Martes, Abril 22, 2014

DWIZ 882/April 23, 2014 Karambola 8 to 10 Am Sec. Panfilo Lacson Interview (part 1)



DWIZ 882/April 23, 2014
Karambola 8 to 10 Am
Sec. Panfilo Lacson Interview (part 1)


DWIZ:  Unang-una may nakarating sa amin na impormasyon may idiniin nga raw itong si Janet Lim Napoles na 19 na senador. Parang nabanggit na kayo lang daw ang tanging malinis na senador ano pong masasabi niyo hinggil dito?

PL: Siyempre nakakataba ng puso maraming salamat sa mga good words na binitiwan mo kanina. Bigyan lang kita ng background nung isang buwan na nakakalipas merong isang nakipag-ugnayan sa akin na kaibigan na malapit kay Ginang Napoles at ang mensahe niya galing kay Ginoong Napoles na kung puwede raw makipag-ugnayan sa akin dahil magte-tell all. Kung magte-tell all kailangang naka-ready talaga yung sarili niya emotionally, mentally, psychologically kailangang preparado talaga siya bago ko siya kausapin. Sabi niya sa una kung puwedeng akong kausapin ng kanyang asawa sabi ko sige kung preliminary kasama yung kanyang dalawang anak nag-usap kami sa aking opisina. Unang-una natutuwa ako kay Sec. De Lima at ako may umaasa na hindi niya isa-sanitize yung mga information na ibinigay sa kanya ni Janet Napoles  yun muna ang gusto kung bigyan ng emphasis pati din yung kondsiyon na sinabi ko nung kauasp ko yung asawa niya kung magsasabi ng tell all absolute yun. Sinabi rin nila kung paano ko sila matutulungan I hope na tutukan ito ni Atty. Dong na kung halimbawa na may interes siya na pumasok sa WPP o kaya mabigyan ng immunity huwag na muma yung WPP dahil nasa jurisdiction ng DOJ yun. Yung immunity puwede naman itong ipagkaloob ng Ombudsman. Ang sabi ko sa kanila dahil dalawa yung gusto nilang pagparatingan ng kanilang mensahe kay Pang. Aquino at possibly yung Ombudsman. Alam din siguro nila dahil meron silang abugado na yung Ombudsman puwedeng magbigay ng immunity sa nasasakdal. Anyway binigyan nila ako ng  mga dokumento at drafts nung affidavit at mga events na ito ay ginawa ni Ginang Napoles pero naka-prepare ito sa isang sinumpaang salaysay. Bukod pa doon binigyan ako ng listahan ng mga involve na ayon kay Ginang Napoles lisatahan ito ng mga personalidad sa senado, kongreso. Kung hindi isang papel  dalawang page yung ibinigay sa akin at ito ay itinago ko dahil ang sabi ko hindi ako abugado pero mukhang hindi ito tell all sabi ko huwag niya munang isipin yung kanyang depensa kasi parang merong halong legal defense. Sabi ko hindi pa ito time at hindi ako interesado sa affidavit yung interest ko muna ay yung narration nung facts as he can remember. Doon makikita mo yumng sequence meron dung mga petsa, SARO nos. narration kung papano binigay yung kickback, papano nakipag-ugnayan pati yung proseso. Ito ay kumpleto kaya lamang hindi ring ganong kakumpleto kaya ang sabi ko bumalik kayo sa kanya at sabihin niyo mukhang sa akin pa lamang ay hindi papasa kasi kung ipre-present koi to kay Pang. Aquino o kaya kay Ombudsman Morales gusto ko yung talagang kumpleto na walang itinatago kung sila yung mag-e-evaluate kung pupuwedeng siyang matulungan para mabigyan ng immunity kung pupuwede. So nandun kami sa usapang ganun hanggang kahapon nga na may information na nagpulong si Sec. De Lima at si Ginang Napoles at nagsabi sa kanya na kung ano yung kanyang nalalaman at base sa report binigyan din siya ng kopya ng draft affidavit.

DWIZ: Bakit ho kayo ang naisipan na lapitan nitong sina Napoles at kanyang pamilya at ano ang ibingay na rason kung bakit gusto ng magsalita ni Napoles?

PL: Kasi nahaharap siya sa biopsy at inisip niya na baka kung ano ang mangyari sa kanya gusto niyang kahit papano maituwid yung pagkakamaling nagawa niya at least kung may mangyaring masama sa kanya parang may nagawa siya sa katotohanan. Pangalawa ako yung pinagbilin ng kanyang asawa na ako ang kausapin dahil siguardo daw sila na hindi ako involve at karamihan naka-transact niya yung karamihan ay yung kanyang mga ahente  ako lang yung sinasabi nila hindi talagang walang transaction yun ang pangunahin nilang dahilan kung bakit ako talaga. Humanap sila ng contact na kakilala ko para makipag-uganayan.

DWIZ: Meron silang naging emisaryo pero yung emisaryo kay Sec. De Lima hindi naman kayo yun Sec.?

PL: Hindi ko alam kung sino ang naging emisaryo niya kay Sec. De Lima.

DWIZ: Nung natanggap niyo yung draft ng affidavit nagulat ba kayo sa mga nabanggit na pangalan?

PL: Hindi na rin kasi may idea na ako yung iba maingay yung iba hindi masyadong maingay yung iba tahimik pero may idea ako na may kinalaman sila sa pork. Hindi rin ako nagulat parang na-validate lang yung aking mga nalalaman. 

DWIZ: Sec. Lacson meron kasing information na 19 senators ang sinabi nitong si Napoles na involved din dito sa pork barrel scam dun ba sa hawak na dokumento maco-confirm niyo itong impormasyon na ito?

PL: Parang walang 19 pero may quorum maraming panagalan dun hindi lang sa senate pati sa house may mga pangalan din na hindi ko inakala na makasama doon pero nakasama doon.

DWIZ: Posible ho ba talaga na walang pork barrel pero meron namang insertion sa budget at yung ang nagamit ni Mrs. Napoles?

PL: Marami hong ganun yung mga savings i-award, i-allocate at nagkakaroon din ng kickback  hindi lamang doon sa P200M o kung may additional na P1M na pork hindi lang dun galing. Meron ding departamento na mismo na appropriations ito yung gagamitn ng senador o kongresista para i-allocate sa mga foundations ni Ginang Napoles at dun sila kumkuha ng kickback.

DWIZ: Tinawag kayo noon na attack dog ni Sen. Enrile, Sen Miriam pero meron po kaming natanggap na impormasyon na doon daw sa isang entry sa financial record ni Benhur Luy Sept. 30, 2005 may nakalagay daw dun na nag-allocate si Sen. Miriam ng P10M sa isang Napoles foundation ng P2.5M sa Mister ni Sen. Miriam. Dun po ba sa dokumento na natanggap meron po bang ganitong impormasyon?

PL: Sa dokumentong hawak ko  ngayon wala yung ganun pero ang pagkaalam ko kasi nakarating na rin sa akin yung information ang pagkaalam ko kasama ito sa record na finorward ng NBI at DOJ sa Ombudsman mukhang nakapaloob du at mukhang at dun po ata sa laptop sa financial transaction record ni Benhur Luy. Hindi ko nakikita yung dokumento na yun mahirap mag-comment pero I share the information na meron ngang ganun sa financial transaction record.

DWIZ: Posible ba na may sobra na bumatikos na baka bandang  huli na mapahiya po sila na lumitaw na meron din silang dealing dito kay Mrs. Napoles?

PL: Posible yun!

DWIZ: Kanina meron kayong binanggit na may pinakita sa inyo na mga papeles na parang counter affidavit binago ho ba yun at may kopya ho kayo sa binagong statement?

PL: Bukod sa draft affidavit na parang ang dating ay counter affidavit ay may narration na naka-attach  ito naman yung narration ng events na sa pagkakaalala ni Ginang Napoles pero ang hinahanap ko talaga kasi pag nag-narrate ka nagsabi ka ng SARO no. kailangang makita ko yung SARO mismo.

DWIZ: Dun sa kanyang narration gaano katindi yung mga kickbacks ng ilang mambabatas?

PL: Umaabot ng 50% kaya talagang tama lang yung nangyari parang it’s about time matagal na ring naloloko yung mga tax payers natin. At meron ding day of reckoning sa hinaharap ko ngang trabaho ay baka may dumatin na storm surge, tsunami ay hindi sigurado kung sino ang tatamaan kaya mas mainam na ang gawin nila huwag na silang magnakaw ng kaban ng bayan para siguradong wala silang inaalala in times of disaster.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento