Miyerkules, Hulyo 25, 2012

Dir. James Jimenez (Education and Information Dept.-Commission on Elections) Kalye Escalera Interview July 26, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Dir. James Jimenez (Education and Information Dept.-Commission on Elections) Kalye Escalera Interview July 26, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Director Jimenez, magandang umag po live kayo dito sa Radyo ng Bayan sa 738 Kalye Escalera!

JJ: Magandang umaga din po!

KE: Si Marlo, si Ate Joee, si Ms. Tea at si Jedah po ang inyong makakausap. Ang una ko hong uusisahin ay kung ano na ho ang binabalak ng Comelec para i-prove na talagang yung inyong mga ebidensiya laban dito kay dating Pangulong Arroyo ay malakas. At hindi ito dahilan kung bakit itong si Judge Mupas ay nagpasya kahapon na pagbigyan ang kahilingan ni Arroyo na makapag-piyansa?

JJ: Pinaka-importante po siguro ay talagang isusulong natin at bubuuin natin yung kuwento pagdating na sa main case. Isusulong natin yung mga witnesses natin at ipapaliwanag natin ang hukom na malinaw yung naganap na involvement ng dating Pangulo. Yun po yung ating talagang pinagtutuunan ng pansin maliban pa sa paghahain ng isang motion for reconsideration dun sa grant ng bail anytime today.

KE: Anytime today yan ba ay balak palang o confirmed na mangayayari mula sa oras na to nag-uusap tayo hanggang mamayang bago magsara ang mga opisina ng mga korte?

JJ: Gagawin po yun inutos na ni Chairman yun.

KE: Medyo ako po ay naguguluhan may binabanggit kayo kanina yung main case ito pong pinasiyahan ni CGMA kahapon hindi pa ba ito yung main case. At kung meron pa hong main case ilan ho itong mga sangay na kaso lamang na inyong isinulong laban sa dating Pangulo?

JJ: Ang ibig ko pong sabihin isang kaso lang ang finile natin yung electoral sabotage pero yung katatapos lamang yung pinagdesisyunan ni Judge Mupas ay para lamang sa bail petition for bail lang. Parang bahagi lang ito ng proseso hindi pa natin pinapasok yung mismong merito yung mismong sustansiya nung electoral sabotage case piyansa lang ang pinag-uusapan dito.

KE: At ang dahilan po kaya hindi pa naipapasok yung mga ibang merito ay dahil sa ibat-iba rin ang ewan ko lang kung masasabi natin delaying tactics na isinusulong ng panig ng depensa?

JJ: Definitely parte yan ng kanilang legal remedy tuwing meron silang nakikitang puwede nilang pabagalin yung proseso ay nakakatulong po sa kanila yun. Siyempre hindi natin nailalabas kaagad yung mga pruweba, mga ebidensiya na magpapatunay na si dating Pangulong Gloria talaga ay kasangkot doon sa planong electoral sabotage nung panahon na yun.

KE: Ini-expect po natin na kada move natin magpapakita tayo ng karagdagang merito ay may kabuntot din ito na pagtatangka na bawat merito ay maghahain sila ng panibagong mosyon para sa pagpipiyansa?

JJ: Dahil na nga na-aprubahan na yung piyansa ay tapos na yun kailangan nating harapin talaga at this point wala na silang choice. Kailangan na nilang depensahan lahat ng sabihin natin na sa totoo lang hindi pa naman nila nagagawa sa ngayon.

KE: Parang ayoko ng pag-usapan yang dating Pangulo na yan total nakalaya na naman siya. Ang itatanong ko naman ay kasi papalapit ang susunod na halalan, padami ng padami ang mga umeepal sa kalsada. Namo-monitor po ba ng Comelec itong pag-eepal nitong mga gustong kumandidato?

JJ: Oo naman po, makikita natin yan kahit hindi natin minomonitor kung mag-commute ka lang kita mo na kaagad.

KE: Wala bang prohibition dito sa mga taong ito na ipagdi-display ang kanilang pagmumukha karamihan ay wala namang mukha at dini-display pa?

JJ: Unfortunately sa ngayon hindi pa lahat yan ay kandidato so hindi pa natin sila sakop sa authority ng Comelec. Meron pa tayong batas at Supreme Court ruling na puwede lang natin ipagbawal yan pag kumagat na yung mismong campaign period ay next year pa po yun.

KE: Meron po kasi tayong makikita sa kalye kunyari pagbati mula kay kung sinuman man siya tapos ang pangit-pangit na niya. Feeling ko care ko kung batiin mo ako I don’t even know you?

JJ: Tama po yun at hindi kayo nag-iisa sa ganyang  pananaw minsan nakakatuwa pag nakakita ka ng panel ng mga ina-assume natin na tatakbo sa Kongreso nasa labas naman ng kanilang hurisdiksyon. Halimbawa kung ang kanilng district ay Q.C. example lang ito nakakita ka ng banner niya sa Paranaque medyo nakakairita din po. Totoo yan kami mismo dito sa Comelec hindi kami natutuwa sa mga ganyang kaganapan ang kaso lamang nakatali ang aming mga kamay dahil ayon sa batas at sa Supreme Court ay at this point legal pa ang mga ginagawa nila.

KE: This morning nagbanta po si Comelec Chairman Sixto Brillantes na siya raw po ay magre-resign kapag hindi naibalik sa Comelec yung pondong ibinawas para sa poll automation. Na-discuss niya po ba sa inyo yung kanyang plano na yun o yung sinabi kaninang umaga na yan?

JJ: Ang kanyang pananaw dito ay itong pagbabawas ng budget sa Comelec ay magreresulta sa pagbabalik sa manual election. Kasi gigipitin tayo ng katakot-takot kung ang ipapatupad natin ay isang automated election P8B lamang binigay na pera sa atin. Medyo mahirap naman yan ang concern ni Chairman baka mapilitan tayong bumalik sa manual election at sinabi niyang hindi niya papayagan.

KE: Ibig sabihin siya po ay talagang seryoso sa kanyang babala na yun?

JJ: Yes Ma’am seryoso po siya, kami sinusuportahan namin ang Chairman namin. Talaga po namang hindi tama na manumbalik pa tayo sa isang manual election dahil successful naman yung automated election natin. Ang kailangan lang natin ngayon ay mapondohan yung  ating activities.

KE: Magkano po ba yung amount na sinasabing ibinawas po?

JJ: 67% po ang aming inapply na prinopose.

KE: Kumabaga parang sinasabi nila sa inyo kung hindi kayo magma-manual di huwag na lang nating ituloy ito?

JJ: Totoo po!

KE: Parang ironic kung magma-manual ibabalik yung pondong tatanggalin?

JJ: Medyo nakakabahala lang considering na huwag nating kakalimutan na iton P24B na hiningi namin na na-slash to P8B ay hindi lamang pagtustos sa nitong halalan yung 2010 elections kundi pangtustos sa tatlong halalan. Yung national and local elections, yung ARMM regional election at yung barangay P8B for the election it may not work.

KE: Nabanggit mo yung barangay tuloy-tuloy ba ito kasi maraming nagtatanong sa amin ngayon kung tuloy ba ang barangay elections o hindi. Ang sinasabi ko na lang since na walang announcement ang Comelec na postponed yan eh di tuloy yan?

JJ: Tama po at hanggat hindi lumalabas na may pagkilos ang kongreso hanggat hindi sila nagpapasa ng batas ay nagsasabing wala ng barangay election eh tuloy po tayo as schedule po October 2013.

KE: Kasabay din halos to ng deadline sa pagpa-file ng candidacy sa national position for next year election?

JJ: Yung candidacy ay Oct. 2012, yung barangay elections Oct. 2013.

KE: Next year pa?

JJ: Yes po!

KE: Mauuna pa rin pala ang national elections?

JJ:Tama!

KE:  Alright Director James, maraming salamat po at magandang umaga sa inyo! Hanggang sa mga susunod na pagkakataon!

JJ: Salamat po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento