Miyerkules, Marso 19, 2014

Sen. Sonny Angara (Chairman Senate Committee on Ways and Means) Kalye Escalera Interview March 20, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan




Sen. Sonny Angara (Chairman Senate Committee on Ways and Means) Kalye Escalera Interview March 20, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

 
KE: Sen. Angara good morning po!

SA: Magandang umaga Marlo at sa lahat ng nakikinig sa Radyo ng Bayan magandang umaga din sa kanila!

KE: Live din tayo sa mga radio station sa Radyo ng Bayan sa buong Pilpinas at by the Internet, kasama ko ho dito ay si Jedah Legaspi at Ms. Tea. Ang una naming itatanong sa inyo ay kumusta na po yung ating isinusulong na panukala dahil kahapon nakabasa na pahayag mula sa inyong opisina. Dito po pala sa gross income ng mga empleyado ay nasa 45% na talagang hindi nila naiuwi, ano ba talaga ang ginawa niyong pag-aaral dito senator?

SA: Inestimate lang natin yung pagbawas ng Philhealth, Pag-Ibig at pag dinagdag mo rin kung empleyado siya ng gobyerno may kaltas din ho yun. Sa SSS meron din tayong kaltas let’s say 32% yung tax bracket mo ay may dagdag at leas t 10% tumatama na rin siguros sa 40% pag dinagdag mo pa yung VAT na pinapataw sa lahat ng bilihin at serbisyo ay halos kulang –kulang na 50% to 40% ang binibigay sa gobyerno sa bawat suwelduhan.

KE: Ito ay mapa-empleyado ng gobyerno o pribadong sector?

SA: Opo sapagkat yan yung buwis na pinapataw sa lahat ng empleyado yung 32% at VAT kailangang magbayad.

KE: Yan po ang nakita nating problema at talagang siguro mas matindi pa diyan ang binabalikat ng ating kapwa empleyado lalo na yung may mga loan sa mga institution na ibinibigay ng ating mandatory contribution. Yung may mga loan siguro na binabayaran baka ang lumalabas diyan ay abonado pa sila sa kanilang payroll buwan-buwan?

SA: Opo kung sinama siguro yung interes diyan hindi pa natin sinama yung kalkulasyon natin at least gumaganda rin naman ang mga serbisyo dito sa ilalim ng administrasyong Aquino sa mga institution na ito tulad ng Philhealth, GSIS, SSS.

KE: Siguro sa panig naman ninyo sa senado matapos ninyong madiskubre yang katotohanan ano ang naiisip ninyo na solusyon at ngayon po ay nasaang yugto na yung solusyon na ito kung ito ay nakausad na?

SA: Naghain tayo ng panukala batas senate bill 2149 na over the next 2 years mula sa pagpasa nitong panukala gradually ibabawas natin yung binubuwis natin sa bawat empleyado. Aayusin na rin natin yun sa ngayon meron tayong 7 tasks bracket from P10k  to P500K  kung P500k ang pinakamahal na income tax na binabayad mo na 32% na 1/3 of your income.

KE: Maganda ho ito sa panig ng mga empleyado sapagkat madadagdagan yung kanilang takehome ano naman kaya ang epekto nito sa mga nakakaltasan din naman ng projection collection nila dito sa institution na binabanggit natin?

SA: Di ko naman pino-propose na kaltasan yung Pag-Ibig dahil may pinupuntahan yung perang yun. Ang proposal ko yung natatanggap ng gobyerno mababawasan ng konti pero over the long term madadagdagan po naman yun pag ang pamilya may pera gagastusin ho yun. Lahat binbuwisan din naman yung VAT sa income tax collection ng gobyerno siguro in the next 5 years bababa ho yon pero yung VATcollection aangat naman ho!

KE: Lumipat naman tayo dito sa sin tax sapagkat kayo ay gumawa rin ng pagdinig ang napapansin ko po dun sa mga report ng mga opisyales ng sector ng pang financial ng pamahalaan maganda yung kanilang datus na yan. Di ho ba ang isa sa mga pakay nh sin tax ay bimaba ang konsumo ng alak at sigarilyo tinataas natin para mapangalagaan yung kalusugan. Bakit parang tumaas pa rin ho ang konsumo ng sigarilyo?

SA: Hindi nga klaro yung datus hindi kami nasiyahan naalala ko nandun si Sen. Sotto, Marcos, Guingona sa ibinigay ng BIR at BoC parang kulang-kulang yung datus ni particular ang Bureau of Customs. Nakita natin natumaas nga yung collection ng gobyerno by P65B nung nakaraang taon may dagdag na pera. Yun pa ang isang argumento na puwedeng idagdag sa panukala yung income tax kasi ang estimate ng DOF P43B ang mawawala. Ibalik natin dun sa isyu ng sin tax na tumataas pa rin yung produksiyon ng ating tobacco at ang paliwanag nung NTA administrator it’s that ini-export natin yung ating tobacco. Sabi ko nga balikan natin ang pag-uusap na yan hindi tayo nasiyahn dun dahilan pinadala ng BoC na tao ay hindi alam yung pinag-uusapan masyado.

KE: Hindi ho ba parang malabo ang figures ng NTA hindi ring makapagsabi ang BoC , DOF parang hindi ring ganung ka A-1 ang kanilang datus na nakukuha. Hindi kaya magandang ipatawag na lang natin lahat itong mga negosyanteng nasa sector ng tobacco na sila ang pagpaliwanagin at tsaka tayo mga-compare ng notes?

SA: Maaring gawin natin yun sa susunod na mga meeting usually ganun naman sa ibat-ibang panukala natin yun din ang ginagawa natin tulad yung rationalization ng fiscal incentives na ibinibigay sa mga investors ay pianparepaso ng DOF. Unang meeting ang ipinatawag natin ay ang mga ahensiya ng gobyerno sa pangalawa, pangatlo ang ipinapatawag natin yung mga stakeholders, private companies, individuals na matatamaan dun sa panukalang batas.

KE: Mas concern ang mga tao dito sa sigarilyo sa dalawang produkto dito sa ilalaim ng sin tax itong alak at sigarilyo. Ang alak napapansin ko pa hindi nagkayayaan yung magbarkada parang wala ng nag-iinuman. Pero itong naninigarilyo mas malakas siyang manigarilyo kung nag-iisa  siya.

SA: Sa dako naman ng collection ng gobyerno mas malaki yung ine-expect natin mula sa sigarilyo.

KE: Dapat din siguro dito medyo madalas nating kalampagin ang BIR dahil ilang beses nanatin nababasa sa pahayagan itong isang kumpanya ng sigarilyo na marami ng nare-report kumbaga hindi nagbabayad ng tamang buwis itong Mighty Corp.pero hanggang ngayon parang hesitant sila na bigyan kung ano ba talaga yun nalabag nila. Kung anong kaparusahan ang katapat nun ayaw nilang ibigay?

SA: Ang laging sinasabi ng BoC pagdating sa Mighty sinara na nila yung warehouse ng Mighty sa Customs. Nung tinanong naming ang nga senators at congressmen kung ano yung resulta ng kanilang report at ginagawa pa daw yun ang gusto nating makita ay dapat may resulta tayo hindi yung laging ginagawa palang.

KE: Kung sinasabi ng Customs sarado yung kanilang bodega sa BoC siguro dapat ding bantayan natin lalo na yung BIR. Mula nung magsara itong bodega ng Mighty sa Customs kung ganun pa ring kadami yung produksiyon nila dapat magduda na ang BIR diyan?

SA: May puntos ka diyan bakit nakakalabas pa rin kung sinara bata nakakalabas pa rin ang produksiyon ng sigarilyo. Importante talaga magkatugma yung datus ng Boc at BIR sapagkat ini-import yung pumapasok na produksiyon ng sigarilyo na yung tinatawag na tobacco na may kahalong import pag hindi dineclare na ini-import na hindi tama magus-suffer yung collection.

KE: Dapat ding tignan diyan na yung sinasabi ng NTA na nag-e-export may naririnig ako na nagbalik daw sa country of origin itong Mighty ng kanilang mga raw materials di kaya yun ang sinasabi na ini-export ng NTA?

SA: Hindi ko masyadong natanong yan nung hearing bakit dumadagdag pa ang produksiyon ang paliwanag nila ay ang kunsumo ng sigarilyo ay bumababa.  

KE: Nagsimula na ngayon yung tobacco trading season at si administrator Edgardo Zaragoza ng NTA sa kabila ng implementasyon sa pagtaas ng presyo ng sigarilyo at alak. Magiging mabunga pa rin ang produksiyon dahil sa continued commitment ng manufacturers na bilhin yung produkto ng farmers. Pero kung lilipas ang limang taon diyan daw malalaman yung epekto ng sin tax bill kayompo ay sang-ayon sa assessment na yan?

SA: Sa tingin ko tama si administrator Zaragoza pati na rin si Sec. Ona na masayado pang maaga para makita yung totoong epekto ng sin tax law. Pangako nga nila na ito ay isang health measure hindi talaga natin makikita yung bawas sa tuberculosis sa ibat-ibang smoking realated na sakit masyado pang maaga.

KE: Gusto rin siguro ng NTA na mapupunta sa tobacco farmers yung shares sa excise tax.

SA: Kahit naman nagmahal ang sigarilyo yung ibang manufacturers ay kumukuah na rin kasi mas mura ang local tobaccos dumarami din ang consumption nila.

KE: Tama po bang hakbang yung ginagawa nilang seminar sa LGU’s?

SA: Tama naman yun dahil napakalawak ng ating bansa dapat ding malaman local govt.official yung tamang pagmo-monitor.

KE: Sa unang taon ng pagpapatupad ng sin tax meron po bang konkretong datus na para makita na tumaas yung revenue collections ng sigarilyo?

SA: Ang sabi nila ay hindi naman tumaas yung pagkunsumo ng sigarilyo with regards dun sa collection taxes talagang tumaas.

KE: Marami pong lumalabas ngayon na pangalan na ng media at kahapon sinasabi ni Sen. TG Guingona baka ipatawag pa uli si Ruby Tuazon.  Kayo ho ba bilang miyembro na nakikita ko na regular na dumadalo dito sa pagdinig na ito, ano ho ba ang tingin dapat pa bang ituloy itong imbestigasyon o magrekomenda na tayo na kung anong nakita ng mga senador sa mga bagay na ito?

SA: Sa akin pag-usapan naming mga senador yan sa tingin ko hanggat may bagong testigo may mga kasamahan kaming gustong ipagpatuloy yung hearing baka may bagong impormasyon na hindi pa nakakalap dito sa ating komite.

KE: Parang kami, nanonood lang tingin namin parang establish na puwede na tayong gumawa ng rekomendasyon?

SA: Puwedeng magpaikot ng committee report ang chairman habang patuloy naman yung hearing.

KE: Sa reporter na matagal ng nagco-cover yung istorya ganun pa rin papalitan na lang yung mga pangalan pero yung laman ganun pa rin?

SA: Mas madali yung trabaho hindi rin kasing pangakaraniwang eskandalo itong PDAF talagang grabe yung laki at scale nung plunder dito.

KE: So with that pansamantala muna kayo naming bibitiwan hanggang sa mga susunod na pagkakataon Sen. Sonny Angara!

SA: Maraming-maraming salamat sa inyo sa inyong paanyaya sa inyong show magandang umaga!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento