Linggo, Disyembre 9, 2012

Executive Director Benito Ramos (National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)


Executive Director Benito Ramos (National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)
Kalye Escalera Interview Dec. 10, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Director Ramos good morning po!

BR: Magandang umaga po sa ating mga kababayan!

KE: Kami po ay live dito sa Radyo ng Bayan sa 738 Kalye Escalera si Marlo Dalisay si Ms. Tea at si Jedah Legazpi ang inyong makakausap. Sir ano ang latest dito sa body count ng mga nabiktima ng Pablo yun pong mga namatay.

BR: Dumadami naka-recover tayo kahapon ng bodies yung Armed Forces tumaas ito 647 ang count. Ito naman missing medyo nabawasan na 780 ang still missing.

KE: Itong mga data na ito saang probinsiya ang sakop nito?

BR: Ang pinakamarami dito ang Compostela province at yung Davao Oriental lalo ng yung tatlong munisipyo ng Boston Capiil at Baganga. Dito naman sa Compostela province dun sa New Bataan yan ang hardest hit.

KE: Sinabi niyo hong hardest hit ano na po ang ginagawa ng ating ahensiya ngayon in terms of yung pagtulong naman sa mga biktima.

BR: Ngayon ay tuloy-tuloy pa rin yung relief operations ng Armed Forces umabot na doon sa tatlong isolated na tatlong munisipyo yung barko ng Navy at yung Coast Guard. Itong Air Force naman depende ito sa climate kasi kung maulap ay hindi natin magamit itong helicopter hindi makita ng piloto yung bundok ito yung Mt. Diwata at Mt.Diwalwal yung army ay naglalakad papunta sa isolated area.

KE: Nabanggit niyo po Director Mt. Diwalwal alam natin na maraming mga mining operation diyan. Ito ho bang mga biktima natin ay kinabibilangan ng mga workers ng mga mining site?

BR: Yung iba diyan na landslide at na washout kasama na po sila.

KE: Pero wala namang naiwan sa tunnel na hanggang ngayon ay hindi pa nakakalabas?

BR: Bago nag landfall ay na-inform naman sila halos araw-araw Nov. 20 palang nga-warning na tayo. Nasa Marshall Island palang ang bagyo nag-warning na tayo umabot diyan sa Caroline Island pagkatapos yung Palau yan ang boundary natin. Ang importante yung gaano pa ka-prepare ang ating local na pamahalaan at mismo yung taon bayan. Kagaya nito si Pacquiao nag-training ito lucky punch ito dahil sa lakas ni Pablo overwhelm tiwarik yung evacuation center kagaya ng gymnasium yung eskuwelahan pati munisipyo let us accept it itong nangyaring ito let us not blame each other.

KE: Mga kailan magtatagal Director ang inyong search and rescue?

BR: Wala tayong definite time nai-hold na ito ang mag call off nito ay man on the ground Lieutenant General Jorge Segovia Eastern Mindanao Commander he has the operational control of overall Armed Forces, Navy, Airforce, Army lahat ng ito kasama na rin ang Coast Guard at PNP for the purposes of rescue, relief, retrieval operation.

KE: Ano pang complain ang inerereklamo sa inyo ng mga biktima na nakakausap niyo na survivor?

BR: Mabagal ang relief operation sana maitindihan ng ating mga kababayan na hindi ganun kadali kasi nawasak ang mga kalsada nuasad din yung tulay. Itong helicopter anim makalipad lang ito pag-clear ang weather pag maulap ipagpaumanhin po dahil risky ang piloto natin.

KE: Kumusta po yung paghahanda ng Pilipinas sa pagpapakawala ng missile ng NoKor?

BR: Naka red alert tayo ngayon yung window time nila mula ngayon hanggang 22 nakatanggap kami ng information kahapon na i-postpone muna for unknown reason. Definitely yung 10 hindi matutuloy sa ngayon.

KE: Yung 11 hindi rin matutuloy?

BR: Hindi natin alam kung itutuloy nila bukas dahil indefinite ito we have (DAFA) Defense Armed Forces Attache South Korea ito sila ang nagmo-monitor sa North Korea kasama yung DAFA natin sa Japan at itong Department of Foreign Affairs natin.

KE: In-effect na ba director itong rerouting sa mga flights?

BR: Hindi pa ngayon dahil wala pang definite time bibigyan naman tayo abiso nito hindi naman sila puwedeng magpalipad diyan kung walang information lalo na dito sa Pilipinas dahil dito ang bagsakan ng mga debris.

KE: Ibig sabihin lifted muna yung red alert status?

BR: Hindi naka red alert kami dahil kay Pablo.

KE: Pero hindi dun sa rocket launch ng North Korea?

BR: Yes kasama ko rin yung technical working group kay Pablo the same people na katabi ko sa operation center.

KE: With that Director Ramos ang hihingiin na lamang namin sa inyo ay kung meron kayong gustong ipaabot na impormasyon dito sa mga tinutulungan natin sa mga nabiktima ni Pablo?

BR: Oo lalo na sa ating mga kababayan diyan sa Mindanao kaya yung office of Civil Defense ng region 9, 10, 12 at Autonomous Region for Muslim Mindanao ay meron na silang puwersa na pumupunta diyan at tutulong sa Office of Civil Defense region 11 dahil duyan ang hardest hit. So sa ating mga kababayan naman volunteer groups ay yung mga may ginintuang puso idiretso na lang natin yung tulong natin sa DSWD dahil yan ang patakaran ngayon one stop shop all local, national and international assistance i-enforce natin sa DSWD para sila ang accountable at responsible.

KE: Usec. before we let you go dahil maraming namatay diyan sa bagyong Pablo meron po bang mababago sa kahandaan sa kalamidad ng NDRRMC?

BR: Yung preparasyon natin ipagpapatuloy natin para maibsan yung paghihirap ng mga kababayan ngayon diyan sa evacuation center.

KE: Alright maraming salamat po at magandang umaga at good luck sa mga efforts niyo diyan sa NDRRMC!

BR: Maraming salamat po!











Walang komento:

Mag-post ng isang Komento