Lunes, Nobyembre 19, 2012

Congressman Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara (Lone District of Aurora) Kalye Escalera Interview Nov. 20, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Congressman Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara (Lone District of Aurora)
Kalye Escalera Interview Nov. 20, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


KE: Congressman Angara magandang umaga po!  Live po kayo dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan, Marlo Dailsay po at Jedah Legazpi ang inyong makakausap.

SA: Magandang umaga!

KE: Ano ang pinal na napag-kasunduan ng mga mambabatas kahapon dito sa panukalang ito Cong. Sonny at kung ano ang magiging epekto nito sa ating mga estudyante lalo na sa mga nag-aaral sa public schools?

SA: Ang epekto niyan ay hahaba yung school cycle natin dati ay 10 years ngayon ay gagawin ng 12 years at posible ding umiksi ang kolehiyo. Dahil ayon sa datos mas maraming porsiyento ang hindi na nakakatuloy sa kolehiyo. So gusto natin silang bigyan ng dekalidad na edukasyon habang sila ay bata pa I think yung datos is 1 in 5 lang ang nakakatapos ng kolehiyo. Tayo na lang sa buong mundo isa sa tayo sa tatlong bansa na may 10 years cycle kumbaga nahuli na tayo dito sa repormang ito na matagal ng hinahangad ng ating gobyerno ng mga education experts na talagang panahon dahil yung mga graduate natin sa high-school yun ang mga hindi nakakakuha ng trabaho karamihan. Dahil unang-una namatay na yung manufacturing sector natin wala na tayong masyadong mga pabrika doon na sana magta-trabaho ang mga high-school graduate dahil hindi na masyadong kailangang ng advance na training. And yet yung agricultural sector medyo nababawasan na rin yung empleyado dahil hindi po din siya masyadong masigla. So ang nangyari nga walang masyadong trabaho para sa mga high-school graduate ang gusto natin dito sa dagdag na dalawang taon ay bigyang ng kasanayan o skilled training ang mga high-school graduate. Dito sa pamamaraan na ito ay mas maging competitive sila kung ikukumpara nila sa ibang mga maghahanap ng trabaho yun ang ninanais natin.

KE:  Pero meron lamang akong konting clarification Cong. Sonny dahil ito po yatang pagdagdag ng school year ay ipinatupad na po ng DepEd nitong June ng kasalukuyang taon. Yung batas na dapat maging gabay ay panukala pa rin lamang at  kapapasa pa lamang sa third reading diyan sa Kamara wala ho ba itong magiging problema?

SA: Yung inimplement na ngayon ng DepEd is yung universal kindergarten at inisa na lang yung numbering ng mga school years natin. Hindi pa puwedeng i-implement hanggat hindi pa naisasabatas itong K+12 itong pagdagdag ng dalawang taon.

KE: So high school po ay mananatili pa ring apat na taon?

SA: Sa ngayon po habang hindi pa ho ito batas.

KE: Dito naman ho sa total napapag-usapan naman natin ang edukasyon at nitong mga nakaraang araw nga ay maraming pumutok na balita. Hindi ho kagandahan na yung ating mga teachers lalo sa bahagi ng Mindanao ay nabiktima ng pyramiding scam kayo ho ba kung saka-sakali na magle-level up na kayo at lilipat kayo from lower to higher house ano ho ang inyong naiisip tungkol sa mga problemang ito?

SA: Unang-una hindi pa natin masyadong iniisip yung paglipat dun dahil matagal pa naman ang kampanya. Siguro puwede nating repasohin ang mga batas para sa mga proteksiyon ng mga investors  meron tayong mga batas diyan yung securities regulation laws yung consumers code of the Phils. Siguro tignan natin kung may pagkukulang sa ilalim ng batas kung sapat naman ang batas at  nagkulang naman yung otoridad. Sa ngayon sinusubaybayan po natin yung imbestigasyon na ginagawa ng NBI at DOJ.

KE: Cong. Sonny marami sana akong itatanong sa inyo kaya lang ang programa natin hanggang alas-nuwebe lang.  Pupuwede ho bang sa Huwebes ay tawagan ho muli nami  kayo para maipagpatuloy ang ating usapan?

SA: Sa Huwebes may nag-imbita po sa akin na maging guest speaker sa isang paaralan dun sa bayan na yun. Kung saka-sakali hindi tayo matuloy puwede ho siguro magtawagan  na lang tayo sa inyong staff.

KE: Sige po Cong. Sonny maraming salamat at magandang umaga sa inyo!

SA: Maraming salamat!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento