Lunes, Agosto 20, 2012

Mayor Mon Ilagan (Cainta Rizal) Kalye Escalera Interview Aug. 21, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Mayor Mon Ilagan (Cainta Rizal) Kalye Escalera Interview Aug. 21, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE:Good morning Mayor Mon Ilagan?

MI: Yes Good morning Marlo!

KE: Si Ate Joee G. kasama ko rin dito, Ms.Tea at si Jedah napag-uusapan lang namin dito sa 738 Kalye Escalera na yung nararanasan nating pag-ulan ngayon ay halos patak-patak na lamang. Meron pa rin palang lugar diyan sa nasasakupan niyo na hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang baha?

MI: Meron pa ho siguro kaming more than 1,000 families andito ako ngayon sa evacuation center FPTI ito ay bahagi ng San Andres. Dalawa po ang klase ng evacuees dito yung mga nasa Kabisig elem. school at sa FPTI. Galing din ako sa may Karangalan dito namin nilagay sa Teachers Village kasi nagpapakain po ako ngayon sa mga evacuees more than 1,000 families pa ang affected. Dahil merong clean up ibig sabihin ang tubig sa Laguna Lake bumabalik sa amin and mostly affected is San Andres. Marami pa sa mga kababayan natin bagamat almost 2 weeks na na nakalipas na ang Habagat nanatili pa sila sa mga evacuation centers at patuloy naming sinusuportahan sa abot ng makakaya ng local govt. sa ng Cainta.

KE: Kilala kita mahilig kang maghanda lalo na sa mga ganitong pagkakataon na may problema tayo. Andami na naman daw bagyong darating, anong ginagawa mong paghahanda tungkol diyan?

MI: The usual tulad ng ginawa namin sa Habagat nung nagdaaang dalawang linggo naging maayos yung aming rescue team na ginawa. Prior to that  meron kaminng engineering yung dredging ng Cainta  river but I don’t say na to this point magiging effective dahil mataas po ang Laguna Lake is about 13 meters  and above  kami ay nasa 12.5 lamang kaya babalik sa amin. Kaya ang pinaghahandaan namin sa evacuation center at yung rescue just in case na tumaas ang tubig sa kanilang mga barangay ay meron  tayong equipment na puwedeng sumagip sa kanila. Pero ang ginagawa namin pag merong bagyo nagkakaroon na kami ng preemptive evacuation nagpapa-ikot na kami ta in-inform na namin ang mga tao na magiging malakas ang bagyo at tataas po ang tubig natin sa Marikina river. Dalawa po yung pinanggagalingan ng tubig namin sa Cainta kung bakit ganito nagiging catch basin kami, one yung tubig sa San Mateo at Montalaban papasok ng Marikina river , Marikina river will flow directly sa Manggahan floodway. The Other one coming from Antipolo pagkatapos po niyan ay diretso sa amin sa Cainta River. Kaya kami po ang sumasalo kaya nagiging mataas ang tubig namin.

KE: I’m sure naman na na pinaghahandaan mo talaga, wala ho bang problema sa inyong basura yung source po ng flooding sa inyong lugar hindi ho basura talaga yung ugat?

MI: Kasama na po dun magkakasama na po itong mga problema yung pick-up ng basura namin ngayon ay problema din. Kasi there are some areas na still flooded like in 47’11 subdivison. A-Prime ito ay may mga tubig pa ang ginawa namin nagbigay po kami ng mga bangka fiber glass naglagay din ako ng mga kahoy na tulay made up of coco lumber. Para yung mga street na affected nito  maaring gamitin ng tao yung tulay pina-ikot na namin ito sa subdivision para makatulong. Yung ibang mga tao they left already temporarily sa kanilang mag bahay sa iba’t-ibang subdivision they rented a place or they just go to the relatives.

KE: Ang iniisip ko dito ay ang epekto naman nung mga nasa larangan ng pagne-negosyo ng real estate diyan. Kasi nung hindi pa na-Ondoy at hindi pa sumapit itong Habagat talagang kabilang po yang inyong lugar sa mga nagbo-boom ang mga real estate business. Kasi nagtayuan diyan ang magagandang subdivision yung iba naman nag-umpisa ng magtayuan ng may kataasang gusali. Yun nga lang dahil dito sa nangyaring ondoy at Habagat ay parang tumumal yung ganyang klase ng negosyo diyan, Ano ang mga alternatives na inyong naiisip diyan?

MI: Parang tuloy-tuloy na sana yung boom ng negosyo kasi pumapasok na yung mga malalaking investments sa Rizal because we’re the gateway to the east in the province of Rizal na nadadaaanan. Hindi rin naman ganun din siguro kaapekto dahil there is only on barangay is really affected in that area ito pong barangay San Andres. Kasi ang sentro ng business district ng Cainta ay nandito sa barangay Santo Domingo and San Juan dito talaga yung malalaking  investments at yung mga subdivision. All in all we have 200 subdivision sa bayan ng Cainta so somehow yung mga affected area I think sanay na po talaga sila. 

KE: May biglang pumasok sa aking isipan na naalala ko kasi noon nung padating ako sa senado kayo naman ay paalis na dun. Nagbilang ako ng taon patapos na rin pop ala yung pangatlong term niyo as mayor. Ano ho ang susunod na plano niyo Mayor Mon?

MI: Actually nag-aaral po ako ngayon gusto ko naman magtuloy-tuloy sa public service sa gobyerno. Kung magkakaroon sana ng pagkakataon to go up sana for a higher position. Gusto ko muna sanang tumulong sa mga pa Usec-Usec muna.

KE: Ayaw mo ng Sec. Mayor?

MI: Medyo mahirap ho malaki ang responsibildad, I can contribute siguro yung experience kakayanan sa dati sa broadcast industry at pagkatapos as a local chief executive. Now I’m studying at Ateneo School of Govt. of Public Management ito ho sana ay ma-share ko sa mga kababayan natin kahit papano makatulong total bata pa naman tayo.

KE: Iniintriga ka ng ilang kaibigan mo diyan at sa ibang istasyon na telebisyon pinakita ang litrato nitong si Mayora Veron at napakaaga daw mangapanya, anong depensa mo diyan?

MI: Unang-una hindi pa naman siya official candidate yet siguro naman eh kapag ikaw naman ay may asawa rin o kayay ikaw ay nakaupo ay tutulong din naman.

KE: At ang tawag din sa yo pag ang mister mo ay mayor eh di mayora ka rin, yun naman talaga ang kagawian sa atin.

MI: Kasi naman meron pa tayong gustong tapusin na hindi ko matatapos under my term. Alam mo naman Phil. politics ay huwag ayoko niyan hindi natin sinimulan yan hindi natin idea yan kaya napuputol yung project. I would also understand yung political dynasty itself maganda yan kung talaga ang isang lider ay nagtratrabaho ng tuloy-tuloy yun ang positive political dynasty. Pero kung ang dynasty mo for the sake na you want to stay there na hindi ka naman nagtratrabaho for the benefit and welfare of your constituents eh that’s the problem. Ang mga bumabatikos alam  mo naman meron tayong kasabihan kapag ang puno ng mangga ay hitik na hitik sa bunga ay binabato yan kaya ang ano lang natin ay public service I would understand.

KE: With that ay siguro pakakawalan ka na muna namin kasi kinakapos na rin kami sa oras. Hanggang sa mga susunod na pagkakataon Mayor Mon Ilagan ng Cainta

MI: Maraming-maraming salamat sa inyo at sa pamamagitan ng inyong programa nabubuhayan kaming mga public servant. In your own little way napaparating namin sa aming constituents ang aming ginagawa, maraming salamat po!

KE: Magandang umaga po sa inyo!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento