Miyerkules, Setyembre 7, 2011

Sec. Sonny Coloma (Presidential Communications Operations Office) Kalye Escalera Interview Sept. 8, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Sec. Sonny Coloma (Presidential Communications Operations Office) Kalye Escalera Interview Sept. 8, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Sec. Sonny Coloma, good morning po!

SC: Magandang umaga  sa iyo Marlo, Ms.Tea at sa lahat ng taga-subaybay ng inyong popular na programa!

KE: Kasama rin namin dito si Jedah Legaspi Sec.

SC: Good morning din kay Jedah!

KE: Dahil pumapasok na  nang “ber” month siguro kami na ang unang babati sa inyo ng Merry Christmas!

SC: Ganun din ang pagbati ko sa inyong lahat!

KE: Sec. marami hong nagtatanong sa amin kung lalo na yung mga sumasakay ng LRT at MRT. Kung kailan daw po sila maghanda ng karagadagan o magkano yung idadagdag na pambili para sa mga tickets nitong ating dalawang govt. operated mass transport system?

SC: Wala pang tiyak na petsa na inanunsiyo ang DOTC hinggil diyan. Ang narinig lang natin at nailahad na sa publiko ng DOTC at ang ating  Pangulo na siya ay kinapanayam sa Dumaguete City kahapon. Hinggil lang sa isyu kung bakit itataas o babaguhin ang singil sa MRT. Yung sa petsa at kung kailan wala pang katiyakan wala pa rin sinasabi kung magkano.

KE: Ito ho bang mga balaking ito ay pormal ng naipaabot sa Presidente at ito po ba ay natanggap niyo na rin ang rekomendasyon ni DOTC Sec. Mar Roxas?

SC: Hindi naman po bago yung isyu maging noong nakaraang panahon ay tinatalakay na ito. Ang naging decision point ay kung kailan ito ipapatupad sapagkat kinikilala naman natin yung sitwasyon diyan na kung saan yung singil sa MRT ay talagang mas mababa kaysa doon sa ginagastos. Ang resulta ay yung tinatawag nating subsidy ibig sabihin hindi sapat yung MRT at LRT fares para tustusan yung kanilang mga gastusin for operation nitong public transport nitong mass transport facility natin. Ang resulta po niyan ay pinupunuan sa national budget at alam naman natin yung ginagastos din na na-a-ayon sa  national budget ay nanggagaling sa lahat ng mga mamamayan na nagbabayad ng buwis. Kaya ang magiging epekto nito ay kahit po yung mga kababayan natin na nakatira sa ibang bahagi ng Luzon at palabas ng Metro Manila at sa Visayas at Mindanao. Ni hindi naman sila gumagamit ng LRT/MRT maliban na lang siguro kung dadalaw sila o nagpupunta sa Maynila. Hindi po nila napapakinabangan ang serbisyo at pasilidad na ito. Ganun pa man nagbabayad din po sila dahil yung kanilang buwis yun ang ginagamit bilang subsidy dahil nga sa mas mababang sinisingil na fare.

KE: Nakikita naman siguro ng publiko na ang gobyerno ay maraming pinaghahandaan na mga proyekto. Kaya ang pinang-aabono ng MRT/LRT ay panahon naman siguro para magamit dito sa mga proyektong iba na nais maipatupad ng administrasyong Aquino.

SC: Ganun nga, ganun pa man nais nating ipabatid sa ating mga mamamayan na hindi naman nais bawiin ng ganap yung diperensya dun sa sinisingil at actual na operating cost. Itataas lamang ng bahagya para naman mabawasan lamang yung halaga ng subsidy. Sapagkat batid din natin na yung mga gumagamit ng LRT/MRT pinapasan din nila yung mas mataas na persyo ng bilihin. Lalo na ngayon tuloy pa rin yung pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo binanggit ng Pangulo kahapon na nais ng pamahalaan yung fair at reasonable hindi naman lubos na babawiin ito tataas lang ng bahagya. Para mabawasan lang naman yung subsidy o abono na nagaganap sana maunawaan din ng ating mga kababayan. Ang panawagan naman ay para po mag-share lang tayo na makibahagi tayo dun sa pagpasan ng mga ilang sakripisyo tulad niyan. Para naman sa pang-matagalan ay bubuti na rin ang ating sitwasyon at uunlad pa rin ang ating kabuhayan.

KE: Napag-uusapan po ang mga gastusin marami ang nag-o-observe dito sa itinatakbo ng pagdinig ng mababang kapulungan ng Kongreso, sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon. Kapansin-pansin at hindi na natinn dapat ipagtaka yung pagiging hindi cooperative ng minorya. Ano ho ang ba ang umuugong na nakakarating sa inyo at ang mga miyembro ng mga minorya diyan sa Kamara ay parang kung sa salitang pangkabataan ay dedma yung ating deliberasyon sa pambansang budget diyan sa Kamara?

SC: Meron naman pong pagkillos ng ating mga kinatawan mula sa minorya at may dynamics din po sa proseso ng pagpasa ng budget. Una yung kanilang hindi dinaluhan ng mga naunang pagpupulong ay panimula pa lamang ng budget process. Andun pa lamang sa level ng Committee of Appropriations at minabuti nila na huwag silang dumalo sa mga pagpupulong na iyon. Karapatan naman po nila yun hindi naman natin itinatatwa na may karapatan silang lumahok o hindi dumalo. Yung susunod na yugto na nagsimula na sa linggong ito ay yung tinatawag na plenaryo. Siguro naman  po ay mas mainam na lalahok na sila dahil diyan na tatalakayin kung dapat aprubahan o hindi aprubahan yung ibat-ibang panukala na budget ng mga kagawaran ng ating executive branch. Nagpahiwatig din po yung mga leader ng Kamara na sana ay lumahok na diyan ang ating mga kinatawan na binibilang nila ang sarili nila sa minority block of House of Representative. Andiyan pa rin yung posibilidad na kapag plenary discussion na at ang tatalakayin ay yung mismong pag-a-approve nga ng budget at hindi lamang yung committee hearing. Lalahok na ho sila at dahil yan naman po ay tungkulin nila na gagampanan sa mandato na binigay sa kanila ng mga taong naghalal.

KE: So hindi ito Sec. nakikita o hindi itinuturing ng Malacanang na problema o sagabal para maipasa on time itong ating pambansang gastusin para sa susunod na taon diyan sa Kamara?

SC: Hindi naman dahil talagang naghanda ang Dept. of Budget and Management at ang buong gabinete para maging papatak ng tamang oras yung pagtalakay. Kung maaalala natin kinabukasan lamang ng paglalahad ng SONA ng ating Pangulo sa muling pagbubukas ng session ng Kongreso nung July 25, July 26 mismo isinumite na kaagad yung national expenditure plan o yung proposed general appropriation kaya on schedule tayo. Meron nga ring prinsipyo sa ating batas na rule of the majority kaya kung hindi po sila dadalo at makatamo naman ng quorum at majority naman po ang magpapasa niyan. Ayon po sa batas ay legal pa rin yung magiging resulta ang pagakapasa niyan. Hindi nga lang lumahok ganun nga ang mangyayari maganda pa rin kung ang minorya ay lalahok at ito naman ay usapin ng buong bansa at hindi lamang yung numero ang dapat magpasa  sa resulta.

KE: Sa mga ganyang bagay Sec. ang ginagamit namin diyan ay yung lumang kasabihan na sa hinaba-haba man ng prusisyon  sigurado sa simbahan din ang diretso niyan.

SC: Ganun na nga ho siguro pero sana nga ay dinggin naman nila yung ating panawagan yun ang ninanais ng ating mga kababayan kaya po sila inihalal, ang tawag nga po sa kanila ay kinatawan. Dapat ay maging kinatawan sila dumalo sila dun dinggin nila yung mga paglalahad makipagtalakayan sila, suriin nila , punahin nila, baguhin nila kung gusto nila yan po ang dynamic nang  ating demokrasya. Sana naman ay tuparin nila ang kanilang tungkulin marami naman sa mga nasa minorya ngayon ginampanan nila yung tungkulin nila nung mgan nakaraang panahon sila naman yung nasa majority block, sapagkat tungkulin po yan na dapat tuparin.

KE: At kabaligtaran naman yan sa nangyayari sa Senado dahil ang minorya naman dun ay very cooperative very active sa lahat ng mga committee hearings, kaugnay pa rin sa ating pambansang gastusin para sa susunod na taon Sec.?

SC: Yan na nga po, dahil dun  sa isang malusog at masiglang demokrasya ay isyu ang pinag-uusapan wala naman pong personalan. Hindi po dinadaan sa patampo o pagiging mapanira na dinadaan dun sa constructive discussion at debate. Ito ang pinang-gagalingan ng pagiging masigla at demokrasya.

KE: Sir sasamantalahin namin itong pagkakataon na ito para mabigyan linaw ang iba pang mga isyu. Tungkol po dun sa karagdagang singil sa serbisyong ibinibigay ng ibat-ibang govt. agencies kasi may mga planong itaas ang singil diyan. May mga kababayan po tayong na tumatawag po dito sa Radyo ng Bayan kung kailan daw ito talagang pormal na maipapatupad Sec.?

SC: Ang nabalitaan ko lang diyan ay yung plano siguro po ay sisikapin nating magkaroon ng specific na paglalahad kung ano yung mga serbisyong tinuturing. Para naman po mauunawaan nang ating mga kababayan maari pong ang dahilan para diyan ay yung mga sinusunod nating mga service fees. Ilang taon na ring umiiral at hindi na rin na-a-ayon dun sa kasalukuyang level ng gastusin mina-match yan dun sa operating expenses sa pagbibigay ng serbisyo. Para hindi magkaroon ng aspect na naman na subsidy dahil hindi naman lahat ng tao nag-a-avail sa mga serbisyo na yun. Nakakatiyak po tayo kung ano mang pagtaas ng presyo ng mga serbisyong yan ayon naman dun sa nararapat lamang at gagawing mangatwiran at yung kaya namang bayaran ng ating mga kababayan. Yan po ang basic guidelines na susundinn sa apetong yan.

KE: Meron po bang P100 yung karagdagang singil yung inyong panukala na binabalak?

SC: Hindi ko pa nga ho natutunghayan ang gagawin po namin ay kukunin yung impormasyon sa mga basic services na maaapektuhan at ilalahad po natin yan. Para naman  makita ng ating mga kababayan dahil committed naman po ang ating adminsitrasyon dun sa talakayan ng transparency. Hindi naman po gugulatin o bibiglain ang ating mga kababayan at siguro naman ay magkakaroon ng malayang talakayan sa pagpapaliwanag bago ito tuluyang ipatupad.

KE: Sec. sa pag-a-appoint naman po ng Cabinet members ni Pres. Noy may nagsasabing kulang pa raw sa kuwalipikasyon ang ating bagong kalihim sa Dept. of Tourism at may mambabatas na nagsasabing dapat bakante muna yung puwesto. Dahil hindi pa raw dapat makaupo ano po yung inyong masasabi sa bagay na yan?

SC: Yan po ang nabalita noong makalawa at tila si Sen. Lacson ang naglahad diyan. Kung hindi po ako nagkakamali kahapon ay nagkaroon ng budget hearing sa Senado humarap na si Sec. Ramon Jimenez at nakaharap na niya ang mga Senador maaring kabilang na dun si Sen. Lacson. Ayon po sa naulat ay hindi naman po kinuwestyon yung qualification o yung legality nung panunungkulan ni Sec. Ramon Jimenez. Ang masasabi lang natin diyan ay meron naman pong legal staff sa Malacanang sa tanggapan ng Executive Sec. at meron din tayong chief residential legal counsel. Makakatiyak naman tayo sa bagay na yan katulad nung Presidential appointment ay nag-ingat naman po at tinitiyak na sinusunod ang mga batas at kung merong mga mambabatas o iba pang mamayan na gustong maglahad ng pormal na question tungkol diyan maari po naman itong talakayin. Ang masasabi lang po natin sa panig po ng executive branch tanggapan ng Pangulo ay legal at wala naman irregularidad dun sa pagtatalaga kay Sec. Jimenez. Nandun po ako nung siya ay nanumpa at nadinig ko po, nasaksihan ko sa kanyang panunumpa sabi niya na ang kanyang posisyon ay acting Sec. Sa makatuwid siya ay tumatalima naman sa prinsipyo na ini-invoke nung ibang sector at yung pag-comply sa mga legal requirements na kailangan nga po ng confirmation sa Commission on Appointment yung paghirang ng magiging pinuno ng mga kagawaran sa executive branch.

KE: Okey malinaw na malinaw na po yun, maraming salamat po sa panahon na inyong iniukol para sa 738 Kalye Escalera Sec.!

SC: Maraming salamat at magandang araw sa mga taga-subaybay ng Kalye Escalera!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento