Lunes, Agosto 13, 2012

Commissioner Ruffy Biazon (Bureau of Customs) Kalye Escalera Interview Aug. 14, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Commissioner Ruffy Biazon (Bureau of Customs) Kalye Escalera Interview Aug. 14, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Comm. Biazon, good morning po!

RB: Magandang umaga sa lahat ng tagapakinig!

KE: Kayo po ay live dito sa Radyo ng Bayan 738 Kalye Escalera si Marlo Dalisay, Ms. Tea at si Jedah Legazpi ang nasa kabilang linya. Ang una siguro naming tatanungin ay kung ganap natukoy bago mag-imbestiga ang Senado ay nauna muna ang Customs ganap na ho bang natukoy talaga dito Comm. Biazon. Kung sino ang may kasalanan, may pagkukulang o nagpabaya sa kanilang tungkulin at itong bigas na ito ay nakapasok diyan sa port of Subic?

RB: Ang isang paliwanag ay ang SBMA at BOC ay nagtulungan na mahuli itong bigas na ito. Nakilala naman kung sino consignee dahil mau dokumento yan ang consignee ay yung Metro Eastern at yung shipper at ang may ari ay yung Amira Foods. Sa ngayon ang pag-uusapan ay sino ba ang posibleng kasuhan batay sa dokumentong hawak namin. Nakatuon ang pansin namin ay dun sa Metro Eastern at sa Amira.

KE: Dalawang grupo na lang ang maaaring mabigyan dito ng parusa, sermon o disciplinary action papano po?

RB: Ang parusa sa smuggling ay imprisonment at pag na-convict sila ay may mananagot na partido. With regard doon sa lumalabas na isyu dun sa imbestigasyon sa Senado parang sinasabing nagsasabwatan. Hindi pa namin matukoy sa aming bahagi kasi as far as we are concern nung kumilos kami may cooperation kaming nakuha sa SBMA. Kung tutuusin pa nga kung hindi sa cooperation na yun hindi kami magkakaroon ng jurisdiction na pumasok at hulihin yung kargamento.

KE: Kaya nga po ang SBMA ay Freeport.

RB: Dahil Freeport yan ay ang SBMA mismo nag-step aside at sinabing pasok na ang BOC kaya nakapasok kami at nanghuli.

KE: Ito bang consignee at yung isang grupong binabanggit niyo kanina ay sa record po ba niyo ay matagal na ito may mga dealings sa gobyernong Pilipinas kung ang pinag-uusapan ay pagpaparating ng mga inangkat na produkto?

RB: Itong Metro Eastern meron na siyang ibang importation pero lahat sa SBMA kasi locator yan ng SBMA pero first time sila na naging consignee ng bigas. Ito namang Amira first time din naming na-encounter na magkaroon ng transaksyon na ganito. Prominente daw ito na kumpanya ng grains sa bansang India kaya gayun din na prominente silang lumalaban ang kinukuwestiyon yung paghuli namin.

KE: Matindi pala ito Comm. sapagkat pareho silang first timer at kung sa lahat ng ebidensiyang hawak niya ngayon at leads na sinusundan niyo para mapatunayan o hanapin kung sino man sa kanilang dalawa ang may kasalanan. Ang punta nito ay siguradong maaapektuhan yung iba pang dealings nila dito sa gobyerno kung halimbawa sila ay accredited na nagpaparating ng ibang kalakal dito sa Pilipinas kung mapapatunayan na yan ay ipinuslit nila papasok dito sa loob ay pati yung ibang record nila sa ibang kalakal apektado at baka ma-blacklist sila?

RB: Maaari kasi yung record ng offense ay bahagi ng accreditation ng isang importer. Sa aming bahagi may inaalis kami list of accreditation ng importers. Kagaya nitong Metro Eastern SBMA locator yan so iba na ang may jurisdiction sa kanila pagdating sa negosyo nila. Only kung magpasok sila ng local consumption ng importation na papasok ang BOC.

KE: Dito po sa inyong tinatahak ngayon ay masasabi na kung ang pag-uusapan ay kung sino ang may pananagutan at may kasalanan ay off the hook na ang BOC, yung ibang kasamahan niyo diyan at pati na rin ang SBMA?

RB: Mula naman sa simula kami nga yung naghuli sana nga malaman na at maintindihan ng publiko na hindi dahil may imbestigasyon sa Senado ay parang may duda sa amin. Gusto ko lang i-correct yung impression ng iba na ang akala ay damay kami dito ang BOC kami nga ang nanghuli at simula palang bantay na kami sa kargamentong yan. At ng pumasok  na ang jurisdiction namin agad na nag-issue ng warrant of seizure and detention yung tauhan namin.

KE: Kung sakali lang po na mapapatunayan na talaga na yang mga bigas na yan ay ipinuslit at smuggled talaga. Pupuwede kayang  mag-rekomenda o magpasya na ipamigay na lamang yan dito sa mga nasalanta ng pagbaha?

RB: May prosesong pinagdadaanan bago puwede naming i-donate, kung hindi namin sundan yung prosesong yan ako ang madadali sa Ombudsman. Matapos na dumaan sa proseso pupuwede pero unawain din sana kami rin ay kikilos batay din dun sa ahensya ng pamahalaan na may responsibilidad sa relief ibig sabihin DSWD. Puwede lang namin i-release sa DSWD, ang DSWD pag kailangan na nila yan siyempre yun ang ating gagawin tratrabahuhin nating magbigay. Kung sabihin naman nilang sapat na yung supply nila maaari muna nating isantabi itong bigas o kaya i-auction na namin para maging revenue naman sa Gobyerno kasi yun ang mandato namin ang kumuha ng revenue dahil kami ang nagfi-finance ng kaban ng gobyerno. Yun ang mga options na available sa amin.

KE: Dumarami nga po ngayon yung umaapela na ipamahagi na sa mga nasalanta ng baha yung mga smuggled rice na yan. Perp sabi niyo nga po kailangang  dumaan sa proseso mga gaano katagal pa yung proseso na dadaanan?

RB: Tulad niyang bigas na iniimbestigahan ng Senado ngayon, sabi ng Senado huwag munang galawin hanggat di natatapos yung imbestigasyon nila nakasalalay sa Senado yan. Although sinabi ko nga kahapon maaari din naman naming ibenta na at yung kita ay isantabi sa bangko. Kung anuman ang desisyon na mangyari whether manalo yung gobyerno o manalo yung kabilang panig dun mapupunta yung proceeds para lang ma-preserve yung bigas. Kasi habang tumatagal ay may posibildad na maapektuhan, mabulok ayaw naman nating mangyari yun dahil bababa ang halaga ng bigas na yan. Kung matapos ang Senado sa hearing mas maluwag kaming makakakilos.

KE: Marami ho kasing nag-aalala na baka mabulok na lang daw sayang naman yang mag bigas na yan.

RB: Yun ang sinabi ko kahapon sa Senado ang utos ng sa amin huwag gagalawin.

KE: Ano pa ho ang mga produktong inyong nasasawata at binabantayn po ngayon?

RB: Halos lahat ng produkto ini-smuggle iba-ibang uri pero ang huli naming inihain na kaso sa DOJ ay smuggling ng onions at Peking duck. Basically yung agriculuture products ang binabantayan natin di lamang sa proteksyon ng ating local farmers kundi sa kalusugan na rin. Kasi yung pinanggalingan lugar ay may tama ng bird flu so pinababantayan natin.

KE: Comm. sa ibang araw po patuloy po kaming makikipag-ugnayan sa inyo sir kung inyo pong mamarapatin?

RB: Maraming salamat sa pagkakataon at more power sa inyo!

KE: Salamat din po!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento