Martes, Setyembre 13, 2011

Ms. Fe dela Cruz (Director Corporate Affairs-Bangko Sentral ng Pilipinas) Kalye Escalera Interview Sept. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

Ms. Fe dela Cruz (Director Corporate Affairs-Bangko Sentral ng Pilipinas) Kalye Escalera Interview Sept. 13, 2011/ 8 to 9am. DZRB 738 Khz/ Radyo ng Bayan

KE: Ma’am Fe good morning po!

FDC: Magandang umaga sa inyo Marlo at Ms. Tea!

KE: Kayo po ay nakiki-umpok dito sa 738 Kalye Escalera sa Radyo ng Bayan. Gaya po ng binabanggit namin kanina Dir. dela Cruz yun ho bang mga lumang pera ito yung previous version nung issued under PNoy administration. Kailan ho ito mawawalan ng bisa or hanggang kailan namin itong puwedeng gamitin at puwedeng pambili ng load?

FDC: Marami pa yan hindi natin kaagad pawawalan ng bisa siguro mga 2014 magkakaroon po kami ng kaukulang anunsiyo para sa ating mga kababayan. Ang mangyayari ganito pag sinabi na hanggang dito na lamang magkakaroon ng isang taon pag nag-announce kami ng 2 or 3 yrs. may palugit pa ulit para ma-redeem yung mga salapi. Kumbaga sasabihin namin magsisimula na tayong mag-demonetize siguro mga a year or 2 puwedeng ng ipalit doon sa iba-ibang bangko. Yung mga bangko na yan ay ifo-forward yan sa Bangko Sentral papalitan namin ng mga bagong pera. 

KE: Definitely po this year yan mawawalan ng bisa?

FDC: Hindi naman mga dalawa hanggang tatlong taon pa. Ayaw naman nating sayangin yung mga salapi na pupuwede pa yung tinatawag nating fiat currency napag-usapan niyo nga kanina nakikinig ako. Kasi napag-usapan niyo na yung present na pinalitan ng design meron ding inisyu dun na si Pang.Aquino na ang nakapirma. Meron pa tayong natitirang mga inbentaryo nung mga papel dun sa present design uubusin natin yun.

KE: Pero Dir. parang konti lang yung nakalabas ngayon na bagong pera natin?

FDC: Actually araw-araw nadadagdagan ang supply ng ating bagong salapi. Yung iba kasi natutuwa masyado sa pera natin hindi nila pinambabayad huli nilang pinambabayad kung may pagkakataon silang bibili.

KE: Totoo po yun, tinatago nila.

FDC: Actually nakakatuwa na punto yan sa amin sa Bangko Sentral nagagandahan yung mga kababayan natin sa ating bagong pera. Kasi kung hindi naman maganda hindi mo naman siguro makakatuwaan na itabi, ipagmalaki. Ang sinasabi lamang namin yung iba nagsasabi binibili nila yung bagong pera sabi ko hindi kailangan kasi lahat ng denomination nakalabas na.

KE: Parang hindi ko maintindihan yun bibili ka ng pera na piso rin yung pambibili mo na pareho din ng halaga?

FDC: Correct! kasi may tumawag sa amin na nagsumbong na may nagtitinda dito sa amin ng bagong pera. Ang sabi ko kung yun naman ay bumibili may nagbebenta yun ay kanilang karapatan. Pero pag ibig sabihin ay kulang na kulang hindi naman po dahil patuloy pong dumarami. Siguro sa ngayon mga 20% to 25% na ang perang umiikot na bagong pera na. Nakakatuwa nga nung nasa Bicol kami last month ang mga sukli na natatanggap namin ay mga bagong pera na. So merong mga lugar na siguro matuwain  kasi ang ginawa po ng Bangko Sentral hindi lang po dito sa Metro Manila sini-circulate yan gumawa po kami ng programa para buong Pilipinas magkakaroon ng exposure sa bagong salapi.

KE: Kasi po yung iba naman ay nagtatanong bukod daw sa bagong bills ay mag-i-issue din ang BSP ng bagong coins. Kasi may namimili na rin ng lumang piso yung lumang piso ng may kalabaw ay binibili daw ng P4.25. Ako po ay nagbenta binili nga sa akin kaya lang yung sinasabi kung P4.25 yung piso bibil ng apat na bente-singko yun ang ipambibili sa yo, piso rin yung halaga ng pinambili sa inyo.

FDC: Kasi ganito yun, yung may kalabaw demonetize na yan eto yung may apat na kanto . Demonetize na yan kumbag tradable yan puwede kayong magbilihan. Ang focus ko ngayon ay yung ating mga present design ng barya natin ang concern natin diyan ay yung kakulangan ng pag-ikot. Kamukha nung pera nating bago yung iba nating mga kababayan isinasantabi at kinakalimutan na may nakatago silang barya. So nagkakaroon tuloy ng artificial shortage ng barya sa ibang lugar natin.

KE: Tulad na iba nating kababayan ang ginagawa sa barya tinutunaw, kinokolekta tapos ginagawang mga alahas, accessories.

FDC: Paalala po sa mga kababayan natin krimen po yan kasi po property ng government yan na hindi po dapat tunawin. Nagkaroon nga tayo ng programa na palitan na yung metal content ng piso. Nabalitaan niyo siguro 3 years ago 4 years ago ini-smuggle ang ating mga piso kasi kasagsagan ng economic boom nun wala pang krisis noon sa buong mundo. May construction boom so pati nga yung mga railings mga tulay inuubos yung bakal na dapat na proteksyion ng mga tao para di maaksidente. So pati mga barya natin yung piso pinadiskitahan kasi ang pinaka-metal content niya ay higit pa kaysa sales value kung tawagin. Pero nakita nga natin na maraming attempts at mga nakalusot din ng pang-smuggle so pinalitan natin yung metal content hindi siya copper nickel. Dumaan kasi ang panahon na napaka taas record high ang naging prices ng mga metal noon sa panahon na yun bago nagkaroon ng economic low down. Pero ngayon nagkaroon na ng pagco-correct nagkaroon na rin tayo ng pagpapalit ng metal content ng ating mga barya. Kaya ang mga pakiusap natin sa ating mga kababayan yung mga barya na natatanggap natin paikutin po natin at ang sinasabi po namin ang barya ay mahalaga huwag balewalin gamitin.

KE: Yun ho bang paglalagay sa alkansya krimen?

FDC: Hindi po huwag lang kukulungin ng isang taon yung ating mga barya.

KE: Hindi ho napupuno ng isang taon lang ang hirap pong mag-ipon.

FDC: Alam mo maganda yung tanong mo kasi yung iba nagtatanong in fact turuan po natin ang ating mga kabataan na grade one na mag-ipon. Meron na pong lesson on saving and money management.

KE: Parang ang hirap mag-ipon sa bangko dahil kagaya po ng LBC bank magsasara kung doon po ako nag-alkansya di lalo di ko naipon yung barya ko.

FDC: Ang pakiusap namin sa ating mga kababayan yung perang pinag-ipunan natin maging mapanuri tayo sa mga bangko ng pagkakatiwalaan natin. Para yang investment kung saan tayo magtatayo ng bahay kung saan tayo bibili ng sasakyan napakahalaga ho niyan. Alam niyo po ang mga bangko ay required ng Bangko Sentral na ilagay po sa kanilang opisina kung saan makikita ng publiko yung kanilang kliyente yung tinatawag nating financial statement requirement po yan. Kasi po makikita po ninyo dun kung kumikita yung bangko kung sino yung mga opisyal nito at dun po sa mga community malalaman po natin yung mga matitino sino po yung may mga tsismis. Hindi po ibig sabihin yung mga maliit na bangko ay hindi safe ay hindi po marami po tayong maliliit na bangko na matitino at talagang maasahan at katuwang po natin ng paglago ng ating negosyo. Subalit merong mga bangkong nagkakamali nagkaroon ng maling desisyon kaya nagiging bankrupt ang operation. Pero kaya naman po nagkaroon ng deposit insurance na ngayon po ay kalahating milyong piso. Yung aking payo sa mga kababayan natin para po yung risk management kamukha pag hindi ka pa masyadong marunong magmaneho huwag kang magmaneho sa Edsa risk management dun ka muna siguro sa mga side street parang ganito rin sa pagpili ng mga bangko. Pag nag-deposit po kayo ng pera niyo huwag ilagay lahat ng pera mo never put all your eggs in one basket. Ito yung kasabihan kung yung pera niya ay mahigit kalahating milyon ilagay naman yung iba sa ibang bangko para naman covered din siya dun sa kabila. Kasi per bank po yan hanggang P500,000 so ito po yung ibang risk management na dapat gagawin ng ating mga kababayan.

KE: So Dir. tama po yung ginagawa na iba nating mga kababayan na kalat-kalat yung kanilang pera hindi lang isang bangko yung pinagtitiwalaan nila.

FDC: Tama yun at tsaka ang paglalago ng ating naipon kasi ang pag-iipon is just the beginning anong gagawin mo sa inipon mo. Yung sinasabi nga ni Marlo puwedeng ilagay sa alkansya, sa bangko at least mas safe ang pera mo at kung yun naman ay mababayaran sa iyo up to P500,000 huwag mo na sigurong palampasin. Ther e are other investments na available sa atin merong mga nag-nenegosyo na naghahanap ng capital yung tinatawag nating silent partner. Kumbaga isa ka sa mga ngabibigay ng puhunan pero iba ang nagma-manage meron namang bumibili sa stock market. So maraming pamamaraan at kung ikaw naman ay busy meron po tayong tinatawag na mga brokers sa stock market o kaya yung mga trust officers sa mga bangko matutulangan nila kayo palaguin ang inyong pera in a professional manner.

KE: Ngayon pong humihina ang economy ng US masasabi po ba na matatag pa rin po yung pagba-bangko dito sa Pilipinas?

FDC: OO, sa katunayan ang ating banking system in general is one of the strength sa ating ekonomiya ngayon. Siguro natatandaan ninyo nagkaroon ng crisis 2007, 2008 na yung napaka-higanteng mga multi-national bank and financial institution na talagang yung iba nawala. Yung iba naman ay halos lumuhod at madurog na yung kanilang institusyon at nagkaroon ng credit freeze kung tawagin. Walang maka-utang ganun din ang slowdown sa economy nila kasi yung mga big companies kagaya ng Gen. Motors humina ang benta nung nagpautang ng mga bibili ng mga kotse nila. Nagkaroon ng bankruptcy pero dito sa Pilipinas patuloy ang mga pagpapa-utang ng mga bangko patuloy na malaki ang capitalization ng mga bangko natin. Sa katunayan ang capital ng mga bangko natin  on the average ay sobra-sobra dun sa international standard.Kumbaga 8% capital yung sa buong mundo dito sa atin umaabot ng 16% so doble ng international standard on the average ng ating mga bangko. Kaya patuloy ang pagalago ng ating ekonomiya humihina pero patuloy ang paglago hindi katulad ng iba nagkakaroon ng recession. Dahil ang mga bangko natin ay patuloy na nakakasagot doon sa mga pangangailangan credit requirements nga ating ekonomiya. Alam niyo ba na 90% of the funding requirements of our economy ay nanggagaling pa rin sa mga bangko. At saan ba nanggagaling ang mga pera ng bangko sa ating mga depositors. Sana tayo po ay inter-connected yun pong pera nating itinatabi sa alkansya okey po yun pero pag nasa bangko po yun mag-e-earn ng intertest at mapapautang sa mga sector na nagpro-produce ng mga item na kailangan natin. Nag-generate po yun ng employment na siyang mag-generate ng demand para sa mga produkto. So tayo po ay inter-connected sa ating ekonomiya.

KE: Ano ang forecast ng BSP sa mga interest rates ng mga bangko in the next 3 to 4 yrs.?

FDC: Siguro natatandaan niyo nung middle 80’s kung kayo ay nag-a-aspire magpatayo ng bahay ang interest rate nun umaabot ng 36% sa bangko. Ngayon nakikita niyo naman ang daming advertisement merong 5.5% yung huli kung nakita 5% ang ibig sabihin ang mga bangko natin ay may kapasidad na magpautang ng long term sa maraming tao. Kaya mababa ang interest rate marami po silang pondong puwedeng ipautang in fact nagco-compete pa yung mga bangko. Tignan din natin minsan pinagbabawal po ng Bangko Sentral yung mga hidden charges  dapat maliwanag at ipapaliwanag sa inyo para hindi tayo maloloko. Dapat transparent at dapat maliwanag  pag nag-loan ka sa bangko pang long term para sa pabahay mo, para sa pamboili ng traktor sa mga kababayan nating nasa agricultural sector. Ikumpara natin yung mga terms na ini-offer sa atin bago tayo magdesisyon na itong bangkong to ang tutugon sa ating pangangailangan. Bago niyo ako i-goodbye ito ay pansin na pansin ng Bangko Sentral na tuwing darating ang mga panahon na kailangan natin ng additional na pera yung tuition bago magpasukan o bago magpasko. May mga attempt yung iba nating mga masasamang loob na magpasa ng mga pekeng pera o kaya magkaroon ng maraming text scam na bago ibigay sa inyo ang pera kailangang magbabayad po kayo. Yan po ang sinasabi nating pag sinabing congratulation sabihin niyo po salamat akin na ang pera ko hindi yung sasabihing may withholding tax. Puwede niyong sabihin ibawas niyo na lang sa ibibigay niyo sa akin ang pera kasi kadalasan talaga namang raket ito. Kasamaang palad yung iba nating kababayan na OFW na gusto nilang umuwi may isa tayong kababayan sa Hong Kong nagbayad ng P20,000 para di umano ay transfer fee ng isang milyong piso. After 1 week tumawag siya sa Bangko ng Sentral ng Pilipinas hindi pa raw niya natatanggap yung pera niya. Ang sabi po namin ayn ito po ay scam huwag kayong maniniwala mabuti yung iba nating mga kababayan tumatawag sa amin bago maglitaw ng pera. Nag-isyu na tayo ng paulit-ulit na advisory thru the Dept. of Labor, DFA at dito sa ating bansa sinasabi natin na paalalahanan yung mga kaibigan ninyo na hindi totoo na may raffle ang Bangko Sentral. Hindi po kami kamukha ng ibang bangko na nagpro-promote dahil ang Bangko Sentral ay bangko ng mga bangko hindi po kami nagpapa-raffle para sa mga kababayan natin.

KE: Maliwanag po, Salamat po!

FDC: Maraming Salamat sa iyo Ms.Tea, Marlo at magandang umaga!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento