Lunes, Hulyo 9, 2012

Sec. Sonny Coloma (Presidential Communications Operations Office) Kalye Escalera Interview July 10, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Sec. Sonny Coloma (Presidential Communications Operations Office) Kalye Escalera Interview July 10, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Si PCOO Sec. Sonny Coloma live kayo dito sa 738 Kalye Escalera Marlo Dalisay at si Ms. Tea po ang inyong makakausap?

SC: Magandang umaga naman sa inyo Marlo at Tess at sa inyong mga tagapakinig!

KE: Siguro ang una naming kukumustahin kung ang paghahanda sa State of The Nation Address ng Pangulong P-Noy ay ang ating pag-uusapan. From 1 to 10 nasa pang-ilang hakbang na ho kayo?

SC: Siguro po ay lagpas na sa kalahati dahil inumpisahan na yan nung nakaraang buwan at patuloy naman yung pagtanggap ng mga inputs. Mula sa iba’t-ibang kagawaran at ibang ahensiya ng ating pamahalaan.

KE: Kasi Sec. dati sa mga nakaraang SONA hindi naman ho particular dito sa dalawang SONA na naisagawa na ni Pangulong P-Noy. Yung mga  Sona ng mga nakaraang Presidente pa napapansin namin na kung ano yung malaking inilaan o departamento yun din po ang malaking nababanggit sa SONA. Ito hong ating SONA ngayon ay parang maihahalintulad din doon sa aking nabanggit?

SC: Tama yung inyong naiisip kasi yung ating pananalapi ngayon yung pagbu-budget ng pananalapi ng bansa, ay naayon sa mga pangunahing layunin ng ating Phil. Devt. plan. Yung gastusin nakaakma yun sa prayoridad ng administrasyon.

KE: Natatantiya na ho ba natin ngayon kung gaano magiging o ilang minuto ang  magiging pagsasalita ng Pangulong Noynoy?

SC: Ang Pangulo natin kasi ay hjndi mahilig magtalumpati ng matagal, maari yung kanyang mga karaniwang talumpati ay under 10 mins. po yun. Pero dun sa mga nakaraang SONA niya ay kung hindi ako nagkakamali ay lampas ng konti sa 50 mins. medyo mahaba lang dahil nga sa mga applause titigil habang hinihintay sa pagtigil din ng applause para sa kanya. Yun po ang pamantayan at nais ko ring ipunto na dalawa pong ulat ang hinahanda. Yung isa ay talumpati yung isa ay may technical report o nakalimbag na ulat na masa kumprehensibo at naglalayon na bigyan ng pangkalahatang pananaw ang mga mambabatas  doon sa buong nailatag.  Na naisagawang programa ng pamahalaan na batid natin na ang Kongreso ang naglalaan ng salapi. Tama lang na taun-taon ay nagbibigay ng ulat ehekutibo sa pangunguna ng Pangulo kung paano ginastos yung mga pananalapi at kung paano ipinatupad ang programa ng gobyerno. Kaya yung isasaad ng Pangulo sa kanyang talumpati highlights yun kung mas malawak at komprehensibong report na nalaimbag ay isusubmit din sa Kongreso.

KE: Parang ngayon lang mangyayari sapagkat ang nakukuha lang natin dati ay ang mga reporters na nagco-cover ng SONA yung mismong speech at wala na hong libro. Ang iniisip ko ho kasi parang yung inyong dine-describe ay parang makapal na libro ho ito?

SC: Hindi naman ganung kakapal at noon pa kasing may dalawmpung taon na ata yun sapagkat ako po ay dating naglingkod sa Presidential management staff. Naalala ko po yung huling SONA ni Pangulong Corazon Aquino ganyan  dalawang report yan. Yung isa ay binigkas na talumpati at yung isa ay yung nakalimbag na ulat. At sa aking pagkakaalam ginawa rini to ng mga sumunod na administrasyon para nga magkaroon ng kumpletong ulat sa mga ginawa although ang focus natin ay dun sa mga pahayagan at sa Media ay yung binigkas na talumpati.

KE: Yun pong mga nagkukumpara sa sinabi ni Pangulong Aquino sa kanyang nagdaang SONA. Ang ilan po sa sinasabi nila ay may ilang isyu ho na hindi pa naaksyunan tulad ng isyung kape sa PAGCOR, ano po yung masasabi niyo tungkol dito Sec.?

SC: Meron na akong natunghayang updates tungkol diyan na may hinandang kaso na isasampa laban sa sangkot diyan. Dun sa pahayagan ng Inquirer sa araw na ito nabasa ko sa online edition hindi po totoong walang aksiyon. At yung binanggit mo dapat din maunawaan din sa context yung kape yung istorya niyan ay bahagi ng mas making larawan ng korapsyon at kawalan ng mahusay na pamamahala o good governance. Sa isang importanteng tema nga ating Pangulo kung maalala natin yung unang SONA niya ay doon talaga nilatag yung konsepto ng matuwid na daan. Sa pangalawa naman yung konsepto na walang wang-wang na di dapat ginagamit ang kapangyarihan para mang-abuso o para mapairal ang mga bulok na sistema.

KE: Okey Sec. Coloma hindi na ho namin kukuninyung marami sa inyong oras. Ano na lamang ho ang inyong mensahe o pahayag tungkol sa mga kababayan natin ngayon na sasabayan ng kilos protesta ang susunod na SONA ng Pangulo?

SC: Malaya naman silang makakapaghayag ng kanilang saloobin at nais nga pong malaman ng ating Pangulo ang saloobin ng mga mamayan. Ngunit sa kabila niyan umaasa pa rin kami na magkakaroon ng mahinahong talakayan para usisain ang mga mahalagang usapin ta kung paano natin maihahatid ang atiing bansa sa mas maunlad na kinabukasan.

KE: Alright Sec. with that maraming salamat at habang papalapit yung SONA ni P-Noy kami po ay madalas makikipag-ugnayan sa inyong tanggapan!

SC: Maraming salamat Marlo at Ms.Tea!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento