Lunes, Pebrero 13, 2012

Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview Feb. 14, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Chairman Francis Tolentino (MMDA) Kalye Escalera Interview Feb. 14, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Chairman Tolentino magandang umaga po!

FT: Good morning at good morning po sa inyong mga tagapakinig!

KE: Ano ho ang inyong obserbasyon ngayon sa unang araw ng implementasyon ng motorcycle lane diyan sa Edsa? Kayo po ay live dito sa 738 Kalye Escalera, Marlo Dalisay at si Ms. Tea ang inyong makakausap.

FT: Una po gusto kung i-clarify na narinig ko po sa inyo hindi ho ito exclusive lane. Ang tawag po rito ay designated lane ibig sabihin ginagamit po ito ng motorsiklo, pero yung mga pribadong sasakyan ay puwede rin po roon.

KE: Papano po ito magkahalo pa rin sila doon?

FT: Magkahalo sila doon pero hindi gaya dati na parang kiti-kiti kahit saan sila mapunta. Kanina pong madaling araw may namatay sa Balintawak sa motorsiklo din. Ibig sabihin magagamit din ng mga four wheel vehicle at ang mga motor naman may assurance sila na ang linyang yun para sa kanila. Hindi namin puwedeng  i-designate sila dahil limang lanes lang Edsa medyo makitid  yun. Ang prinsipyo nito ay  kagaya sa Commonwealth at Macapagal designated lane. Ang ibig sabihin ay doon po sila dapat dumaan may kahalo silang private pero wala po silang kahalong pampubliko.

KE: Gusto lang ho namin linawin mula din sa inyo na itong lane na ito ay hindi ring puwedeng bumaybay dito ng dulo sa dulo yung mga pribadong sasakyan na apat ang gulong at anim na gulong. Basta puwede silang dumaan dito kung sila ay lilipat ng lane palabas o papasok sa inner lane?

FT: Puwedeng magbabad magkasama po doon ang pribado at motorsiklo ang bawal lang doon ay ang pampubliko. Ibig sabihin yung mga motorsiklo hindi puwedeng gamitin yung hindi designated lane para hindi po sila na parang kiti-kiti na puwedeng maging sanhi ng aksidente. Hindi sila puwedeng mag-swerve instead kung magra-right turn or left turn or 100 meters ahead.

KE: Hindi kaya parang agrabyado dito yung mga nagmo-motor kasi two wheel na nga lang sila tapos bababaran pa sila ng four wheel?

FT: Sa Jakarta po magkasama ang bus at motor then Indonesia, sa ibang bansa yung isang lane kalahati lang ang dinadaanan pero tayo ibinibigay natin full lane. Lahat ng ito ay pinag-aralan ng traffic engineering  ibig sabihin kung ikaw ay driver ng sasakyan na may apat ng gulong alam mo kung saan makikita ang motor. Hindi mo siya ine-expect na makikita sa 3rd lane, 2nd lane, 3rd lane, 5th lane.

KE:  Pag ganyan po Chairman dapat din sigurong mag 60km per hour ang limit natin sa Edsa dahil kung magkahalo sil sa iisang lane dapat awatin din yung paghataw ng mas malalaking sasakyan?

FT: Ang problema po sa Edsa ang average speed natin diyan ay 39 to 40 lang ho talagang matrapik talaga diyan.

KE: Talagang hindi makakahataw?

FT: Ang opisina namin ay nasa Edsa mismo nakikita ko yan. So yung designated motor lane hindi po exclusive liliwanagin ko po yun.

KE: For clarification lamang po kasi yung designated lane ano ho ba yung kaibahan dito sa motorcycle lane naman sa Commonwealth. Base po dun sa sinasabi niyo parang pareho lang din yung dapat na sundin?

FT: Ganito yung concept kaya lang sa Edsa 200 meters po yung bago kumanan puwede na silang mag u-turn sa Commonwealth 100 meters.

KE: Sa tawag po magkaiba sila bagamat pareho ng pinatutupad na tuntunin tungkol sa lane na yun?

FT: Hindi lang po yung motorcycle lane pinatutupad natin ngayon araw na ito bawal ang naka-tsinelas, defective headlight  yung hindi napapatupad dati pinagsama-sama na rin natin ngayon. Kaya kung may naririnig kayong ingay nagse-seminar na po kami rito sa ilalim ng may flyover sa Roxas blvd.

KE: Gaano na ho karami yung mga seni-seminar as of this time?

FT: Ang kaharap ko ngayon ay mga kinse yung mga nahuli yung mga naka-motor.

KE: Maiba naman ako ng konti dito yung pagpapasuweldo sa mga bus driver na bumabiyahe diyan sa Edsa nag-take effect na ito last week?

FT: Bukas po meron pong DOLE circular na diyan at LTFRB.

KE: Ano ho ang inaasahan niyong magiging improvement sa galaw ng bus dito Chairman?

FT: Siguro disiplinado na sila hindi kailangang magkarera di na kakilangang mag-unahan sa pasahero sana makatulong yun matagal na pong inaantay yun.

KE: Doon sa mga motoristang dadaan diyan sa bahagi ng Edsa, ano po yung inyong maipapayo at meron po bang mga penalty just in case na sila ay mahuli?

FT: Kung ang tinutukoy niyo po ay public utility vehicle bawal sila sa motorcycle lane huhulihin sila, kung ang tinutukoy niyo ay pribadong sasakyan puwede po sila pero igalang din po natin yung mga karapatan ng mga naka-motorsiklo.

KE: Tama po ba yung sa loob ng 1 week wala po ba munang multang mangyayari ?

FT: Ang magkaka-multa rito ay yung mga nahuli na dati sa Commonwealth, Macapagal na na-seminar na pag umulit sila ngayon ay huhulihin na ho sila.

KE: Pero yung first time na mahuli wala ho munang multa?

FT: Nagse-seminar po ngayon dito sa harapan ko ngayon.

KE: Maghapon, magdamag po ang implementasyon nito wala hong oras?

FT: Wala pong oras .

KE: Alright Chairman with that ay pakakawalan na muna namin kayo at i-enjoy niyo ang inyong Valentines Day!

FT: Maraming salamat!

KE: Magandang umaga!






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento