Miyerkules, Agosto 15, 2012

Supt. Richard Schwarzkopf Jr. (Bureau of Corrections) Kalye Escalera Interview Aug. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Supt. Richard Schwarzkopf Jr. (Bureau of Corrections) Kalye Escalera Interview Aug. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magadang umaga po! paano po namin kayo tatawagin Spokesman o Supt. Schwarzkopf?

RS: Kahit alin po sa dalawa.

KE: Si Marlo Dalisay, Ate Joee G. at si Ms. Tea po ang inyong makakausap dito sa Radyo ng Bayan sa Kalye Escalera. Yun pong impormasyon namin na nakuha dito kay G. Go ay galing sa PNP. Ganun din po ba ang iyong impormasyon na talagang itong si Go at yung kanyang pamangkin na nurse niya ay nasa pangangalaga na ng mga otoridad?

RS: Kagabi  pa po ay naiparating na sa atin na sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan si Rolito Go.

KE: Papano po ito, papano niyo siya tinuturing ngayon kung takas ito eh di panibagong asunto ito at ang kanyang paglaya next year ay baka hindi matuloy?

RS: Yan naman ay ang pahayag natin kahapon na hindi naman natin dinidiscount kung sisilipin ang abduction. Subject for validation pa rin yan lahat considering na nasa pulis na yung pangangalaga dito kay Rolito Go hinihintay po natin yan at sila ang may karapatan magbigay ng tamang pahayag kung ano talaga ang naganap. Kung ayon sa katanungan niyo ay ito po ay posible na magkaroon kami ng pagsasampa ng kaso bakit  siguro sa magiging resulta ng investigation pero tulad ng naging pahayag natin kahapon pa kino-consider namin na escape prisoner pa po.

KE: Hindi na basehan dito kung siya man ay tinangkang kidnapin o kusa siyang umalis. Ang importante sa inyo ay yung pagpa-plano ng bagong asunto yung isampa sa kanya?

RS: Yan ay pinag-aaralan ng ating opisina sa ngayon at isasangguni natin sa legal office din po natin.

KE: Dito ho ba sa ibang nakakulong diyan sa NBP na umalis at na-recover at naibalik yung mga kagaya niyang lalaya na sa susunod na taon. Ano ho ang kadalasang magiging kapasyahan ng pamunuan ng BuCor sila ba ay pinatatagal pa o tuloy pa yung paglaya or on sched?

RS: Napapatagal po yan, may nare-recover  bumabalik dito kahit yan ay voluntary na bumalik dito sinasampahan po natin ng kaso yan. Hinahayaan natin ang husgado na magpasya sa mga kaso naisampa natin.

KE: Ang itatanong ko ngayonn yang karagdagang parusa kung sakali mga ilang years?

RS: Maximum of 6 years po yan.

KE: Additional six!

RS: Let say diyan po naglalaro yan.

KE:: At panibagong record yun kumbaga sa atin ay sa file 201 di ba?

RS: Oo!

KE: Sir yun pong sasakyan sa ginamit sa oras ng siya ay umalis hindi ho ba natukoy niyo na sasakyan ng pamangkin niya na nurse?

RS: Yung po ang pahayag kahapon sa atin ni Julie yung nanay na sa kanila ngang pag-aari yung saskyan na yun.

KE: Pero nung bumalik po sila nag-commute na lang meron ho ba kayong balita o nalalaman dun sa sasakyan ng nurse na kanilang ginamit nung sila po ay nawala?

RS: Wala pa hong pahayag na ibinibigay ang kapulisan sa mga bagay na yan. Naghihintay din po kami kung ano yung kanilang sasabihin.

KE: Meron naman po bang bearing kung ano yung kondisyon ng kanilang katawan ngayon na sila ho ay sugatan?

RS: Hindi ko pa po personal na nakikita yung taong nababanggit kaya hindi ako makapagbigay ng tamang pahayag. Pero kami po ay nakikipag-ugnayan din sa kanila sa ngayon at katunayan ay inaalam namin kung ano talagang oras dadalhin sa amin dito si Rolito Go.

KE: Mabuti naman at nagkataon na may natirang pera sa wallet yung dalawa dahil kung hindi ay hindi sila makakasakay ng bus na pabalik sa Muntinlupa.

RS: Yan yata ang naging pahayag nila.

KE: Speaking of taking a bus, meron po kaya silang dalang ticket pagbalik po nila at dapat tinatanong din yan. Asan yung ticket niyo kung nag-bus kayo, ano ang mga susunod na maaaring i-expect ng publiko sa mga nagpupunta sa NBP ngayon siguro mas hihigpitan ang seguridad at pagbabantay dito sa mga inmates natin diyan?

RS: Dito naman sa hanay ng BuCor ay talagang napakahigpit na po natin in terms security. Pero sa naganap na nangayari dodoblehin natin ang paghihigpit pa.

KE: Anong oras niyo bang inaasahan na ibabalik sa inyo si Rolito Go?

RS: Bago magtanghali o pagkatapos na ng tanghali.

KE: Nami-miss niyo na po ba diyan si Mr. Go?

RS: Lahat naman po ng binabantayan natin dito ay fair naman po yung ating nga trato diyan. Ang sa atin naman po ay hangad din natin ang kalayaan ng bawat isang inmate na narito.

KE: Inyo po bang mapapatunayan yung mga impormasyon din na nasasagap namin  na sabi ay napaka-galante na ra ni Mr. Go, ultimo yung mga inmates at taga-bantay ng bilangguan ay kanya hong pinapautang?

RS: Yang mga ganyang reports information po yan, yan po yung mga kaganapan nung mga nakaraan. Pero sinisiguro ko po sa panahon na ito kung ano yung mga nagaganap dati hindi na nagaganap ngayon.

KE: So totoo po yung dati?

RS: May mga ganun pong mga reports na lumabas sa mga nagdaang panahon.

KE:  Bago namin kayo pakawalan ay makibalita muna kami na kung ano na ang latest na nangyari yung bidding po ng catering services sa maximum security compound natapos na po ba ito?

RS: Hindi pa po, baka ito pong Sept. magkakaroon po tayo ng proper bidding.

KE: Uulitin po yung bidding dahil ang latest po yata ay is nag-fail po yung bidding na nauna ano po?

RS: Opo! kaya uulitin po natin.

KE: Alright! maraming salamat po!

RS: Sige po at magandang umaga po!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento