Miyerkules, Pebrero 15, 2012

Sec. Enrique Ona (DOH) Kalye Escalera Interview Feb. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec. Enrique Ona (DOH) Kalye Escalera Interview Feb. 16, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sec. Ona, magandang umaga po! kayo po ay live sa 738 Kalye Escalera dito po sa Radyo ng Bayan. Ang inyo pong makakausap on air ay si Marlo Dalisay, Ms. Tea at si Ate Joee G., kumusta na ho kayo Sec.?

EO: Good morning okey naman!

KE: Ngayon po ba kung sakali sa pagkakataong ito kayo ay  nasa kalsada na o kahapon sa inyong paglalakbay. Kayo po ba ay marami pa ring nakitang nagmo-motor na hindi naka-helmet?

EO: Marami pa rin lalo na pag hindi sa main hi-way.

KE: Kasi po nakarating sa aming kaalaman na medyo nagulat kami dito ang DOH po ang nagbigay ng paalala sa ating mga motorista at drivers. Kung kayo ay naka four-wheel na sasakyan ay magsuot ng seatbelt at kung naka-motor naman may angkas o wala pareho kayong magsuot ng helmet. Nagulat lang kami dahil pag naririnig namin ito ay galing sa DOTC, LTO, MMDA bakit po ang DOH ang nagsabi nito ngayon?

EO: Actually tama lang yun dahil first of all ito ay kalusugan alam mo ang accident ngayon karamihan nga nito ay sa pagmo-motorsiklo dito sa malalaking siyudad. Dahil sa paglaganap ng motorsiklo napaka-importante na malaman ng ating mga kababayan na hindi ito lamang DPWH, MMDA kundi talaga kalusugan. No. 4 itong dahilan ng ating mga deaths o aksidente na hindi naman lahat namamatay kundi lahat o nakakaalis ng buhay sa ating mga kababayan. Kaya ito ay isa talaga sa dapat bigyan ng attention ng ating kagawaran ng kalusugan. This is a health issue kaya dapat talaga ang Dept. of Health ay importanteng magbigay ng paalala sa ating mga kababayan at sa local authorities. Gusto kung ulitin na ito ay no. 4 cause of deaths ng mga Filipino ang mga aksidente at ngayon nga ay dahil sa napaka-popular na ang motorsiklo sa ating mga kababayan ay dapat mabigyan sila ng paalala. Laging gumamit ng helmet pati proteksiyon sa tuhod at sa kanilang arms, buong katawan mas maganda nga kung meron din silang nilalagay na ilaw, reflector na ginagamit lalo ng pag-gabi.  Ito ay isang paalala lamang sa ating mga kababayan kaya ang kagawaran ay nagbigay ng paalala sa ating mga kababayan.

KE: Sec. ang LTO po ay gustong isama sa high school curriculum particular ang 3rd year at 4th year yung responsableng pagmamaneho ng motor. Ang sabi ng DepEd pag-aaralan yung mungkahi ng LTO kayo po ba ay pabor dito?

EO: Very supportive ako dahil nga hindi lamang ito sa motorsiklo dahil ang driving ngayon ay regular na lamang sa kaalaman ng isang tao. Lalo na ang ating kabataan hindi man sa sasakyan na meron silang trabaho na ang kanilang sinasakyan motorsiklo. Driving si already a regular activity sa ating kabuhayan sa ibang bansa ay kasama sa curriculum sa kanilang paaralan. Kaya yan ay siguro napag-usapan lamang sa DepEd dahil isa lamang ito sa bagay na ginagawa sa ibang bansa. Kaya dapat na itong isali I fully support kami sa Dept. of Health yung panukala na gagawin.

KE: Reaksiyon po ng ilang estudyante masyado raw maaga pag sa third at fourth year High school itinuro dapat daw sa college na?

EO: Tamang-tama lang dapat sa high school para nasisimulan na agad yung tinatawag nating good habit driving and information na dapat malaman ng lahat ng ating mga kababayan lalo na sa high school students.

KE: I’m sure marami ho yung nagmo-motorsiklong nakikinig sa atin ngayon, ano ho yung gusto niyong ipaabot at ipaalala sa kanila?

EO: Alam mo ang motorcycling ngayon is a mode of transport na napaka-popular na sa ating mga kababayan. Minsan ito ay either for sports or going to work kaya ang aking panawagan sa kanila ay talagang sundin nila yung ating mga batas ngayon regarding sa paggamit ng helmet at proteksiyon sa kanilang tuhod at sa buong katawan laging maglagay ng reflector sa kanilang jacket lalo na sa gabi. Ito ay isang bagay na siunusuportahan ng DOH ng dahil nga accident is the no. 4 leading cause of death among Filipinos.

KE: Meron po akong katanungan unang-una kakatapos lang po ng Valentine’s day, kumusta po ang Valentine’s day ng ating Sec. of Health naman?

OE: Okey naman I’d just had a dinner with my wife at home.

KE: Interesting!

EO: Alam ko na punong-puno ang mga restaurant sabi ko nga sa aking may bahay ay ngayong weekend na lang kami magdi-dinner sa labas. A little bit less crowded ang mga restaurant yun ang aking promise sa kanya kaya hindi na kami lumabas nung isang gabi.

KE: Ire-relate ko lang sa kampanya niyo tungkol sa pagsusuot ng helmet at sa katatapos na Valentine’s day. Ang health issue na aking tatanungin sa inyo kapag nagdadaan ang Valentine’s day ang iniiwasan kasi natin disgrasya, hindi po ba tumataas ang kaso ang unwanted pregnancies?

EO: Walang data pero puwedeng mangyari yun.

KE: Magkakasundo siguro tayo Sec. kung aabangan natin pagdating ng Nov. ay maraming pinanganak.

EO: Tignan natin as a matter of fact patitignan ko nga yung mga nakaraang taon kasi puwede naman nating malaman yan. But again maybe binibigyan nila ng significant itong Valentine’s day ay is semblance of your love to either your wife or to your girlfriend. I would propose may mga tao talaga diyan pag Valentine’s day lumalabas sila siguro naman ay puwede na nating sabihin na talagang nangyayari na mas maraming incidents ng pregnancy. Siguro nga sa nangyayari pag Valentine’s day but we have to prove that.

KE: Isa pa po marami po bang heart ailment na nagde-develop after Valentine’s day ako po kasi masamang-masama ang loob sa nagdaang Valentine’s day?

EO: Madali nating matugunan yan pag titignan natin ang statistics, I’m sure meron namang mga ibang bansa diyan na ipapa-research ko at itatawag ko sa inyo. Meron talagang proof na talagang nangyayari ang ganung bagay.

KE: Saan po ang punta niyo Sec. saan po ang lipad niyo?

EO: Lilipad ako sa Laoag ngayon dahil meron kaming bibisitahin na ospital at merong ospital din na i-inaugurate at the same time meron yung leagues of mayors ay magbibigay tayo ng paliwanag dahil may convention sila doon. Papaliwanag natin doon yung programa ng Aquino administration yung kalusugang pangkalahatan yung universal health care. Ito ay isang bagay na inilunsad natin more than one year na subalit ang tingin ko marami pa ring mga kababayan ang hindi nila masyadong nalalaman o nauunawaan kung ano ang ibig sabihin nito at benepisyo. Na makukuha nila sa ating programang pangkalusugang pangkalahatan ibig sabihin nito ang ating mga kababayan lalo yung mga mahihirap ay nabigyan na ng tulong ng National govt. para sila ay ma-enroll sa Philhealth at dapat malaman nila kung ano ang ibig sabihin at benepisyo ng membership.

KE: Sec. Ona have a safe flight, magandang umaga po at hanggang sa mga susunod na pagkakataon po!

EO: Magandang umaga din po sa inyong lahat at sa mga inyong mga tagapakinig !


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento