Linggo, Abril 27, 2014

Sec.Panfilo Lacson Kalye Escalera Interview April 28, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec.Panfilo Lacson Kalye Escalera Interview April 28, 2014/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan



Host: Marlo Dalisay (MD): Ang Una naming katanungan sa inyo Sec Lacson , Kasi mula ho ng maisiwalat ni Sec. De Lima na meron  hong  listahan na binanggit sa kanya at ng nagkuwento ho sa kanya itong si Janet Lim Napoles. At ng maikwento rin na nilapitan din kayo ni Ginang Napoles para bigyan ng document at affidavit at kopya ng USB, kung anu-ano na hong reaksyon ang aming nababalitaan at naririnig dito sa mga kasama niyo dati sa mataas na kapulungan ng Kongreso. Paano nyo po made-describe Sec. itong mga reaction na ito?

SEC Panfilo Lacson (PL): Unang –una hindi ko inilabas ng isang buwan, dahil ng lumabas yung balita na nag-usap sila. ayon na rin sa pahayag ni Sec De Lima , ganun pa man di ko parin sinasabi na may binigay sa akin na dokumento si Gng Napoles  sa pamamagitan ng kanyang asawa at ng kanyang dalawang anak.
               Alam mo yung corruption na isyu ay lahat tayo ay dapat concern, kasi may bumabatikos kasi nandun ako sa YOLANDA Avenue dapat pero , eto dahil ako ay pinagkatiwalaan nila Gng Napoles sa kanilang information, at ito ay nilabas na rin, na de-classify na dahil pinahayag na rin ni Sec De Lima. Parang nagging obligasyon at responsibilidad ko na sabihin din dahil tinanung ng media, sinabi ko na rin yung nangyari nung isang buwan nakaraan.

(MD): Kami ho kasi parang medyo nagugulat, wala pa namang confirmation kung sinu-sino  yung  mga pangalan na nanduon sa listahan, pero sa bilang ko Ginoong Sec . mga 5 Senador na yata ang nagsabi na wala ako  sa listahang yang. E talagang  wala pa dahil wala namang binabangit na listahan eh.

(SEC PL): Ang nakakaalam kung sino ang nasa listahan ay unang una sila rin eh,  Alam mo haharap lang naman sila sa salamin tanungin nila ang sarili nila. Ako ba may transaction kay Jean Napoles, ang PORK Barrel ko ba ginamit ko sa masamang paraan, ako ba nangumisyon,  kumuha ng kick back. Eh di makakakuha nila ng sagot. Kung di sila kumuha ng kick back, at malinis ang pagkaka-implimenta ng kanilang Pork barrel ay tiyak di sila masasama sa listahan.
Bukod kay Gng Napoles sila makakaalam kung sila ay masasama sa listahan, ganun lang kasimple yun Marlo.

(MD):  Nakakabalik na sana sa magandagandang pulso ang ating publiko dito sa Senado mula ng masiwalat ito, may mga bagong listahan na nga. Baka sa susunod na survey ay babagsak na naman ito.
               May marerekomenda po ba kayo paraan sa sa mataas na kapulungan na paraan para itong  pagbasak muli ng kanilang kredibilidand ay masalo.  Ang naisip ko po dito, ewan ko kung sa sang-ayunan niyo ako dito, na parang obligasyon ko rin sa publiko na iprisinta  sa kanila yung mga nagawa ko sa Pork Barrel Ko. Hindi yung ituturo ko ang COA na ang COA ang nagsabi na walang anomaly sa Pondo ko. Eh Hindi nga nakita ng tao yun Eh.

(SEC PL): Tama yun , ang kredibilidad ng maski anong sitwasyon ng kahit sinong tao ay nakasalalay sa kanyang behavior. Kasi kung , tulad ngayon bukod sa unang tatlo na,  may masasangkot pang iba . Itoy temporary lamang, pagkatapos nito ito ay magandan oportunidad para magkaroon ng self-cleansing ika nga. Ayusin na lahat ng dapat gawin dun at maging role model na ng lahat ng sitwasyon. Sa Senado at Kongreso na wala talagang anomalya at di pwedeng masangkot sa anomalya. Mag stick sa pagbabalangkas ng batas at yung kanilang oversight function.
               Yung maraming miyembro na na iinvolve sa ganyang anomalya at alam nila sa sarili nila, guilty. Eh yung iba pa saksakan ng ingay kunwari laban sa corruption , baka magulat sila yung pangalan pala nila nandun. Para silang sinampal ng isang - kilong Pork.

(MD):  Yang maiingay nayan di lang ho nasusulat officially pero alam na rin yan ng nasa sector ng  Media, may figures pa nga po kung magkano napunta sa kanila.

(SEC PL): Ang komisyunan base dun sa mga dokumento for every 50%, medyo questionable yun . Parang tinanggap na ng kababayan natin yung 20% eh, na dapat di panga eh. Dapat yung buong halaga na nakalaan sa pork na pangawa ng insprastraktura at kung anu-anu pang proyekto. Dapat buo yun pupunta sa Proyekto. Halos tinanggap ng nga ng kababayan natin, (hindi naman lahat) na ang mga legislator ay nakakatanggap ng 20%, eh umabot na nga sa 40% - 50% ang hingian. So anung matitira sa proyekto siyempre halos cost na yun.

(MD):  Ay talagang wala ng maasahan , ang talagang pagbabatayan nalang nila o igigiit nila na wala ako ninakaw diyan ay yun pong isa submit nila sa COA, kung hindi rin iimbestigahan ng COA ng malaliman.

(SEC PL): Kaya nga rin nalantad ito sa publiko ay dahil sa COA Report, dapat matuwa tayo na may COA tayo ngayun na matapang at talagang  may tiwala ang publiko. Kasi overtime pwede ipatawag ang COA ng Mataas at Mababang kapulungan , pwede ipatawag ang Cabinet members at kahit na sino. Ang iba dun ay talagang dinadaan na lang sa pambubuli. Ngayun nagkarun tayo ng COA, Ombudsman at Sec of Justice na talagang ginagawa nila ang tungkulin nila ay talagang dapat magpasalamat ang mga mamamayan. Dahil mapapangalagaan ang pera ng bayan.

(MD):  Nag paguusapan po itong cleansing-cleansing nayan. Natatandaan ko po ng huling bahagi ng inyong huling paninilbihan ditto sa Senado, nagging Chairman po kayo ng committee on accounts. Ang isa sa mga ginagawang  ginagawang cleansing noon ay talagang ang pagiging transparent sa paggamit ng mga ponding ibinibigay sa kanya kanyang tanggapan ng mga Senador. Hanggang saan yugto na ho ito humantong bago kayo umalis?

(SEC PL): Ang pangunahing concern noon ng leadership ng Senado noon ay pangalagaang ang kapakanan ng mga  rank and file, kaya ko tinanggap yung chairmanship dahil yun ang isang kondisyon o pakiusap na  sinabi ko na puwede , yung savings ng senado unahin natin ang empleyado, yung mga rank and file sa halip na sa mga  senador maibigay ang savings.

(MD):  Yung ibang mga tanggapan na di nakapag comply , nung matatapos na ang inyong mga termino noong nakalipas na Kongreso , nakapag comply din kaya sila?

(SEC PL): OO, mabuti nga naghigpit ang COA . Alam mo dati  inabot ko yung parte nay un na sinabi ng COA na lahat i-liquidate, May liquidating instrument. Sayang nung Disyembre ng 2012 yung upisina ang unang unang nagsumite ng mga liquidating instrument sa COA. Dahil inobliga na kami na kailangan , ni retroact pa nga ang pagsusumite ng liquidating instrument. At yung iba nagsumite rin. mabuti yun dahil lahat naman dapat bound ng COA rules. Kung hindi natin iaacount properly ay magiging open sa abuso.
(MD):  Isang tanung po, yun pong Tacloban hangang ngayun ay kitang kitang devastaded nagtataka kami bakit marami pa ring turista nag pupunta doon.

(SEC PL): Ganito, nung Friday ng gabi, nagprisinta na sa amin ng rehabilitation plan ang CEBU. Nung umaga ang Probinsya ng LEYTE ang nagsumite ng rehabilitation plan. Kasi hanggang ngayun dipa nagsusumite ang office of Civil Defense Post Disaster Need Assessment (PDNA). Requiremet sa batas na bago kami magsumite sa President ng master plan ay isumite muna yung PDNA , dahil natatagalan ang pagsusumite nun ay gawin na lamang tingi tingi ang pag rerehabilitate, at yung mga Local Government Executive na Pro-active at silay nakapaghanda na ng kanilang Needs Assessment , pati rehabilitation plan ay isumite na nila at kung sinu mauna ay sila mauna maimplementa ang kanilang rehabilitation, subject to the approval of the president.

(MD):  First come first serve pala Secretary. Talagang wala na po tayong  oras, kami po ay muling makikipag ugnayan sa inyo Sec Ping, Magandang Umaga Po Sa Inyo.

(SEC PL): Maraming salamat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento