Lunes, Abril 7, 2014

Sen. Bam Aquino (Chairman Senate Committee on Trade and Economic Affairs) Kalye Escalera Interview April 8, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



Sen. Bam Aquino (Chairman Senate Committee on Trade and Economic Affairs) Kalye Escalera Interview April 8, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sen. Bam Aquino good mornimg po!

BA: Good morning at sa mga nakikinig sa atin magandang umaga po!

KE: Unahin lang namin itong binabanggit ko kanina parang natantsa niyo kug gaano kadami itong ating mga kababayan na talagang nasa bingit ng panganib dito sa mga materyales sa kanilang mga bahay paki-paliwanag nga ho ito?

BA: Noong mga nakaraang linggo nilapitan tayo ng mga kaibigan natin sa steel industry association sa ating bansa. Dun nila ikinuwento na napakataas ng pagkakaroon ng substandard steel sa ating merkado. Dun sa isang pag-aaral nila halos kalahati ng mga hardware sa Pilipinas nagtitinda ng substandard steel. Ang ibig sabihin nito ang bakal na binebenta sa ating kababayan hindi tama yung kalidad at nai-smuggle pa ito sa iban bansa yung numero na binigay nila kahapon 460K tons per year ang nai-smuggle sa loob ng Pilipinas. Itong bakal na ito na ginagamit pang alambre ay ginagawang B bar yun ay pang reinforce sa mga dingding. Kasama din naming yung grupo ni Sec. Lacson yung mga nangangasiwa sa rehabilitation ng Yolanda hit area at sabi nila maramai sa mga gusali at mga bahay na angiba nung Yolanda ay dahil kulnag sa kalidad yung mga bakal na ginamit sa mga bahay. Talagang nakakabahala sa tindahan po natin  nagbebenta ng mga materyales na hindi tama yung kalidad nilalagay ito sa mga bahay at gusali kung dumarating ang delubyo talagang nanganganib ang mga buhay ng mga Pilipino. Sabi steel industry kahapon 60k home currently ang mayroong substandard steel yang mga bahay na yan at talagang delikado pagdating ng mga delubyo. Unang-una po yung Bureau of Customs nandun sila kahapon inisplika nila kung paanong nakakalusot yung ganung karaming bakal sa ating bansa at kung ano yung ginagawa nila. In faireness sibagong comm. Sevilla naman ay mukhang may bagong plano kung paano matigil ito. Yng DTI represented by Usec.Dimagiba knuwento po niya kung paano magiging masusi sa monitoring sa pagbibigay ng notice of violation sa mga hardware na nagbebenta ng sub-standard steel at more tha that sabi nga ho nila starting now aside from notice of violation na isang piyansa magcha-charge sila ng mga criminal case.  Sabi naman ng steel association sasamahan daw nila yung DTI para ma-pin point yung mga tindahan na nagbebenta nito at mga manufacturers na gumagawa ng substandard steel na gumagawa sa ating bansa.

KE: Kasi parang kulang pa di pa ganap na naliliwanagan ang publiko ano ho ba ang pagkakaiba ng bakal na tama sa standard at yung substandard. Mukhang hindi yata nakasama sa mga dinescribe ng DTI at kinatawan ng BOC kahapon?

BA: Nanawagan nga po kami sa kanila na i-isplika talaga sa tao kung ano ba talaga ang pinagkaiba. Kung tutuusin timbang talaga mas magaan, manipis yung substandard. Yung kalakaran po diyan sa hardware tinatanong kayo kung yung mura o yung standard.  

KE: Ganun yung tanong?

BA: Posible na naka-mura tayo ngayon pero pag gumiba naman yan talaga magsisi rin tayo sa huli kaya. We are hoping din na yung taong bayan hanapin yung standard mahahanap nila yan kung may PS mark gawa yan sa ating bansa at ICC mark ay imported. Nangako rin yung DTI  magpapaskil sila ng mga posters sa mga hardware stores para yun ang hahanapin ng taong bayan. Kapag inoffer tayo ng substandard o mura 20% cheaper po yun at dapat dun tayo sa standard kasi yung mura kadalasan kulang sa timbang.

KE: Dito sa mga nagpapagawa isama na rin natin yung real estate developer normally kinokontrata nila sa mga contractors na talagang nagtatayo ng bahay. Minsan hindi na rin nila nache-check yung quality ng mga materials na ginagamit kaya pag nagkaroon ng problema ay sila rin ang nasisi siguro dito sa mga nagpapagawa ng ganitong project hanggat maari ay may direct supervision sila at sila ang magtakda kuna anong klaseng materyales ang gagamitin.

BA: In fact at the end of the day sila rin yung mananagot kahit yung mga nagpapagawa ng bahay kailangan i-check din nila. Sabi rin ng steel industry diretso yang binibili sa mga pagawaan mismo. Ang talagang problema yung retail  sa mga hardware alam naman natin yung mga pinoy pinag-iipunan yan unti-unti binubuo yung bahay kung may pera bibili yan ng kongkreto at mga bar at yung ang nagiging problema sa mga mahihirap na lugar at pag may delubyo yun agad-agad ang nasisira. Yung concern talaga dito ay yung retail sa hardware store.

KE: Kailangan talaga dito ay para sa mga taga DTI maano yung gagawin nilang pagbabantay dito sa mga reatail outlets.

BA: First time yatang nagkita-kita yung steel industry, DTI, BOC lahat ng ahensiya sabi ko sa DTI itong industry association ito yung nagbebenta ng kalidad na bakal at siyempre sa merkado na-u-undercut sila ng substandard ng smuggled ayaw nila yun so meron silang datus kung saang merkado ang nagbebenta ng substandard. Nagkaroon sila ng check na lumabas na 48% around the Phils.nagbebenta ng substandard at sabi ko mag-share sila ng data at magtulungan tayo.

KE: Pag-uusapan kasi ito smuggled ito dun sa ginawa niyong pag-aaral saang bansa galing itong mga smuggled na mga bakal na ito?

BA: Mostly China!

KE: Na naman bakit parang lahat na lang yata maliban sa bigas sa China nanggagaling Sen. Bam?

BA: Well hindi ko alam pero yung bakal na-o-over supply sila doon at ibinababa yan dito unfortuanantely yung over supply nila pagbaba dito substandard plus smuggled pa. Although in fairness may galing din China na may kalidad at tamang importation. Pero kahit anong sabihin nila 460K tons ang nai-smuggled so nakakabahala.

KE: Kung yan ay  mache-check ng mga otoridad gaano kalaki pa bukod dun sa safety na matatamo ng ating mga kababayan, gaano pa kalaki ang madadagdag na kita sa gobyerno pa na-correct yan?

BA: Of course smuggled yan hindi nagbabayad ng tamang tax kunwari yung smuggled na bigas ay bigas pa rin yan sasabihin ng consumers pareho lang. Yung sa smuggled rice talagang yung perang binabayad ng gobyerno ay tama sa mga farmers natin nahihirapan silang magbenta ng bigas. Pero pagdating sa mga kumakain ng smuggled na bigas, bigas pa rin yan. Itong smuggled na bakal kapag ginamit yan sa mga bahay talagang delikado pag dumaan ang delubyo.

KE: May mga residente sa Leyte na nakapansin na mahina yung klase ng bakal na ginamit sa kanilang shelter ngayon at hindi sila satisfied dun sa klase na ipinatayong bahay sa kanila. Kaya minarapat nilang ayusin yung original nilang house at dun nalang magtiyagang tumira. Pero maraming nag-iisip ngayon ano kaya ang gagawin dun sa mga naipatayo ng bahay na mahina ang kalidad?

BA: May tinatawag na temporary housing at permanent housing in fact yung tanong ko po kay Sen. Lacson lahat nag ginagamitn ng materyales sa rehabiltation sa Yolanda hit area ay tamang kalidad. Kung merong substandard na materials ay agad na sabihan at puwedeng lumapit sa office ni Sen. Lacson sa amin sa senado titignan po namin yan. Iba kasi yung temporary housing kaya tama yung materyales pero temporary houses kaya bunkhouses at iba yung permanent housing.

KE: Malapit-lapit na rin yung 2015 ASEAN Integration dito sa inyong ginagawang imbestigasyon dito  senado kung ganyan yung klase ng industriya natin ng bakal dito sa Pilipinas paano kaya tayo makakapaghanda sa 2015?

BA: Kailangang mag-compete yung industriya sa ibang asian country lagi sinasabi yung mga produkto karamihan ay  agricultural products bigas, sugar na mataas na mataas talaga yung tariff. Yung aspeto ng ASEAN Integration at yung mobility ng professionals o yung mga doctor at dentista natin ay puwede ng lumipat yung mga ating managers, skilled workers puwede ng lumipat sa ibang bansa yun yung isang concern ng gobyerno. Kung nakapasa ka ng board sa Pilipinas parang nakapasa ka na rin ng board sa ibang asian countries you can already work.  

KE: With that Sen. Bam kami ay nagpapasalamat at siguro sa susunod na pagkakataon kami ay muling makikipag-ugnayan sa inyo, para dito sa mga ibang usapin lalong-lalo na diyan sa mga nangyayari sa  mataas na kapulungan ng kongreso!

BA: Anytime po maraming-maraming salamat po at sa mga nakikinig sa atin at sa taong bayan at pagdating sa substandard steel sana ay mas maging mapanuri po tayo.  Tanungin natin sa ating pinagbibilhan na hardware stores dun po tayo sa tamang standard, tamang logo na nakadaan sa DTI. Huwag lang tayong bibili ng basta-basta baka sa huli ay magsisi rin tayo at sa mga nakikinig mas ma-alam po tayo pagdating sa pamimili ng produkto at mag-ingat din tayo at maraming salamat at Thank you for the opportunity!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento