Lunes, Pebrero 20, 2012

Mr. Francis Pasyon (Indie Film Director) Kalye Escalera Interview Feb. 21, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Mr. Francis Pasyon (Indie Film Director) Kalye Escalera Interview Feb. 21, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Ang Director po ng award winning indie film na Jay si Direk Francis Pasyon, Francis andiyan ka ba?

FP: Hello!

KE: Francis live ka dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan, ako ang nakakausap mo ay si Kuya Marlo, Joee G at siyempre ang aming bunso na si Jedah! Francis naalala ko sa Jay may eksenang may ginamit ka rin na character na pulitiko hindi ba?

FP: Mayor, oo!

KE: Mayor naman?

FP: Oo!

KE: Na talaga ang nilabas sa Jay si mayor wala siyang significance doon sa istorya pero pinipilit niyang isama yung mukha niya sa coverage. Francis kung ikaw ay hindi nagagawi diyan sa impeachment court trial ikuwento ko lang sa yo na merong dalawang laos na pulitiko na araw-araw dumadaan sa harap ng camera, parang si mayor yun. Yung panukala kasi nito si Cong. Gonzales hindi lang daw mga Cong. kundi iba pang pulitiko. Ano sa palagay mo tulad mo isa kang director dito sa ganitong klaseng panukala?

FP: Ang tingin ko personally mas marami pa ang problema ang bayan. I think hindi siya magpro-prosper kasi democratic country tayo and binibigyan natin ng halaga yung freedom of expression. And I think kaming gumagawa ng pelikula o nagdi-direct sa TV very careful din kami lalo na sa TV na i-portray sila na very black yung caricature lang. I think para sa akin bato-bato sa langit ang tamaan huwag magalit. Kung hindi sila guilty huwag silang masyadong magre-react kasi we are in a democracy na ginagarantiya yung freedom of expression. At kung ako yung kongresista gagawa na lang ako ng paraan para gumawa ng mabuti sa kapwa ko, para naman magkaroon din kami ng ibang means of expression para ma-portray din sila in that line. Pero para sa akin para i-pertain mo yung freedom ng isang artist o gumagawa ng pelikula o sa TV, I think that’s unfair parang bawal na naming i-portray yung iba in a bad line kung talagang ganun naman yung nangyayari.

KE: Ang natatandaan ko kasi na medyo ang unang nagkaroon ng puna diyan yung pino-portray niyo yung mga tao sa gobyerno yung mga sundalo. Ang unang nag-react diyan Francis sa pagkakatanda ko ay yung AFP hindi naman dahil sa inaayawan nila kundi dahil sa ang sinasabi nila mali yung mga ranggo na ginagamit at nakikita dito sa mga balikat ng mga military.

FP: Kulang yun sa produksiyon hindi yun dapat i-blame kumbaga inaccuracy lang yun at pagkakamali yun. Inaamin namin may mga ganun talaga pati rin sa Hollywood may mga pagkakamali. Pero kung ang pinupunto nila ay yung portrayal yung pagkaka-portray yung character, attitude I think kami rin ay very careful din kami na hindi sila ma-portray na caricature o yung very black character. So para sa akin huwag silang masyadong sensitive kasi sa Hollywood minsan pinapangalanan pa.

KE: Baka naman Francis gusto rin na ibang politician sa halip na maghanap pa ng artista na gaganap sa papel nila ay sila na.

FP: Gusto nila ng publicity!

KE: Lalo na pag medyo malapit na ang eleksiyon alam mo na, bakit niyo naman parang dito sa atin ang isang pelikula na walang pulitiko na nasa eksena para kulang. Talagang trend na ba ngayon sa pelikula sa Pilipinas na laging may eksena na may kasamang na mga politician?

FP: Wala naman, siguro kung kailangang lang talaga sa pelikula hindi naman siya given. Pero nasa artist kasi yun nasa creative yung freedom of expression nung artist kung paano niya ipo-portray yung isang character. As long sa sinusunod niya yung hindi libelous, slanderous at hindi pinangalanan yung pulitiko I think within siya sa freedom niya para i-portray yung ganung character.

KE: For a person coming from the entertainment industry would you really admit to the fact na ang politicians in general talagang napo-portray natin negatively?

FP: Kasi ilan lang ba yung mabuting politician sabi ko ibahin nila yung perception.

KE: Parang sinasabi niyo rin na gusto naming ipaabot sa tao na rampant na ang ganitong klase ng nilalang dito sa Pilipinas. Kaya sila ay may major role sa pelikula namin?

FP: Kung yun yung punto ng filmmaker or yung writer kung gusto nilang sabihin na may nangyayaring corruption ganun talaga yung portrayal nila sa politician.

KE: Quote of the day Feb. 21, 2012 Francis Pasyon ilan na lang ba ang matitinong pulitiko sa bansa natin. Parang kahit hindi natin banggitin dito ang mga pangalan nila ay may ilang pangalan na tumutugma yung naiisip ko sa naiisip mo?

FP: Naku!

KE: So with that Francis maraming salamat at kami ay nalinawan dito sa isyung aming tinatalakay sa pamamagitan ng tulong mo!

FP: Maraming salamat!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento