Martes, Abril 22, 2014

DWIZ 882/April 23, 2014 Karambola 8 to 10 Am Sec. Panfilo Lacson Interview (part 3)



DWIZ 882/April 23, 2014
Karambola 8 to 10 Am
Sec. Panfilo Lacson Interview (part 3)

DWIZ: Dun po sa affidavit na inyong natanggap pagdating dun sa excutive gaano karami yung nabanggit nitong si Napoles

PL: I have to review.

DWIZ: Simula po anong taon yun?

PL: Maaga to mga 2005

DWIZ: So napakarami po siyang ginamit na tao.

PL: Parang narration kung papano siya nag-grow.

DWIZ: May nakakagulat po ba na ilan pang mga personahe na talagang ginamit din nitong si Napoles para dun sa kanyang modus operandi?

PL: Merong hindi naman nakakagulat pero nakaka-sorpresa parang hindi mo akalain.

DWIZ: So yung participation ni Ruby Tuazon, Dennis Cunanan talagang kumita rin nabanggit?

PL: Nandun nabanggit niya yun.

DWIZ: Yung mga agencies na binanggit?

PL: Nabanggit na rin yun.

DWIZ: So si Dennis Cunanan na nagde=deny na hindi kagaya ni Ruby Tuazon na siya ay kumita rin si Dennis Cunanan kumita rin po?

PL: Pati yung detalye kung magkano at kung papaano.

DWIZ: Yung mga pondong ginamit hindi lang yung PDAF, SARO, Malampaya yung iba –iba ?

PL: Andun lahat hindi lang PDAF tama yun yung pondo nagalaw lahat  yun.

DWIZ: Ang ibig sabihin nun meron din siyang kaibigan na nasa DBM?

PL: Meron sa kanyang narration kaya naputol kami sa ganung usapan sa aking sariling interpretation ay kulang ito hindi ito yung tell all.

DWIZ: Ano yung mga gaps dun sa kanyang narration parng meron siyang naitago o merong ayaw niyang sabihin?

PL: May mga information ako sa ibang sources na wala sa kanilang narration so ang sabi ko sa kanya kumpletuhin muna.

DWIZ: Yung figure na nagalaw n Mrs. Napoles yung P10B lumalabas po bang talagang ganyan po ba yan?

PL: Kasi nga kulang kaya hindi aabot ng P10B yun sa kanyang affidavit at sa kanyang narration pero alam ko na may mga gaps dun. Sabi ko pa nga kung may malapit silang kaibigan na mga mambabatas huwag kayong mamili kasi uan hindi ko naman kayo oobligahin na pirmahan yung dokumentong ibibigay niya sa akin antayin niya munang lahat. Ang importante lang aman ma-evaluate yung information na yung mga personal knowledge for evaluation muna yun. Kung halimbawa sa evaluation hindi talaga uubra dun kayo mag-decide kung ano ang isasama  niyo sa affidavit na lang pipirmahan ganung kaluwag option na ibinibigay ko sa kanila.

DWIZ: Ano yung nakuha niyo impormasyon kay Sec. De Lima na ho nagsikap sila na makapagsalita itong si Napoles considering na ipinaabot sa inyo noon na sa inyo magsasalita para maipaabot ito kay Pang. Aquino o kaya sa Ombudsman?

PL: Wala an akong information dun sabi ko nga kanina  natutuwa ako kay Sec. De Lima at nakipag-ugnayan inspite kung ano man yung nakaraan namin ni Sec. De Lima naniniwala pa rin ako kung malaki yung aking pag-asa na hindi niya isa-sanitize yung report. Kung ano man yung ibibigay sa kanya dapat kung sino man ang tamaan dapat tamaan.

DWIZ: Ano pong plano niyong gawin dun sa hawak niyo na dokumento yung draft ni Napoles considering na nakipag-usap na at nagsalita na kay Sec. De Lima? Yung pangalang Gigi Reyes paano po lumutang?

PL: Nakalagay din doon at may mga detalye hindi lang naman isang dokumento ito may isang dokumento na darft affidavit meron siyang dokumento na narrate dun. Pero sa aking evaluation hindi kumpleto itong binibigay niyo sa akin kaya sinasabi ko sa kanya kungb hindi niya pirmahan ipapa-evaluate ko kung ano man yung kasagutan ire-relay ko sa inyo tsaka kayo mag-decide.

DWIZ: Nakumpirma ba Ruby Tuazon na nagbibigay siya ng kickbacks pati yung iba pati si Benhur Luy?

PL:  Pero siyempre naman hindi na alam ni Ginang Napoles kung ani yung ginagawa ni Ruby Tuazon outside sa transaction.

DWIZ: Base sa knowledge niyo diyan sa nangyari diyan kay Janet Napoles anong lumalabas na maaring magawa para itong mga nangyaring ito ay hindi na mauulit kailanang ba ng mga regulations na puwedeng gawin para itong mga malalaking usapan na ito ay hindi na mauulit?

PL: Ako pakiusap lang dagadagan yung budget para makapag-trabaho ng mahusay kulang sila sa imbestigador, kulang sila sa mga field investigators nila. Kasi papasok na naman yung budget deliberation tignan natin kung how will it play out at lalo nating patapangin yung Ombudsman at yunng CoA.

DWIZ: Ngayon ay medyo nakakabawi na raw sa survey yung office of the senate President ewan ko lang yung senate at house sa tingin niyo kapag lumabas yung mga pangalan na sinasabing mga lawmakers ay baka lalao na namang bumagsak ang kumpiyansa ng publiko dito sa senado at sa Kamara bilng institution?

PL: Pero temporary lang yun kung babagsak man at maco-correct naman at sa senado tataas namn bigla yan.  Kailangang dumaan ka dun sa pagsubok at hindi maiiwasan na tamaan yung institution pero pag tapos na yun at dun magbo-bounce back at babawi yung ating mga institution. Pag tinatanong ako ng foreign media kung ano ang problema ng gobyerno kung maayos yung gobyerno everybody else will follow. We should correct the govt. eto na nga yung pinagdadaanan natin ngayon ito na yung magandang pagkakataon para i-correct natin yung govt. Pag nai-correct na natin yung govt. ay maco-correct natin yung buong bansa natin.

DWIZ: May ipinakita bang pictures sa affidavit na kasama ni Napoles etc. ganito-ganito?

PL: Hindi pictures ang nakita ko ko tseke!

DWIZ: Sa tingin niyo ba dapat manatili ang Senate at Congress kasi napakaraming lawmakers ang involve dito sa pork barrel scam?

PL: Sabi ko nga lalong titibay ito pagkatapos nito kung ico-correct ito ang masama dito kung na-weather yung storm ay baka hindi na resilient sa corruption.

DWIZ: Yung headline ng star Jinggoy smells something fishy nab aka dahil sa paglabas niya ay na-pressure lang siya at baka kung sino-sino ay mabanggit niya at pati sila ay lalong idiin reaction po?

PL: Base sa experience ko siya talaga ang nagkusa definitely walang pressure yung pagpunta sa akin Ni Ginoong Napoles at hindi rin siya prinessure ni Sec. De Lima siya ang nag boluntaryo.   

DWIZ: Ano pong eksaktong petsa nung nagpadala ng emisaryo at kalian nangyari yung meeting niyo with Mr. Jimmy Napoles?

PL:  Mga 24, 25 ng March.

DWIZ: Ano po yung inyong meeting?

PL:  Ang basehan ko lang may engagement ako nung 27 eh bago mangyari yung aking engagement dun nangyari yun.

DWIZ: Dun po nag-meeting sa office niyo?

PL: Dun sa office ko kasi ang gusto sa labas ang sabi ko ayoko sa labas mas maganda dito na lang sa office ko pag sa labas makakapag-usap ba tayo ng maayos dun.

DWIZ: Baka may maudyok sa inyong tumakbo for President sa 2016?

PL:  Andiyan na naman tayo patay na naman tayo diyan.

DWIZ: Ay naku with that alam ko marami kayong meeting ngayong umaga maraming salamat sa oras ninyo!

PL: Always my pleasure maraming salamat din!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento