Lunes, Abril 9, 2012

Executive Director Benito Ramos (NDRRMC) Kalye Escalera Interview April 10, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Executive Director Benito Ramos (NDRRMC) Kalye Escalera Interview April 10, 2012/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Good morning po Director Ramos!

BR: Magandang umaga at  magandang umaga sa ating mga kababayan!

KE: Live ho kayo dito sa Radyo ng Bayan 738 Kalye Escalera, makakausap po ninyo si Marlo at Ms. Tea. Ano na ho ang latest sa UN kung ang pag-uusapan natin Director ay ang paghahanda sa missile test ng NoKor?

BR: Ito nga ay paulit-ulit na advisory natin na stay clear iwasan natin ang posibleng pagbagsak ng debris. 190 nautical miles northeast of Cagayan hanggang sa Polillo island sa 150 nautical miles sa east of Polillo. Itong area na ito ay exclusion zone, ibig sabihin no fly zone o ma-divert yung flight ng eroplano meron na ring advisory yung Coast Guard. Sa DILG yung ating mangingisda lalo na dahil hindi nila maintindihan yung 15 degrees latitude.

KE: Siguro nakabubuting linawin muna natin kasi ang sabi ng North Korea hindi sila nagpapatawag na missile launching yung kanilang gagawin, kung hindi isang rocket or weather satellite launch.

BR: Tama po kayo, for scientific research ang ibig sabihin ay ino-open nila ito sa international media. So yung transparency na assure tayo na wala itong kemiko na nakakasulasok o nakakamatay. Wala itong nuclear warhead na kung tawagin itong missile gusto nila ay rocket lang ang pangalan.

KE:  Wala na bang ibang rota ba’t dito pa natapat sa atin?

BR: Hindi ko masagot dahil hindi naman dito tina-target for military head, ang pangamba lang natin hindi yung kemiko huwag hawakan yung debris. Ang tawag nila ay ang buong rocket ay tatlong partes po ito in accordance sa lecture sa amin kahapon. Kung humiwalay yung unang booster ay mahuhulog yan sa vicinity ng West Sea South Korea. Itong booster na ito ay itutulak niya yung main body yung specs mahuhulog diyan sa karagatan ng South Korea. Yung second booster ito ay tatlo ang posibilidad na mangayari mahulog ito ng buo gaano ito kalaki mga 2.5 meters ang taba niya hindi lang ako sigurado sa haba. One possibility kung eksakto yung computation ng engineers nila mahuhulog sa second stage dito sa karagatan ng Republika ng Pilipinas, first possibility hindi ito magkakahiwa-hiwalay. Second possibility mag-disintegrate into fragments hindi natin alam kung gaano kalaki  at gaano kaliit. Pangatlong possibility matunaw ito o masunog , abo na lang na umabaot sa dagat o sa lupa. Sa tatlong possibility they are not sure that’s why they’re test firing it. Kung ito ay test fire there nothing is definite nothing is accurate. So bigyan natin sila ng margin for error babagsak kaya yan sa dagat o sa lupa, kung sa lupa ito nag-deviate ng 1 degree so meron tayong pangambahan. Ito yung hindi tayo maintindihan ng mga nakikinig sometimes sinasabi nila unnecessary information para mag-panic. We do not intend to panic this is a necessary information sa ating mga kababayan para mabigyan sila ng information at makapaghanda. Kung sa lupa ito ay mailagan natin mas maganda yung stay indoor. Hindi ito hard and fast roll lalo na yung mga pasaway huwag kang maniwala diyan na hindi totoong mangyari yan. I still stand in the advisory because that is my job.

KE: Ang paalala niyo po sa publiko ay laging maging alerto tumingala baka mabagsakan sila ng kahit na anong klase ng debris. Baka naman ang mangyari tingala sila ng tingala mabangga sila sa kaliwa’t kanan o sa kanilang harapan. Kayo po ba ay nakipag-ugnayan na sa mga eksperto kung gaano kabilis yung pagbagsak ng debris na yun?

BR: Nag-lecture kami kahapon kaya highly technical ine-interview sila ng media kahapon kapag sinabi nilang 7 miles per sec. yung escape speed na hindi ko masyadong maintindihan . Basta ang naintindihan ko lang 3 possibilities na itong booster na ito yung pangambahan natin dahil yun nga ay test. Yung mga pasaway puwede naman silang pumunta dun ito yung reverse psychology I hope I should not be misunderstood.

KE: Sa pagkakaalam niyo po magagawa pang ilagan ng tao yun kung sakali man?

BR: Kung gabi ito according to that planetarian parang shooting star ito na may dalang apoy because of friction so maiilagan natin kung gabi. Kung araw ito medyo malabo hindi natin ito makita kaagad.

KE: Ang isa pa yatang binabantayan dito ng Phil. Nuclear Research Institute ng DOST ay kung merong nuclear material o may radioactive component yung debris?

BR: Iklaro ko lang dahil sa transparency nila ay walang nuclear warhead ito, walang kemiko na nakakasulasok o nakakamatay. Wala itong plutonium o uranium. Ulitin ko lang ho para sa ating mga kababayan huwag kayong mangamba because there is no nuclear warhead.

KE: Ayon walang radioactive component yung debris ang iniiwasan lang natin ay yung just in case na mabagsakan tayo ng debris?

BR: Yun lang po dahil hindi tayo sigurado, sila nga ay hindi sigurado that’s why they are testing it.

KE: May definite day na ba tayo Director?

BR: Time frame ito pero hindi natin alam kung 12 o 16 basta 12 hanggang 16 yung oras alas- siyete hanggang alas-dose ng  Korea yung local time. Local time naman natin dahil 1 hour delay ala-sais ng umaga hangga alas-onse ng umaga.

KE: Matindi pala sa araw pala ito mas maganda sana kung gabi kasi kahit papano may visual tayo di ba?

BR:Parang shooting stars yan pag nakita natin mailagan natin yan.

KE: Di ba sinasabi niyo tatlong beses na maghihwalay ito una yung babagsak sa SoKor  pangalawa yung sa atin. Yung pinaka-nguso nito saan ito babagsak?

BR: Paikot-ikot lang sa orbit ng mundo.

KE: Permanente na siyang iiko-ikot na lang?

BR: Yes yan na nga ang scientific research yan ang magtutulak sa kalawakan para paikot-ikot  kung magiging successful ito marami tayong pakinabang according sa North Korea.

KE: Ano naman po yung inyong reaksiyon dun sa mga nagsasabing nag-o-over react daw ang pamahalaan rocket launch ng NoKor?

BR: Wala akong negative reaction diyan dahil mas maganda na yung nag-over acting ako kaysa yung no acting.

KE: Tama!

BR: Kung may nangyari hindi ako nag-react hindi ako nag-inform sa mga tao baka sisihin ako. Nag-react ako kung walang nangyari okey lang sa akin yan dahil trabaho ko yan mag-inform sa mga tao. The best way in accordance to the scientific explanation from the experts.

KE: Tama nga naman, so wala pong no fly-zone, no sail-zone at no fishing?

BR: Opo! yung mga pasaway dahill it would add confusion na sinasabing overacting sana wala namang mangyari  baka ma-confuse yung mga tao.

KE: Hindi niyo ba irerekomenda Director na habang dun sa pagitan ng petsa binabanggit niyo na 12 hanggang 16 yung oras na yun ay hindi niyo irerekomenda na icancel muna yung mga pasok sa mga tanggapan?

BR: Again ito ay unnecessary uupakan na naman ako babatikusin ito nga mag-observe, mag-ingat I will not order no classes, walang pasok sa gobyerno at sa private I will not recommend. Mag-ingat na lang dahil ang daming pilosopo overacting so mag-observe and then mag-ingat.

KE: Yung mga impormasyon na inyong mga nakukuha paano ba yan nakakarating sa inyo, paano niyo nababasa o nalalaman yung mga yan. Meron ho ba kayong contact sa Nokor  o nagpro-provide ng mga info  na yan?

BR: Yes yung document na ito ay galing sa embassy ng North Korea doon sa London  na pick-up ng embassy natin at napunta dito sa Dept. of Foreign Affair  na napunta sa NDRRMC.

KE: Pero ang NDRRMC ay wala po tayong direktang communication with the North Korean govt.?


BR: Wala maski yung gobyerno natin wala direct na contact diyan dahil wala tayong embassy doon at wala rin silang embassy dito.

KE: Kasi invited po yung foreign media dito, so sinasabi po ninyo na walang representative dito sa Philippines na pupunta sa North Korea?

BR: Mamo-monitor natin ito sa international media kung kailan exactly mapicturan na yan makita natin. So ma-estimate na natin kung kailan makakarating dito at marami tayong scientist dito.

KE: Gaano po katagal ang estimated time na dadaan sa atin yan after na masindihan yung pinaka launch ng rocket?

BR: 90 minutes.

KE: 90 minutes, isang oras at kalahati.

BR: Assuming ito ay perfect yung galaw nito ulitin ko lang yung human error kaya magbigay tayo ng margin.

KE: Meron din yang chance siguro na pumalya yung kanilang launching pad hindi rin makaalis dun yung rocket?

BR: May possibility na ganun kagaya nung sa mga amerikano.

KE: Napunta na lang dun yung rocket sa launching pad yung pinaka-tail nila nasunog.

BR: Isang possibility yan dahil yun na nga tao lang.

KE: Kung ganun ang mangyayari mas maganda dahil hindi na tayo mag-aalala.

BR: Yun na nga hindi na tayo mag-aalala ay okey na dahil hindi na makarating dito sa Pilipinas. Tama yung pasaway na hindi mangyari yan Benito dahil tinatakot mo kami sana maintindihan ako ng ating mga kababayan yan ang trabaho ko.

KE: Ngayon po ay nasa Radyo ng Bayan kayo ay kukunin na ho namin at ibibigay na namin sa yo ang pagkakataon para manawagan sa ating mga kababayan kaugnay po dito sa aktibidad na inyong binabantayan.

BR: Dalawa lang po sa ating mga kababayan stay clear iwasan natin itong exclusion zone, pangalawa kung halimbawa hindi sa dagat napunta sa lupa magmatiyag, mag-ingat at take care of yourself.

KE: Maraming salamat si Director Benito Ramos ng NDRRMC sa kanyang mga payo at paalala sa weather satellite launch ng North Korea!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento