Miyerkules, Abril 9, 2014

Ms. Leslie Ayo (CEO Sole Destination Travel Company) Kalye Escalera Interview April 10, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan




Ms. Leslie Ayo (CEO Sole Destination Travel Company) Kalye Escalera Interview April 10, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magandang umaga Leslie!

LA: Magandang umaga po sa inyong lahat!

KE: Ang una naming kukumustahin sa yo ay kung ano ba ang pulso ng pasok ng mga pagkuha ng mga pakete sa mga kagaya niyong negosyante sa mga ganitong pagkakataon na malapit na naman yung mahabang bakasyon?

LA: Ngayong buwan ng Abril ito yung ating kino-consider na peak season napakaraming mga bakasiyonista ang gustong mag-travel. Karamihan sa kanila mga last minute nagbo-book ang tip ko ay planuhin ng maaga at para makuha yung gusto nating promo at accommodation. For example sa Boracay karamihan mga beach front ang accommodation ya ang nauunang ma -fully book.

KE: Halimbawa kung ako ay pupunta sa Amanpulo sa Holy week hindi na ba puwedeng magkapag-book?

LA: Isang napakagandang destinasyon sa ngayon ay limited ang mga rooms ng Amanpulo palagay ko wala na tayong makuha. Marami naman tayong magagandang destinasyon sa Palawa, Puerto Princesa marami tayong option.

KE: Sa mga nagpapa-book sa inyo ano ang kadalasan na bestseller na mga lugar at least top 5?

LA: First Boracay, Bohol, Palawan, Cebu at yung ating Norte.

KE: Eto yung Ilocos Norte at bahagi ng dulo ng Cagayan pero bakit napasama pa rin ang Bohol na kailan lang nasalanta ng lindol. Parang lumalabas naging attraction pa yung mga naging debris nung nakalipas na lindol.

LA: Yan nga lamang ang problema natin ngayon dahil naapektuhan ng kalamidad ang Bohol medyo nadecline ang turismo sa Bohol. Pero I’m sure naman within a few months magpi-pick up ulit ang turismo.

KE: Yung accommodation naman dun hindi naman mahirap dahil ang balita natin maraming mga Inns at resort, hotels na tinamaan ng lindol?

LA: Ngayon meron pang mga available pero yung top resorts diyan yun yung unang napupuno.

KE: Gaano ba katagal yung ideal na pagre-reserve ng target date?

LA: For example kung ang plano ninyong mag-travel ay during the peak season kailangan nating mag-plano at least 5 months ahead. Alam niyo yung ilang mga kababayan natin ang ginagawa nila yung isang taon nila pina-plano na nila kung kalian sila aalis. Kaya pag may lumabas na promo nakita nila na promo ito ngayon bibilhin nila kaagad usually yung mga promo natin ay ibinebenta lang ng ilang araw at kailangang i-grab natin yan agad.

KE: Kung lumagpas yung promo at decided ka naman na mag-travel sa petsa na naiisip mo papano pa yan wala ka ng choice dahil kunin kung ano talaga yung presyo lumagpas na yung promo nalusutan ka?

LA: Tama po yan pero kung may time tayo para mag-antay puwede pa rin naman dahil minsan bumabalik yung mga promo. Tip lang yung mga promo ng airlines usually pag holidays pag Christmas, new year, valentines day nagkakaroon sila ng quick sales.

KE: Sa mga promo niyo ba very transparent kayo kasi minsan mag-i-issue sa DTI tapos sabi nila may mga promos na hindi alam ng mga biyahero tapos pagdating sa actual na destinasyon may sinisingil pa sa kanila additional.

LA: Naririnig ko yan lalo na sa online lumalabas yung mga ganyang problema sa amin kasi before na i-release lahat ng mag tickets and voucher. We make sure na naiintindihan ng pasahero kung anuman yung binili nila and na kung ano yung mga nakasaad na dun sa kanilang binili ay talagang maibibigay sa kanila. At inilalagay namin yumng kailangang bayaran pa nila pagdating nila sa lugar na yun ng mga terminal fee, environmental fee.

KE: Bakit yung iba hindi naman nagbabayad ng travel tax yung iba pinagbabayad ano ba ang meron diyan?

LA: Ang travel tax natin ay usually china-charge na yan ng ating mga airlines na binili po natin sa online.

KE: kung bumili ka ng ticket online wala ka ng travel tax?

LA: Pag bumili tayo ng ticket sa online hindi pa kasama ang travel tax?

KE: So magbabayad ka sa counter pag-check in mo?

LA: Tama po!

KE: Ano yung ticket na andun na yung travel tax?

LA: Usually yung ating mg major carriers International major carriers Cathay Pacific, Singapore Airlines kasama na diyan ang travel tax pag bumili kayo ng ticket.

KE: So yung mga local natin dito asahan mo pag ikaw ay estranghero sa pag check in at hindi ka magalimg makipag-usap dun sa counter magbabayad ka ng travel tax?

LA: Naka-indicate naman yan sa inyong ticket na bumili kayo ng online ticket basahin niyong mabuti kung ano ang nakalagay sa inyong ticket, Nakalagay po diyan na kailangan niyo pang magbayad ng ganito travel tax sa airport upon departure.

KE: Kayo ba Leslie sa inyong negosyo namo-monitor rin niyo yung mga turista naman na mula sa ibang panig ng mundo na nagtutungo dito sa ating bansa para mamasyal?

LA: Marmi kaming na-e-encounter usually ang mga foreign tourists na maraming dumarating is Koreans, Japanese usually sa Boracay marami na ring Russian. May isa akong nakausap roon na isa na sa top arrivals is Russians.

KE: Sa Boracay yan yung nagba-via Kalibo dahil meron ng International flights na. Ano ang kanilang pinupuntahn dito tumataas ang tourists arrival natin ano ba ang kanilang kinawiwilian dito base sa inyong ginagawang pagmo-monitor?

LA: Well sinasabi nga nila na maganda talaga ng ating bansa napaka-rami ng ating isla marami silang option. Isa yan sa kanilang talaga nga namang gustong makita dito sa ating bansa. Isa pa siyempre yung ang pagka-hospitable ng mga Pilipino.

KE: Ano ba ang pinagkaiba ng hospitality ng mg Pilipino dun sa mga lugar nan a napupuntahan mo like sa US o kaya mga ibang bansa lang dito sa asya?

LA: Siguro ang Pilipino kahit na malagay tayo sa mga sitwasyon na kagaya ng nangyari sa Yolanda hindi nagbabago ang pagka-hospitable ng ating mga kababayan talaga namang naka-ngiti pa rin sila so napaka-warm siguro yun ang nararamdaman nila pag nandito naman sila sa Pilipinas.

KE: So siguro sa mga pang huling sandali ng aming panayam papano ba namin kokontakin ang inyong agency kung gusto naming mgatanong tungkol sa aming mga plano na magbakasyon dito at sa ibang bahagi ng mundo?

LA: Sa mga nakikinig kung gusto niyong mag-avail ng aming services maari po kayong tumawag sa 4771885 and 4771902 ang amin pong office ay located sa G/F SM City Marikina at meron ding kaming branch sa SM City Marikina sa basement and maari din ninyo kaming i-email ang aming e-mail Info@soledestination.com

KE: Sa ngayon ay yan po muna ang aming panayam sa yo Leslie, goodluck at sana sa mga susunod na pagkakataon makapagbigay ka pa sa amin ng tips dito sa mga gustong magbakasyon sa ibat-ibang panig ng ating bansa at maging sa ibayong dagat! Maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat diyan sa Sole Destination.

LA. Yes at maraming salamat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento