Linggo, Nobyembre 11, 2012

Atty. Hernando Cabrera (Spokesperson-LRTA) Kalye Escalera Interview Nov. 12, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Atty. Hernando Cabrera (Spokesperson-LRTA) Kalye Escalera Interview Nov. 12, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan
 
KE:  Atty. Cabrera magandang umaga po! Live po kayo sa dito sa 738 Kalye Escalera si Marlo Dalisay at si Jeddah Legazpi po ang inyong makakausap live sa DZRB sa Radyo ng Bayan!

HC:  Marlo, Jeddah good morning at sa ating mga tagapakinig!

KE: Ang una naming ihihingi ng paglilinaw sa inyo sposkeman Cabrera ay itong nabanggit ni Sec. Abaya ng siya ay dumalo diyan sa pagdinig ng budget ng DOTC. Sigurado ho ang pagtataas ng pamasahe ng LRT at MRT sa darating na taon at meron na kayong natatantsa kung kailan uumpisahan?

HC: Sabi ng  DOTC through Sec. Abaya tuloy ang ating fare adjustment kaya lang unang-una wala pa yung specific date nito. So tinitiyak natin na Jan. 1 ay wala pa kasi may umiikot na balita na nagsasabi na Jan. 1 nga meron. Actually wala pa specific date pangalawa wala pa rin yung actual final na tinatawag nating fare matrix yung kalalabasan ng pamasahe natin yung station to station basis wala pa yung ganun. Ito ay ipapa-finalize pa natin and then ipu-publish din naman natin itong magiging fare matrix natin.

KE: Ano po ba usually ang basehan ang pag-adjust natin ng pamasahe kagaya rin  ba yan ng ilang transport sector na pinapakinggan ang hinaing ng mga mananakay. Pinapakinggan din yung sinasabi ng mga taong nasa likod pagse-serbisyo sa publiko?

HC: Tama yun nangyari na yan ating public consultation actually itong fare adjustment na ito last year pa ito na-approve to mga February. Kasama sa approval process idaan ito sa public consultation nagkaroon tayo ng dalawang araw kasama yung mga estudyante lahat na mga active na students group. In another day yung mga labor groups naman ang sumama sa ating public consultation, aside from that dinaan din natin sa konsultasyon sa LTFRB.

KE: Ano yung partikular na aspeto na kinunsulta niyo sa LTFRB iba po yung sistema dito pagkat ang mga tren po natin pinapatakbo ng kuryente. Ang LTFRB diesel fed sasakayan yung pinapangasiwaan nila?

HC:  Ganito yan yung authority mag-set ng fares para magkaroon ng fare adjustment ay nakasalalay yan sa power ng LRTA at sa DOTC. Walang nakalagay dun na kailangang aprubahan ito ng LTFRB ang nakasaad lang sa batas ay sa anumang fare adjustment ito ay aprubahan ng LRTA board at ikunsulta sa LTFRB. So consultation lang ang ginawa natin sa LTFRB kasi wala sa jurisdiction kung tutuusin ang rail transport ang jurisdiction lang ng LTFRB ay sa land transport na yung gulong nga na goma. Nakalagay dun sa kanilang mandato na while sa kanila ang road transport nakalagay dito yung exemption ng railroad transport. Kaya lang pagdating sa fare adjustment kailangang ikunsulta sa kanila ganun ang nangyari. After nung public consultation ipinunta natin ito sa LTFRB at ang nangyari nga nagbigay naman nag LTFRB ng kanilang concurrence.

KE: Akala ko kasi kanina naiisip ko aba kinukunsulta  kako nila Atty. Cabrera ang LTFRB baka hindi kaya sila makipag-kumpetisyon dito sa pamasahe  ng mga rubber  base na mga uri ng transportasyon?

HC: Hindi naman consultation lang talaga wala silang authority kung titignan mo yung naging proseso nun nakaraan. Kaya kinunsulta sa LTFRB para more or less hindi masyadong malayo yung kanilang magiging  mga fares sa road transport at sa rail transport para magingb reasonable ang ating fare adjustment.

KE:  Itanong po namin parang ngayon mas maraming volume ng tao na sumasakay sa MRT at LRT may extra ba tayong preparation kaugnay dito sa paglapit ng pasko?

HC:  Unang-una balikan ko yung naging policy ng DOTC sa fare adjustment nabanggit ko kanina yung dalawang factor yung una wala pang exact date at wala pang exact fare matrix at ang pangatlo ay isa sa mga kondisyon ni Sec. Abaya ay kailangan munang magkaroon ng improvement sa ating services. Dalawang aspeto ito yung long term at short term, yung short term natin ito yung panandaliang puwedeng matapos kaagad bago nating ma-implement yung fare adjustment  ito yung patakbuhin ng maayos ang ating escalator at elevators.  Tapos ayusin yung mga CR natin at pangatlo yung mga basic na services natin sa istasyon kasama na yung mga security services pag-improve sa mga teller natin at sa lighting bago tayo mag-implement ng fare adjustment. Pangalawa naman yung long term naman ito yung mga nangangailangan ng mahabang panahon para maisakatuparan una yung pagbili natin ng karagdagang bagon  hindi natin mabibili basta-basta yan. It will take time yung bidding process ide-design mo pa yan at ima-manufacture at yung delivery pa niyan manggagaling pa sa abroad yan. Aside from this yung mga rehabilitation project natin tulad sa line 1 pagpapalit ng mga riles natin alam niyo naman yung line 1 natin ay 30 yrs. old na yan matinding rehabilitation project na ang kailangan.

KE: Pakiramdam ko Atty. yung line 1 kumpara dito sa line 2 yung along EDSA parang mas steady ang takbo ng line 1 kumpara dito sa nasa EDSA. Kumabaga sa eroplano medyo shaky itong nasa EDSA yung nasa Taft naman steady.

HC: Actually ang problem natin sa LRT talagang sobra-sobra na yang tao na pasahero ang solusyon talaga sa line 1 at line 2 ay madagdagan yung mga bagon. So yan ang long term na projects natin ang kagandahan dito ay inuumpisahan na natin at sa MRT yung pangangailan natin ng karagdagang bagon . Pag naumpisahan natin yan luluwag kahit papano yan at bibilis ang takbo at hindi tayo matatambakan ng tao sa isatasyon. Sa line 1 naman may kakulangan na rin tayo ng tren diyan hindi na nating kailangang bumili ng bago ang kailangan lang rehab lang.

KE: Kailan mag-uumpisa itong biyahe ng  Taft Edsa na loop kasi dugtong na rin yung kanilang mga riles pero yung biyahe na loop parang hindi pa matuloy-tuloy?

HC: Tatlong phases kasi yan unang phase  apat kung tutuusin ang unang phase niyan ay yung pagdugtungin mo yung riles. Nagdugtong na yung riles ng line 1 at MRT 3 so tapos na tayo diyan second step mag patayo ng isang transport station na kung saan yung mga tao ay puwedeng magtagpo sa isang istasyon kasama ng pasahero ng line 1.

KE: Bakit Atty. hindi na lang puwedeng magtuloy-tuloy yung tren total dugtong na rin yung mga riles?

HC: Stage 3 yan explain ko muna yung stage 2 natin ay yung magtatagpo yung pasahero natin ng dalawang linya sa isang common station. Ang pangatlo yung tinatawag natin na  total na yung integration natin ibig sabihin yung line 1 puwede ng tumagos sa MRT 3 matagal na process dahil magkaiba ang kanilang signaling system  kailangan ng matinding project at funding para ma-assimilate mo yung signaling system nila. Pangalawa magkaiba ng automatic fare collection system nila so hindi pa integrated yung mga ticket. In the meantime ang puwede nating gawin na pinaka-convenient ay gawin muna yung common station at isusunod yung phase 3 yung total integration.

KE: Tagpuan ang tawag dun sa phase 3.

HC: Ang mangyayari diyan sa phase 2 na yan flatform to flatform transfer ang objective natin ibig sabihin lilipat ka lang ng tren di ka na masaydong maglalakad ng malayo. Kung makikita mo sa Cubao station at line 2 napakalayo ng lalakarin mo para lumipat ka ang objective natin diyan ay flatform to flatform transfer para maging convenient sa ating mga pasahero.

KE: Ok with that siguro bibitiwan muna namin kayo Atty. Cabrera sapagkat nauubusan na rin tayo ng oras. Ang importante po ay naipalam natin sa publiko na yung sinasabi na fare adjustment sa MRT at LRT ay wala pa tayong eksaktong petsa at ekasaktong halaga kung magkano talaga ang idadagdag ng ating mga mananakay dito sa kanilang budget sa pagsakay sa mga tren na operated ng ating pamahalaan. Maraming salamat po at magandang umaga sa inyo!

HC: Magandang umaga  po at maraming salamat po!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento