Miyerkules, Hulyo 11, 2012

Atty. Emerson Carlos (MMDA-Asst. Gen. Manager for Operations) Kalye Escalera Interview July 12, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Atty. Emerson Carlos (MMDA-Asst. Gen. Manager for Operations) Kalye Escalera Interview July 12, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning Mr.Carlos!

EC: Good morning!

KE: Kasama ho ninyo dito sa Kalye Escalera sina Ms. Tea, Jedah Legaspi at ako po si Ate Joee G., Good morning sir!

EC: Good morning sa inyong lahat!

KE: Kumusta po ba ang monitoring ninyo tungkol sa pagpapatupad ninyo dito sa paggamit ng yellow lane so far? Is it easing up traffic our volume along EDSA?

EC: Ang monitoring namin ngayon yung mga buses sumusunod-sunod na sa ating yellow lane after nang meeting namin kahapon with the different bus operators.

KE: Ano po ba yung napagkasunduan kasi maraming na-confuse na mga drivers kung sila ay dapat na umakyat sa flyover. Kasi sinasabi niyo ho na dapat ang mga provincial buses lang ang dumadaan doon, but then meron ding oras pala para dun?

EC: Tama po! kasi ayon sa pina-follow natin na regulation dito sa MMDA na pinagpatibay ng mga Mayors noon pang 1998. Yellow lanes dun lang dadaan ang mga buses wala naman po kasing yellow lane dun sa flyover at sa mga tunnel. Ito ay ating inemplement strictly after a rush hour accident dito sa EDSA. Kaya nagayon kahit pano ay wala na yung mga nag-uunahan na mga bus at yung mga naaaksidenteng mga bus.

KE: Lahat po ba ng lahat ng mgs bus operators ay inyong napulong kahapon?

EC: Around siguro mga 80 city and provincial bus operators kahapon at ang hinihingi nga ng mga provincial bus operators ay kung puwede sana ay pabayaan dun sa third lane o sa kaliwa ng yellow lane para mas makaluwag daw sila ng trapaiko. At ito naman ay kino-consider ng MMDA.

KE: Kung ano pa ho yung resulta ng ginawang pagpupulong sa kabutihan po ng lahat?

EC: Ang resulta ng ginawang pagpupulong na ito ay nagkasundo yung mga operators at panig ng gobyerno, na susuportahan nila yung aming organize bus route. Wherein naco-control natin yung dispatch buses dito sa Metro Manila.

KE: So far sir ang isa pang dapat naming itanong klaro na ba sa mga isip ng mga operators and drivers kung ano talaga yung oras na puwede silang dumaan sa mga flyovers?

EC: Wala naman kasing oras dito sa ating mga yellow lane dahil yung mga city buses especially dahil dun dapat anytime of the day dun dapat sila sa mga bus lane. Dito naman sa mga provincial buses binibigyan natin sila ng window dito from 6 to 10 in the morning and 5 to 9 in the afternoon puwede silang lumabas sa yellow lane at dumaan sa mga flyovers natin pero sa tunnel pinagbabawalan natin silang dumaan dun.

KE: Yun pong pagkakapili natin ng window hours na iyan, ano po ang rational behind that?

EC: Ang rational behind that is pag rush hour from 6 to 10 in the morning, 5 to 9 sa hapon mas marami ang dispatch ng mga city buses. Sapagkat yun po yung oras na pumapasok at lumalabas na mula o galing sa opisina or eskuwelahan yung mga ating mamamayan. So i-e-ease natin yung bus lanes natin at papayagan natin yung mga provincial buses na lumabas muna dito at gamitin ang kasunod na linya.

KE: Yung kaninang unang tanong ko dun sa monitoring ninyo sabi niyo medyo sumusunod-sunod naman,  ibig sabihin may matitigas pa rin ang ulo?

EC: Actually yun nga po ang nagiging cause ng ating traffic kahit nakapila ang mga buses pag may lumabas at biglang papasok may malapit na sa split yun ang tawag namin dito nagbubuntis. Dahil yung nakabalabag na bus pasok dun sa mga yellow lanes. Kung sana ay tuloy-tuloy lang na nakapila sila ay wala sana hinto ang mga buses natin.

KE: Sir nasa inyo na po yung pagkakataon na manawagan sa mga kinauukulan tungkol dun sa programa na yan?

EC: Nanawagan po kami sa ating mga bus drivers na talaga nating pinapatupad itong yellow lanes natin ngayon at sana ay makipag-cooperate po kayo.  Gaya ng aming ibang programa katulad ng ating motorcycle lane at yung pinapatupad dapat ng DOLE na fix salary and performance base compensation para sa mga drivers.

KE: Thank you so much Sir Emerson!

EC: Thank you din po!




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento