Lunes, Nobyembre 19, 2012

Ms. Maricar Bautista (Asst. Vice President for Corporate Communications-PAGCOR)


Ms. Maricar Bautista (Asst. Vice President for Corporate Communications-PAGCOR)
Kalye Escalera Interview Nov. 20, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Ms. Maricar Bautista magandang umaga po! on air na po kayo dito sa Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan with Marlo Dalisay and Jedah Legazpi.

MB: Good morning!

KE: Parang matagal-tagal na tayong di nag-kakausap, ano ba ang pinagkaka-abalahan ngayon ng Pagcor lalo pa’t  malapit na ang panahon ng kapaskuhan. Noong nakaraang taon kasi marami din kayong mga events na ginanap ngayon ba ay kagaya din dati?

MB: Yes kagaya din ng dati yan kasi yan ay annual event namin ang annual thanksgiving namin ang tawag diyan ay Pamaskong Handog ng Pagcor. In fact magsisimula na kami Nov. 29 hanggang Dec. 18 or 20 siguro over 40 institutions ang mapapasaya at mabibigyan natin ng regalo.

KE: Yung mga championships dito sa mga competition ng Pagcor kailan ba idadaos ito?

MB: Last Saturday ginanap na yung event coronation meron na  nga tayong Miss Casino 2012 along with 4 runner-ups. Yung Ms. Casino Filipino na yan ay ginawaran natin P500,000 in cash at P200,000 na ido-donate natin sa kanyang chosen charity and then mabibigyan din sila ng pagkakataong ma-interview magtrabaho sa casino at sa Pagcor.

KE: Nasa kanila ngayon ang choice kung sila ay sasama sa inyong grupo diyan maghahanap sila ng pupuwede nilang pagka-abalahan.

MB: Yes choice nila yun.

KE: Napag-uusapan ito ma’am itong choice ano? choice din kaya ngayon ng mga dating namumuno ng Pagcor na harapin o pagtaguan itong kasong kanilang kinakaharap lalo na ang mataas na kapulungan kongreso ay pumasok na dito. Napabalita kahapon na mga pahayagan na mukhang nagkaroon talaga ng ayusan o may kumita sa mga opisyal ng Pagcor na inyong sinundan?

MB: Actually yung una naming pahayag kami ay nagulat din sa incumbent management. Gayun paman we welcome itong mga ginagawang imbestigasyon para talagang matumbok na kung ano talaga yung pinagmulan at nangyari noong nakaraang administrasyon.

KE: Ito bang si G. Rodolfo Soriano na sinasabing consultant ni dating Pagcor Chairman Genuino mero na ba kayong alam sa whereabouts nito ngayon?

MB: Wala kaming alam noong pumasok kami diyan 2010 actually hindi ko siya nakita at gayudin ang mga kasamahan ko hanggang ngayon wala kaming alam kung asan sila.

KE: Itong pagkaka-diskubre sa pagkakasiwalat nga nitong reuters dito sa $5M na suhol dito kay former Chairman  Genuino. Itong mga datos ba dito ay kasama sa inyong mga gagamitin para ipatuloy ang pag-uusig dito sa mga opisyal na ating napapag-usapan?

MB: Si Atty. Jay Santiago our chief legal counsel will coordinate and write a letter to NBI and DOJ para humingi ng tulong para makipag-ugnayan sa FBI na I understand na gumagawa rin ng imbestigasyon. Sa tulong ng NBI at DOJ ay makapag-coordinate tayo sa kanila at willingly tayo makikipag-cooperate kung anuman ang kailangan nila para masulosyunan itong kasong ito.

KE: Pero kung anuman po ang madidiskubre pa na kaakibat sa paghingi ng tulong sa DOJ at NBI ay ano po at kung meron na ay ano ang magiging epekto nito sa mga proyekto na isinusulong ngayon nitong si Chairman Naguiat?

MB: Pertaining to this particular case kay Okada kung mapatunayan na talagang may naganap na  bribery noong nakaraang time na na-acquire niya yung lisensiya. Then maaring kanselahin na yung kanyang lisensiya siyempre dadaaan siya sa due process ang stand ngayon ng management.

KE: Yun ang direction na tina-target kumbaga ay ganap ng malinis itong ganitong uri ng transaksyon diyan sa Pagcor.

MB: Yes!

KE: Siguro sa panghuli kumusta naman ang kita ng Pagcor dito sa huling dalawang quarter although itong Dec. hindi natin mababanggit sapagkat patapos palang ang taon?

MB: Yung 3rd quarter malaki yung inangat ng kita ng Pagcor compare to the previous year alam ko umabot yan  ng P4.3B ang laki ng kita ng Pagcor. Kapag mas malaki ang kita ng Pagcor mas malaki din ang contribution na naibibigay natin dahil meron tayong mandated contribution na ibinibigay for example 5% sa BIR, 50% sa National Treasury and 5% sa BSP at sa iba pa.

KE: With that ay siguro pansamantala pakakawalan na muna namin kayo sapagkat alam namin na abala kayo sa paglista ng inyong papadalahan ng Aguinaldo ngayong Pasko. Maraming salamat at magandang umaga!

MB: Maraming salamat at magandang umaga din!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento