Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Director Zenaida Monsada (DOE) Kalye Escalera Interview Feb. 23, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Director Zenaida Monsada (DOE) Kalye Escalera Interview Feb. 23, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Diretor Zenaida Monsada, good morning po!

ZM: Good morning po!

KE: Ito pong $106 per barrel na presyo ng krudo sa world market. Ano ang nais ipakahulugan sa mga Pilipino, hanggang saan at magkano ang itataas ng presyo ng ating produktong petrolyo dito sa Pilipinas?

ZM: Itong $106 per barrel na napapabalita ngayon ito ay yung benchmark ng America. Nasa mga nakaraang panahon ay mas mura kaysa sa Dubai na benchmark natin. Ang kahulugan po nito pag gumaganda yung ekonomiya ng America yung benchmark nila ay tumataas. Sa atin naman usually nagsasabay ang presyo ng langis sa international market. Ibig sabihin tumataas ang brent ang benchmark ng Europe at sa Dubai sa benchmark ng Asia. Ang impact ay actually hindi tayo nagre-react dito sa bansa natin base on 1 day. Itong araw na to tumuntong yung presyo nila ng $106.

KE: Ano ho ang latest ngayon itong $106 kagabi ko pa nabasa at na-monitor?

ZM: Base yan sa trading kahapon, yung trading today hindi pa natin alam.

KE: Halimbawa mag $103 mawawalan ng paggalaw dito sa atin?

ZM: Ang concern po natin ay hindi po itong krudo ng America kundi yung Dubai at mismong presyo ng petroleum products.

KE: Dapat hindi na natin binibigyan ng pansin itong nababanggit sa ulat na ito?

ZM: Opo! Kasi hindi yan ang benchmark natin ang isang indication niyan ay pareho din yung galaw.

KE: Dapat din pansinin ma’am?

ZM: Hindi yung level na yun ibig sabihin paakyat yung isa malamang maapektuhan yung iba.

KE: Ano ho bang benchmark ang dapat nating binabantayan yung talagang nagiging basehan ng mga oil companies dito sa Pilipinas para magtaas ng presyo. Kasi kung ganito na lahat na papansinin natin at hindi naman lahat ay nakaka-apekto sa atin baka malilito lang tayo?

ZM: Tama po yun! Ang ginagamit na presyuhan dito sa atin ay base sa produkto mismo. Kung gasolina kung ano yung presyo sa international market itong langis in general ito yung raw material. At madalas ang galaw ngayon ng gasolina at diesel sa international market at finish product hindi pareho. Kaya napansin niyo minsan mas malaki yung increase natin sa gasoline minsan ang diesel naman ang malaki depende yan sa actual na galaw ng produktong petrolyo sa international market. Ang basehan po natin dito ay ang nangayayari sa trading nung nakaraang linggo vs. noong isang nakaraang linggo yung difference yung ang nare-reflect dito sa atin ngayong linggo. Example yung adjustment kahapon ay base yun sa nangyari last week hindi isang araw lang kung hindi isang linggo .

KE: Ano pong mga bansa at market ang  ating dapat bantayan para masabi natin na maghahanda tayo tumaas na sa ganitong presyo merkado. Yan ay nakakaapekto sa presyo natin sa Pilipinas, nalilito sila dahil iba-iba pnagbabasehan?

ZM: Ang benchmark sa market natin ay Singapore.

KE: Singapore lang ang ating babantayan, ngayon ano ang galaw ang Singapore market?

ZM: Itong linggong ito which is 3 days palang ang reported na trading medyo tumaas kaysa nung nakaraang linggo. Hindi po natin alam kung ano talaga yung mangyayari may dalawang araw pa tayong babantayan. Araw-araw sinusundan namin yung presyo sa international market para magkaroon kami ng idea kung papano yung galaw sa atin.

KE: Iniisip ko ho dito baka Singapore ho ang binabantayan natin, Yung Singapore naman po ang binabantayan din nila yung ibang market para magtaas sila. Ang mangyayari niyan yung epekto parang domino na rin.

ZM: Actually yung Singapore market apektado yan sa global market. Halimbawa itong Singapore ito ay walang kahit isang drop oil production meaning yung langis na galing sa sarili nilang lupa yung crude oil.

KE: Mabuti nga siguro tayo kahit papano meron.

ZM: Mas maganda tayo in resources ang Singapore practically wala lahat imported kahit anong klaseng energy resource.

KE: Pero bakit parang napaka-ironic na wala silang ganung klaseng natural resources and yet sila ang nagiging batayan natin?

ZM: Kasi napakalaki ng kanilang refinery na nagse-serve sa Asian market siya yung hub ng oil sa Asia. Halimbawa lahat ng pangangailangan o hindi naman lahat karamihan kagaya ng Japan itong mga Asian countries dito sa Singapore bumibili. Kung anuman yung shortage sa local capacity ng mga refineries sa Singapore binibili. Ang Singapore lahat ng kanyang crude oil o raw materials ay imported karamihan ay galing sa middle east. Ang middle east ay may kaguluhan at source ng buong mundo for most of the supplies yung pinanggagalingan ni Singapore ay iisa. Kung anuman yung kaganapan sa middle east at nagkagulo ay apektado yung Singapore market apektado po tayo global po talaga. Dati yung hindi matanggap ng America na nag-bagyo ay tumataas ang presyo sa atin kasi hindi tayo bumibili sa America at nasa kabila ng parte ng mundo yun. Nung nag-hurricane sa America nakulangan sila ng kapasidad tinamaan yung facilities nila lumaki yung kinukuha nila sa middle east na pinagkukunan din ng source natin apektado pa rin tayo indirectly.

KE: Sa tingin po DOE magiging tensiyonado yung sitwasyon sapagkat nitong weekend tinigil na rin ng Iran ang pagbebenta ng langis sa Britain at France, bilang paghihiganti umano dun sa plano na European oil embargo.

ZM: Ang sinasabi ng mga ioil nternational analyst ang issue ay ang hindi ang supply but the bigger concern is lumalala yung tension ng mga countries na ito na baka aabot dun sa magkaroon ng mga bombahan na. Halimbawa pinutol yung supply sa European countries may mapagkukuhunan naman sila hindi problema yung ibang countries like Saudi magdadagdag siya ng produksiyon. Initially magre-react yung market biglang kukuha sa common market itong mga European countries this early. Magco-correct yan  lalakihan ng ibang countries yung production para masalo yung demand. Ang bigger concern ay lumalala at nag-i-implement sila ng ibat-ibang sanctions yun yung takot kung magkakaroon ng bombahan diyan very far reaching yung indication.

KE: Ang ibig sabihin po ba ng pangyayaring yan lumilinaw na ngayon sa possibility ng pagra-rasyon ng gasolina dito sa bansa natin?

ZM: Hindi pa naman po kasi sabi ko nga yung supply disruption hindi pa siya isyu natatakot lang yung mga tao na lalala yan  more of  the fear factor.

KE: Kasi nga ang nagpapalala  sa pagpapalutang ng mga nagtataasang figures dito sa merkado na hindi naman tayo ganap na apektado ay ito ring mga kumpanya ng langis para magkakagulo tayo rito.

ZM: Hindi po yung local oil companies natin kasi itong pinag-usapan natin ay market ng Singapore ay international prices ito. Nagre-react lang yung ating local dito kung ano yung presyo ng acquisition nila hindi sila nagtataas kasi tintignan namin hindi lang yung galaw nila ng weekly kundi yung year to date. Kasi pag nag-a-accounting yung mga yan pag nag-file ng kanilang taxes at financial statement sinusundan namin. Itong aming pag-monitor ay merong estimated na mga adjustments hindi talaga namin ma-impose ito yung dapat presyo kasi hindi naman regulated ang pricing.

KE: Ngayon po ba ilang beses ng nagtaas ng presyo ng gasolina dito sa atin at ilang beses na ring bumaba?

ZM: Ngayong taon po maliwang na kadalawang baba o tatlo at anim na beses nagtaas. Actually sa isang linggo pabago-bago within the day ang daming tradings average for the day talagang magalaw ang presyo. Ang tinitignan natin ay ang average for the week yung rollback natin dito at hindi puwedeng mag-rollback sa international market tapos increase tayo dito hindi po kami papayag niyan.

KE: Hindi rin naman nila siguro gagawin yun dahil alam naman nilang mahuhuli sila.

ZM: Alam nila kasi araw-araw naming tinitignan yung expected na galaw yung nga lang yung mga estimate namin hindi siya necessarily eksakto sa ini-implement nila. Pero sinusundan namin na hindi sila lalayo sa week to week at year to date.

KE: Sa loob ng mga natitirang araw ngayong buwan ng Pebrero meron ho ba kaming aasahan pa na pagbabago ng presyo ng diesel at gasolina?

ZM: Hindi po natin masabi at wala,pong makakapagsabi niyan antayin na lang po natin kung ano talaga yung lumalabas diyan sa presyuhan sa international market.

KE: Pero dapat ho mabantayan?

ZM: Depende we assure you that ang bantay namin ay araw-araw talagng sinusundan namin first thing in the morning tinitignan namin kung anong nangyari kagabi. Ano ba yung medyo mangyayari the following week ayaw namin kami ang magsabi dahil either pag pinangunahan namin wala silang balak gumalaw tapos sinabi ng DOE na pataas e tataas sila. Ayaw namin sa amin mag-umpisa magre-react kami in public dun sa actual na mangyayari,.

KE: Ano po ang inyong payo sa mga motorista ngayon from the Dept. of Energy?

ZM: Nung nag-deregulate tayo ang unang ni-require sa mga gasolinahan ay mag-post ng presyo nakikita natin ang lalaki ng mga prices diyan. So ang sinasabi namin ay exercise yung right to choice hindi pare-pareho ang presyo ng iba-ibang lugar hindi naman siguro ara-araw sila magpapakarga at bantayan nila kung ano ang mas mura na mga lugar.

KE: Sa Clark at Subic mura po!

ZM: Talagang mas mura dun at least dito sa Metro Manila haimbawa sa rota mo.

KE: Sentimos lang ho ang pinagkaiba.

ZM: Ganun po talaga kasi competition.

KE: Hindi nalagay sa deregulation law na hindi lang dapat diyes sentimos ang diperensiya?

ZM: Competition po kasi yan ang nagyayari halimbawa nung nakaraang linggo ang advice sa amin na increase ng diesel karamihan 85 centavos. Yung isang kumpanya ang na-implement niya ay 70 lahat ng nag 85 binaba nila sa 70 kasi hindi dapat malayo yung presyo mo dun sa presyo ng ibang at lalangawin ka. So yung competition siya yung naglalapit ng presyo. Pero dito sa Metro Manila makikita na may diperensiya sa pinakamura sa pinakamahal puwedeng umabot ng piso pero yun nga lang ibang trading area yun.

KE: Mero po akong isang pinagka-kargahan ang rota ko kasi araw-araw ay Commonwealth, Q.Ave, Espana, Buendia meron isang istasyon sa buendia na ang diperensiya sa presyo niya kumpara sa nadadaanan ko ay 85 centavos.

ZM: Yan ang ibig sabihin nun, kung dito ka sa Commonwealth sa dami ng istasyon diyan naglalaban-laban sila usually kung sino ang pinakamura. Tapos dun sa buendia hindi gaano kadami yung pumasok na players diyan sa Makati area mas mahal ang rental talagang mas mahal ang presyo diyan.

KE: Pero yun ho ang mas mura yung nasa buendia mas mahal po yung mga nadadaanan ko. Yun na po ang pinakamura sa ngayon dahil tayo po naman ay maraming pinupuntahang lugar dito sa Maynila.

ZM: Pero diyan sa bandang ano may mga pumasok din na mga new players mura yung sinabi mo sa Buendia.  At least nakikita niyo na may kaibahan yung presyo depende kung saang lugar. Ang isa pang payo namin ay maging wise at maging efficient sa paggamit ng produktong petrolyo kung iplano mo yung biyahe mo maayos yung maintenance mo nung sasakyan mas bababa yung konsumo at nakakatipid ka.

KE: Maraming salamat po Ma’am Zenaida!

ZM: Maraming salamat po at magandang umaga po!





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento