Lunes, Hulyo 23, 2012

Sec. Butch Abad (Dept. of Budget and Management) Kalye Escalera Interview July 24, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Sec. Butch Abad (Dept. of Budget and Management) Kalye Escalera Interview July 24, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Sec. Abad?

BA: Good morning!

KE: Live ho kayo sa 738 Kalye Escalera dito sa Radyo ng Bayan, ang inyong makakausap si Marlo, si Ate Joee G. at si Tess at Jedah! Sir ngayong tapos na ang SONA ay ano na po ang mga susunod na pangyayari handa na rin po ba ang ating budget sa pagkasa ng Kongreso?

BA: Mamayang hapon amin pong isusumite sa Kongreso ang budget para sa 2013 alas-kuwatro ng hapon.

KE: At ito po ay magkano po ang nilalaman ng ating pambansang budget sa susunod na taon?

BA: P2.006-T!

KE: P2.006-T mas malaki po ito dahil sa aking pagkaka-alala ngayon po atang taon ang ating ginagastos ay hind pa umabot ng P2-T Sec. tama ba kami?

BA: Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa tayo na ay sumampa na sa P2-T na gastusin.

KE: Ibig sabihin ito ang highest ever na budget ng Pilipinas?

BA: Tama po yan!

KE: Kasi naman Sec. Abad given na ganung ka-bongga ang report ng Pangulo kailangang back-upan natin ng budget yung kanyang mga proyekto na susunod tama po ba?

BA: Lahat po yan may budget na yan kaya hindi magbibitiw ng salita ang ating Pangulo kung hindi niya masusuportahan ang kanyang budget. Kaya lahat ng yan ang pag-uusapan ay yung suportang budget ay nabuo na yan at ang kailangan nating gawin ngayon ay umpisahan ng ipatupad ang puwede nating gawin na. Para hindi pa man dumating sa itinakda niyang taning na panahon ay naisagawa na at napapakinabangan na ng mga taong bayan yung mga programa at mga proyekto na inilahad niya sa kanyang SONA.

KE: Itong sa sectors ano po ang biggest budget getters for 2013?

BA: Yung mga social services mga 35% ng budget ibig sabihin ito yung sector na mahihirap. makikinabang sa CCT, basic education , public health at social housing.

KE: But I can imagine mostly CCT ito Conditional Cash Transfer?

BA: Di naman ang kalakihan diyan ay basic education P292.7B ang CCT kasi is P44B.

KE: Sec. nabanggit po ng Presidente sa kanyang SONA yung tungkol sa performance bonus para sa mga empleyado ng gobyerno at sabi po niya ay ngayong taon na, plantsado na rin ba yung Sec. Abad?

BA: Ngayon taon na ibibigay ngayong Disyembre ang isasagawa ngayon na nalalabing lima o anim na buwan ng ating gobyerno sa taon. Iisa-isa hong i-evaluate ang mga ahensiya batay sa kanilang performance target at nakita niyo naman kung gaano ka-konkreto yung mga target na ibinaba ng ating Pangulo at batay dito susukatin yung magiging performance ng mga ahensiya at Ifo-force rank din yung mga empleyado

KE: May mga naco-confuse ng mga govt. employees yun daw po ba ay dating productivity bonus na natatanggap na iniba lang ng pangalan?

BA: Hindi, iba pa yun eto ay batay sa performance kasi sabi nga ng Pangulo yung next year ay aabutin ng P5,000 at this year lahat ay makakatanggap, wala hong hindi makakatanggap nun. Pero itong performance bonus ay depende sa performance kasi sabi ng Pangulo if we don’t distinguish yung mga magagaling hindi na magsisikap ng magpakagaling pa kasi pare-pareho lang naman turing. Sabi ng Pangulo dapat ay yung magagaling ay dapat nating kilalanin at bigyan ng gantimpala.

KE: Kung sa BOC pala at sa BIR ito parang yung lateral attrition na kung meron kang magandang accomplishments may bonus ka rin na mas maganda?

BA: Oo, parang ganun ang konsepto.

KE: Hanggang P35,000 yung maaring matanggap ng empleyado ano po?

BA: Ang kabuuan kasama na yung fee ay mga P40,000 on top sa natatanngap niyang Christmas bonus at cash gift.

KE: Sec. this is totally unheard of sa mga govt. employees before ang performance bonus ay natatanggap lamang ng mga empleyado ng mga pribadong kumpanya. This will definitely professionalized their ranks dito sa ating pamahalaan tama po ba?

BA: Ganun ang layunin ng incentives system na ito at sana na nga ay doon tumungo kasi taun-taon i-a-adjust po natin yan. Di lamang cash bonuses ang ibibigay pag naging matagumpay yung unang taon iniisip na magbigay din ng mga scholarships para lalo makapagsanay yung mga empleyado  dito sa Pilipinas at sa abroad.

KE: Clarification lang na maikli since performance bonus ito posible rin po ban a yung mga none performers ay makakuha ng itlog?

BA: Ganun ang mangyayari  kasi pag hindi ka umabot sa target mo at cut-off dito ay 90% of the output you committed to deliver. Pag di umabot ng 90% hindi ka makakatanggap ng bonus.

KE: Klaro yan ha?

BA: Kung umabot ka makakatanggap ka pero kung mas  magaling pa sa minimum mas mataas hanggang umabot sa maximum.

KE: Kung ang target po ng pamimigay is Dec. this year mga anong month po dapat magsimulang mag-evaluate yung mga head ng mga agencies?

BA: Mga bandang Nov. ang ginagawa ngayon ng DBM at may task force na binuo ang Pangulo kasama ang DBM, Civil Service Commission, Devt. Academy of the Phils., COA. Meron po kaming task force na noon pa man nung umpisa ng taon ay isinasaayos na yung performance standard yung sinasabi naming major output ng bawat ahensiya. At yung indicators na malaman natin na yung output na yun ay natamo at simula Nov. ay susuriin ang bawat ahensiya at bawat individual sa ahensiya.

KE: Ok good news ho yan sa lahat ng mga empleyado sa pamahalaan, maraming salamat ho impormasyon Sec. Abad!

BA: Salamat!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento