Martes, Abril 22, 2014

DWIZ 882/April 23, 2014 Karambola 8 to 10 Am Sec. Panfilo Lacson Interview (part 2)

DWIZ 882/April 23, 2014
Karambola 8 to 10 Am
Sec. Panfilo Lacson Interview (part 2)


DWIZ: Dun sa unang document yun ba ay pinag-aralan niyo nag-compute na kayo na magkano yung umaabot na napunta talaga sa kickback na pondo ng gobyerno?

PL: Nandun naman naka-kuwentang lahat sinabi din niya dun kung ilang porsiyento yung kinukuha ni ganito at naka-indicate dun kung magkano lahat may total actually malalaki. Hindi nga kumpleto kaya nga ang sabi ko kung talagang nakapag-decide na firmly na talagang magte-tell all isama lahat yung mga document at kumpleto yung narration. Kung halimbawa namang makaipag-pulong ako kay Pang. Aquino o kay Ombudsman Morales meron akong ipapakita na kaya nila nai-evaluate nila kung papano naman siya matutulungan sa kanyang hinihinging tulong.

DWIZ: Pero yung threat sa kanyang buhay binanggit din?

PL: Nararamdaman daw nila na may real threat talaga kaya siguro naisip din niya, haharap ka rin sa surgey sasaksakan ka ng pampatulog hindi mo alam napakaraming hiwaga sa buhay na nahaharap siya sa ganun so naiisip niya magsalita na lamang at magkusang loob na magsabi ng katotohanan.

DWIZ: Handa ba daw siyang isauli at magkano ba yung nakuha niyang kickbacks na napunta lang sa kanyang bulsa?

PL: Hindi kasi ang focus ko noon yung tell all na merong naka-backup na mga dokumento matagal din kaming nag-usap ng asawa niya kasama ang kanyang dalawang anak sa aking opisina at ire-relay nila kay Ginang Napoles yung aming napag-usapan at babalikan nila ako dun di  thru sa messenger na ginamit nila.

DWIZ: Yung tell all na sinasabi nagparamdam ba o nagakroon ng intentsiyon na puwedeng maging state witness sI Napoles?

PL: Umaasa siya na ganun parang secondary lan yun sa kanya parang ang mas compelling reason niya ay kung bakit na nagpasya siay na mag tell all para isiwalat yung katotohanan more than anything else pero nabanggit din yun kung sakali puwede ba siyang matulungan. Sabi  ko unang makakatulong sa kanya yung Ombudsman pero paano ko naman makukumbinse yung Ombudsman kung kulang sa sinseridad sabi ko I cannot promise you anything pero puwede akong makipag-ugnayan.

DWIZ: Ngayon ang nadidiin lang na mga mambabatas ay sila Sen. Enrile, Sen. Revilla, Sen. Jinggoy Estrada dun ba sa dokumento na inyong hawak meron bang ibang mambabatas na malaki rin yung pork barrel at natanggap na kickback na hindi pa nababanggit?

PL: Meron dung mga pangalan na hindi pa nababanggit maski sa mga pagdinig.

DWIZ: Lumilitaw ban a talagang yung tatlong senador lang ang may pinaka-malaki na nagamit ang kanilang pork barrel dito sa scam na ito?

PL: Wala pa yung kumpletong dokumento masasabi ko lamang dun sa tatlo malaki pero mukhang may mas maalki na hindi nababanggit.

DWIZ: Nababangit ba yung na-involve sa executive sa DBM?

PL: May nabanggit din hindi lang legislative meron ding nabanggit sa listahan at sa narration.

DWIZ: Meron kayong nabanggit kanina na dun sa affidavit na sinabi niyo na huwag ganyan dapat wala kayong itinatago?

PL: Tama yun sa level ko pa lamang hindi naman ako lawyer o Ombudsman mukhang 20% pa yung narration ninyo at affidavit mukhang hindi papasa baka hindi uubra. Kung gusto niyong matulungan talaga mabigyan ng immunity mukhang sa akin pa lamang di na uubra. Paano darating ito kay Ombudsman Morales kung sa akin pa lamang ay hindi ito yung tell all. Sinabi naman nil na talagang marami at i-recall pa everything at sinabi naman ng kanyang asawa na hindi naman kumpleto yung ibinigay sa akin at kailangang masuri niya yung mga dokumento na nasa kanyang pag-iingat at nakatago at para maalala niya lahat-lahat .

DWIZ:  Meron nabanggit dun na hindi lang siya yung mga foundation na involve dito sa mga ito at sinasabi rin nila na hindi lang naman lahat galing sa PDAF. May mga nangagaling din sa mga mga implementing executive offices tama po ba yun?

PL: Tama yun may mga binanggit din na mga pangalan na may mga foundation din.

DWIZ:  After niyo pong matanggap yung dokumento diniscuss niy ba immediately kay pang. Aquino?


PL: Hindi gusto ko bago ko ipakita kumpleto gusto ko ako muna ang mag-evaluate at sa sarili kong evaluate at makikipag-ugnayan ako kay Pang.Aquino o kaya kay Ombudsman Morales tsaka pa lamang gagawin.

DWIZ: Nabanggit din po ba yung tungkol sa isyu na sinasabi na hindi lang hanggang 2009 nangyari ito  meron po bang nabanggit na ganu si Mrs. Napoles?

PL: Merong binabanggit na ganun pero walang kongkretong detalye.

DWIZ: Kung senate sinabi niyo puwede ng makabuo ng quorum sa House naman ilan po yung mga nabanggit?

PL: Marami may quorum din?

DWIZ: Yun nakikita ko na isang report ng CoA mga more than a hundred. Sen. Lacson pano na-pin down ni Napoles ang tatlong senator?  

PL:  May mga detalye may SARO no., may petsa, may amount mga ganun pero walang yung accompanying document although reliable kasi may SARO no.at may petsa.

DWIZ:  Ano naman ang nabanggit niya sa mga dating empleyado niya kasama na yung kanyang pinsan na si Benhur Luy. Ano naman ang naging papel at yung mga ginawa niya sa kanya kaya nagkarron sila ng problema?

PL: Merong narration doon meron ding iniwan sa akin na USB na akala ko nga dun yung mga dokumento pero ito ay telephone conversation pero ito ay revealing.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento