Miyerkules, Hulyo 18, 2012

Dir. Edgardo Cabarios (National Telecommunications Commission) Kalye Escalera Interview July 19, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan


Dir. Edgardo Cabarios (National Telecommunications Commission) Kalye Escalera Interview July 19, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Magandang umaga Dir. Cabarios sir!

EC: Magandang umaga po!

KE: Live po kayo dito ngayon sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan, ang makakausap niyo po ay si Marlo Dalisay at si Jedah Legaspi. Yun hong pakay ng aming pakikipag-usap sa inyo ay tungkol nga po dito sa mga naglalabasang impormasyon na itong mga load ng mga cellphones ay tatanggalan na raw po ng expiration period. Ano po ang paliwanag dito ng NTC Dir.?

EC: Nagsimula kasi yan noong nag announce ang DTI na tinatanggal nila yung expiration ng mg gift check. Meron hong nagtatanong kung puwede raw tanggalin na ang expiration ng cellphone load. So pinag-aaralan po ng Commission ngayon kung posibleng tanggalin yung expiration ng prepaid load. Kung hindi man puwedeng tanggalin bka puwede pang i-extend ngayon po yung sampung piso na dati isang araw lang ginawang tatlong araw. Yung P100 ay isang buwan at P300 ay 75 days expiration tinitignan po yan pag walang expiration baka magkaroon ng epekto sa mga tel. nos. sa cellphone nos. Kasi ang cellphone nos. ay limitado lang po tulad din yan halimbawa yung Smart ay 0918 po yan at marami pang ibang nagasisimula sa 09. Yung Globe 0917 at iba pang 09 din ang umpisa ang puwede lang i-assign diyan 0900 hanggag 0999. Kung walang expiration yan halimbawa isa tel. no. may load siyang P1 na napakaraming taon ay hindi mo pupuwedeng i-assign sa iba yun kasi meron pa rin siyang load. Kung ang isang subscribers bumili ng napakaraming sim card at may naiwang load sa napakaraming sim card at naiwang load dun ay P1. Hindi mo puwedeng i-assign ulit yung numerong yun sa darating na panahon na mauubos yung numero wala na hong makakagamit kawawa naman yun. So yun ang tinitignan natin isang anggulo na dapat na ikonsidera sa pagde-desisyon kung tatanggalin o hindi. Ang isa pa pong tinitignan doon ay epekto naman ng mga maliliit na retailer ng load. Na kung walang expiration tatagal yung turnover yung pagbalik ng bibili ay tatagal yun. Liliit ang kanilang kita hanggang sa sila ay malugi na makakaapekto yan sa buong ekonomiya ng bansa.

KE: Eto ay hindi ko alam itong isu-suggest ko sa inyo ay ikakatuwa ng mga Telcos ano? Sige tanggalin natin ang expiration date ng mga load pero tanggalin na rin natin yung mga unlimited features nila para mabilis din ang pagbalik doon?

EC: Kasi yung mga unlimited offers ay may mga segments sa merkado na gusto yung serbisyong yun. Dapat ay hindi rin sila ma-deny ng serbisyong yun at maraming variations diyan na kanilang mga promo. Ang talagang pakay nun ay para mga signipikong segment ng merkado tapos yung mga regular services nila eto yung covered ng buong expiration.

KE: Balikan ko lang yung binabanggit niyo kanina hanggat may load at hindi nag-e-expire yung buhay ng isang sim card ay hindi mai-a-assign sa iba. Mayroon ho kasing pagkakataon na may mga nakakausap kami at nagrereklamo na bagong bili nila yung sim kakalagay lang sa cellphone wala pa silang pinagsasabihan and yet may nagte-text sa kanila. Ito ho ba ay epekto ng dati pang nagma-may-ari nung sim na yun?

EC: Pag hindi pa nakuha o nare-assign yung numero dapat  hindi pa gamitin ng iba. Ngayon ang posibleng nangyari ho diyan baka naman mayroong isang tao hindi maganda yung kanyang pakay at nag-match ng numero.

KE: Ang natatanngap po kasi nung taong nakakausap ko ay yung scam messages yung mga send to many group messages?

EC: Ito po yung mga textblast na sinasabi nila.

KE Blasting!

EC: Mayroon po kasing mga tao gustong manloko ng iba yan po yung ginagawa nila nagte-textblast sila scam messages yun ho ang nagiging epekto niyan. Posible pong gawin ng walang magawa sa buhay.

KE: Epekto nga po ito ng mga posibilidad nan yung mga sim na nabili ay mayroon na dating nagma-may-ari at na-expired na lang na di maloadan?

EC: Pag nag-expired na yun puwede ng ire-assign sa iba yun para maparami rin yung  kanilang mga numero. Kasi kung hindi mauubos po yan.

KE: Ako din naka-experience na yung bagong kuha ko ng linya ay talagang ang dami ng text na nag-aalok ng condo at kung ano-ano pa. Pero ito sir may posibildad po na ma-track itong mga no. ng mga nagte-textblast at kung puwede ay mai-lock na yung sim nila.

EC: Yung sim talagang pinapa-block na namin mura kasi ang sim card sa Pilipinas kaya madaling bumili kasi wala ka namang ipepresentang mga ID over the counter puwede kang bumili. So pag blinock bibili ng bago yun ang ginagawa ng NTC kung may reklamo diyan sa scam pinapa-block po talaga yung sim.

KE: Balikan po natin yung expiration ng mga load mayroon na tayong target period nito para matantiya natin kung kailan kayo maglalabas ng inyong initial finding kung pupuwede nga talagang tanggalin  nag expiration period nito?

EC: Yung initial findings namin ay ipiprisinta sa aming Commissioner para sila ang magdesisyon kung kailan tatawag ng public consultation, public hearing. Hindi puwedeng maglabas ng rules ang Commission ng walang public consultation tinitignan natin yan perhaps sa dalawang buwan puwede na naming mai-submit sa mga Commissioners ang aming initial findings.

KE: Maximum na ho itong dalawang buwan kasi sinasabi dito ni Sen. Bong Revilla Jr. parang natatagalan na raw siya kung dalawang buwan ang aabutin nitong aksyon na ito na mula sa NTC?

EC: Titignan pa rin po kung mapapadali yung pag-aaral diyan lahat ng posibilidad gagawin namin upang mapadali yung pag-address sa isyu na ito.

KE: Ang NTC po ba ay under pa rin ba ngayon ng DoTC  yung C sa DoTC o may iba na kayong mother department?

EC: Datin po sa DoTC tapos nalipat sa CICT nung na-dissolve po ay pinalitan ng ICPO under po ng Dept. of Science and Technology. Kami po ay naiwan sa Office of the President.

KE: Panghuling isyu kasi ngayon dito sa Pilipinas ay talagang patok na patok na ang internet para ho yung mga Telcos ay makakuha ng maraming mga subscribers sa kanilang mga internet services ay pababaan na sila ng rate ngayon. Darating ho kaya na magiging libre na ang internet dito sa atin courtesy of the Govt.?

EC: Ang tanong kasi kung may nagbigay sa yo ng libre may nagbabayad na iba kasi pag may underlying cost mayroon dapat magbayad doon sa cost na yun. So yung sinasabi nating WiFi dito libre, libre yun sa mga gumagamit dun pero binabayaran po ng may-ari. Mayroon pang nagbabayad para sa isang libreng binibigay ng mga tao.

KE: Pero yung existing rate na yun makatwiran ba ito?

EC: Competitive po ang pricing nila kanya-kanya po silang mga promos ngayon at unlimited surfing etc. mga dini-displsy na mga sites yung Facebook, Twitter etc. Meron silang nga offers na mababa unlimited access sa sa mga site natin competitive po siya.

KE: At kagaya ng mga oil companies deregulated din siya o kailangan pa niyang magpaalam sa inyo o bago sila mag-adjust ng kanilang mga existing rates?

EC: Ang ginagawa po nila ay sumusulat po sila sa NTC para sabihin na ganito ang kanilng offer at sinusulatan po sila ng NTC na, sige puwede yan para makakuha sila ng permit sa DTI para mai-publish yung mga offers na yan. Ang tinitignan po ng NTC diyan pag ang presyo ay pataas ay dapat sasamahan siya ng processes at kung yan ay pababa ay hindi na, aprub  na yan kaagad.

KE: Maganda yang ginagawa niyo sana ganyan din ang DOE kung pababa aksyon agad at LTFRB at kung anu-ano pa. LTO lahat ng mga sangkot ang damdamin ng publiko.

EC: Ang kagandahan naman sa Telcos ay yung technology kasi habang tumatagal habang nag-i-improve nagmumura po kasi. Puwede silang mag-offer ng services na rate ay pareho o mas mura pa.

KE: Alright! with that maraming salamat po at pansamantala namin kayong pakakawalan. Pero sa mga susunod na pagkakataon ay muli namin kayong tatawagan para sa mga additional updates para sa ating technology dito sa Pilipinas. Maraming salamat po! at good morning!

EC: Maraming salamat po!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento