang ang nakakatapos ng kolehiyo. Tayo na lang sa buong mundo isa sa tayo sa tatlong bansa na may 10 years cycle kumbaga nahuli na tayo dito sa repormang ito na matagal ng hinahangad ng ating gobyerno ng mga education experts na talagang panahon dahil yung mga graduate natin sa high-school yun ang mga hindi nakakakuha ng trabaho karamihan. Dahil unang-una namatay na yung manufacturing sector natin wala na tayong masyadong mga pabrika doon na sana magta-trabaho ang mga high-school graduate dahil hindi na masyadong kailangang ng advance na training. And yet yung agricultural sector medyo nababawasan na rin yung empleyado dahil hindi po din siya masyadong masigla. So ang nangyari nga walang masyadong trabaho para sa mga high-school graduate ang gusto natin dito sa dagdag na dalawang taon ay bigyang ng kasanayan o skilled training ang mga high-school graduate. Dito sa pamamaraan na ito ay mas maging competitive sila kung ikukumpara nila sa ibang mga maghahanap ng trabaho yun ang ninanais natin.

KE:  Pero meron lamang akong konting clarification Cong. Sonny dahil ito po yatang pagdagdag ng school year ay ipinatupad na po ng DepEd nitong June ng kasalukuyang taon. Yung batas na dapat maging gabay ay panukala pa rin lamang at  kapapasa pa lamang sa third reading diyan sa Kamara wala ho ba itong magiging problema?

SA: Yung inimplement na ngayon ng DepEd is yung universal kindergarten at inisa na lang yung numbering ng mga school years natin. Hindi pa puwedeng i-implement hanggat hindi pa naisasabatas itong K+12 itong pagdagdag ng dalawang taon.

KE: So high school po ay mananatili pa ring apat na taon?

SA: Sa ngayon po habang hindi pa ho ito batas.

KE: Dito naman ho sa total napapag-usapan naman natin ang edukasyon at nitong mga nakaraang araw nga ay maraming pumutok na balita. Hindi ho kagandahan na yung ating mga teachers lalo sa bahagi ng Mindanao ay nabiktima ng pyramiding scam kayo ho ba kung saka-sakali na magle-level up na kayo at lilipat kayo from lower to higher house ano ho ang inyong naiisip tungkol sa mga problemang ito?

SA: Unang-una hindi pa natin masyadong iniisip yung paglipat dun dahil matagal pa naman ang kampanya. Siguro puwede nating repasohin ang mga batas para sa mga proteksiyon ng mga investors  meron tayong mga batas diyan yung securities regulation laws yung consumers code of the Phils. Siguro tignan natin kung may pagkukulang sa ilalim ng batas kung sapat naman ang batas at  nagkulang naman yung otoridad. Sa ngayon sinusubaybayan po natin yung imbestigasyon na ginagawa ng NBI at DOJ.

KE: Cong. Sonny marami sana akong itatanong sa inyo kaya lang ang programa natin hanggang alas-nuwebe lang.  Pupuwede ho bang sa Huwebes ay tawagan ho muli nami  kayo para maipagpatuloy ang ating usapan?

SA: Sa Huwebes may nag-imbita po sa akin na maging guest speaker sa isang paaralan dun sa bayan na yun. Kung saka-sakali hindi tayo matuloy puwede ho siguro magtawagan  na lang tayo sa inyong staff.

KE: Sige po Cong. Sonny maraming salamat at magandang umaga sa inyo!

SA: Maraming salamat!


Ms. Maricar Bautista (Asst. Vice President for Corporate Communications-PAGCOR)


Ms. Maricar Bautista (Asst. Vice President for Corporate Communications-PAGCOR)
Kalye Escalera Interview Nov. 20, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Ms. Maricar Bautista magandang umaga po! on air na po kayo dito sa Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan with Marlo Dalisay and Jedah Legazpi.

MB: Good morning!

KE: Parang matagal-tagal na tayong di nag-kakausap, ano ba ang pinagkaka-abalahan ngayon ng Pagcor lalo pa’t  malapit na ang panahon ng kapaskuhan. Noong nakaraang taon kasi marami din kayong mga events na ginanap ngayon ba ay kagaya din dati?

MB: Yes kagaya din ng dati yan kasi yan ay annual event namin ang annual thanksgiving namin ang tawag diyan ay Pamaskong Handog ng Pagcor. In fact magsisimula na kami Nov. 29 hanggang Dec. 18 or 20 siguro over 40 institutions ang mapapasaya at mabibigyan natin ng regalo.

KE: Yung mga championships dito sa mga competition ng Pagcor kailan ba idadaos ito?

MB: Last Saturday ginanap na yung event coronation meron na  nga tayong Miss Casino 2012 along with 4 runner-ups. Yung Ms. Casino Filipino na yan ay ginawaran natin P500,000 in cash at P200,000 na ido-donate natin sa kanyang chosen charity and then mabibigyan din sila ng pagkakataong ma-interview magtrabaho sa casino at sa Pagcor.

KE: Nasa kanila ngayon ang choice kung sila ay sasama sa inyong grupo diyan maghahanap sila ng pupuwede nilang pagka-abalahan.

MB: Yes choice nila yun.

KE: Napag-uusapan ito ma’am itong choice ano? choice din kaya ngayon ng mga dating namumuno ng Pagcor na harapin o pagtaguan itong kasong kanilang kinakaharap lalo na ang mataas na kapulungan kongreso ay pumasok na dito. Napabalita kahapon na mga pahayagan na mukhang nagkaroon talaga ng ayusan o may kumita sa mga opisyal ng Pagcor na inyong sinundan?

MB: Actually yung una naming pahayag kami ay nagulat din sa incumbent management. Gayun paman we welcome itong mga ginagawang imbestigasyon para talagang matumbok na kung ano talaga yung pinagmulan at nangyari noong nakaraang administrasyon.

KE: Ito bang si G. Rodolfo Soriano na sinasabing consultant ni dating Pagcor Chairman Genuino mero na ba kayong alam sa whereabouts nito ngayon?

MB: Wala kaming alam noong pumasok kami diyan 2010 actually hindi ko siya nakita at gayudin ang mga kasamahan ko hanggang ngayon wala kaming alam kung asan sila.

KE: Itong pagkaka-diskubre sa pagkakasiwalat nga nitong reuters dito sa $5M na suhol dito kay former Chairman  Genuino. Itong mga datos ba dito ay kasama sa inyong mga gagamitin para ipatuloy ang pag-uusig dito sa mga opisyal na ating napapag-usapan?

MB: Si Atty. Jay Santiago our chief legal counsel will coordinate and write a letter to NBI and DOJ para humingi ng tulong para makipag-ugnayan sa FBI na I understand na gumagawa rin ng imbestigasyon. Sa tulong ng NBI at DOJ ay makapag-coordinate tayo sa kanila at willingly tayo makikipag-cooperate kung anuman ang kailangan nila para masulosyunan itong kasong ito.

KE: Pero kung anuman po ang madidiskubre pa na kaakibat sa paghingi ng tulong sa DOJ at NBI ay ano po at kung meron na ay ano ang magiging epekto nito sa mga proyekto na isinusulong ngayon nitong si Chairman Naguiat?

MB: Pertaining to this particular case kay Okada kung mapatunayan na talagang may naganap na  bribery noong nakaraang time na na-acquire niya yung lisensiya. Then maaring kanselahin na yung kanyang lisensiya siyempre dadaaan siya sa due process ang stand ngayon ng management.

KE: Yun ang direction na tina-target kumbaga ay ganap ng malinis itong ganitong uri ng transaksyon diyan sa Pagcor.

MB: Yes!

KE: Siguro sa panghuli kumusta naman ang kita ng Pagcor dito sa huling dalawang quarter although itong Dec. hindi natin mababanggit sapagkat patapos palang ang taon?

MB: Yung 3rd quarter malaki yung inangat ng kita ng Pagcor compare to the previous year alam ko umabot yan  ng P4.3B ang laki ng kita ng Pagcor. Kapag mas malaki ang kita ng Pagcor mas malaki din ang contribution na naibibigay natin dahil meron tayong mandated contribution na ibinibigay for example 5% sa BIR, 50% sa National Treasury and 5% sa BSP at sa iba pa.

KE: With that ay siguro pansamantala pakakawalan na muna namin kayo sapagkat alam namin na abala kayo sa paglista ng inyong papadalahan ng Aguinaldo ngayong Pasko. Maraming salamat at magandang umaga!

MB: Maraming salamat at magandang umaga din!





Linggo, Nobyembre 11, 2012

Atty. Hernando Cabrera (Spokesperson-LRTA) Kalye Escalera Interview Nov. 12, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Atty. Hernando Cabrera (Spokesperson-LRTA) Kalye Escalera Interview Nov. 12, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan
 
KE:  Atty. Cabrera magandang umaga po! Live po kayo sa dito sa 738 Kalye Escalera si Marlo Dalisay at si Jeddah Legazpi po ang inyong makakausap live sa DZRB sa Radyo ng Bayan!

HC:  Marlo, Jeddah good morning at sa ating mga tagapakinig!

KE: Ang una naming ihihingi ng paglilinaw sa inyo sposkeman Cabrera ay itong nabanggit ni Sec. Abaya ng siya ay dumalo diyan sa pagdinig ng budget ng DOTC. Sigurado ho ang pagtataas ng pamasahe ng LRT at MRT sa darating na taon at meron na kayong natatantsa kung kailan uumpisahan?

HC: Sabi ng  DOTC through Sec. Abaya tuloy ang ating fare adjustment kaya lang unang-una wala pa yung specific date nito. So tinitiyak natin na Jan. 1 ay wala pa kasi may umiikot na balita na nagsasabi na Jan. 1 nga meron. Actually wala pa specific date pangalawa wala pa rin yung actual final na tinatawag nating fare matrix yung kalalabasan ng pamasahe natin yung station to station basis wala pa yung ganun. Ito ay ipapa-finalize pa natin and then ipu-publish din naman natin itong magiging fare matrix natin.

KE: Ano po ba usually ang basehan ang pag-adjust natin ng pamasahe kagaya rin  ba yan ng ilang transport sector na pinapakinggan ang hinaing ng mga mananakay. Pinapakinggan din yung sinasabi ng mga taong nasa likod pagse-serbisyo sa publiko?

HC: Tama yun nangyari na yan ating public consultation actually itong fare adjustment na ito last year pa ito na-approve to mga February. Kasama sa approval process idaan ito sa public consultation nagkaroon tayo ng dalawang araw kasama yung mga estudyante lahat na mga active na students group. In another day yung mga labor groups naman ang sumama sa ating public consultation, aside from that dinaan din natin sa konsultasyon sa LTFRB.

KE: Ano yung partikular na aspeto na kinunsulta niyo sa LTFRB iba po yung sistema dito pagkat ang mga tren po natin pinapatakbo ng kuryente. Ang LTFRB diesel fed sasakayan yung pinapangasiwaan nila?

HC:  Ganito yan yung authority mag-set ng fares para magkaroon ng fare adjustment ay nakasalalay yan sa power ng LRTA at sa DOTC. Walang nakalagay dun na kailangang aprubahan ito ng LTFRB ang nakasaad lang sa batas ay sa anumang fare adjustment ito ay aprubahan ng LRTA board at ikunsulta sa LTFRB. So consultation lang ang ginawa natin sa LTFRB kasi wala sa jurisdiction kung tutuusin ang rail transport ang jurisdiction lang ng LTFRB ay sa land transport na yung gulong nga na goma. Nakalagay dun sa kanilang mandato na while sa kanila ang road transport nakalagay dito yung exemption ng railroad transport. Kaya lang pagdating sa fare adjustment kailangang ikunsulta sa kanila ganun ang nangyari. After nung public consultation ipinunta natin ito sa LTFRB at ang nangyari nga nagbigay naman nag LTFRB ng kanilang concurrence.

KE: Akala ko kasi kanina naiisip ko aba kinukunsulta  kako nila Atty. Cabrera ang LTFRB baka hindi kaya sila makipag-kumpetisyon dito sa pamasahe  ng mga rubber  base na mga uri ng transportasyon?

HC: Hindi naman consultation lang talaga wala silang authority kung titignan mo yung naging proseso nun nakaraan. Kaya kinunsulta sa LTFRB para more or less hindi masyadong malayo yung kanilang magiging  mga fares sa road transport at sa rail transport para magingb reasonable ang ating fare adjustment.

KE:  Itanong po namin parang ngayon mas maraming volume ng tao na sumasakay sa MRT at LRT may extra ba tayong preparation kaugnay dito sa paglapit ng pasko?

HC:  Unang-una balikan ko yung naging policy ng DOTC sa fare adjustment nabanggit ko kanina yung dalawang factor yung una wala pang exact date at wala pang exact fare matrix at ang pangatlo ay isa sa mga kondisyon ni Sec. Abaya ay kailangan munang magkaroon ng improvement sa ating services. Dalawang aspeto ito yung long term at short term, yung short term natin ito yung panandaliang puwedeng matapos kaagad bago nating ma-implement yung fare adjustment  ito yung patakbuhin ng maayos ang ating escalator at elevators.  Tapos ayusin yung mga CR natin at pangatlo yung mga basic na services natin sa istasyon kasama na yung mga security services pag-improve sa mga teller natin at sa lighting bago tayo mag-implement ng fare adjustment. Pangalawa naman yung long term naman ito yung mga nangangailangan ng mahabang panahon para maisakatuparan una yung pagbili natin ng karagdagang bagon  hindi natin mabibili basta-basta yan. It will take time yung bidding process ide-design mo pa yan at ima-manufacture at yung delivery pa niyan manggagaling pa sa abroad yan. Aside from this yung mga rehabilitation project natin tulad sa line 1 pagpapalit ng mga riles natin alam niyo naman yung line 1 natin ay 30 yrs. old na yan matinding rehabilitation project na ang kailangan.

KE: Pakiramdam ko Atty. yung line 1 kumpara dito sa line 2 yung along EDSA parang mas steady ang takbo ng line 1 kumpara dito sa nasa EDSA. Kumabaga sa eroplano medyo shaky itong nasa EDSA yung nasa Taft naman steady.

HC: Actually ang problem natin sa LRT talagang sobra-sobra na yang tao na pasahero ang solusyon talaga sa line 1 at line 2 ay madagdagan yung mga bagon. So yan ang long term na projects natin ang kagandahan dito ay inuumpisahan na natin at sa MRT yung pangangailan natin ng karagdagang bagon . Pag naumpisahan natin yan luluwag kahit papano yan at bibilis ang takbo at hindi tayo matatambakan ng tao sa isatasyon. Sa line 1 naman may kakulangan na rin tayo ng tren diyan hindi na nating kailangang bumili ng bago ang kailangan lang rehab lang.

KE: Kailan mag-uumpisa itong biyahe ng  Taft Edsa na loop kasi dugtong na rin yung kanilang mga riles pero yung biyahe na loop parang hindi pa matuloy-tuloy?

HC: Tatlong phases kasi yan unang phase  apat kung tutuusin ang unang phase niyan ay yung pagdugtungin mo yung riles. Nagdugtong na yung riles ng line 1 at MRT 3 so tapos na tayo diyan second step mag patayo ng isang transport station na kung saan yung mga tao ay puwedeng magtagpo sa isang istasyon kasama ng pasahero ng line 1.

KE: Bakit Atty. hindi na lang puwedeng magtuloy-tuloy yung tren total dugtong na rin yung mga riles?

HC: Stage 3 yan explain ko muna yung stage 2 natin ay yung magtatagpo yung pasahero natin ng dalawang linya sa isang common station. Ang pangatlo yung tinatawag natin na  total na yung integration natin ibig sabihin yung line 1 puwede ng tumagos sa MRT 3 matagal na process dahil magkaiba ang kanilang signaling system  kailangan ng matinding project at funding para ma-assimilate mo yung signaling system nila. Pangalawa magkaiba ng automatic fare collection system nila so hindi pa integrated yung mga ticket. In the meantime ang puwede nating gawin na pinaka-convenient ay gawin muna yung common station at isusunod yung phase 3 yung total integration.

KE: Tagpuan ang tawag dun sa phase 3.

HC: Ang mangyayari diyan sa phase 2 na yan flatform to flatform transfer ang objective natin ibig sabihin lilipat ka lang ng tren di ka na masaydong maglalakad ng malayo. Kung makikita mo sa Cubao station at line 2 napakalayo ng lalakarin mo para lumipat ka ang objective natin diyan ay flatform to flatform transfer para maging convenient sa ating mga pasahero.

KE: Ok with that siguro bibitiwan muna namin kayo Atty. Cabrera sapagkat nauubusan na rin tayo ng oras. Ang importante po ay naipalam natin sa publiko na yung sinasabi na fare adjustment sa MRT at LRT ay wala pa tayong eksaktong petsa at ekasaktong halaga kung magkano talaga ang idadagdag ng ating mga mananakay dito sa kanilang budget sa pagsakay sa mga tren na operated ng ating pamahalaan. Maraming salamat po at magandang umaga sa inyo!

HC: Magandang umaga  po at maraming salamat po!


Lunes, Oktubre 15, 2012

Dir. James Jimenez (Education and Information Dept.-Commission on Elections) Kalye Escalera Interview Oct. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Dir. James Jimenez (Education and Information Dept.-Commission on Elections) Kalye Escalera Interview Oct. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Director James Jimenez, Good morning po!

JJ: Good morning po!

KE: Ang una kung tanong yung kahapon ba na dalawa itong 1-Care ba yun at tsaka yung isa pa na hindi na puwedeng tumakbo sa susunod na eleksiyon may kasunod pa o wala na?

JJ: Una yung na-disqualified kahapon ay yung Apec at 1-Care  hindi pa ito yung huli. Marami pa tayong isusunod na ipatatanggal at katulad nga ng sinasabi natin maglalabas tayo ng dina-disqualify natin hanggang sa wala na tayong ma-disqualify tsaka natin ilalabas yung natitira na accredited.

KE: Kailan ang huling araw na ilalabas niyo yung huling madi-disqualify?

JJ: Hindi ko masasabi depende po yan kasi parang ang isang kaso ay dine-deliberate hindi naman itong simpleng check off lang. Pinag-uusapan at pinagdede-batehan at lumalabas yung desisyon pagkatapos ng debate so hindi natin mao-orasan yun.

KE: At ito pong gingawa niyong pag-disqualify ay kung gusto ng mga affected parties na magpunta sa Korte Suprema para humingi dun ng ayuda ay pinapayagan niyo pa rin?

JJ: Malayang-malaya po silang pumunta sa Korte Suprema wala na rin naman sila maa-appeal sa Comelec.

KE: So pag nag-decide po ang Korte Suprema, ano ang magiging epekto nito sa unang desisyon ng Comelec? Halimbawa pomabor dun sa  nag-a-appeal yung desisyon ng Korte Suprema, ano ang magiging epekto dun sa nauna niyong kapasyahan na huwag silang isali?

JJ: Eh di mare-reverse po kami makakasali sila.

KE: Ok, hindi ulit kayo a-appeal sa Korte Suprema para igiit ang inyong dahilan para sila ma-disqualify?

JJ: Well sa tingin ko masyadong premature pag-usapan yan ngayon hindi po ba? Hintayin kaya muna natin na umabot dun and the we will decide when we get there. At this point hindi namin sasabihin kung eto ang gagawin namin ngayon pag ganito ang nangyari. Dahil sa dami ng posibleng mangyari parang premature pag-usapan yung ganun.

KE: Naalala ko ito yung spokesman ng Comelec, ito ang tanong ko naaliw ako sa sinabi mo kanina na talagang titignan niyo hanggang sa maubos yung mga party-list group na yan, hanggang wala na kayong ma-disqualify. Na-aliw ako talagang gusto niyo silang ubusin ano?

JJ: Napakahalaga po kasi na ibalik sa dati yung party-list system medyo lumawak masyado yung interpretasyon ng batas. Kaya nakita niya yung deliberation ng mga party-list organization so we really need to go through isa-isa hanggang sa hindi sumusunod sa essential ng batas talagang hanggang sa maubos po.

KE:  Pagkatapos alam ko in very general term gusto ko lang po itanong ulit baka sabihin ng iba pinag-iinitan lang kami. Ano yung inyong tinitignan yung mga walang katuturan yung talagang sinisipa na tama ba?

JJ: Ang sinisipa natin ay yung mga hindi kumakatawan sa tunay marginalized sectors. Ibig sabihin kapag yung nire-representa nila ayon sa batas at Korte Suprema may guidance kasi yun. So kapag ayon sa guidance na yun hindi sila pasok sa definition ng marginalized sector ay tatanggalin natin. Kapag yung grupo naman kinakatawan nga yung marginalized sector per yung kanilang pagre-representa naman ay kapos. Ibig sabihin wala naman silang naipa-pakitang ginawa para sa sector na yun wala silang ginagawang tulong ay baka matanggal din po sila. At pangatlo siyempre yung mga nominasyon at some point titignan din natin yan kung sila ba ay tunay na galing sa marginalized sector katulad ng inuutos ng batas.

KE: Ito po ang aking katanungan nagbabalak po kasi akong magtayo ng sarili kong party-list group. Paki-advice naman ako kung karapat-dapat na marginalized sector yung gusto kong katawanin. Ang gusto ko pong itayo ang pangalan ng grupo namin ay Kagwapuhang Bawal Rumampa o KABARU. Kasi po maraming kalalakihang nagtatago po sa closet marginalized po ba kami?

JJ: Very interesting po although yung KABARU na pangalan marami siguro ang tataas ang kilay diyan. Pero ganito po kung natatandaan niyo po yung grupong Ladlad ay dinala po kami sa Korte Suprema nung dineny namin yung kanilang petition for accreditation pero napagbigyan sila ng Supreme Court. Sabi ng Supreme Court marginalized sila kung ang ipre-presenta niyong marginalized sector ay kumakatawan sa mga karapatan at interest kasama po yata dun ang mga kagwapuhan nasa closet sa tingin ko po maari kayong mapagbigyan ng accreditation dahil ayon sa Korte Suprema yung LGBT ay isang marginalized sector.

KE: Sa ginagawang disqualification ng Comelec marami yung nagtatangka ng impeachment para kay Chairman Sixto Brillantes, ano po yung inyong masasabi tungkol dun?

JJ: Let them come, solid po yung grounds namin for doing what we’re doing and so far naging maingat kami na sundin lahat ng due process requirements. Kami ay confident na busisiin nila yung proseso wala silang makikitang ginawa namin na mali. Ang Chairman namin ay desididong isaayos ang party-list system at kami po ay sumusuporta sa kanya.

KE: Maraming salamat po Director James Jimenez ng Comelec!

JJ: Salamat po!


Lunes, Setyembre 10, 2012

Asec. Tonisito Umali (DepEd) Kalye Escalera Interview Sept. 11, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Asec. Tonisito Umali (DepEd) Kalye Escalera Interview Sept. 11, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Asec. Umali, good morning po!

TU: Good morning po!

KE: Asec. marami po yung nagsuspinde ng kanilang klase at dun sa mga nakikinig sa atin na mga magulang, ano-ano ho bang mga schools ang walang klase ngayong araw dahil sa pag-ulan?

TU: Yung monitoring po natin ngayon sa Metro Manila particular sa Maynila ang nagsuspinde lamang po ng klase ay yung UST at ibang paaralan sa University Belt. Ang concern po natin sa kagawaran ng edukasyon ay yung hanggang high-school po lamang. Ang lungsod ng Maynila nakikipag-ugnayan po ang ating school division Supt. kay Mayor Lim ay wala naman pong ginawang pahayag ang sabi po nila ay mag-antay na lamang po ng anunsiyo kung meron man bago mag-alas onse. Ngunit ang sabi nila ay mukhang maganda naman at kaaya-aya ang panahon ay malamang wala hong suspensiyon na maaring gawin ngunit hintayin na rin natin kung meron.

KE: Kumusta po yung schedule ng make-up class sa panig ng Dept. of Education?

TU: Yung make-up classes natin ginagawa yan para matugunan yung sinasabi ni Bro. Armin Luistro yung 180 contact days with our students. Meron po tayong 200 calendar school days pag bumaba yan sa 180 dahil yung 20 ay naubos na sa pagsususpinde ng klase kailangan po nilang mag-make-up classes na. Ngunit yung iba maski hindi pa nauubos yung 20 days nagsimula na silang mag-make-up classes sa pamamagitan ng pagdadagdag ng isa o dalawang oras araw-araw o kaya sabado sila ay pumapasok.

KE: Yun po naman monitoring ng DepEd dun sa mga napinsalang school buildings bunga ng nararanasan nating malalakas na buhos ng ulan at gayon din sa lindol sa ibang panig ng bansa. Asec. kumusta na po ilan na po yung naapektuhan na school buildings ng Deped?

TU: Continuous po ang monitoring po natin diyan mahigpit may mahigpit na kautusan si Kalihim Bro. Armin Luistro na tignan yung mga lokasyon ng ibang paaralan na nasa geohazard na areas. Meaning maaring ngayon walang pag-ulan ngunit pag umulan ay magiging mapanganib sa mga mag-aaral. Ang instruction ni kalihim ay magpatayo ng additional classroom sa lokasyon na yan at sa halip ay maghanap ng ibang lokasyon na magiging mas ligtas para sa ating mag-aaral.

KE: Yun pong target ng ating pagtatayo ng mga bagong silid aralan ay mamimithi po ng inyong kagawaran sa inyong tingin Asec.?

TU: Opo at inaasahan natin sa pagpasok ng taong 2014 lahat ng kakulangan sa silid-aralan at matutugunan na.

KE: Mabuti naman ho kung ganun at napaka-good news niyan, Asec. di ko na kukunin yung marami sa inyong oras baka may gusto kayong iklaro sa ating mga kababayan na nakikinig ngayon sa mga estudyante at sa panig ng kanilang mga magulang?

TU: Nais iphatid ni Kalihim Bro. Armin Luistro ang taos pusong pasasalamat dun sa ating mga magulang, mga pinuno ng pamahalaang lokal na patuloy na sumusuporta sa kagawaran. Kami po ay nanawagan sa lahat ng ating mga kababayan na sinusuportahan ang ating kagawaran lalo na sa K to 12 na ating isinusulong at tayo ay nananalig sa suporta ng lahat na tayo po ay magtatagumpay, marami pong salamat at mabuhay po kayo!

KE: Maraming salamat din po Asec. mabuhay din po kayo at good morning!


Lunes, Agosto 20, 2012

Mayor Mon Ilagan (Cainta Rizal) Kalye Escalera Interview Aug. 21, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Mayor Mon Ilagan (Cainta Rizal) Kalye Escalera Interview Aug. 21, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE:Good morning Mayor Mon Ilagan?

MI: Yes Good morning Marlo!

KE: Si Ate Joee G. kasama ko rin dito, Ms.Tea at si Jedah napag-uusapan lang namin dito sa 738 Kalye Escalera na yung nararanasan nating pag-ulan ngayon ay halos patak-patak na lamang. Meron pa rin palang lugar diyan sa nasasakupan niyo na hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang baha?

MI: Meron pa ho siguro kaming more than 1,000 families andito ako ngayon sa evacuation center FPTI ito ay bahagi ng San Andres. Dalawa po ang klase ng evacuees dito yung mga nasa Kabisig elem. school at sa FPTI. Galing din ako sa may Karangalan dito namin nilagay sa Teachers Village kasi nagpapakain po ako ngayon sa mga evacuees more than 1,000 families pa ang affected. Dahil merong clean up ibig sabihin ang tubig sa Laguna Lake bumabalik sa amin and mostly affected is San Andres. Marami pa sa mga kababayan natin bagamat almost 2 weeks na na nakalipas na ang Habagat nanatili pa sila sa mga evacuation centers at patuloy naming sinusuportahan sa abot ng makakaya ng local govt. sa ng Cainta.

KE: Kilala kita mahilig kang maghanda lalo na sa mga ganitong pagkakataon na may problema tayo. Andami na naman daw bagyong darating, anong ginagawa mong paghahanda tungkol diyan?

MI: The usual tulad ng ginawa namin sa Habagat nung nagdaaang dalawang linggo naging maayos yung aming rescue team na ginawa. Prior to that  meron kaminng engineering yung dredging ng Cainta  river but I don’t say na to this point magiging effective dahil mataas po ang Laguna Lake is about 13 meters  and above  kami ay nasa 12.5 lamang kaya babalik sa amin. Kaya ang pinaghahandaan namin sa evacuation center at yung rescue just in case na tumaas ang tubig sa kanilang mga barangay ay meron  tayong equipment na puwedeng sumagip sa kanila. Pero ang ginagawa namin pag merong bagyo nagkakaroon na kami ng preemptive evacuation nagpapa-ikot na kami ta in-inform na namin ang mga tao na magiging malakas ang bagyo at tataas po ang tubig natin sa Marikina river. Dalawa po yung pinanggagalingan ng tubig namin sa Cainta kung bakit ganito nagiging catch basin kami, one yung tubig sa San Mateo at Montalaban papasok ng Marikina river , Marikina river will flow directly sa Manggahan floodway. The Other one coming from Antipolo pagkatapos po niyan ay diretso sa amin sa Cainta River. Kaya kami po ang sumasalo kaya nagiging mataas ang tubig namin.

KE: I’m sure naman na na pinaghahandaan mo talaga, wala ho bang problema sa inyong basura yung source po ng flooding sa inyong lugar hindi ho basura talaga yung ugat?

MI: Kasama na po dun magkakasama na po itong mga problema yung pick-up ng basura namin ngayon ay problema din. Kasi there are some areas na still flooded like in 47’11 subdivison. A-Prime ito ay may mga tubig pa ang ginawa namin nagbigay po kami ng mga bangka fiber glass naglagay din ako ng mga kahoy na tulay made up of coco lumber. Para yung mga street na affected nito  maaring gamitin ng tao yung tulay pina-ikot na namin ito sa subdivision para makatulong. Yung ibang mga tao they left already temporarily sa kanilang mag bahay sa iba’t-ibang subdivision they rented a place or they just go to the relatives.

KE: Ang iniisip ko dito ay ang epekto naman nung mga nasa larangan ng pagne-negosyo ng real estate diyan. Kasi nung hindi pa na-Ondoy at hindi pa sumapit itong Habagat talagang kabilang po yang inyong lugar sa mga nagbo-boom ang mga real estate business. Kasi nagtayuan diyan ang magagandang subdivision yung iba naman nag-umpisa ng magtayuan ng may kataasang gusali. Yun nga lang dahil dito sa nangyaring ondoy at Habagat ay parang tumumal yung ganyang klase ng negosyo diyan, Ano ang mga alternatives na inyong naiisip diyan?

MI: Parang tuloy-tuloy na sana yung boom ng negosyo kasi pumapasok na yung mga malalaking investments sa Rizal because we’re the gateway to the east in the province of Rizal na nadadaaanan. Hindi rin naman ganun din siguro kaapekto dahil there is only on barangay is really affected in that area ito pong barangay San Andres. Kasi ang sentro ng business district ng Cainta ay nandito sa barangay Santo Domingo and San Juan dito talaga yung malalaking  investments at yung mga subdivision. All in all we have 200 subdivision sa bayan ng Cainta so somehow yung mga affected area I think sanay na po talaga sila. 

KE: May biglang pumasok sa aking isipan na naalala ko kasi noon nung padating ako sa senado kayo naman ay paalis na dun. Nagbilang ako ng taon patapos na rin pop ala yung pangatlong term niyo as mayor. Ano ho ang susunod na plano niyo Mayor Mon?

MI: Actually nag-aaral po ako ngayon gusto ko naman magtuloy-tuloy sa public service sa gobyerno. Kung magkakaroon sana ng pagkakataon to go up sana for a higher position. Gusto ko muna sanang tumulong sa mga pa Usec-Usec muna.

KE: Ayaw mo ng Sec. Mayor?

MI: Medyo mahirap ho malaki ang responsibildad, I can contribute siguro yung experience kakayanan sa dati sa broadcast industry at pagkatapos as a local chief executive. Now I’m studying at Ateneo School of Govt. of Public Management ito ho sana ay ma-share ko sa mga kababayan natin kahit papano makatulong total bata pa naman tayo.

KE: Iniintriga ka ng ilang kaibigan mo diyan at sa ibang istasyon na telebisyon pinakita ang litrato nitong si Mayora Veron at napakaaga daw mangapanya, anong depensa mo diyan?

MI: Unang-una hindi pa naman siya official candidate yet siguro naman eh kapag ikaw naman ay may asawa rin o kayay ikaw ay nakaupo ay tutulong din naman.

KE: At ang tawag din sa yo pag ang mister mo ay mayor eh di mayora ka rin, yun naman talaga ang kagawian sa atin.

MI: Kasi naman meron pa tayong gustong tapusin na hindi ko matatapos under my term. Alam mo naman Phil. politics ay huwag ayoko niyan hindi natin sinimulan yan hindi natin idea yan kaya napuputol yung project. I would also understand yung political dynasty itself maganda yan kung talaga ang isang lider ay nagtratrabaho ng tuloy-tuloy yun ang positive political dynasty. Pero kung ang dynasty mo for the sake na you want to stay there na hindi ka naman nagtratrabaho for the benefit and welfare of your constituents eh that’s the problem. Ang mga bumabatikos alam  mo naman meron tayong kasabihan kapag ang puno ng mangga ay hitik na hitik sa bunga ay binabato yan kaya ang ano lang natin ay public service I would understand.

KE: With that ay siguro pakakawalan ka na muna namin kasi kinakapos na rin kami sa oras. Hanggang sa mga susunod na pagkakataon Mayor Mon Ilagan ng Cainta

MI: Maraming-maraming salamat sa inyo at sa pamamagitan ng inyong programa nabubuhayan kaming mga public servant. In your own little way napaparating namin sa aming constituents ang aming ginagawa, maraming salamat po!

KE: Magandang umaga po sa inyo!



Miyerkules, Agosto 15, 2012

Supt. Richard Schwarzkopf Jr. (Bureau of Corrections) Kalye Escalera Interview Aug. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Supt. Richard Schwarzkopf Jr. (Bureau of Corrections) Kalye Escalera Interview Aug. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magadang umaga po! paano po namin kayo tatawagin Spokesman o Supt. Schwarzkopf?

RS: Kahit alin po sa dalawa.

KE: Si Marlo Dalisay, Ate Joee G. at si Ms. Tea po ang inyong makakausap dito sa Radyo ng Bayan sa Kalye Escalera. Yun pong impormasyon namin na nakuha dito kay G. Go ay galing sa PNP. Ganun din po ba ang iyong impormasyon na talagang itong si Go at yung kanyang pamangkin na nurse niya ay nasa pangangalaga na ng mga otoridad?

RS: Kagabi  pa po ay naiparating na sa atin na sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan si Rolito Go.

KE: Papano po ito, papano niyo siya tinuturing ngayon kung takas ito eh di panibagong asunto ito at ang kanyang paglaya next year ay baka hindi matuloy?

RS: Yan naman ay ang pahayag natin kahapon na hindi naman natin dinidiscount kung sisilipin ang abduction. Subject for validation pa rin yan lahat considering na nasa pulis na yung pangangalaga dito kay Rolito Go hinihintay po natin yan at sila ang may karapatan magbigay ng tamang pahayag kung ano talaga ang naganap. Kung ayon sa katanungan niyo ay ito po ay posible na magkaroon kami ng pagsasampa ng kaso bakit  siguro sa magiging resulta ng investigation pero tulad ng naging pahayag natin kahapon pa kino-consider namin na escape prisoner pa po.

KE: Hindi na basehan dito kung siya man ay tinangkang kidnapin o kusa siyang umalis. Ang importante sa inyo ay yung pagpa-plano ng bagong asunto yung isampa sa kanya?

RS: Yan ay pinag-aaralan ng ating opisina sa ngayon at isasangguni natin sa legal office din po natin.

KE: Dito ho ba sa ibang nakakulong diyan sa NBP na umalis at na-recover at naibalik yung mga kagaya niyang lalaya na sa susunod na taon. Ano ho ang kadalasang magiging kapasyahan ng pamunuan ng BuCor sila ba ay pinatatagal pa o tuloy pa yung paglaya or on sched?

RS: Napapatagal po yan, may nare-recover  bumabalik dito kahit yan ay voluntary na bumalik dito sinasampahan po natin ng kaso yan. Hinahayaan natin ang husgado na magpasya sa mga kaso naisampa natin.

KE: Ang itatanong ko ngayonn yang karagdagang parusa kung sakali mga ilang years?

RS: Maximum of 6 years po yan.

KE: Additional six!

RS: Let say diyan po naglalaro yan.

KE:: At panibagong record yun kumbaga sa atin ay sa file 201 di ba?

RS: Oo!

KE: Sir yun pong sasakyan sa ginamit sa oras ng siya ay umalis hindi ho ba natukoy niyo na sasakyan ng pamangkin niya na nurse?

RS: Yung po ang pahayag kahapon sa atin ni Julie yung nanay na sa kanila ngang pag-aari yung saskyan na yun.

KE: Pero nung bumalik po sila nag-commute na lang meron ho ba kayong balita o nalalaman dun sa sasakyan ng nurse na kanilang ginamit nung sila po ay nawala?

RS: Wala pa hong pahayag na ibinibigay ang kapulisan sa mga bagay na yan. Naghihintay din po kami kung ano yung kanilang sasabihin.

KE: Meron naman po bang bearing kung ano yung kondisyon ng kanilang katawan ngayon na sila ho ay sugatan?

RS: Hindi ko pa po personal na nakikita yung taong nababanggit kaya hindi ako makapagbigay ng tamang pahayag. Pero kami po ay nakikipag-ugnayan din sa kanila sa ngayon at katunayan ay inaalam namin kung ano talagang oras dadalhin sa amin dito si Rolito Go.

KE: Mabuti naman at nagkataon na may natirang pera sa wallet yung dalawa dahil kung hindi ay hindi sila makakasakay ng bus na pabalik sa Muntinlupa.

RS: Yan yata ang naging pahayag nila.

KE: Speaking of taking a bus, meron po kaya silang dalang ticket pagbalik po nila at dapat tinatanong din yan. Asan yung ticket niyo kung nag-bus kayo, ano ang mga susunod na maaaring i-expect ng publiko sa mga nagpupunta sa NBP ngayon siguro mas hihigpitan ang seguridad at pagbabantay dito sa mga inmates natin diyan?

RS: Dito naman sa hanay ng BuCor ay talagang napakahigpit na po natin in terms security. Pero sa naganap na nangayari dodoblehin natin ang paghihigpit pa.

KE: Anong oras niyo bang inaasahan na ibabalik sa inyo si Rolito Go?

RS: Bago magtanghali o pagkatapos na ng tanghali.

KE: Nami-miss niyo na po ba diyan si Mr. Go?

RS: Lahat naman po ng binabantayan natin dito ay fair naman po yung ating nga trato diyan. Ang sa atin naman po ay hangad din natin ang kalayaan ng bawat isang inmate na narito.

KE: Inyo po bang mapapatunayan yung mga impormasyon din na nasasagap namin  na sabi ay napaka-galante na ra ni Mr. Go, ultimo yung mga inmates at taga-bantay ng bilangguan ay kanya hong pinapautang?

RS: Yang mga ganyang reports information po yan, yan po yung mga kaganapan nung mga nakaraan. Pero sinisiguro ko po sa panahon na ito kung ano yung mga nagaganap dati hindi na nagaganap ngayon.

KE: So totoo po yung dati?

RS: May mga ganun pong mga reports na lumabas sa mga nagdaang panahon.

KE:  Bago namin kayo pakawalan ay makibalita muna kami na kung ano na ang latest na nangyari yung bidding po ng catering services sa maximum security compound natapos na po ba ito?

RS: Hindi pa po, baka ito pong Sept. magkakaroon po tayo ng proper bidding.

KE: Uulitin po yung bidding dahil ang latest po yata ay is nag-fail po yung bidding na nauna ano po?

RS: Opo! kaya uulitin po natin.

KE: Alright! maraming salamat po!

RS: Sige po at magandang umaga po!





Lunes, Agosto 13, 2012

Commissioner Ruffy Biazon (Bureau of Customs) Kalye Escalera Interview Aug. 14, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Commissioner Ruffy Biazon (Bureau of Customs) Kalye Escalera Interview Aug. 14, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Comm. Biazon, good morning po!

RB: Magandang umaga sa lahat ng tagapakinig!

KE: Kayo po ay live dito sa Radyo ng Bayan 738 Kalye Escalera si Marlo Dalisay, Ms. Tea at si Jedah Legazpi ang nasa kabilang linya. Ang una siguro naming tatanungin ay kung ganap natukoy bago mag-imbestiga ang Senado ay nauna muna ang Customs ganap na ho bang natukoy talaga dito Comm. Biazon. Kung sino ang may kasalanan, may pagkukulang o nagpabaya sa kanilang tungkulin at itong bigas na ito ay nakapasok diyan sa port of Subic?

RB: Ang isang paliwanag ay ang SBMA at BOC ay nagtulungan na mahuli itong bigas na ito. Nakilala naman kung sino consignee dahil mau dokumento yan ang consignee ay yung Metro Eastern at yung shipper at ang may ari ay yung Amira Foods. Sa ngayon ang pag-uusapan ay sino ba ang posibleng kasuhan batay sa dokumentong hawak namin. Nakatuon ang pansin namin ay dun sa Metro Eastern at sa Amira.

KE: Dalawang grupo na lang ang maaaring mabigyan dito ng parusa, sermon o disciplinary action papano po?

RB: Ang parusa sa smuggling ay imprisonment at pag na-convict sila ay may mananagot na partido. With regard doon sa lumalabas na isyu dun sa imbestigasyon sa Senado parang sinasabing nagsasabwatan. Hindi pa namin matukoy sa aming bahagi kasi as far as we are concern nung kumilos kami may cooperation kaming nakuha sa SBMA. Kung tutuusin pa nga kung hindi sa cooperation na yun hindi kami magkakaroon ng jurisdiction na pumasok at hulihin yung kargamento.

KE: Kaya nga po ang SBMA ay Freeport.

RB: Dahil Freeport yan ay ang SBMA mismo nag-step aside at sinabing pasok na ang BOC kaya nakapasok kami at nanghuli.

KE: Ito bang consignee at yung isang grupong binabanggit niyo kanina ay sa record po ba niyo ay matagal na ito may mga dealings sa gobyernong Pilipinas kung ang pinag-uusapan ay pagpaparating ng mga inangkat na produkto?

RB: Itong Metro Eastern meron na siyang ibang importation pero lahat sa SBMA kasi locator yan ng SBMA pero first time sila na naging consignee ng bigas. Ito namang Amira first time din naming na-encounter na magkaroon ng transaksyon na ganito. Prominente daw ito na kumpanya ng grains sa bansang India kaya gayun din na prominente silang lumalaban ang kinukuwestiyon yung paghuli namin.

KE: Matindi pala ito Comm. sapagkat pareho silang first timer at kung sa lahat ng ebidensiyang hawak niya ngayon at leads na sinusundan niyo para mapatunayan o hanapin kung sino man sa kanilang dalawa ang may kasalanan. Ang punta nito ay siguradong maaapektuhan yung iba pang dealings nila dito sa gobyerno kung halimbawa sila ay accredited na nagpaparating ng ibang kalakal dito sa Pilipinas kung mapapatunayan na yan ay ipinuslit nila papasok dito sa loob ay pati yung ibang record nila sa ibang kalakal apektado at baka ma-blacklist sila?

RB: Maaari kasi yung record ng offense ay bahagi ng accreditation ng isang importer. Sa aming bahagi may inaalis kami list of accreditation ng importers. Kagaya nitong Metro Eastern SBMA locator yan so iba na ang may jurisdiction sa kanila pagdating sa negosyo nila. Only kung magpasok sila ng local consumption ng importation na papasok ang BOC.

KE: Dito po sa inyong tinatahak ngayon ay masasabi na kung ang pag-uusapan ay kung sino ang may pananagutan at may kasalanan ay off the hook na ang BOC, yung ibang kasamahan niyo diyan at pati na rin ang SBMA?

RB: Mula naman sa simula kami nga yung naghuli sana nga malaman na at maintindihan ng publiko na hindi dahil may imbestigasyon sa Senado ay parang may duda sa amin. Gusto ko lang i-correct yung impression ng iba na ang akala ay damay kami dito ang BOC kami nga ang nanghuli at simula palang bantay na kami sa kargamentong yan. At ng pumasok  na ang jurisdiction namin agad na nag-issue ng warrant of seizure and detention yung tauhan namin.

KE: Kung sakali lang po na mapapatunayan na talaga na yang mga bigas na yan ay ipinuslit at smuggled talaga. Pupuwede kayang  mag-rekomenda o magpasya na ipamigay na lamang yan dito sa mga nasalanta ng pagbaha?

RB: May prosesong pinagdadaanan bago puwede naming i-donate, kung hindi namin sundan yung prosesong yan ako ang madadali sa Ombudsman. Matapos na dumaan sa proseso pupuwede pero unawain din sana kami rin ay kikilos batay din dun sa ahensya ng pamahalaan na may responsibilidad sa relief ibig sabihin DSWD. Puwede lang namin i-release sa DSWD, ang DSWD pag kailangan na nila yan siyempre yun ang ating gagawin tratrabahuhin nating magbigay. Kung sabihin naman nilang sapat na yung supply nila maaari muna nating isantabi itong bigas o kaya i-auction na namin para maging revenue naman sa Gobyerno kasi yun ang mandato namin ang kumuha ng revenue dahil kami ang nagfi-finance ng kaban ng gobyerno. Yun ang mga options na available sa amin.

KE: Dumarami nga po ngayon yung umaapela na ipamahagi na sa mga nasalanta ng baha yung mga smuggled rice na yan. Perp sabi niyo nga po kailangang  dumaan sa proseso mga gaano katagal pa yung proseso na dadaanan?

RB: Tulad niyang bigas na iniimbestigahan ng Senado ngayon, sabi ng Senado huwag munang galawin hanggat di natatapos yung imbestigasyon nila nakasalalay sa Senado yan. Although sinabi ko nga kahapon maaari din naman naming ibenta na at yung kita ay isantabi sa bangko. Kung anuman ang desisyon na mangyari whether manalo yung gobyerno o manalo yung kabilang panig dun mapupunta yung proceeds para lang ma-preserve yung bigas. Kasi habang tumatagal ay may posibildad na maapektuhan, mabulok ayaw naman nating mangyari yun dahil bababa ang halaga ng bigas na yan. Kung matapos ang Senado sa hearing mas maluwag kaming makakakilos.

KE: Marami ho kasing nag-aalala na baka mabulok na lang daw sayang naman yang mag bigas na yan.

RB: Yun ang sinabi ko kahapon sa Senado ang utos ng sa amin huwag gagalawin.

KE: Ano pa ho ang mga produktong inyong nasasawata at binabantayn po ngayon?

RB: Halos lahat ng produkto ini-smuggle iba-ibang uri pero ang huli naming inihain na kaso sa DOJ ay smuggling ng onions at Peking duck. Basically yung agriculuture products ang binabantayan natin di lamang sa proteksyon ng ating local farmers kundi sa kalusugan na rin. Kasi yung pinanggalingan lugar ay may tama ng bird flu so pinababantayan natin.

KE: Comm. sa ibang araw po patuloy po kaming makikipag-ugnayan sa inyo sir kung inyo pong mamarapatin?

RB: Maraming salamat sa pagkakataon at more power sa inyo!

KE: Salamat din po!