Linggo, Disyembre 16, 2012

Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview Dec. 17, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview Dec. 17, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Chairman Tolentino magandang umaga po!

FT: Magandang umaga po!

KE: Live po kayo dito sa DZRB sa Radyo ng Bayan 738 Kalye Escalera at ang makakausap niyo si Marlo Dalisay si Ms. Tea at si Jedah Legazpi. Ano na ho ang latest sa ating ipapatupad na segregation sa mga bus stop at sa mga unloading at loading bays diyan sa Edsa?

FT: Itong bus segregation ibig pong sabihin nito ang mangyayari sa bus stop kung ang tumitigil na bus ay 100 ay pati na lang ang titigil alternate yung mga bus stop natin. Theoretically lang po ito sa computation namin mababawasan ng 50%.

KE: Ang mangyayari dito Chairman yung 50% na mababawas saan matitigil?

FT: Alternate sila halimbawa Orense bus stop sa ngayon po 100 ang titigil doon bukas 50 na lang ang titigil dun. Yung susunod na 50 sa Guadalupe yung tumigil sa Orense susunod na tigil nun sa reliance na sa may Mandaluyong. Hindi gaya ngayon kahit saan puwede kang tumigil kung bus stop A ka sa bus stop A ka lang titigil.

KE: Ang implementation ba nito Chairman ay 24 hours?

FT: Opo!

KE: Kasi napapansin natin sa gabi pag-uwi ng mga naka-posteng tao dun balik din naman sa dating gawi itong mga bus driver?

FT: Hindi pa ho na-implement ito ngayon palang ang nakalagay sa windshield nila ay A at pintuan ay A dun ka lang titigil at nakalagay sa loob ng bus kung saan ang susunod na stop.

KE: Mix na rota po ito kumbaga nag-random kayo ng biyaheng Fairview or Monumento paano ho?

FT: Pinag-usapan po yan ng mga operator ibig sabhin nung A Alabang yung B Baclaran pinag-aralan ito kaya hindi kayo puwedeng tumigil kahit saan kasi halimbawa ako ay mananakay Bus stop A ang Guadalupe at Bus B ang titigil sa Guadalupe pag may tumigil na Bus A hindi ako sasakay baka saan ako dalhin nun.

KE: Parang nakikita na rin natin unti-unti ay pina-pattern niyo na dun sa mass system ng nga bus sa ibang bansa gaya ng Hong Kong.

FT: Halimbawa po elevator pag ako ay nasa ground floor ang punta ko ay 8th floor bakit naman ako titigil sa 5th floor diresto na lang ako sa 8th floor.

KE: Hindi kaya maligaw dito at magkalituhan?

FT: Sa unang linggo may kalituhan yan ngunit masasanay po tayo diyan may mga tao naman tayo bukas may mga placards po yun may mga signage para makatulong.

KE: Chairman sasamatalahin na rin namin yung pagkakatraong ito para idulog sa inyo yung ilang itinatawag dito sa Radyo ng Bayan. Kasi ang sabi ng ibang motorista tungkol naman dun sa isyu sa U-turn slot marami pa din nagkaka-problema lalo na dito sa may bahagi ng Quezon Ave. at yung mga dapat buksan mgakaroon ng U-turn slot ito ho ba ay pag-aaralan ng inyong ahensiya?

KE:  Continuous tayo diyan pero kung ang itinutukoy niyo ay sa Q.Ave. pinag-aralan din ang prinevent natin diyan ay yung mga sagian, banggaan. Ang U-turn slot meron point to point kung galing ka ng Q.Ave. mag-u-u-turn slot ka kakaliwa ka. Yun namang galing ng kaliwa kakanan ka so may conflict sa traffic management. Kung nagbanggaan yun mas malaking trapik ang idinudulot sa Q.Ave na-avoid yun kaya lang ang kapalit nun mahaba-haba yung iikutan nila. Ang remedyo namin dun inadjust namin yung U-turn slot ng Lung Center. Ang karamihan na nagrereklamo dito ay yung may personal na pakinabang yung convenient na mas malapit. Ang dapat nating maunawaan dito ay yung long run sa ating mas nakakarami  at yung mas nakikinabang ang naisip po natin dito bagamat may personal na tatamaan kung ang pangkalahatan ang ating isipin ay mas mapapakinabangan ay mas maganda po yan.  Simula nung sinara yung U-turn slot sa Q.Ave Edsa wala pa hong banggaan dati-rati pag may banggaan tayo it will take us more than 45mins. to clean up the area may imbestigasyon, magto-towing hindi naman malalakas yung banggaan diyan kaya lang nagdudulot ng trapiko dahil two lanes lang tayo diyan sa service road.

KE: Ibig pong sabihin Chairman itong 2013 ipagpapatuloy po bang ipatupad yan?

FT: So far wala namang trapik dun sa area kung some other can prove it otherwise nagkaroon lang talaga ng readjustment dun sa mga mindset ng ating mga driver nalalayuan po sila pero mas naiiwasan yung aksidente.


KE: Yung nga po ata ang naging reaksiyon diyan ng mga motoristang apektado.

FT: Ang nagrerekalamo diyan ay motoristang apektado ibig sabihin po nun parang pang-personal po yun.

KE: Maski ako po nung una talagang ang sabi ko bakit ang layo ng iikutan ko.

FT: Yung walang banggaan yun ang kapalit nun.

KE: Walang banggan and eventually maluwag na!

FT: Maluwag  po yung ilalim ngayon wala ng clogging doon  nagkakaroon lang ng clogging dun sa may Lung Center na inayos na natin yung mga jeep at hinuhuli ng LTO nung magsimula yun dahil na-o-out of line pero maayos na ngayon.

KE: Balikan ko lang itong bus segregation ano po  ba ang ating mga penalty dito sa mga driver magmamatigas ang ulo?

FT: P1,000 alam niyo mahihirapan din silang kung magmatigas sila ng ulo dahil sa nakapaskil po sa kanila A sa bus stop A. Ang pasahero alam na A baka mailto yung pasahero maraming hindi sasakay sa kanila. So wala pong reason na sumuway sila kay naglagay kami ng sticker sa White Planes na laging nagdudulot ng trapiko dahil sa tagal ng mga buses dun hinhingi muna namin yung prangkisa nila bago namin ibigay yung sticker.

KE: Dito naman sa panig ng  mga pasahero dun sa mga medyo hindi pa makukuha agad yung bagong scheme na ito meron bago kayong paalala din.

FT: Gamitin nila yung Bus C all stop yun mabagal nga lang yun.

KE: Meron palang Bus C.

FT: Lahat po ngayon ay Bus C lahat ng bus stop tinitigilan kaya matrapik yung nagco-commute nahihirapan dahil kumbaga sa elevator lahat ng floors titigilan. Eto ngayon alternate na lang so yung bus C yung mga nalilito dun nalang sila sumakay kaso nga lang 10% lang ito availability nito.

KE: At matatagalan talaga sila sa kanilang paroroonan.

FT: Kagaya nga ng elevator parang pinindut mo lahat ng floor bago makarating sa 8th marami ka pang titigilan pa.

KE: Bago namin kayo pakawalan makikibalita lang kami sa number coding ngayong Pasko hanggang bagong taon?

FT: Wala pa tayong announcement diyan pero usually po pag holiday yun po ang i-a-announce natin.

KE: Ang Metro Manila Film Festival ano po ang iyong mai-aanusiyo?

FT: 23 ang simula ng ating parade and then 25 yung simula ng mga palabas.

KE: Maraming salamat po!

FT: Maraming salamat at mabuhay po kayo!







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento